Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Secret of His Wife

Secret of His Wife

Dahil sa lolo ni Alexander, naikasal siya sa isang babae na galing sa ampunan, walang maipagmamalaki, at ang tingin ng lahat sa kanya ay walang silbi, si Ariella. Sa tatlong taon nilang pagsasama, hindi kinilala ni Alexander si Ariella bilang asawa. Magkahiwalay sila ng kwarto, walang nararamdaman na kahit na ano, dahil si Alexander ay may mahal na iba, at si Ariella ay may itinatagong lihim. Paano kung isang araw ay may magpakita kay Ariella na siyang gugulo sa kanyang plano? Paano kung malaman ni Alexander at ng buo niyang pamilya ang totoo niyang pagkatao? Paano kung isang araw, magkaroon ng pagmamahal sa pagitan nilang dalawa, pero biglang bumalik ang babaeng mahal ni Alexander? Lalabanan ba nila ang lahat ng pagsubok na darating sa kanila o masisira ang kanilang kasal?
108.7K viewsOngoingAdded to Library 252 Times as wold of kung fu
Read
+Library
THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART (GORGEOUS MEN SERIES 27)

THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART (GORGEOUS MEN SERIES 27)

Nagmahal at nasaktan. Sinubukan ni Ashera na magpaliwanag sa kanyang mga magulang kung bakit sa pag-uwi nila galing sa ibang bansa ay may bata ng kasama si Ashera. Handa itong magpaliwanag ngunit itinakwil siya ng kanyang mga magulang at sa pag-asa na ipagtanggol siya ng lalaking mahal niya ay bigla nalang itong lumayo sa buhay niya. At sa pagkikita muli ng kanyang ex-boyfriend ay masasakit na salita at panunumbat ang narinig niya. Buo ang loob ni Drake na kung magkita pa muli ang landas ng dating kasintahan ay nangako ito na gawing miserable ang buhay ng dalaga dahil sa pangloloko na ginawa niya. Ngunit may natuklasan ang binata na nakapagbabago ng mga plano niya. Gaano ba siya kahina sa ngalan ng pag-ibig kung may dalawang tao siyang nasasaktan?
103.3K viewsOngoingAdded to Library 108 Times as wold of kung fu
Read
+Library
Mine ang Baklang CEO

Mine ang Baklang CEO

"Mine ang baklang CEO!" Lakas loob na sigaw ni Janina habang titig na titig siya sa mata ng lalaking isinusuka siya. Janina Marie, isang babaeng pilit iaangat ang sarili para sa dignidad na dati'y taglay ng kaniyang pamilya. Handa siyang maging pambayad utang kung kapalit noon ay ang puso ng baklang CEO. Xavier Wesley, the ruthless CEO. Walang kasal ang kayang baguhin ang puso niyang kasing tigas ng bakal, lalo na kung ang mapapangasawa niya ay isang babaeng baliw na baliw sa kan'ya. Ngunit paano kung biglang sumingit sa kasal nila ang isang Jake Admerson, kakayanin bang panoorin ni Xavier ang unti-unting pagkawala ng pag-ibig na dati'y nakalaan sa kan'ya? Tuluyan na nga bang bibitawan ni Janina ang kaniyang baklang CEO para sa isang pag-ibig na wagas?
9.878.9K viewsCompletedAdded to Library 2.8K Times as wold of kung fu
Show Reviews (25)
Read
+Library
Aish
Tatak Magic Heart talaga. Hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari dahil kilala siya sa mga twists na hindi inaasahan. Gusto ko nang maniwala sa mga rebelasyon pero knowing its author, mas gusto kong sundan ang story kasi feeling ko ay magsisisi ako kapag hindi ko ito tinapos.
Andrea
ang ganda...... para saken pwede to sa mga young adult kc hindi sya rated spg...️ very inspiring ang character ni JM at c Xavier naman napaka family oriented kaya love q talaga sila......️ Hindi boring kahit wala pang totoong bed scenes sa main characters very modest...️ Salute to you author magic heart...️...️...
Read All Reviews
Death Whisperer

Death Whisperer

Maja Rocha
MADILIM. Iyan yung unang salitang naisip niya nang magising siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya nang sandaling sinabi ng sistema niyang dapat na siyang magising -na handa na siyang gumising -mula sa malalim at matagal na pagkakahimbing. Kung ilang oras siyang natutulog, hindi niya masabi. Kung nanaginip man siya, hindi niya na maalala kung ano. Ilang segundo ring nagpyesta ang mga mata niya sa kadiliman bago siya mag-isip uli ng mga sumunod na salita. "Nasaan ako?" ang itinanong niya sa sarili, na alam naman niyang hindi niya rin masasagot. Hanggang sa may nakapagbanggit sa kanya ng kinaroroonan niya. "Hindi ito langit. Hindi rin ito impyerno," sabi ng isang lalaking walang permanenteng pangalan, na kanyang "taga-bantay." Sunod nitong ipinaliwanag na patay na siya at binigyan siya ng bagong buhay sa bagong mundong ginagalawan niya.
106.8K viewsOngoingAdded to Library 163 Times as wold of kung fu
Read
+Library
TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!

TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!

Limang taon. Ang akala ni Agatha ay makakaya ng panahon para umibig din sa kanya si Noah, pero sa paglipas ng limang taon na kasal siya dito ay hindi nagbago ang pagtingin nito sa kanya. Naghintay siya, ngunit dumating na sa puntong hindi na niya kaya, napagod na siya sa paghihintay kay Noah. Sumuko na siya lalo na at bumalik na rin ang babaeng una nitong minahal bago siya nito pinakasalan. Ngunit kung kailang handa na siyang ibigay ang kalayaan nito, kung kailan gusto na niyang makalaya sa kasal nila ay ayaw naman nitong ipawalang bisa ang kanilan kasal. At ang lagi nitong dahilan kung bakit ayaw siya nitong palayain; Isa lang siyang tagapagligtas sa paningin nito at ang kabayaran ng pagliligtas niya sa buhay nito ay ang manatili silang kasal kahit na pareho na silang nasasakal.
9.868.2K viewsOngoingAdded to Library 2.7K Times as wold of kung fu
Read
+Library
SECRET AND LIES WITH YOU

SECRET AND LIES WITH YOU

Paano kung ang dating conservative, probinsyana at mahiyain na dalaga ay naging palaban sa buhay para sa kanyang anak na may sakit sa puso. Dahil sa kahirapan ay tinanggap niya ang alok ng kanyang kaibigan na maging regalo sa stag party ni Randell Gomez. Kinuha ang serbisyo niya para paligayahin ang groom sa buong magdamag. Dahil sa kahirapan at bagong salta sa maynila ay tinanggap niya ang alok. Makalipas ang limang taon nagbalik si Quinette para mamasukan bilang personal nurse ni Don Miguel. At muling nagtagpo ang landas nila ng lalaking ama ng kanyang anak. Paano kung malaman nito na may anak sila at ama nito ang kanyang amo. Ipapakilala ba niya kay Randell ang kanilang anak para hingian ng tulong upang maoperahan sa puso ang bata. Maniniwala ba si Randell at paano kung may asawa na ito. Muli man nagtagpo ang mga landas nila Quinette at Randell. Inilihim pa rin niya ang kanyang anak at nag makaawa siya na huwag tanggalin sa trabaho dahil kailangan niya makaipon ng pampaopera. Gumawa ng kontrata ang binata kapalit ng pagpapahiram nito ng pera sa dalaga. Paano kung malaman ng binata na anak pala niya ang ooperahan sa puso at matatanggap ba niya ang bata kung bunga ito ng kanilang pagtataksil noon sa dati niyang nobya. Kaya pa ba niya magmahal muli at mapapatawad din ba siya ni Quinette sa mga pagpapahirap niya sa dalaga. Lalo na sa paglalaro sa damdamin nito, na akala niya ay isang bayarang babae.
1028.5K viewsCompletedAdded to Library 967 Times as wold of kung fu
Read
+Library
My First Love

My First Love

carmiane
Am I ready to be in love? Am I ready to sacrifice myself? Handa na ba ako sa mga mangyayare kapag sinabi ko sa kaniya na mahal ko siya? Paano kung hindi niya ako mahal? Paano kung wala naman siyang nararamdaman para sa akin ano ang gagawin ko? Deserve niya ba ako? Hindi ako para sa kaniya. Kaya titignan ko na lang siya na masaya sa ibang babae na kayang ipagtanggol at mahalin siya ng lubusan.
4.4K viewsCompletedAdded to Library 113 Times as wold of kung fu
Read
+Library
THE REBOUND BRIDE

THE REBOUND BRIDE

Pinagtaksilan ng fiance niya si Yazmin dahil hindi niya kayang ibigay ang sarili bago ang kasal. Sa isang gabing pagrerebelde ay ibinigay niya ang sarili sa isang estranghero na akala niya ay simpleng "blind date" lang. Paano kung alukin din siya nitong maging substitute bride? Tatanggapin ba niya ito bilang tagapagligtas niya sa sunod-sunod na pinagdadaanan niya gayong ito mismo ang dahilan kung bakit siya nasadlak sa sitwasyong iyon?
9.8349.2K viewsCompletedAdded to Library 10.5K Times as wold of kung fu
Read
+Library
The Billionaire’s Dangerous Desire

The Billionaire’s Dangerous Desire

“You’re mine, remember?” — Helios Devereaux Monastero ♡♡♡ Jasmine Elizabeth Valiente is a twenty-year-old woman who is currently working in a bar as a waitress. Wala na siyang ibang maaasahan pa kung hindi ay ang kaniyang sarili lalo pa at nag-aaral siya. Nasa third year college na ang dalaga, at habang malapit na siyang makapagtapos ay nagiging mahirap na ang kaniyang trabaho. One night, while she was serving their orders, someone tried to sexually assault her. Madalas namang ganito ang mangyari sa kaniya, dahil maganda siya. Maging ang hubog ng kaniyang katawan ay maganda rin. Nga lang, hindi niya gusto ang atensyon na nakukuha niya sa kung kanino. Kung hindi kasi pagnanasa, sinusubukan siyang bastusin ng mga ‘to kahit pa maayos naman ang kaniyang suot na uniform. Hindi nga lang niya inaasahan na may magliligtas sa kaniya sa lalaking nangbastos sa kaniya. He’s Helios Devereaux Monastero, a business owner and professional racer. Shocked was evident on Jasmine’s face. Sino ba ang hindi magugulat kung isang guwapo, at makisig na lalaki ang magliligtas sa kaniya sa kapahamakan? “Try to do that again, you’ll see,” mariing wika ng binata matapos nitong suntukin ang lalaking nangbastos kay Jasmine. What will happen after meeting Helios Devereaux Monastero? Mas gugulo ba ang buhay niya, o tuluyang aayon ang tadhana sa kaniya?
1029.4K viewsCompletedAdded to Library 1.0K Times as wold of kung fu
Read
+Library
STEP INTO MY HEART

STEP INTO MY HEART

Daylan
Spoiled si Lyra sa kanyang mga magulang magmula pagkabata. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya sa kahit na anong paraan. Ngunit may isa siyang gusto na kahit anong gawin niya ay hindi niya makuha-kuha. Ang mailap na puso ni Bradz Santillan. Ang binatang tinulungan ng kanyang mga magulang para makatapos ng pag-aaral. Dahil sa labis niyang pagmamahal dito ay nagawa niya itong pikutin. Nagtagumpay siyang makuha ang binata dahil pinakasalan siya ngunit inani naman niya ang galit nito. Paano niya ito tuturuang mahalin siya kung sa bawat pagsulyap sa kanya ay may halong pagkasuklam? Paano niya makukuha ang puso nito kung sa isang tawag lamang ng ex-girlfriend nito ay agad itong dumarating? Paano niya maipapanalo ang isang laban kung sa una pa lang ay alam na niyang talo siya?
102.6K viewsOngoingAdded to Library 97 Times as wold of kung fu
Read
+Library
PREV
1
...
1920212223
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status