Temporary Mrs. Saldivar
Hindi inakala ni Maria Calderon na aalukin siya ng kasal ng sarili niyang boss na si Apollo Saldivar, kapalit ng dalawampung milyong piso. Ang dahilan? Gusto nitong patunayan sa ex-girlfriend na tuluyan na siyang naka-move on, matapos siyang iwan para sa karera nito.
Kontrata lang ang kasal. Magpapanggap lang silang nagmamahalan sa harap ng ex. Pagkatapos ng isang taon, magpapaanul. Walang commitment at walang complications.
Tumanggi si Maria noong una. Pero nang mangailangan siya ng malaking halaga para sa kapatid, napilitan siyang pumayag.
"Don’t fall in love with me, Maria. Hindi kita masasalo."
'Yan ang malinaw na bilin ni Apollo sa dalaga.
"Don’t worry, Sir Apollo. I won’t. Alam ko po ang lugar ko," sagot niya.
Pero paano kung kinain niya ang sariling salita? Paano kung isang araw, magising na lang siyang nahuhulog na sa lalaking hindi dapat mahalin?