"Mahigit dalawang dekada na akong naninilbihan sa inyong pamilya,"
Tumaas ang kilay ni Luke matapos marinig ang sinabi ni Bernard. Ang ibig sabihin lamang niyon ay hindi pa siya isinisilang sa mundo, naninilbihan na si Bernard sa kanilang pamilya? "Nagsimula ako bilang tagapamahala ng isang hotel," patuloy nito. "Noong mga panahong iyon ay hindi pa naitatayo ang ENDX Corp. Naitayo lamang ito taong 2013." Dahil nga sa may kaunting kaalaman na si Luke patungkol sa ENDX Corporation, hindi na siya nagulat na sampung taong nakakalipas palang nang maitayo ang kumpanyang ENDX, higit na mas bago kumpara sa ibang kumpanya. Ang bagay na kanyang ikinamangha ay ang mabilis na pag-unlad nito at mabilis na pamamayagpag sa larangan ng negosyo sa kabila ng marami nitong kakompetensya. Ito ay dahil sa pagmamay-ari pala nila ang kumpanya at malamang dahil na rin sa impluwensya ng kanyang lolo ay mabilis itong lumago. Napansin ni Luke ang bahagyang pagngiti ni Bernard habang naiiling-iling na para bang may naalala ito. Agad namang nawala iyon nang mapansin nitong nakatingin si Luke rito. "I-I'm sorry, Mr. Cruise. Natutuwa lang ako dahil sa napakatalino ng 'yong lolo sa pagpili ng pangalan para sa'yong kumpanya. Kahit ako ay nagulat nang malaman ko mula mismo sa kanya kung saan niya nakuha ang ideyang ENDX." Kumunot ang noo ni Luke. Pinagsalikop niya ang kanyang mga palad sa ilalim ng kanyang baba. "Talaga? Paano mo naman nasabi?" interesado niyang tanong habang sinusubukang isipin kung saan maaaring nagmula ang pangalang ENDX. "Naikwento sa'kin ni Lord Duncan na noong tatlong taong gulang ka pa lang ay gustong-gusto mong magkaroon ng alagang aso. Nang umuwi ang Papa mo galing Germany, he brought a three months old great dane puppy para iregalo sa'yo and you named him Ceasar." Napakunot ang noo ni Luke nang ikwento ni Bernard ang tungkol kay Caesar. Sinundan iyon ng pagngiti nang maalala niya ang alaga niyang aso noon. Dahil sa isa siya sa nakatakdang tagapagmana ng pamilya Cruise, tanging sa kanilang Manor lang siya nag-aaral noon. Ang manirahan sa Manor na kasama lang ang kanyang lolo't lola, butler at mga katulong ay sobrang nakakabagot. Hindi niya ma-enjoy ang kanyang sarili na sila lang ang kalaro. Pero nang dumating si Ceasar sa buhay niya ay halos araw-araw maingay ang kanilang Manor na minsan pa nga ay nakakabasag sila ng mamahaling pasong naka display dahil sa kanilang paghahabulan. Pero imbis na magalit ang kanyang lola ay balewala lang iyon. Ang importante para rito ay ang kasiyahan ni Luke. Noong sampung taong gulang na si Luke ay namatay si Caesar sa edad na pitong taong gulang. Noong panahong iyon, labis na dalamhati ang naramdaman ni Luke. Parang naging kapatid na niya si Caesar, hindi lamang isang alagang aso. Sinubukan siyang alukin ng kanyang lolo ng panibagong alaga pero ayaw niya iyong tanggapin. Gusto niya lang ibalik ang masasayang araw na kung saan ay tuta pa lang si Caesar upang makapaglaro muli silang dalawa. "Pero anong kinalaman ni Caesar sa pangalan ng kumpanya?" tanong niya. Makahulugang ngumiti si Bernard. Kumuha ito ng papel at ballpen pagkatapos ay nagsulat ito ng english alphabet mula titik a hanggang z. Nagtatakang pinagmasdan lamang ito ni Luke. "I'll explain it clearly, Mr. Cruise." Pero bago pa man ito magsimulang magpaliwanag ay napasampal sa noo si Luke. "Ah! Oo, nakuha ko na!" bulalas niya. Bakit nga ba hindi niya naisip ang tungkol doon? Hindi niya mapigilang mamangha sa naging ideya ng kanyang lolo. Gumamit ang kanyang lolo ng Caesar cipher at ginamit nito ang kanyang pangalan para makapag-encrypt ng salita. Dahil namatay si Caesar sa edad na pitong taong gulang, at ninais niyang maibalik ang kanilang nakaraan, ginamit ng kanyang lolo ang shift 7 code pabalik. Kung saan ang letrang L ay napalitan ng letrang E, ang letrang U ng letrang N, K ng D at E ng X. Sa taon ding mismo kung kailan namatay si Caesar ay doon din nagsimulang itayo ang ENDX Corporation. Dahil din sa mahilig sa sasakyan si Luke simula noong bata pa siya ay Automotive Company ang itinayong negosyo ni Duncan para sa kanya. Ubod ang ngiting napasandal sa kanyang kinauupuan si Luke na sinundan ng mahinang pagtawa. Malinaw sa kanyang hindi lang basta kumpanya ang ENDX Corporation kung hindi ay bahagi ng kanyang buhay. Ang intensyon ng kanyang lolo sa ideyang iyon ay para bigyan ng buhay ang namayapa niyang alagang aso, na para bang tinupad nito ang kahilingan niyang sana ay maibalik ang mga panahong nabubuhay pa si Caesar. 'Talagang sinurpresa mo ako, 'lo. Maraming salamat.' wika niya sa kanyang isip. "'Yon ang rason kung bakit sa'yo talaga itong kumpanyang ito at rason kung bakit nakatakda ka nang maging Presidente ng ENDX Corporation, Mr. Cruise. And since you are now the President of the company, ako naman ay bababa na bilang Vice President." paliwanag ni Bernard. "Anong mangyayari sa kasalukuyang Vice President?" tanong niya. "As for Ms. Reyes, naka-assign na siya ngayon sa ibang kumpanya." magalang at nakangiting tugon ni Bernard. Nagpatuloy ito. "Sa ngayon ay ako pa rin muna ang mamamahala ng ENDX Corporation habang nag-i-ensayo ka pa rito. You don't have to worry about anything else aside sa'yong training. Kung may problema man dito, please just call me and I will handle it immediately." Tama, ang kailangan lang muna ngayong pagtuunan ng atensyon ni Luke ay kung paano niya papamahalaan ang kanyang kumpanya. Parang biro man ang nangyaring pagiging presidente niya bigla ng isang multi-billion-dollar na kumpanya, hindi naman biro ang gagampanan niyang tungkulin. Hindi niya gugustuhing bumagsak ang buong kumpanya at biguin ang kanyang lolo. Tumayo si Bernard at lumabas saglit, pagkatapos ay muli itong pumasok kasunod si Pauline. Ilang minutong sermon ang natanggap ni Pauline dahil sa nangyari kanina. Para silang magtatay kung pagmamasdan. Pagkatapos ipakilala ni Bernard si Pauline kay Luke ay ipaliwanag ni Bernard sa kanya na ito muna ang tutulong sa kanya sa kanyang pag-i-ensayo. Nagpaalam na rin si Bernard na babalik na ito sa main branch dahil may mga importante pa itong aasikasuhin doon. "Ayos ka lang ba Ms. Lee?" tanong ni Luke. Pagkatapos umalis ni Bernard ay nanatiling tahimik lang si Pauline na para bang ikamamatay nito oras na magsalita ito. Ni hindi nga ito nag-abalang tumingin sa kanya. "Y-yes, Mr. Cruise. I-I'm really sorry about what happened earlier. I'll promise it will never, ever, happen again." nauutal at nahihiyang tugon ni Pauline. Hindi mapakali si Pauline kanina sa labas ng opisina. Paroon at parito ang lakad nito sa hallway, habang iniisip kung paano hihingi ng tawad kay Luke. Kung nakakatakot na si Bernard para sa kanya, dapat lang ay mas matakot pa siya kay Luke. Kahit na wala siyang ideya kung ano nga ba talaga ang eksaktong pagkakakilanlan ni Luke, dahil sa nagawa ni Bernard na yumuko sa harapan nito at tawagin itong young master, marahil ay isa itong tagapagmana ng napakamakapangyarihang pamilya na kahit na mismo si Bernard na siyang tinitingala na ng marami ay lubos na igininagalang ito. "Ayos lang, 'wag mo nang isipin pa ang tungkol doon." kaswal na sambit ni Luke. 'Eh?' Ilang beses na napakurap ang mata ni Pauline habang nakatitig kay Luke. 'Hindi siya galit sakin?' tanong nito sa isip. "Bakit, may problema ba Ms. Lee?" tanong ni Luke nang mapansing nakatingin lamang sa kanya si Pauline. Mabilis na umiling-iling si Pauline. "N-no, Mr. Cruise. I'm just surprised and happy that you're not mad at me. Thank you." sambit nito pagkatapos ay nagpakawala ng malalim na buntong hininga na para bang nabunutan ito ng tinik sa dibdib. "Nauunawaan ko ang sitwasyon mo at alam ko namang hindi mo ginusto ang nangyari kanina." wika ni Luke. Alam niya ring naging overprotective lang si Bernard kanina kaya ganoon nalang ang naging reaksyon nito sa nangyari. Wala talagang kasalanan si Pauline. "Thank you again, Mr. Cruise." muling pasasalamat ni Pauline. Hindi nito lubos maisip na ang bago nilang presidente ay napakabait at napakamapagkumbaba pala. Bahagya lamang na tumango si Luke. "Maaari na ba tayong magpatuloy sa pag-iensayo ko?" tanong niya. Napapaisip siya sa kung paanong paraan siya tuturuan ni Pauline sa pamamahala ng kumpanya. Napakabata pa nito para sa posisyong executive manager. Sa tantiya niya ay mas matanda lang sa kanya ito ng lima o anim na taon. Hindi sa kini-question niya ang kakayahan nito, sa katunayan ay humahanga siya rito dahil nagagampanan na nito ang ganitong klaseng tungkulin. Karaniwan, ang mga executive manager ng isang kumpanya ay nasa tatlumpung taong gulang na pataas. "I think, kailangan muna natin magpatawag ng meeting para sa lahat ng company staff members. Since some of the employees don't know you yet, I guess it is the most important thing to do right now, right?" suhestiyong wika ni Pauline. Ayaw na nitong masermonan pa ni Bernard kapag nagkataong harangin na naman si Luke sa labas dahil sa hindi nila ito kilala at mapagkamalan na naman itong pulubi. Maalala lang ni Pauline ang galit na mukha ni Bernard ay tumatayo na ang kanyang balahibo sa batok. Saglit na nag-isip si Luke. Kapag nalaman ng kanyang mga empleyado ang tunay niyang pagkakakilanlan, malamang sa malamang ay makakarating din ito sa labas. Bagay na ayaw niyang mangyari. Kaya siya nag-extend sa kanyang poverty training ay upang mapatagal niya pa ang kanyang pagpapanggap na mahirap. Ito ay para din mahanap niya ang babaeng nararapat para sa kanya. Ang babaeng mamahalin siya at tatanggapin siya sa kung anong pagkatao niya, hindi dahil sa kanyang yaman. Oras na malaman nilang siya ang nagmamay-ari ng ENDX Corporation, siguradong maraming babaeng sakim sa yaman ang magkandarapa sa kanya. Biglang pumasok sa kanyang isip si Veronica. Ano kaya kung sabihin niya rito na isa talaga siyang mayaman? Babalik ba ito sa kanya? Hihiwalayan din ba nito si Richard para sa kanya? Umiling-iling si Luke. Hindi niya gugustuhing magkabalikan pa sila dahil lang sa nalaman nitong isa na siyang mayaman ngayon. Tinalikuran siya ni Veronica nang dahil lang sa pera. Mabuti nalang ay nakipaghiwalay na ito sa kanya bago niya pa man ibunyag ang tunay niyang pagkakakilanlan dito. "Sa tingin ko ay hindi na kailangan. Ipaalam mo lamang sa kanila na may bago nang Presidente ang ENDX Corp." Napakunot ang noo ni Pauline. Hindi nito lubos maunawaan ang ibig-sabihin ni Luke. "What do you mean, Mr. Cruise? Do you intend to keep your real identity hidden from everyone?" tanong nito, gumuhit sa mukha nito ang pag-aalala. Napansin iyon ni Luke. "Huwag kang mag-alala, sasabihin ko nalang kay Bernard ang tungkol dito at wala kang kinalaman sa desisyon ko. Alam kong mauuunawaan niya naman." sambit niya habang bahagyang nakangiti. "O-okay, Mr. Cruise." Hindi man maintindihan ni Pauline kung bakit gusto ni Luke na itago ang kanyang pagkakakilanlan, ay hindi na ito nag-abala pang mag-usisa. Baka isa lang talagang low-key type si Luke. Kung ibang tao ang nasa kanyang posisyon ay marahil ipinangalandakan na nila na sila ang presidente ng sikat na ENDX Corporation. 'He is really a humble guy!' naisip ni Pauline, tila kinikilig pa ito sa sarili. Wala pang isang oras simula nang magkakilala sila ay nagsimula na itong magkagusto kay Luke. 'May girlfriend na kaya siya?'Umihip ang malamig na hangin at tangay niyon ang pinaghalong amoy ng tuyong dahon at pabango ni Kina. Nilingon niya si Kina na nakatitig lang sa kanya, tila pinag-aaralan ang kanyang mukha. "Silence means yes," sambit ni Kina pagkalipas ng ilang saglit na pananahimik ni Luke. Nabasa na nito sa mata ni Luke ang kasagutan sa kanyang tanong. "That night after you saved me from the members of the Blazing Phoenix Gang, nakita ko kung gaano ka kakampante na kaya mo silang talunin sa kabila ng kapangyarihang meron sila sa underground society. Gusto kitang pigilan nang oras na iyon dahil ayokong may mangyaring masama sa lalaking nagligtas sa'kin noong gabing iyon." Ngumiti ito, muling pinagmasdan ang napakakalmadong lawa. "Pero may parte sa isip ko noong nagsasabing magtiwala lang ako sa'yo." Saglit na huminto ito at nagpakawala ng mababaw na buntong-hininga. "Ang mas ikinabigla ko pa ay nang makita ko kayong malapit ni Mr. Malcov sa isa't-isa. Batid kong pagpapanggap lang ang mga sinabi niya
Dali-daling pinulot ni Luke ang chess board at ipinatong iyon sa mini table. Nagtaka si Bernard sa inasta ni Luke."Pakilagay nalang niyan dito at pakiayos na rin." pautos na sambit ni Luke kay Bernard na nauna nang pulutin ang mga piyesa.Mas lalong nagulumihanan si Bernard. 'Does Mr. Cruise wants to play chess right now?'Inayos ni Luke at Bernard ang pagkakalagay ng bawat piyesa ayon sa tamang parisukat na lagayan nito sa chess board. Nasa tapat niya ang itim at nasa tapat naman ni Bernard ang puti."T-Titira na ba ako Mr. Cruise?" nakakunot ang noong tanong ni Bernard."Hindi." tugon lang ni Luke pagkatapos ay may bahagyang ngiti sa labing pinagmasdan ang chess board. Partikular niyang pinagmasdan ang walong pawns na nakahilera sa kabilang dako ng board. 'Ang walong puting kalbo...' sambit niya sa isip. Pinagsalikop niya ang kanyang palad sa ilalim ng kanyang baba at ginamit iyon upang panukod sa kanyang ulo.Naunawaan na rin ni Luke sa wakas na ang kahulugan ng walong puting kalb
Tila bumagal ang takbo ng oras para kay Lance nang puntong matanggap niya ang sipa ni Luke. Unti-unti siyang umangat at tumilapon papalayo sa kinatatayuan ni Luke. Blangko ang kanyang isip habang nakatingin sa madilim na kalangitan na pinupuno ng bituin.Napaka-aliwalas ng kalangitan, hindi kakikitaan ng anumang ulap. Kasing linaw niyon ang isiping totoong higit na mas malakas si Luke kaysa sa kanya. Sa kabila ng natamong kalakasan mula sa drogang itinurok lang sa kanyang katawan ay kulang pa iyon upang mapantayan niya ang husay na mayroon si Luke. Makailang ulit din niyang binigkas sa kanyang isip ang katagang 'I'm still weak' bago siya tuluyang bumagsak nang pitong metrong layo mula kay Luke.Isang kamay ang sumalo kay Lance. "P-P'One," naisambit lang nito nang makita kung kaninong kamay iyon. Ang lalaki iyong kasama nito."Magpahinga ka muna, ako nang bahala sa lalaking 'to." sambit nito sa kampanteng tono habang ubod ang ngiting pinagmamasdan si Luke.Napahawak sa dibdib si Lance
Mabilis na binawi ni Lance ang kanyang paa mula sa pagkahawak ni Luke. Sinundan agad nito iyon ng isa pang sipa at suntok gamit ang kanang kamay.Inilagan ni Luke ang sipa ni Lance at kinontra-atake niya ang suntok nito ng left hook. Dahil sa bilis niyon ay hindi iyon nagawang dipensahan ni Lance o hindi man lang nito nagawang umilag. Tinamaan ito ni Luke sa baba nito kaya napayuko ito sa kanan nito. Pero hindi man lang nito ininda iyon.Sinubukang bawiin ni Lance ang postura nito pero hindi iyon hinayaan ni Luke. Mabilis siyang gumamit ng back kick at tinamaan niyon ang gitnang tadyang ni Lance kaya napaatras ito. Kahit na nasa masamang postura ay hindi natumba si Lance na nagawang maitukod ang kaliwang paa sa likuran. Galit na nag-angat kaagad ito ng tingin. Pero namilog ang mata nito nang makitang wala na sa unahan nito si Luke.'Side-jump technique huh?' gumuhit ang ngisi sa labi ni Lance. Napaghandaan na niya ang pamamaraan na ito ni Luke. Alam niya kung saan susulpot si Luke ka
"Hindi ko gustong labanan ka, Lance. Kung galit ka sa'kin dahil sa pangingialam ko sa relasyon niyo ni Kina, hahayaan lang kitang magalit sa'kin. 'Wag kang aasang hihingi ako ng paumanhin dahil sa naging desisyon ko." seryosong wika ni Luke. Kahit na ramdam niyang nag-uumapaw ang enerhiya ni Lance sa kagustuhan nitong kalabanin siya ay alam niyang kayang-kaya niya itong talunin.Sa unang pagkakataon ay natawa si Lance. "Sino bang may sabing kailangan ko ng paghingi mo ng paumanhin? 'Wag mo sabihing naduduwag ka lang na kalabanin ako?" panunudyo nito. "Nakikita mo na ba ang diperensya ng husay nating dalawa? Nakikita mo bang mas mahusay ako kaysa sa'yo?"Nailing-iling si Luke. Batid niyang sinabi lang iyon ni Lance upang patulan niya ito. O baka sadyang unti-unti na itong nawawala sa katinuan. "Umuwi ka nalang sa inyo. Mas makabubuti sa'yo kung magpapakita ka na sa'yong ama."Sa oras na ito ay marahil alalang-alala na si Theodore. Ipinangako niya ritong hindi niya sasaktan si Lance sak
Nakita ni Luke ang seryoso habang nakapamulsang si Lance, marahang naglalakad papalapit sa kanya. Napansin niyang may nagbago sa pangangatawan nito kumpara noong huli niyang kita rito. Parang mas naging matipuno ang pangangatawan nito.Tulad ng naging hula ni Theodore ay makikipagkita nga ito sa kanya, gayon din ang kanyang inaasahan. Malamang ay kokomprontahin siya nito tungkol sa nakansela nitong kasal."Anong nangyari sa'yo? Nag-aalala na nang husto si Theodore sa kalagayan mo." wika niya.Kahit papaano ay hindi maiwasan ni Luke na isiping siya ang dahilan kung bakit ito umalis sa bahay nito. Kung may masamang mangyari kay Lance dahil sa sama ng loob nito sa kanya ay parang kasalanan niya na rin."Mahirap bang sagutin ang tanong ko upang sagutin din ng tanong?" seryosong sambit ni Lance.Napakunot ang noo ni Luke dahil sa sinabi nito at tono ng pananalita nito. Hindi agad siya umimik sa halip ay nagtatakang pinagmasdan niya ang kakaibang katauhan nito. Hindi lang pisikal na kaanyua