Sa loob ng opisina ni Lewis, tahimik na nakatayo si Cali sa harapan ng kanyang desk. Ilang beses niyang sinubukang lunukin ang galit na bumibigat sa kanyang dibdib, pero hindi niya kayang pigilan ang poot na unti-unting pumupuno sa kanya.
Hindi niya akalain na basta-basta na lang ipapahayag ni Lewis sa harap ng lahat na buntis siya kahit hindi naman totoo. Hindi rin siya sinabihan na ito ay bahagi ng kasunduan nila. Pakiramdam niya ay nawalan na naman siya ng kontrol sa sarili niyang buhay. Napakapit siya sa gilid ng mesa, pinipilit pakalmahin ang sarili. “Bakit mo sinabi ‘yon?” tanong niya, pilit na iniingatan ang boses para hindi sumabog. Walang alinlangan siyang tiningnan ni Lewis, ang malamlam nitong mata ay puno ng kasiguraduhan, para bang wala itong nakikitang mali sa ginawa nito. “Because it’s the only way to make them believe.” Napanganga siya. “Believe what? That I’m pregnant?” “I told you, Cali.” Tumayo si Lewis mula sa kanyang upuan at lumapit sa kanya, pinagmamasdan siya na parang binabasa ang isip niya. “You need protection? Then my mother wants an heir. She’s been pressuring me for years. This was the fastest way to shut her up.” Napaatras siya, hindi makapaniwala sa naririnig. “So, anong plano mo? Magpapanggap akong buntis habang buhay?” “No.” Ngumiti ito, pero may bahid ng panunubok sa kanyang mukha. “You’ll have to get pregnant for real.” Parang biglang nanikip ang dibdib niya sa narinig. “Ano?” Tuloy-tuloy lang si Lewis, walang bahid ng emosyon sa kanyang tinig. “You need to bear my child, Cali. It’s part of the deal.” Nanlamig ang kamay niya. Hindi niya alam kung paano magrereact. Hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni Lewis na mag-isip pa nang matagal. Tumawag ito sa kanyang tauhan at inutusan itong kunin ang isang dokumento. Ilang sandali lang, iniabot nito sa kanya ang isang makapal na kontrata. “This is our agreement,” paliwanag ni Lewis habang inilalahad ang dokumentong punô ng detalyado at maingat na nakasulat na mga kondisyon. “You’ll give me an heir. After five years, you’ll have a choice—stay married to me or file for divorce. If you choose to leave, you can name your price—just tell me how much you want.” Napatingin siya sa dokumento, halos hindi makapaniwala sa binabasa niya. It was all there—every condition, every rule, every consequence of their deal. Kailangan nilang makabuo ng tagapagmana sa lalong madaling panahon. At pagkatapos ng limang taon… Desisyon niya kung mananatili siya o aalis. Napakagat siya sa labi, nanginginig ang kamay habang hawak ang papel. This was insane. Pero bago pa siya makasagot, biglang bumukas ang pinto nang may malakas na pagkalampag. "Where is she?!" Halos napatalon si Cali sa lakas ng sigaw na iyon. Bago pa niya makita kung sino ang dumating, naramdaman na niya ang takot na gumapang sa kanyang laman. Mula sa pintuan, galit na pumasok si Devin. Ang dating maingat at maayos nitong hitsura ay wala na ngayon—gulo ang buhok nito, mahigpit ang pagkuyom ng kamao, at ang mga mata nito ay nagliliyab sa galit. “Devin?” halos bulong niya, pero hindi nakatakas sa pandinig ni Lewis ang takot sa kanyang boses. Mabilis na lumapit si Devin kay Cali, pilit siyang hinahatak palapit. “Come with me.” Bago pa siya makagalaw, isang malakas na kamay ang pumigil sa kanya. “Let her go,” malamig ngunit puno ng awtoridad na utos ni Lewis. Napatigil si Devin at nilingon ito. “Ikaw?! Ikaw ang sumira sa amin!” Lewis smirked. “Sira na ang relasyon niyo bago mo pa siya tinulak sa impyerno.” Nagpanting ang tainga ni Devin sa sinabi nito. “You stole my wife!” “She’s not your wife anymore,” matigas na sagot ni Lewis, hindi natitinag. Napapikit si Cali, nanginginig ang buong katawan sa tensyon na bumalot sa silid. “Cali!” bulyaw ni Devin, pilit siyang hinihila palapit. “You’re coming with me! Now!” Pero bago pa siya mahila nito, isang malakas pwersa ang pumulupot sa kaniyang bewang. “She’s not yours to take. She's my fiance now,” madiin na sabi ni Lewis. Nagkatinginan sila ni Cali, at sa unang pagkakataon, naisip niyang wala na ngang makakatulong pa sa kaniya kundi si Lewis. Kahit hindi rin siya sigurado sa kahahantungan ng buhay niya dito. Galit na napailing naman si Devin. “Cali… Mahal kita. Hindi na kita sasaktan, I swear. Just come home with me.” Nag-aalangan siyang tumingin kay Devin. Ilang beses niya nang narinig ang mga pangakong iyon noon. Ilang beses na siyang naniwala—at sa bawat pagkakataon, mas lumala lang ang sitwasyon. Mabilis na bumalik sa kanyang isip ang mga alaala ng kirot, ng mga pasa sa kanyang katawan, ng takot na bumalot sa kanya tuwing uuwi ito nang lasing, o tuwing hindi niya magustuhan ang galaw niya. Pero kahit sa harap ng lahat ng sakit, kahit sa harap ng lalaking matagal niyang minahal, may bahagi pa rin sa kanya ang natutuksong bumigay. Hanggang sa marinig niya ang malamig na tinig sa kanyang tagiliran. “Think about the deal, Cali.” Dahan-dahan siyang lumingon kay Lewis. Hindi ito nakatingin sa kanya, pero ang kamay nito ay nakapatong sa mesa—malapit sa kontrata. The deal. The benefits. The freedom. Sa isang saglit, bumalik ang rason niya. Hindi siya makakabalik sa impyerno. Hindi na niya muling hahayaang hawakan ni Devin ang buhay niya. Bago pa siya makapag-isip nang dalawang beses, dinampot niya ang kontrata at ang prenup agreement—at sa harap ni Devin, matapang niya itong nilagdaan. Ang tunog ng kanyang panulat sa papel ay parang martilyong bumagsak sa katahimikan ng silid. Devin froze. Tila hindi makapaniwala sa kanyang ginawa. “Cali…” bulong nito, nanginginig ang kamay na pilit inaabot ang papel. Ngunit hindi siya natinag. Tinapunan niya ito ng isang tingin—isang titig na puno ng determinasyon at panibagong tapang. “Tapusin na natin ‘to, Devin,” mahinahong sabi niya. “This is my decision.” Biglang sumiklab ang galit sa mukha ni Devin, at bago pa siya makagalaw, mabilis na humarang si Lewis. “Enough,” malamig na sabi nito, ang tingin kay Devin ay puno ng banta. “Get out.” Nanatili si Devin sa kinatatayuan, nanginginig ang buong katawan sa galit at pagkadismaya. Ngunit sa huli, wala itong nagawa kundi umalis. Nang sa wakas ay tuluyang sumara ang pinto sa likod ni Devin, saka pa lang bumalik ang kanyang hininga. Tahimik na tinapik ni Lewis ang dokumento sa mesa at inabot ito sa kanya. “Congratulations,” anito, isang bahagyang ngiti ang nasa labi. “You’re officially mine now.” At doon lang naunawaan ni Cali—wala na siyang babalikan. At wala na rin siyang kawala.Habang inaabot ni Cali ang isang librong may hardbound na cover, napatingin siya kay Rea na panay ang sulyap sa kanya.“Rea,” mahina niyang tawag. “Bakit bigla kang nagyayang lumabas?”Napatingin si Rea, tila hindi inaasahan ang tanong. Saglit itong natahimik bago sumagot.“Si Mom,” anito, sabay iwas ng tingin at kunwaring abala sa pag-aayos ng buhok. “She asked me to. Sabi niya... baka daw kasi hirap ka ngayon. Kasi... you know,”Bahagyang huminga ito nang malalim. “Kasi nalaglag ‘yung baby.”Parang biglang huminto ang mundo ni Cali. Mariin siyang lumunok.Nag-freeze ang mga daliri niya sa gilid ng librong hawak. Nanuyo ang lalamunan niya, at naramdaman niyang may bigat sa dibdib na hindi niya alam kung saan ilalagay.Hindi naman totoo iyon.Hindi siya buntis. Hindi siya nawalan ng bata.Pero isang bahagi ng isip niya, alam niyang iyon ang naging kasunduan nila ni Lewis—na ito ang “istoryang” sasabihin kung sakaling may magtanong. Para hindi na siya kailangang paulit-ulit magpaliwana
Pagkatapos ng gabing puno ng katahimikan at damdaming hindi kailangang isigaw, bumalik na sila sa mansion. Tahimik pa rin ang biyahe, pero hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na awkward, hindi rin nakakailang. Tahimik—pero komportable. Parang parehong hindi na kailangang magsalita para maintindihan.Pagbaba nila sa sasakyan, agad silang sinalubong nina Manang Letty at Linda. Parehong may bitbit na sweater at maiinit na tsaa, tila alam na ginabi sila sa labas.“Ay, salamat at nakauwi na kayo, sir, ma’am,” bungad ni Manang Letty. “Ginabi po kayo, malamig pa naman sa labas.”“Gusto n’yo po ba ng sabaw o mainit na tsokolate?” alok naman ni Linda, sabay abot ng malambot na tuwalya kay Cali.Ngumiti si Cali at mahinang tumango. “Thank you po, Manang. Okay lang po ako.”Napatingin siya kay Lewis na kasalukuyang nag-aayos ng coat at cellphone. Mabilis na may tinype ito, bago lumingon sa kanya.“I need to go,” aniya, diretso sa punto. “Biglaang meeting sa hotel. Emergency. Hindi ko na 'to mapap
Tahimik silang nakaupo sa gilid ng bangin, habang sa ibaba’y kumikislap ang mga ilaw ng siyudad na parang mga bituin na naglaglagan mula sa langit. Ang hangin ay malamig, may halimuyak ng damong bagong dampi ng hamog. Sa paligid nila, sumasayaw ang mga alitaptap sa hangin, nagsisilbing mga munting ilaw sa gitna ng dilim.“Ang ganda rito,” bulong ni Cali nang makalabas na ng sasakyan, yakap ang sarili habang pinagmamasdan ang tanawin. Ang lamig ay gumagapang sa balat niya, pero ang ganda ng paligid ay sapat para pansamantalang limutin iyon.Walang sinabing salita si Lewis. Lumabas siya sa sasakyan at marahang isinukob ang kanyang jacket sa mga balikat ni Cali. Mainit pa iyon mula sa katawan niya. Dahan-dahang umupo siyang muli sa tabi nito, mas malapit na ngayon.“Mas maganda kung hindi ka giniginaw,” aniya sa mababang tinig.Napangiti si Cali. “Thanks.”Tahimik muli. Ang mga salita ay tila hindi kailangang sabihin agad. Pareho nilang pinagmamasdan ang liwanag sa ibaba—isang tanawing p
Tahimik na nakatingin si Cali sa labas ng bintana habang patuloy sa pag-iisip. Malamig ang simoy ng hangin mula sa aircon, pero parang may ibang lamig na bumabalot sa kanya—isang uri ng panlalamig na nanggagaling sa loob, sa puso niyang hindi alam kung paano tatanggapin ang lahat ng nangyayari.Mula sa kabilang bahagi ng penthouse, marahang bumukas ang pinto ng guest room. Napalingon siya at nakita niyang lumabas si Lewis, nakasuot lang ng itim na pajama pants at isang maluwag na puting shirt. Magulo ang buhok nito, halatang kagigising lang o hindi rin talaga nakatulog.Nagtagpo ang mga mata nila. Isang segundo. Dalawa. Tatlo.Walang nagsalita.Si Lewis ang unang bumasag ng katahimikan. “Bakit gising ka pa?”Bumuntong-hininga si Cali at ibinalik ang tingin sa labas. “Hindi ako makatulog.”Hindi siya tinanong kung bakit. Sa halip, lumapit ito sa kanya at tumayo sa tabi niya, nakasandal ang isang kamay sa gilid ng bintana. “Gusto mong lumabas?” tanong nito, ang boses ay mababa at bahagy
Nanatili silang nakatitig sa isa’t isa, parehong hindi gumagalaw. Ang oras ay tila bumagal, at ang pagitan nila ay halos mabura. Dahan-dahang bumaba ang kamay ni Lewis mula sa baba ni Cali, dumaan sa kanyang leeg, at huminto sa kanyang balikat—hindi mabigat, hindi rin magaan, pero sapat para maramdaman niya ang init ng palad nito. "Tell me to stop," bulong ni Lewis, bahagyang yumuko palapit. Napalunok si Cali. Alam niyang dapat siyang magsalita. Dapat niyang sabihin dito na hindi ito tama. Dapat niyang itulak ito palayo bago tuluyang bumigay ang mga depensa niya. Pero hindi niya magawa. Dahil sa halip na lumayo, naramdaman niyang tumitibok ang puso niya nang mas mabilis. Parang may kung anong humahatak sa kanya palapit kay Lewis, isang pwersang hindi niya maintindihan pero hindi rin niya kayang pigilan. Hinintay ni Lewis ang sagot niya. Nang walang narinig mula sa kanya, unti-unti itong lumapit, ang hininga nito ay dumampi sa pisngi niya. "Cali…" May bahagyang pag-aalin
Pagpasok nila sa loob ng gusali, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng aircon at ang modernong disenyo ng lobby—mga glass panel na nagpakita ng panoramic view ng lungsod, malalaking abstract na painting sa dingding, at isang minimalist na chandelier na nagbibigay ng malambot na liwanag sa paligid. Tahimik na naglakad si Lewis papunta sa elevator, hindi na kailangang magpaalam sa reception dahil mukhang kilala na siya rito.Sumunod si Cali, hindi mapigilang mapatingin sa paligid. “Dito ka ba nag stay nung umalis ka sa mansion?” tanong niya, bahagyang naiilang sa marangyang ambiance ng lugar.Napangisi si Lewis. “Yeah. Surprised?”“Medyo,” amin niya. “Parang hindi ka bagay sa ganitong lugar.”Nagtaas ito ng kilay, halatang naaliw sa sinabi niya. “Bakit naman?”“Hindi ko lang maisip na ikaw ang tipo ng taong mahilig sa high-rise buildings. Mas mukhang bagay sa’yo ang isang bahay na may malaking garahe at private pool,” sagot niya nang hindi nag-iisip.Napangisi si Lewis. “So you’