Ang bigat ng hangin sa paligid ni Cali ay lalong bumigat nang mapansin niya ang mga panaka-nakang sulyap ng mga bisita. Kahit pa may musika at tawanan sa paligid, ramdam niyang siya ang sentro ng usapan ng ilan. Ang ilang pares ng mata ay may halong pagtataka, ang iba ay may bahagyang pag-aalinlangan, habang ang iba naman ay tila pinipilit ikubli ang kanilang pagkakausisa.
Alam niyang nakita nila si Devin na kinakaladkad ng mga tauhan ni Lewis. Malamang ay nagtatanong ang lahat kung anong ginawa nito sa isang pagtitipon ng pamilya Alcaraz—lalo na’t umalis ito na parang isang kriminal. Mabuti na lang at hindi sila nagkita sa mismong party hall. Kung hindi, tiyak na mas magiging usap-usapan ang nangyari, at mas magiging mahirap para sa kanya ang bumalik dito nang hindi nakukubkob ng mga mapanuring tingin. Ramdam niya ang bahagyang pagdikit ng palad ni Lewis sa kanyang likuran, isang tahimik ngunit matatag na pagpaparamdam ng suporta. Ngunit sa kabila nito, hindi niya mapigilan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi siya sanay sa ganitong uri ng atensyon—lalo na ang pagpasok sa isang mundo na hindi niya alam kung tatanggapin siya o tatanggihan. Sa bawat hakbang papunta sa mas tahimik na bahagi ng venue, pakiramdam ni Cali ay parang isang estrangherong inilalakad sa isang hindi pamilyar na teritoryo. Ang engrandeng dekorasyon, ang mga taong bihis na bihis, at ang pino nilang kilos ay lalong nagpapaalala sa kanya na hindi siya kabilang dito. Hanggang sa marinig niya ang isang boses na puno ng sigla. “I finally get to meet you!” Napakurap si Cali nang makita ang isang babaeng may maliwanag na ngiti sa labi. Si Rea, ang bunsong kapatid ni Lewis. Bago pa man siya makasagot, mabilis siyang niyakap ng dalaga. Nanginig ang kanyang mga daliri sa gulat, at bahagya siyang nanigas. Hindi niya inaasahan ang ganitong kainit na pagtanggap. “I like you already,” masayang sabi ni Rea habang mahigpit pa ring nakayakap. “Matagal na akong gustong magkaroon ng ate.” Nagpilit siyang ngumiti, kahit hindi niya alam kung paano tutugon. Hindi siya sanay sa ganitong klase ng kasabikan mula sa isang taong ngayon lang niya nakilala. “It’s nice to meet you too, Rea.” Nang bumitaw ang dalaga, saka niya napansin ang isang pigura sa gilid—si Luis, ang panganay na kapatid ni Lewis. Ibang-iba ito kay Rea. Kung ang dalaga ay maliwanag at masigla, si Luis naman ay kalmado ngunit malamig. Hindi ito mukhang bastos o galit, ngunit halatang may distansya. Para bang pinag-aaralan siya, sinusuri kung karapat-dapat ba siyang nasa tabi ng kapatid nito. “Luis,” pakilala ni Lewis. Bahagyang tumango si Luis sa kanya ngunit hindi siya kinausap. Imbes, bumaling ito kay Lewis at walang paligoy-ligoy na tinanong, “Are you sure about this?” Napalunok si Cali. Naging matigas ang ekspresyon ni Lewis. “I wouldn’t be here if I wasn’t.” Tahimik na nagtama ang tingin ng magkapatid, isang tahimik na sagupaan ng opinyon. Sa huli, si Luis ang unang bumasag ng katahimikan sa pamamagitan ng isa pang pagtango. Ngunit nang ibaling nito ang tingin kay Cali, ang susunod nitong sinabi ay mas mahirap basahin. “Then, welcome to the family.” Isang malabong ngiti ang pinilit niyang ipakita habang bahagya siyang tumango. Hindi niya alam kung dapat siyang huminga nang maluwag o mas kabahan pa. Wala sa boses ni Luis ang sigla ni Rea. Ang sinabi ba nito ay isang pagbati o isang babala? Alam niyang bahagi na siya ngayon ng pamilya ni Lewis—gusto man nila o hindi. At ang ideyang iyon ay mas nakakatakot kaysa sa lahat ng iniisip ng mga tao sa paligid. Nagpaalam si Rea upang hanapin ang kanilang ina, habang si Luis naman ay tuluyan nang tumalikod at lumayo. Doon lang napansin ni Cali ang malamig na pawis sa kanyang mga palad. Masyado siyang nagtuon ng pansin sa mga reaksyon ng mga kapatid ni Lewis na hindi niya namalayang naipapakita na pala niya ang sarili niyang kaba. "You're nervous," bulong ni Lewis, bahagyang inilalapit ang mukha sa kanya. Napatingin si Cali sa kanya, saglit na natigilan. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ikahiya ang pagiging halata ng kanyang nerbiyos o ipagpasalamat na kahit papaano, hindi niya kailangang magpanggap sa harap ng lalaking ito. "Of course, I am," sagot niya sa parehong mahina ngunit mariing tono. "Your family’s watching me like a hawk. Parang anytime, may magtatanong kung bakit ako nandito, kung deserve ko bang mapabilang sa pamilya niyo." Bahagyang tumawa si Lewis, halatang aliw sa kanyang inis. "That’s because you don’t look like you belong here." Namilog ang mga mata ni Cali at bahagyang bumuka ang labi niya sa gulat. "I-I know," nauutal niyang sagot, tila nauupos sa kahihiyan. Lewis smirked, his eyes gleaming with amusement. "Relax. That’s not an insult." Bahagya siyang yumuko, inilapit ang labi sa kanyang tainga. "You don’t look like them, Cali. You’re too real." Napasinghap siya at agad na umiwas ng tingin, pilit tinatago ang init na gumapang sa kanyang balat. Hanggang ngayon, hindi pa rin lubusang natatanggap ng isip niya ang bilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang, nakakulong siya sa anino ni Devin, walang ibang pagpipilian kundi ang magpakasakit sa isang relasyong matagal nang patay. At ngayon? Narito siya, nasa gitna ng isang marangyang pagtitipon, kasama ang isang lalaking hindi niya alam kung pagkakatiwalaan ba niya o dapat ding pag-ingatan. Oo, nakatakas na siya sa pananakit ni Devin. Pero hindi rin niya mapigilang malungkot sa katotohanang ang kapalit ng kanyang kalayaan ay ang muling pagpapaalipin sa ibang lalaki. Sana lang, hindi ito humantong sa parehong bangungot na pinagdaanan niya noon. Kung ang habol lang ni Lewis sa kanya ay isang tagapagmana at inisin ang dati niyang asawa, mas mabuti na rin iyon—dahil kahit paano, mas may katiyakan ang kinabukasan niya rito kumpara sa impyernong pinagdaanan niya sa piling ni Devin. Dahil sa kanyang malalim na pag-iisip, hindi niya napigilan ang sariling magtanong. “Ahm—paano mo pala ako nakilala? I mean, Devin never even mentioned me to anyone. I had to stop working and stay at home para hindi kami makita ng publiko na magkasama.” Biglang tumiim ang bagang ni Lewis. Isinilid nito ang isang kamay sa bulsa ng suot niyang slacks bago dahan-dahang sumagot, “I have connections, Cali. Kaya kong alamin ang lahat.” Sa isang iglap, parang may malamig na hangin na dumaan sa pagitan nila. Napahiya si Cali sa sariling tanong—hindi niya nais iparamdam kay Lewis na minamaliit niya ang kakayahan nito. Kaya sa halip na magsalita pa, pinili niyang manahimik. Ngunit hindi iyon nakalampas kay Lewis. Pinag-aralan niya ang bawat emosyon na gumuhit sa mukha ni Cali bago dahan-dahang tumungo upang tapatan ang kanyang tingin. “Don’t you think it’s better that Devin didn’t introduce you to anyone?" bulong ni Lewis, mabagal ngunit puno ng kumpiyansa. "So that I can show you to the public freely?” Umangat siya, humakbang nang bahagya palapit hanggang sa harap na mismo ni Cali, hinayaan ang kanyang presensya na punan ang distansyang pilit niyang pinapanatili. “Cali, I know you understand that this deal is very beneficial,” aniya, malalim at mabagal ang tinig, para bang hinuhubaran siya ng alinlangan gamit lamang ang kanyang mga salita. “But you can enjoy it starting today. When you face people, think of yourself as a new Cali. Forget what Devin did to you. You’re with me now.” Ang mga salitang iyon ay dapat nakakapagpakalma. Dapat ay nagdadala ng kapanatagan. Pero sa loob-loob niya, isang bagay lang ang malinaw—hindi lang siya basta kasama ni Lewis. Sa isang iglap, naunawaan niyang hawak na siya nito.Mataas na ang araw nang magising si Cali. Unang pumasok sa isip niya ay ang nakakahalinang katahimikan. Sunod niyang naramdaman ay sama ng tiyan. Napakabilis ng pagsunod ng mga susunod na pangyayari—parang may humila sa bituka niya, at sa isang iglap ay napabangon siya mula sa kama, hawak ang tiyan, at halos madapa habang nagmamadaling bumangon ng kama.“Cali?” tawag ni Lewis, garalgal pa ang boses—halatang kagigising lang.Pero hindi na siya nakasagot.Diretso siya sa banyo, binuksan ang pinto, at yumuko sa bowl. At sa gitna ng mga masusuka-sukang tunog, naramdaman niyang may malamig na pawis na tumulo sa batok niya. Humawak siya sa tiles habang paulit-ulit na sinusuka ang laman ng sikmura niyang halos wala nang laman.Hindi niya alam kung dahil sa gutom, stress, o kung pareho—pero alam niyang ito na ‘yon.Morning sickness.Hindi lang ito idea. Hindi lang ito test result.May nabubuhay sa loob niya.Ilang saglit pa, narinig niyang bumukas ang pinto sa likod niya.“Cali?” mahina, pero
Tahimik lang si Cali sa loob ng sasakyan habang bumabaybay sila pauwi mula sa condo. Hawak-hawak niya ang maliit na paper bag na pinaglagyan ng pregnancy test. Wala siyang masabi. Hindi niya rin alam kung may dapat pa bang sabihin.Pero ang kamay ni Lewis, naroon—nakapatong sa ibabaw ng kanyang hita habang nagmamaneho siya gamit ang isang kamay.Hindi ito nangungulit. Hindi nagtatanong.Pero ang presensya niya, sapat para hindi tuluyang malunod si Cali sa sariling pagkalito.“Gusto mo bang sabihin kay Devin?” tanong ni Lewis, mahinahon ang tono, parang sinusukat ang lalim ng tubig bago ito lubusang talunin.Umiling si Cali. “Hindi ko pa alam Devin. Hnid ko rin maiisip kong anong dahilan bakit pa niya dapat malaman.”Tumango lang si Lewis. “Okay.”Lumunok si Cally ng makapag pasya ng sabihin kung ano ba talaga ang pinag-aalala niya ngayon. “Ahm– ang iniisip ko ay pamilya mo, Lewis. Anong gagawin natin? Kung kelang sinabi mo na sa pamilya mo na nawala na ang pinagbubuntis ko saka naman
Dumilat si Cali sa loob ng isang kwartong hindi kanya. Mahinang liwanag mula sa bintanang may sheer curtains ang dahan-dahang bumalot sa paligid, at sa gilid ng kama ay naroon ang isang lalaking mahimbing pa ring natutulog.Si Lewis.Nasa guest room sila ng mansion—yung kwarto malapit sa sala. Doon siya inilipat ni Lewis matapos siyang makatulog sa couch kagabi, at sa halip na iwan siya, nanatili rin ito sa sofa bed sa tabi. Pero tila lumipat ito sa kama noong madaling-araw… o baka siya ang nilapitan nito habang mahimbing siyang natutulog.Hindi na mahalaga.Ramdam niya ang init ng katawan nitong malapit sa kanya, at ang tahimik na paghinga ng taong halos hindi nagsasalita pero damang-dama mo ang presensya.Bahagya siyang gumalaw para bumangon, pero bigla siyang napatigil.May kumirot sa sikmura niya—hindi ordinaryong kirot. Sumunod ang matinding hilo. Napasinghap siya at agad tinakpan ang bibig. Dali-dali siyang tumayo at halos napasadsad sa sahig sa pagmamadaling lumabas ng kwarto.
Pagkarating nila sa mansion, tahimik pa rin si Cali habang binabaybay ang hallway papasok. Si Rea ay nauuna sa kanya, pero pagkabukas pa lang ng pinto ay agad silang sinalubong ng tanim na katahimikan—maliban sa mahinang classical music na nanggagaling sa loob.Nasa living area si Lewis, nakatayo sa harap ng isang malaking shelf na may koleksyon ng alak. May hawak siyang baso ng whisky, pero hindi pa niya ito iniinom. Nang marinig ang mga yabag nila, agad siyang napalingon.Agad tumama ang tingin niya kay Cali.“Hey,” bati niya, may bahagyang pag-aalalang nakapinta sa mukha. “Kakauwi n’yo lang?”Tumango si Cali. “Oo. Nilibang lang ako ni Rea.”Lumapit si Lewis, iniwan ang baso sa marble counter ng bar.“Kamusta ka na?” tanong niya, diretsong tinitigan si Cali. Wala sa tono ang pagiging pormal—mas parang gusto niyang tukuyin kung kumain ba siya, kung okay ba ang pakiramdam niya, kung umiiyak ba siya habang wala ito.“Okay naman,” sagot ni Cali, tipid ang ngiti. “Thanks sa planner ni Re
Habang inaabot ni Cali ang isang librong may hardbound na cover, napatingin siya kay Rea na panay ang sulyap sa kanya.“Rea,” mahina niyang tawag. “Bakit bigla kang nagyayang lumabas?”Napatingin si Rea, tila hindi inaasahan ang tanong. Saglit itong natahimik bago sumagot.“Si Mom,” anito, sabay iwas ng tingin at kunwaring abala sa pag-aayos ng buhok. “She asked me to. Sabi niya... baka daw kasi hirap ka ngayon. Kasi... you know,”Bahagyang huminga ito nang malalim. “Kasi nalaglag ‘yung baby.”Parang biglang huminto ang mundo ni Cali. Mariin siyang lumunok.Nag-freeze ang mga daliri niya sa gilid ng librong hawak. Nanuyo ang lalamunan niya, at naramdaman niyang may bigat sa dibdib na hindi niya alam kung saan ilalagay.Hindi naman totoo iyon.Hindi siya buntis. Hindi siya nawalan ng bata.Pero isang bahagi ng isip niya, alam niyang iyon ang naging kasunduan nila ni Lewis—na ito ang “istoryang” sasabihin kung sakaling may magtanong. Para hindi na siya kailangang paulit-ulit magpaliwana
Pagkatapos ng gabing puno ng katahimikan at damdaming hindi kailangang isigaw, bumalik na sila sa mansion. Tahimik pa rin ang biyahe, pero hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na awkward, hindi rin nakakailang. Tahimik—pero komportable. Parang parehong hindi na kailangang magsalita para maintindihan.Pagbaba nila sa sasakyan, agad silang sinalubong nina Manang Letty at Linda. Parehong may bitbit na sweater at maiinit na tsaa, tila alam na ginabi sila sa labas.“Ay, salamat at nakauwi na kayo, sir, ma’am,” bungad ni Manang Letty. “Ginabi po kayo, malamig pa naman sa labas.”“Gusto n’yo po ba ng sabaw o mainit na tsokolate?” alok naman ni Linda, sabay abot ng malambot na tuwalya kay Cali.Ngumiti si Cali at mahinang tumango. “Thank you po, Manang. Okay lang po ako.”Napatingin siya kay Lewis na kasalukuyang nag-aayos ng coat at cellphone. Mabilis na may tinype ito, bago lumingon sa kanya.“I need to go,” aniya, diretso sa punto. “Biglaang meeting sa hotel. Emergency. Hindi ko na 'to mapap