“ Alice...” Napabangon ako ng mag ring ang cellphone ko. May naka-set na alarm sa cellphone ko para maaga naman akong magising.
Alice?
Nag-kuwento lang ako about that missing girl pumasok na name n'ya sa utak ko. Is she really a precious person? Pati pangalan n'ya binabanggit ng isip ko.
“ Happy birthday!” bungad ni Mama pagkalabas ko ng pinto. May hawak ng cake. Chocolate flavor. Nang mapadako ang tingin ko sa gilid muntikan na akong matawa. Well, Kuya Jake was holding a pink balloon. Para itong batang sumama sa parke at binilhan ng lobo ng mama n'ya.
“ Juliet, blow the candle na.” hihipihan ko na sana ang kandila—
“ Saglit!” Napataas naman ang kilay ko habang nakatingin kay Kuya.
“Nag toothbrush ka ba? Baka 'di lang kandila mamatay nyan sa baho ng hininga mo baka pati si Mama na may hawak ng cake.” Napa-kunot na lang ang noo ko.
" Jake, ano ka ba? Hayaan mo na kapatid mo. Birthday n'ya ngayon! " suway ni Mama.
" Nag bibiro lang naman, ‘di naman kayo mabiro. Happy birthday, bunso!" ‘Saka sya ngumiti. I smiled back at him. But I did smile in a plastic way though.
“ ‘Wag kang kakain Kuya, ah?"
ngiti kong sambit. Nakakapikon talaga ang taong ‘to.“Joke lang naman. Ayaw mo ba ng regalo? Mula sa guwapo mong kuya? ”
“ Saang banda? ” tanong ko.
“ Sa muka s’yempre, ” wika nya.
“ Hindi ko makita, ” wika ko sa kaniya.
“ Puno kase ng muta mata mo, ” Sa sinabi n'yang ‘yon ay napabuntong hininga ako, I lost. Sa asaran talaga talo ako pagdating sa kapatid ko.
“ Wait lang Ma’ palit lang ako ng damit. Maliligo na rin ako. ” Tumango naman ito. Sa asaran pinababayaan na lang kami ni Mama kase alam n’yang mga biro lang naman 'yon. Pagkatapos kong maligo at makapag palit ng damit ay nag simula kaming magsalo- salo.
“ Thank you pala dito sa sorpresa!” sabi ko.
“ Mukang ‘di ka naman na sorpresa,” bulong ni Kuya Jake pero tama lang na madinig ko. Hindi ko na lang pinansin ito baka mamaya masapak ko pa. Minsan kase nakakapikon. And I'm a short tempered person.
“ Walang ano man 'yon anak. Sige kain ka pa.” Naka-ngiti naman akong tumango.
Pagkatapos ng salo salo ay niyaya ako ni kuyang lumabas at mamasyal. At bilhin ang gusto ko. Hindi sana ako papayag ngunit pinilit lang ako ni Mama. Nasa likod lang ako ni Kuya nang bigla-biglaan na lang itong huminto kaya nabangga ko ang likod nito.
" Kuya? Bakit ang lalim yata ng iniisip mo? " tanong ko. Ininda ko na lang ang sakit ng ulo ko.
" Oh? May problema ba? May bumastos ba sayo sa daan? Sino sasapakin ko," sabi nito. Gusto ko talagang batukan ang taong ito.
" Wala! Tinatanong kita kung bakit kako ang lalim ng iniisip mo!" anya ko.
" Bakit? Nahukay mo ba? Ga'no kalalim?" Nang gigigil ako. Jusko! Magtimpi ka lang Juliet.
" Hoy, Tara na! Nag bibiro lang ako. Iniisip ko lang kung anong gusto mong regalo!" sabi nito. Kaya napatingin ako sa kaniya habang pinag-patuloy ang pag lalakad. Anong gusto kong regalo?
" Ayos lang kahit pagkain." Sabi ko. Hinarap naman n'ya ako at nakita ko ang muka nito na nakangiwi. Napataas din ang kilay nito. Wow!
" S- Sigurado kang pagkain lang ang gusto mo? " Tsk! Alam Kong nasa isip nito *( ka- kakain lang nitong babaeng 'to kanina ah?)*
Napangiwi na lang rin ako. Oo nga, kakakain ko lang.
Minsan lang 'to mangyari sa buhay ko at minsan rin lang mabait ang Kuya ko kaya susulitin ko. " A-Ah, gusto ko ng... kahit ano! " sabi ko.
" Sure ka? Puwede mong sabihin sa akin ang gusto mo. Matagal ko rin itong pinag- ipunan," sabi nito. Pinag ipunan nya birthday ko? Nakaka- touch naman. Napangiti naman ako. Curious lang ako kung may girlfriend na ito. Kung sino ka man na babae ka, na magiging soon to be wife ni Kuya ang swerte mo.
Napahinto kami sa isang boutique. Walang ano- ano ay bigla s'yang pumasok do'n at sumunod agad ako. Nakasunod lang ako sa likod n'ya. Habang nag titingin s'ya ng damit. Ako naman ay nag inililibot ang mata sa paligid. Hindi ko alam na merong ganito dito. Ang ga-ganda ng dress. Halatang mamahalin laha— wait! Mamahalin! S-Si Kuya! Nasan na ‘yon?
Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong nagtatanong ito sa sale's lady. Pupunta pa lang ako do'n ng may nakabanggaan ako. Kaya napatungo ako sa kahihiyan.
" Are you blind, Miss?" This voice seems familiar. Iniangat ko ang paningin ko. At hindi nga ako nag kamali. S'ya 'yung lalaki sa store .
Nabigla ang muka nito at nakita ko sa mata na may halo itong saya.
" A- Alice?? " Ang seryoso nitong boses kanina ay agad na naglaho .
Napataas ang kilay ko sa reaksyon nito. Bipolar ba ‘tong taong ‘to?
Sasabihin ko sana uli sa kaniya na hindi ako yung Alice na sinasabi n'ya ngunit tinawag na ako ni Kuya kaya nilampsan ko na lang ito at hindi pinansin.
" S-Sorry, Kuya. Inilibot ko kase ang paningin ko nagandahan lang ako. By the way—" Napahinto ako sa pag- sasalita ng may iniabot s'ya sa akin. Bubuksan ko sana ang paper bag kaso pinigilan n'ya ako.
" Sa bahay mo na buksan 'yan. Tara na! " sabi nito at hinila ako. Napansin ko ang pagka-taranta nito.
" W- Wait lang—" may sasabihin sana ako sa kaniya tungkol do'n sa lalaki kaso pinutol na naman n'ya ako.
" Wag kang makikipag- usap sa hindi mo kilala, Juliet. " biglang seryosong sabi nito kaya napatahimik ako. Hindi ko makita ang reaksyon nito para masabi ko kung galit ba ito, o ano.
Habang hawak na ang kamay ko ay napalingon ako sa lalaki nasa labas na ito ng boutique at nakatingin ng seryoso. Sinundan ko pa rin ang paglakad nito hanggang papunta sa kotse nito na halatang mamahalin. Napansin kong hindi lang s’ya nag iisa dahil binati pa nito ang isang lalaki na ngayon ko lang napansin. Siguro ay kaibigan n'ya ito na hinihintay lang s’ya. Nakasandal ito sa kotse n’yang pula. Naka- itim ito na damit. Napatingin ito sa akin at nakita ko ang gulat sa mata n’ya. Kaya iniwas ko ang paningin ko. Napahinto ako ng binitawan ni Kuya Jake ang kamay ko. Humarap ito sa akin, hindi ko alam pero may halong lungkot at pangamba ang nakikita ko sa mata n'ya.
K-Kuya...
Ngayon ko lang s’yang nakitang ganito.
Alex Point of ViewNapabuntong hininga ako habang nakatingin sa labas ng windshield at tinatanaw ang kapatid ko na papasok ng building na pagmamay-ari ni Xion Dylandy. Hindi na ako magtataka kung sila na nga ba o hindi pa. Mukang masaya naman si Alice na kasama ang lalaking 'yon. Mahigpit akong napahawak sa manibela. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang plano ko o hindi na. Napapikit ako at kinalma muna ang sarili ko. Sasaktan ko ang kapatid ko, mailigtas lang ang lahat. Para sa kapakanan ng kaibigan ko at kapakanan ni Alice. Kailangan ko pang mag-hintay nang ilang minuto para gawin ang plano. Dahil kapag dito ko sa building na ito ginawa 'yon ay magkakagulo ang lahat ng tao sa paligid. Mali man sa paningin ng iba, pero kailangan, para rin ito sa kaligtasan niya. Mas pipiliin ko na ako ang manakit sa kaniya, kaysa ang iba. Kung sa ibang tauhan ipinag-utos no'ng matandang 'yon, marahil ay ipapatay na niya si Alice sa taong 'yon. Kaya mas mabuti kung ako na lang an
Alex Point of View "Alex, bakit nahinto 'yung plano? Akala ko ba ay ayos na?" tanong niya. Bakas sa boses nito ang pagkainis dahil sa ginawa ko. "Just do what I said. He's blackmailing me! H'wala akong magagawa! Ayaw kong madamay pa sila Aedis dito, gano'n rin ang anak niya! Ang anak ng kaibigan ko, Vyle! Ayaw kong madamay sila! Ayaw kong mawalan pa ng kapatid! Ayaw ko nang mawalan ng pamilya! Si Alice na lang. Si Alice na lang ang natitira sa akin, siya na lang, ang kapatid ko..." Napasandal na lang ako sa pader habang sapo ang noo ko. Gulong-gulo na ako. Simula no'ng bumagsak ang organisasyon namin ay nawalan na ako ng pag-asa. "Alex, calm down, okay?" saad ni Leslie habang tinapik ako ng mahina sa balikat. "Ikalma mo muna ang sarili mo, okay?" Napabuntong hininga na lang ako. Mabigat ang mga kamay na sinuklay ko ang buhok ko. Bakit ganito? Gusto ko lang naman dati na makuha ang kapatid ko na nawawala at maging masaya ang pamilya. Ang plano ko dati ay tapusin ang kalaban at pa
Alice's Point of View Naglakad ako papasok sa loob na mayroong mabigat na pakiramdam sa dibdib. Gustuhin ko man na lingunin siya, ngunit hindi puwede. Pinapakita ko lang na mahina ako pagdating sa malalapit sa akin na tao. Halos kumunot ang noo ko nang makita ko na nakangiti siya sa isang babae. Lumapit ako do'n at napatayo ang babae nang makita ako na papalapit sa kinauupuan ko kanina. Binigyan niya naman ako na nahihiyang ngiti, bago siya umalis. " Who's that?" tanong ko. "'Yung anak ni Mr. Estante," "Type mo?" "Maganda naman. Pero hindi ko type," sagot niya. "Wala ka bang balak kumain man lang?" tanong pa nito. Umiling ako bilang pagsagot sa tanong niya. " Let's go." Nakita ko kung papaano kumunot ang noo niya sa tanong ko. " Are you sure?" tumango ako. Kaagad siyang tumayo sa upuan niya at inayos ang necktie niya bago kinuha ang coat niya na nakalagay sa upuan. "H-Hindi ba tayo magpapaalam?" tanong ko. Mauuna na sana siya sa akin na mag-la
Alice's Point of ViewNakatingin ako sa lalaki na nasa labas ng pintuan ko. He's wearing a black coat na pinailaliman ng white long sleeve. Ang pang ibaba naman niyang suot ay black slack. Mas lalong gumuwapo ito sa paningin ko kahit na liwanag lang ng ilaw sa labas ng bahay ko ang tumatama sa kaniya. Ngayon 'yong sinasabi niyang engagement. Ayaw ko pa sanang pumunta ngunit pinilit ako nito. Isa na rin sa naging dahilan ko para pumayag ay baka mapahamak at bigyan na naman ito ng death threat ng kalaban. I just want him to be safe, kahit alam kong kaya niyang ipag tanggol ang sarili niya." Let's go?"" Ang sabi ko ay mag-hintay ka na lang do'n sa kotse mo, 'di ba?" Bahagya pa itong natawa sa tanong ko." I can't wait any longer, Alice. Nakaka-inip sa labas."" Akala ko ba ay kasama mo si Sarmien? Edi sana nag-usap kayo para hindi ka mainip," saad ko habang sinas
Lauren's Point of View" Mr. Lorien, I mean Mr. Lauren—"" Call me boss Lorien. Bilang leader ng organisasyon na Loriengston. Nararapat lang na Lorien ang itawag mo sa akin, dahil kinilala ko ang sarili ko sa pangalan na 'yon." Tumango ito." Masusunod po." Ngumiti ako sa kaniya. Naka-upo ako sa sofa habang sumisimsim ng kape habang nakatingin sa labas ng terrace. Maganda ang araw ngayon, ngunit may mas mai-gaganda ito kung walang sagabal sa mga transaction na ginagawa namin." Nasaan si CM?" tanong ko habang hindi ito binibigyan ng tingin. Ilang araw ko nang hindi nakikita at napapansin ang babaeng 'yon." Ilang araw na po siyang hindi nakikita sa underground. Mukang wala na itong balak mag-pakita. May kutob rin akong isa siya sa traydor sa organisasyon na ito, bukod kay Sarmien." Tuwing naalala ko ang ginawang pang-ta-traydor ni Sarmien sa organisasyon ko ay nang ga
Alice's Point of View"At 'yon ang bagay na nagawa ko, na never kong pagsisisihan." Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya. Tuluyan akong lumapit sa kaniya. Dahan-dahan kong itinapat ang kamay ko sa mata niya at hinila nang malakas ang piring sa mata niya na kulay itim. Narinig ko ang pagdaing niya sa ginawa ko. Hindi rin ako pinigilan ni Xion." May konsensya ka?" tanong ko. Ngunit nginisihan lang ako nito habang nakapalumbaba ang tingin at inangat sa akin." Matagal na akong nawalan. Simula no'ng gumawa ng ka-gaguhan ang Papa mo, Alice." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. How did she know? Paano niya ako nakilala kung tabon ang muka ko ng sumbrero at facemask na may voice changer? " You can't fool me. . .lalo na at kadugo mo ako. Alam mo ba kung sino ang pumatay sa magulang ko? Ah. . .Hindi nga pala. . ." Umiling ito at tumingin kay Xion at sa akin. Kita ko kung papaano niya ako titigan nang mariin.