Share

Chapter Two

“ I finally found you.” Eh? Finally- finally found you pinagsasabi nito? Is he crazy? 

Tinapos ko muna ang gawain ko at itinabi ang basurahan. At muling hinarap ito.

“ S- Sir? Kumain ka na ba? Mukang hindi ka kase okay, eh.” Napakunot na lang ang noo nito sa sinabi ko. 

“  Kung wala kang magawa sa buhay mo Kuya umalis ka na lang, nag ta-trabaho ako, ” seryoso kong wika.

" I'll be back and confirm it again. But, I'm sure.... you're Alice. Hundred percent sure. ” Saka ito umalis. Weird. 

Ibinalik ko na lang sa pwesto ng cashier ang basurahan.

Nang matapos ang maghapon ay napatingin ako sa estudyanteng nag sisi-uwian at nag tatawanan. Agad ko rin na iniwas ang paningin ko at naglakad na lang. Gusto ko namang mag pahinga at kulitin si Kuya. 

“ I'm home.” wika ko papasok ng bahay.

“Hello, Home. Pano ba 'yan Juliet ang Kuya ang nauna. Ikaw magluluto,"

“ Tngna nam—”

“ At sinong nagturo sa’yo mag mura, ha? ” Ba’t ka nag-tatanong eh naririnig ko ‘yon sayo?

“ Biro lang naman.” Saka ako ngumiti ng peke.

“ Sige na mag luluto na ako,” sabi ko at agad na pumasok ng kuwarto at nagpalit ng damit.

“ By the way, birthday mo bukas. Anong gusto mong regalo?” Napahinto ako papasok ng kusina. Hinarap ko si Kuya at ngumiti. 

“ Wala, okay na yung konteng salo-salo,” sincere kong wika.

“ Sinungaling. ” Nanlaki naman ang mata ko. Me? Why would I lie? 

“ Nakita kita kanina. Gusto mo bang mag- aral? ” Napatungo naman ako. Gusto ko man na sabihin na ‘Oo, gusto kong mag-aral’ pero kukulangin kami. 

“ Ayaw ko. At ‘saka nag-ta-trabaho ako. Kaya siguradong hindi ko kayang pagsabayin ‘yon, sige na magluluto na ako mag memeryenda pa si Mama pagdating! ” sabi ko. Sa totoo lang gusto kong mag-aral. Para makuha ko rin yung strand na gusto ko. I admit. I'm jealous to those students  wearing their uniform. Talking and laughing to their friend's. But I'm okay, okay lang ako sa ganitong buhay. May trabaho ako at kaya kong bilhin ang gusto ko kung makakapag-ipon ako.

“Nasa mesa yung manok ah! ”S

sabi nito. Agad naman akong  nagtungo do’n.

Agad ko naman itong hinugasan at niluto. Inadobo ko na lang ito since na ‘yon naman ang lagi kong niluluto kapag ako ang nasa kusina. 

Naghain na rin ako sa mesa para pagdating ni mama sa trabaho n'ya ay kakain na lang s'ya at mag papahinga. Dapat nga nakatahan na lang 'yun dito kaya naman namin ni kuya. ‘Di rin nagtagal ay naka-uwi rin si mama ‘saka kami nag-simulang kumain.  Pagkatapos—

“ Sino mag huhugas?” tanong ni Mama. Napatingin naman ako kay Kuya na nakatingin din sa akin. Why are you looking at me like that?

“ Oh, anong tingin ‘yan? ” wika ko habang nakataas ang kilay.

“ Sige na, bawal ako magbasa ng kamay eh. Ang bibigat kaya ng binuhat ko kanina, ” nakikiusap na boses nito.  Napataas ang ulit ang kilay ko.

“ Saan sa ml? ” Napakunot naman noo nito.

“ Joke lang, sige na ako na maghuhugas. Magpahinga ka na muna Mama, ikaw din Kuya. Ako na bahala dito,” sabi ko. No choice eh, ano magagawa ko since may point naman si Kuya Jake. 

“ Sige, pagkatapos mo tumulog ka nang maaga, ” bilin sa akin ni Mama bago nag-tungo ng kuwarto nya. May kanya-kanya kaming kuwarto pero maliit. At kasya naman ang gamit ng isang tao sa loob.

Nang maka-alis sila ay agad kong sinalansan ang hugasin. Pagkatapos kong maghugas ay kinuha ko ang cellphone ko.

‘Pagkatapos mo tumulog ka ng maaga.’  Naalala ko ang sinabi ni mama. Minsan lang naman ako mag- cellphone. Nag- online ako at nag- log out din naman agad pagkatapos makita ang notification ko. ‘Saka ako nagpunta ng gallery upang tignan ang mga picture ko, namin ni Mama at Kuya.

Bigla kong naalala kanina 'yung lalaki. Babalik daw s’ya, parang ayaw ko na tuloy pumasok sa trabaho ‘di- bale. Day off ko naman bukas. Ano kayang magandang gawin bukod sa kumain. 

Naiisip ko pa lang yung cake nagugutom na ako. 

Nag F******k ako ulit at nag- scroll. Pagkatapos din ay agad akong nag log out. Inaantok na rin ako. Pumasok na ako sa kuwarto ko at ibinagsak ang sarili ko. Inilibot ko ang paningin ko.

Kailan kaya lalaki tong kuwarto ko. Yung tipong didikitan ng poster. Puno ng albums at manga. Kailan kaya kami yayaman? Hintay lang pag nakahanap ako ng magandang trabaho. Medyo kapos ako sa suweldo ko. Five thousand sa isang buwan, hindi rin naman nagkakasya since na madami kaming babayarin na utang, bukod sa bahay. 

Kinuha ko muli ang cellphone ko at nag- F******k. Sa totoo lang, boring kapag puro F******k ka lang. Pero may oras na nag-e-enjoy ako kapag merong nagtatalo sa comment section.

Nagbabasa din naman ako ng balita or nanonood ng balita sa F******k. Kadalasan sa diyaryo ko nababasa 'yung iba. Kumukuha ako sa pinag-tatrabahuhan ko kapag umuuwi.

At may isang balita lang ang naalala ko. About sa nawawalang tao. Oh, right!

Her named is Alice, yeah it's Alice Ethan Castiello. A long lost daughter of a Castiello. I remembered, may kumalat din no’n na balita na may kinalalaman sa sendikato ang pag-kawala ni Alice. I haven't seen her face in the news. But I heard she's beautiful. But some news are saying that Alice is already dead.

May point din naman. Sa tagal ng pagkawala ni Alice. Several years has been passed. Hanggang ngayon hindi pa rin nila nahahanap. But for me, I hope she isn't dead. 

But if she's really alive. She's so lucky! She was loved by her family. She's like a princess. 

And about naman sa Castiello's business na laging lamang ng diyaryo. Castiello is most respected, I don't know but  I heard they are a good people. Marami silang naipundar pag-dating sa charity. They're rich, I haven't seen their faces. Pag dating sa pagtulong sa mahihirap, lagi silang present. 

Ipinikit ko naman ang mata ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status