Share

Chapter Four

Juliet Point of View

Nang makarating kami sa bahay ay agad ko s’yang tinanong.

“ Kuya Jak—”

“ Kilala mo ba Juliet 'yung lalaking nabangga mo kanina?”  wala sa sarili nitong tanong. Why he's suddenly curious about that guy?

“ H-Hindi, bakit?” sagot ko.

“ W-Wala, sige buksan mo na 'yan. ” Saka ito muling ngumiti. Nagtaka naman ako sa pag babago ng asal nito. Ang ginawa ko na lang ay binuksan ko ang paper bag at inalis ang pag ka-kadikit nito. Nakita ko naman ang laman ng loob. Nahiya tuloy ako sa mahal nito. Nakaka- guilty. Nag-aasaran kami tas re-regaluhan ako nito.

  “ A-Ang mahal naman nito,” sambit ko.

“ Tinanong ko ‘yan sa sale's lady kanina. Malay ko ba sa gusto mo. Oh, ano? Ayos ba? ” Sabay turo n'ya sa dress na pink. Ngumiti naman ako.

“ Oo ayos na ito, kaya lang naka-ka-panghinayang suotin dahil—”

“ Ohh andito na pala kayong mag- kapatid. ” sambit ni Mama galing sa loob. 

“ Oh, ano kumusta? ” dag- dag pa nito. Tumango naman ako ng mapadako ang tingin nito sa akin. ‘Saka n’ya ako muling tinanong.

“ Oh? Anong nangyari? Nag away ba kayo ng Kuya Jake mo? Bakit parang hindi ngumi- ngiti ‘yan? ” Pansin ko nga kadalasan kahit nakaupo o nag ce - cellphone lang ito ay nakangiti ito. Napadaan lang ako sa harap n'ya aasarin na ako. Kahit uupo lang ako sa tapat n'ya aasarin n’ya ako.  I shouldn't be happy this time. I'm not comfortable the way he acts right now. Hindi ako sanay, lagi kasi kaming nag-bibiruan.

“ Ahmm, hindi ko naman ‘yan inasar, " nai-ilang kong sagot. “ Sige pasok na muna ako sa kuwarto.” paalam ko. Wala namang lock ang pinto ng kuwarto ko kase nasira ko naisasara pa naman. At ako lang ang pumapasok dito. Nakangiti kong ipinikit ang mata ko. Bukas ay kailangan kong gumising ng maaga.

Im 20 years old now. Kailang ko na sigurong baguhin ang hobby ko na late pumasok.

And about the guy that I bumped into.  Alice? Bakit n’ya ako tinatawag na ganon. Should I tell him next time that my name is Juliet Sandiego?

He's calling me Alice.

Nanlaki naman ang mata ko ng may pumasok sa isip ko.

It can't be! Iniisip n'ya ba na ako si Alice Castiello o ako lang ang nag-iisip ng ganon?

***

Jake's Point of View

“ M-Ma,”  tawag ko sa kay mama kaya nilingon naman n'ya ako. Nag susulat na naman ito siguro ay suma- sideline ito ng trabaho bukod sa pag lalaba. Sa totoo lang kaya naman namin ni Juliet. Dapat nga eh nag papahinga ba lang s'ya. At sumasakto naman ang suweldo naming magkapatid. Kaya nakakabayad kami ng upa sa bahay na ito.

“ Oh? Anak, Jake? Ano 'yon? Kanina ka pa malalim ang iniisip.” Hindi ko alam kung tama ito na sabihin sa kaniya  o ano. Pero sa tingin ko ay tama.

“ May tanong lang ako,”

“ Ano yon?” Bumuntong hininga muna ako bago nag- salita.

“ Pano kung... nahanap na ng pamilya n'ya si Juliet? ” Napangiti naman ito ngunit alam ko na sa likod nito’y may halong lungkot.

“ Anak, Jake? Kung kailangan nating isauli si Juliet sa tunay n’yang pamilya, isasauli natin. Alam kong gusto mong mag magkaroon ng kapatid na babae. Pero kahit hindi natin s’ya kadugo. Tinu-turing ko s’yang tunay na anak. At tinuring mo s’yang tunay na kapatid. Patay na si Juliet, ang tunay mong kapatid. Sana tandaan mo ‘yon”

Oo, tama. Ayaw kong mawalan ulit ng kapatid . Simula nung nakita namin s’ya ni mama at puno ng galos. Inuwi namin s’ya sa bahay. Sinabi ko kay mama na gusto ko s’yang maging kapatid kaya tinago namin ang lahat. Binago namin ang pangalan n'ya. Bilang isang Sandiego. Kaya ‘di ko masisisi kung malaman ni Juliet ang totoo na nabubuhay s'ya sa bahay na ito, na hindi alam kung ano ang tunay n’yang pagkatao. Pero nung nakita ko kanina 'yung lalaking nakabangga n’ya. Alam kong isa ‘yon sa nakakakilala sa kaniya. Five years. Five years simula nung makita namin si Juliet. Nung araw namin na nakita si Juliet ay napanood namin ang balita.

Nung araw din na 'yon nawawala ang nag- iisang babaeng anak ng Castiello. Kaya posibleng si Juliet ‘yon. At posibleng ang lalaking nakabunggo n’ya kanina dun sa boutique ay isa sa pamilya n’ya.

Posible lang. At alam ko din nung simula ng umalis kami ng bahay ni Juliet kanina ay may sumusunod sa amin. Kaya ipinag sa walang bahala ko muna ‘yon. Mas priority ko ang kaligtasan ng kapatid at kasiyahan ng kapatid ko.

“Jake! Alis muna ako, ah? Si Juliet ay ‘wag mong palalabasin ng bahay. Baka mamaya habulin na naman ng aso 'yung babaeng ‘yon!" Napatango ako kahit hindi ko naintindihan ang sinabi ni Mama.

“Saan ka nga pala po pupunta?” Tanong ko.

“ Tinatawag ako ng amo ko. May ipapabili at magluluto din ako do'n. Absent 'yung isa nilang katulong, ” sabi nito ‘saka lumabas. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang lalaki kanina. Alam kong alam na nila kung nasaan si Juliet. Kung kukunin man nila sa amin si Juliet. Wala akong magagawa.

Dahil makapang- yarihan ang mga Castiello. Mayaman sila at maraming kayang gawin ang pera.

***

Juliet Point of View

Dahil sa malalim kong pag- iisip ay hindi ko namalayan na nakatulog ako.  Nakita ko naman si Kuya Jake na mukang natutulog.

Nakapatong ang paa nito sa mababa naming mesa. Nadudumihan tuloy 'yung tela. Naka tabon din ang braso nito sa kaniyang muka.

Napansin kong wala si Mama sa bahay. Siguro ay may pinuntahan ito, pumunta ako ng kusina at uminom ng tubig. Umupo muna ako at kinuha ang cellphone ko na naka charge. Naalala ko nakalimutan ko itong dalhin kanina. Bunot na naman ito. Siguro ay binunot ito sa pag-ka-ka- saksak kanina ni Mama.

Ini - open ko ang F******k ko. At nag share ng mga sampung memes at nag scroll. Mag o- out na sana ako ng may nag popped na message kaya binuksan ko ito.

 

Hindi ko naman ito kilala kaya hindi ko pinansin. Hindi na rin ako nag abala pang alamin ito kung sino. Sabi kase sakin ni Kuya bago n'ya ako bilhan ng cellphone sinabi n'ya sa akin na bago ako mag F******k siguraduhin na ‘wag ako makikipag- chat sa hindi ko kilala.

Well, hindi ko naman ‘yon sinunod. Nadala rin ako kase may naka- usap at nag-pa-pasend  ng nudes. So I block him.

Ngunit sunod- sunod na nag popped ang message kaya binasa ko ito. Ngunit kina- kabahan ako sa kung sinong ‘to.

Liam Ethan

" Hey!"

seen.

"Hi! Sister!"

seen.

"Hey..."

seen.

What a weird person. What's wrong with him? Calling me a Sister? He didn't even know me. But I felt guilty, I didn't even say ‘hi’   to him. But I appreciated it when he called me ‘sister’.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status