CHAPTER 10: PROUD OF YOU
"Where's your daddy na?" Kinabahan ako lalo sa tanong ni Sandy. Nasa harap ko siya. Naka-alphabetical order kaming magkaka-klase at nakasuot ng puting toga dahil graduation day ngayon. Pero wala pa rin si daddy. Wala pa ring naka-upo sa pwesto dapat niya sa upuan ng mga parent o guardian namin. Tig-iisa lang ang pwedeng umupo roon pero sa gilid ng stage ay may mga bleachers kung saan naka-upo ang mga nanonood na kamag-anak ng ibang kaklase ko. "Parating na siya. Busy lang siguro sa work," dahilan ko nang makalapit ako sa kanya para marinig niya ako dahil sobrang lakas ng tugtog pati na ng pag-anunsyo ng pangalan ng mga kaklase ko sa section namin. Panay ang lingon ko sa dalawang pinto ng hall kung saan ang venue ng graduation namin. Nang pumila na ako dahil malapit na ang pangalan ko ay unti-unting namumuo ang luha ko. Ako lang ang walang katabing magulan