Share

Chapter 2.

Author: Alliza
last update Last Updated: 2025-02-19 14:45:07

Ilang beses na huminga ng malalim si Jane habang sakay ng kanyang scooter sa harap ng City hall kung saan nila napag usapan na magkita. Dahil sa dami ng iniisip hindi niya napansin nang huminto ang isang sasakyan sa likuran niya.

Kung hindi dahil sa animo na tumakip sa kabuohan niya ay hindi siya matatauhan. Nang tumingin siya sa taong ‘yon ay isang pares ng malamig na mata ang sumalubong sa kanya.

Nakatalikod sa liwanang ng sikat ng araw ang lalaki . Matangkad ito kaya natakpan siya ng anino nito. Limang talampakan lang ang taas niya, ang lalaking kaharap niya ay sigurado siya na anim na talampakan at higit pa. ‘Ang tangkad nito!’ Isip-isip niya. Mukhang tatlong beses ang laki nito sa ka kanya. Matipuno din ang katawan ng lalaki at sumisigaw ang nakaka-intimida na awra nito. Suot nito sa mata ay isang light gold rimless glasses, at sa likod ng salamin ay sasalubong ang malamig at walang emosyon nitong mata. Malamig ang presensya nito na pangingilagan ninuman dahil mukhang hindi ito ang tipo ng tao na palakaibigan.

“Napakagwapo naman ng lalaking ‘to!’ Puna ng isip niya habang nakatingin sa kabuohan nito.

Masyadong magulo ang gabing iyon at nagmamadali siyang umalis kinaumagahan kaya hindi niya naaninag nang maayos ang mukha nito. Sa katunayan ay handa na siyang tanggapin kung sino man at ano man ang itsura ng mapapangasawa niya. Wala ng rason para maging choosy pa. Pero ngayong nakita niya ang mukha ng lalaki nang malinaw, bagamat mukhang mabagsik, natuwa siyang malaman na hindi ito bingot. At least kampante siya na gwapo ang anak niya dahil gwapo ang ama nito.

Tumingin si Jane sa suot ng lalaki. Mukhang mamahalin ang suot na suit nito, bumagay ito sa magandang hulma at tindig ng katawan nito, bukod sa matikas, nagmukha itong maimpluwesya gaya ng mga mayayamang negosyante sa mga dramas sa telebisyon.

Tumingin siya sa nakaparadang sasakyan sa likuran ng lalaki, na sa palagay niya ay minaneho nito. Isa itong lumang modelo ng Toyota at kulay pink pa! Sa lahat ng pwede na maging kulay—bakit pink pa? Ano ang trip ng lalaking ‘to?

Tumalikod si Jane sandali para itago ang pagsupil ng tawa na gustong kumawala sa labi niya. Sinong hindi matatawa eh hindi niya inaasahang na ang isang matangkad at matikas na lalaking katulad nito ay magmamaneho ng ganitong kulay ng sasakyan.

Nang makabawi ay humarap siya sa lalaki at nilahad ang kamay rito ng may pormal na ngiti. “Hello, Mister. Ako nga pala si Jane Valdez.”

“Ikaw ang babaeng tumawag sa akin?” Malamig na tanong ng lalaki sa halip na tanggapin ang kamay ni Jane. Ang baritonong boses nito ay naghatid ng kakaibang lamig sa paligid, animo’y naglagay ng distansya sa pagitan nilang dalawa.

Sandaling katahimikan ang lumipas, ramdam ni Jane ang masusing pag-inspeksyon nito sa kanya mula ulo hanggang paa, parang ini-scan siya.

Mukhang walang balak ito na kamayan siya kaya binawi niya ang nakalahad niyang palad.

“Mapapatunayan mo ba na ikaw talaga ang babaeng nakasama ko no’ng gabing ‘yon?” May dudang tanong nito pagkatapos mag-inspeksyon sa kanyang katawan.

Patunay?

“Hmm… palatandaan pala ha?” Sandaling nag-isip si Jane ng isasagot. Napapitik siya sa hangin ng may maalala.

“Noong gabing iyon ay hindi ka tumigil sa kakahalik sa dibdib ko na parang uhaw na sanggol. Nag iwan ka pa nga ng maraming kiss mark na hindi pa nawawala hanggang ngayon. Gusto mo ng pruweba? Ano, gusto mo bang makita?”

NAGITLA ang lalaki sa tahasang sagot ni Jane. Sinagot siya nito ng hindi man lang nahihiya. Anong klaseng babae ito?

Tumikhim siya ng makabawi sa pagkabigla. “Sigurado ka ba gusto mo akong pakasalan? Look, Miss. Sagrado ang kasal, hindi ito parang mainit na kanin na kapag napaso ka ay iluluwa mo. Pinag iisipan ito.”

Tumango si Jane. Alam niya ang tungkol sa bagay na ‘yon. Ang totoo, hindi naman siya ganito kabulgar na magsalita. Pero nandito na siya, wala na siyang pagpipilian at wala ng atrasan ito. Mukhang na-turn off ito. Pero binigay lang naman niya ang sagot na kailangang marinig nito.

Napasimangot siya. “Sandali lang, Mister. Nainis ka ba sa sinabi ko kaya mukhang ayaw mo na akong panagutan ngayon? Pero nangako ka sa akin no’ng gabing iyon… hindi ka naman siguro ang tipo ng lalaki na walang isang salita, noh?”

Hindi inaasahan ni Jane ang pagtalim ng mata ng lalaki. Pumailanlang ang galit na boses nito na may halong panunuya. “Bakit atat ka, Miss? Kilala mo ba kung sino ako kaya gano’n nalang ang pagmamadali mong pakasalan ako? Alam mo ba kung sino ako?”

Noong gabing iyon, sinabi niyang babayaran niya ito ng malaking halaga. Hindi siya ang tipo ng lalaki na pumapatol sa kung sino-sinong babae lang. Mahigpit ang self-discipline ng mga kalalakihan sa pamilya nila. Pero no’ng gabing iyon ay na-dr0ga siya kaya sobrang nag-init ang kanyang katawan na humantong sa matinding pangangailangan.

Pagkatapos ng gabing iyon, tumakas ang babaeng ‘to na parang takot na takot. Akala niya iba ito sa lahat ng mga babaeng lumalapit sa kanya. Pero hindi pala. Katulad lang din pala ito ng iba—gutom sa pera.

Mas matindi ang pangarap nito kumpara sa mga babaeng nagnanais lang ng pera niya. Hindi lang pera ang gusto ng babaeng ‘to. Gusto pa nito na maging asawa niya!

Samantalang nakaramdam ng inis si Jane sa tono ng lalaki. “Bakit sino ba siya?” Inis na isip-isip niya.

Pinigilan niyang umismid. “Wag kang mag alala, Mister. Kahit ikasal tayo hindi ako hihingi kahit isang sentimo sa’yo. Hiwalay tayo ng gastusin, kaya ko namang suportahan ang sarili ko.” Tinapunan niya ng tingin ang lumang Toyota nito at medyo naka-ismid ng magsalita. “Sa totoo lang baka mas malaki pa ang kita ko kaysa sa’yo. Maganda naman ang trabaho ko kaya wag kang mag alala na pagsamantalahan o perahan kita.”

“Hmp. Kung pagbabasehan ang kotse niya ay mukhang mas mapera pa nga ako sa kanya sa totoo lang.” dugtong ng isip niya.

Nasaling ang ego niya ng sabihin nito na “atat” siya. Kung hindi lang siya buntis at kailangan ng asawa ay nunkang tawagan niya ito.

Nagtatrabaho si Jane bilang sales agent sa isang kilalang car company, halos buwan-buwan siyang sales champion. May ilan pa siyang sideline kaya hindi bumababa sa 40 thousands ang kita niya kada buwan. Kapag maganda ang bentahan ay higit pa ang kanyang kinikita.

“Kaya wag akong matanong-tanong ng lokong ‘to kung sino siya na parang presidente siya ng bansa. As if naman kilala ko siya.” Mataray na sabi ng isip niya.

Pinasahan niyang muli ng tingin ang lalaki. Oo, gwapo ito, matikas, at mukhang mayaman—pero ang minamaneho niya ay isang lumang Toyota lang. Mukhang anumang sandali ay bibigay na ito sa kalumaan. Ang market value lang yata nito ngayon ay 20 to 50 thousand lang, o baka nga mas mababa pa.

Okay lang sana kung isang babae ang magmaneho nito… pero isang lalaking ganito ka-kisig? Hmmp! Mukhang puro salita at yabang lang pero mukhang hindi naman gano’n kapera.

HINDI nakaligtas sa mata ng lalaki ang pagtuya sa mata ni Jane pagkatapos tingnan ang sasakyang ginamit niya patungo rito. Umismid pa ito at namewang.

Kanina lang ay walang preno ang bunganga nito, ngayon ang mata naman nito ang walang preno at parang nanunuya pa. Ano bang klaseng babae ‘to?

Nasiraan siya ng sasakyan bago pumunta rito kaya ginamit niya ang sasakyan ng secretary niya. Hindi na siya nakapaghintay na dumating ang driver niya, nagmamadaling nagtungo na siya rito para makipagkita rito. Ayaw niyang nahuhuli sa pinag-usapan at masabihan na walang isang salita dahil mahalaga ang oras para sa kanya

Naka-ismid at nakapamewang pa ang babaeng ‘to. Hindi ba talaga nito alam kung sino siya?

Mataman na tiningnan ng lalaki ang kaharap. “Hindi ka ba natatakot sa akin?”

Nakataas ang kilay na sumagot si Jane. “Bakit naman ako matatakot sa’yo?”

Marami na siyang nakilala na walang kwentang lalaki o ama. Oo, aksidente ang naganap sa kanila ng lalaking ito. Pero ang pagdating nito ay sapat ng patunay na responsable itong tao.

Wala siyang dapat na ikatakot

“Tara na.” Malamig na aya ng lalaki.

“Ha?”

“Hindi ba gusto mong pakasalan kita sa kasalang bayan na sinasabi mo? Tara na.”

“Sigurado ka na ayos lang sayo ang kasalang bayan? Kung gusto mo ng huwes ay ayos lang naman.” Huwes, o kasalang bayan man iyan, walang kaso iyon kay Jane. Ang mahalaga ay makasal silang dalawa.

Kasal sa huwes ang unang plano na sumagi sa isip niya pero nalaman niya na magkakaro’n ng kasalang bayan dito sa kanilang bayan, hindi humihingi ng anumang requirements maliban sa ID at birth certificate lang.

“Hindi na importante kung saan tayo ikasal. Ang mahalaga ay makakuha tayo ng Marriage certificate.” Sagot pa ng lalaki.

Sa pamilya ng Montenegro, hindi basta-basta nag-aasawa ang mga lalaki. Pero nangako siya, kaya pananagutan niya ito. May isang salita ang mga lalaki sa pamilya niya.

Sandali na sumulyap siya sa babaeng papakasalan niya.

Gusto rin niyang malaman kung hindi ba talaga alam ng babaeng ito ang kanyang totoong pagkatao? O nagpapanggap lang ito para makuha ang kanyang atensyon? Kung mapatunayan niyang niloloko siya ng babae, mayro’n siyang maraming paraan para pagsisihan nito ang araw na ito. Siya si Clegane Montenegro, hindi siya papayag na paikutin ng isang babae!

“Ano pa ang hinihintay mo? Halika na.”

Tumango si Jane at sumunod sa lalaki. Nakahinga siya ng maluwag at nakadama ng ginhawa. Mabuti at pumayag ito na magpakasal sa kanya, hindi ipapanganak na bastardo kanyang anak.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY   17.

    "Halika na." Malamig ang tinig na utos ni Clegane kay Jarren. Pagkatapos tumawag ulit ni Jane sa kanyang kaibigan sa Porsche dealership ay sinabi niya kay Arnold ang magagastos. "Bagamat ang materyales ay maaring ibaba sa cost price, hindi naman maibaba ang labor cost at repair cost. Tinatayang aabot ng hindi bababa sa 30,000. Okay na ba sa'yo ito?" "Oo, siyempre!" sagot ni Arnold. Ang 80,000 ay naging 30,000 na lang bigla. Nagsimulang huminga ng maluwag si Arnold, habang ang kanyang mga mara ay nakatingin ng puno ng paghanga kay Jane. "Salamat, ha. Kung hindi dahil sa iyo, baka nagbayad ako ng malaking halaga sa kanila." Pasalamat ni Arnold na hindi inaalis ang titig kay Jane. "Libre ka ba mamaya? Gusto ko sana kitang anyayahang kumain sa labas bilang pasasalamat,"Inilingan ito ni Jane. "Wag ka na mag abala, Arnold. Magsilbing aral nalang itong nangyari. Dapat mong pagtuunan ng pansin ang pagmamaneho sa susunod, lalo na't nandiyan pa si Maya sa kotse mo. Na-kwento niya sa ak

  • I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY   Chapter 16.

    Nagmumura si Clegane sa backseat na upuan ng Porsche. Nag-drive siya ng mini car kaninang umaga. Pagkatapos ng ilang beses na pag-stall ng kotse sa daan, nawalan siya ng pasensya at kinailangan tumawag kay Jarren para sunduin siya, kaya’t nauubos ang oras sa kalsada. Nang malapit na siyang makarating sa kumpanya, muling nabangga ang kotse. Malas na malas ang araw niya ngayon! Nang tumingin siya sa rearview mirror, nakita niyang bumaba ang isang binatang lalaki mula sa BMW. Tinatayang nasa 20 o 22 na taon ang lalaki, naka-trendy na damit. Sa simula, tila hindi ito apektado sa banggaan, at hindi akalaing malaki ang problema ng rear-end collision. Ngunit nang makita nito ng malinaw ang Porsche logo, bigla itong namutla. Sumenyas si Clegane sa kanyang secretary, agad na bumaba naman si Jarren mula sa kotse para asikasuhin ang insidente. Maliwanag na magiging problema ang pagbabayad ng kompensasyon dahil sa illegal na pagmamaneho at pagkakasagasa. Ayon sa sekretarya, aabot ng hi

  • I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY   Chapter 15.

    Tumingin si Jane sa plato ni Clegane na wala ng laman. Akala niya ay hindi nito mauubos ang pansit. Ang ekspresyon kasi nito kanina ay nagpapakita na parang napipilitan lang na kumain ng pansit. Napangiti siya. Naubos nito ibig sabihin ay nasarapan ito. Akala niya talaga ay may matitira rito. Habang naghuhugas ng pinagkainan, narinig niyang nag-ring ang cellphone niya. Tumatawag si Maya. Kilala si Jane bilang masipag, palagi itong naka-on duty, sa sobrang sipag ay ayaw ng mag-leave. Ito ang unang pagkakataon na mag-leave ito kaya nag alala si Maya na baka tinamaan ito ng sakit dahil sa ulan kagabi. Kaya tinawagan niya si Jane para kamustahin. “Maya, okay lang ako. Nag-leave ako dahil maglilipat ako ngayon..." "Maglilipat! Bakit hindi mo sinabi agad, Ate Jane? Nakakapagod mag-isa maglipat. Tamang-tama naka-off din ako ngayon, ibigay mo na lang ang address at pupunta ako agad!" Kinulit siya ni Maya kaya hindi na nakatanggi si Jane at ibinigay na lang niya ang address. Na

  • I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY   Chapter 14.

    Hindi kumibo si Clegane at hinayaan na ipagtimpal siya ni Jane ng kape. Hindi talaga niya gusto ang lasa kaya hinayaan niya na ipagtimpla siya nito. Nagmamadali na nag init ng tubig si Jane. Wala na kasing laman ang thermos. Habang hinihintay na kumulo ang tubig, inalok niya ito ng ibang pagkain. "Mister, bakit hindi mo subukan ang egg burger? Masarap po ‘to.” Tumanggi si Clegane ng buo at tiyak. Pansit lang ang kaya niyang kainin sa mga binili nito. Ayaw niya sa mamamtika na pagkain, pero wala siyang choice kundi kainin itong pansit. Tsk! Hindi pa siya nakakain ng ganito kamantikang pagkain. Ngayon lang dahil sa babaeng ito! Kung hahayaan niya ang sarili na kainin ang anumang ibigay nito, baka dumating ang panahon na malagay sa alanganin ang kalusugan niya. Tsk! Hamon para sa kanya simula ngayon ang bawat alok nito ng pagkain. Pagkatapos ipagtimpla ni Jane ng kape si Clegane ay nagpatuloy siya sa pagkain. “Hmp! Bahala ka kung ayaw mo… sayang masarap pa naman ‘to.” Ewa

  • I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY   Chapter 13.

    Maaaring ngayon ay hindi pa duda ang babaeng ‘yon sa pagkakakilanlan niya. Pero hindi siya dapat maging kampante lalo na’t titira na sila sa iisang bubong. Kailangan niya mag ingat. Para makasiguro ay inutusan niya si Jarren na kumuha ng tao na magdadagdag ng kandado sa kanyang kwarto. Dala ang mga dukomento na naglalaman ng reports tungkol sa asawa at tahimik niyang tinahak ang daan pabalik. Napahinto siya sa paghakbang ng makita si Jane. Nakatayo ito sa harap ng pinto at nakatingin sa kanya. Hindi ba’t umalis na ‘to kanina lang? Kailan pa ito nakabalik? Napalunok si Clegane. Kanina lang ay kausap niya si Jarren sa ibaba. Nasaksihan at narinig ba nito ang usapan nila ng secretary niya? Nabahala siya. “Mister!” Kumaway si Jane na may tabinging ngiti sa labi. “Lumabas lang ako para bumili ng almusal, pagbalik ko hindi na ako makapasok, hindi ko kasi mabuksan ang pinto. Nagdoorbell ako walang nagbubukas. Kaya naman pala eh nasa labas ka pala.” Nakahinga ng maluwag si C

  • I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY   Chapter 12.

    Bagaman nakakaintimida ang awra ni Clegane at mukhang hindi madaling pakisamahan, matagal na siya sa sales at sanay sa lahat ng klase ng customer. Marami na siyang naka-salamuha na katulad nito. Saka ito ang pinaka gwapo, nakakawala ng takot kapag napatitig sa mukha nito. Sayang nga lang at matigas ang personalidad nito. Hindi dapat nito malaman ang tungkol sa bata, kundi maghihirap siya kapag dumating ang divorce. Basta’t makatawid siya ng ligtas sa susunod na anim na buwan, wala na silang magiging ugnayan! Hinawakan ni Jane ang kanyang flat na tiyan at muling nagdesisyon. "Huwag kang mag-alala, baby, hindi ko hahayaan na may kumuha sa'yo..." Sa sala... Pinagmamasdan ni Clegane ang pintuan ng kwarto ni Jane ng matagal, at medyo magulo ang kanyang ekspresyon. Bago pumasok ang babae sa kwarto, nagpasalamat pa siya sa kanya. Inisip niyang matatakot ito at baka umiyak, ngunit hindi niya inaasahan na ngingiti pa ito! Tinawagan ni Clegane ang numero ng secretary na si Jarren

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status