I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY

I’M PREGNANT, RESCUED BY MY BABY’S MYSTERIOUS DADDY

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-12
Oleh:  AllizaOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 Peringkat. 3 Ulasan-ulasan
17Bab
648Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Ang kasal ay nagbibigkis sa dalawang taong nagmamahalan. Si Jane ay kinasal sa lalaking dalawang beses palang niyang nakikita. Wala silang pagmamahal sa isa’t isa, para sa kanilang dalawa ang kanilang kasal ay sa papel lamang. Paano kung isang araw ay matuklasan niya na si Clegane, ang kanyang asawa ay hindi pala ordinaryong lalaki lang?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1.

"Buntis ka, iha.”

Nanlaki ang mga mata ni Jane sa narinig habang nakatitig sa monitor ng screen kung nasa’n ang ultrasound report. “B-Buntis ako?”

Tumango ang Doctor sa dalaga. Bahagyang napailing ang matanda ng makita ang pagkabigla sa mukha ng kanyang pasyente. Sa dami ng kabataang babae na nagbubuntis ng hindi inaasahan, sanay ito sa ganitong reaksyon ng paayente pagkatapos marinig ang nakakagulat na balita. Kung hindi tulala, madalas na tuliro pa at histerikal ang mga ito pagkatapos marinig ang resulta.

“Pang ilan na ang pinagbubuntis mo? Kung gano’n ay first time ito.” Bawi ng doktor ng makita ang pagkiling ng ulo ng pasyente. Tulala pa rin ito at nakatitig sa monitor.

Nagsalita ang Doctor para pukawin ang tulalang pasyente. “Miss, paalala lang bilang Doctor na nagmamalasakit sayo bilang pasyente. Hindi ligtas ang magpa-abort ng bata. Ang abortion ay hindi ligtas, minsan humahantong ‘yon sa habangbuhay na pagkabaog. Kung ipapa-abort mo ang bata ay pag isipan mo—“

‘Abortion?’ Mariing umiling si Jane at agad na pinutol ang Doctor. “Wala akong balak ipalaglag ang bata, Doc… hindi ko ‘yan magagawa sa kanya.”

Ang Doctor ay napangiti sa magandang balita na kanyang narinig. “Mabuti naman kung gano’n, Miss. Three weeks ka nang buntis. Maganda ang posisyon ng anak mo. Magpa-schedule ka na sa Obgyne Clinic para sa regular na prenatal checp-ups. Wag mong kalimutan na magpatingn para masiguro na healthy kayong mag ina.”

“Sige ho, Doc, salamat.”

Nang makalabas ng Clinic ay humimas ang kamay ni Jane sa impis ng tiyan. Hindi niya inakala na mabubuntis siya. Pero nandito na ito kaya wala na siyang magagawa kundi panagutan ito. After all ay anak niya ang batang ito.

Ang problema ay hindi pa siya kasal. Hindi niya alam kung papayag ang kanyang mga magulang at nakatatandang kapatid na ipagpatuloy niya ang kanyang pagbubuntis.

Bumuntong hininga siya bago sumakay sa kanyang scooter. Bago umuwi ay dumaan siya sa palengke para bumili ng gulay. Nang makarating sa kanilang bahay ay iginilid niya ang scooter niya bago kinuha ang supot ng gulay para pumasok sa loob.

Napahinto si Jane sa pagpasok ng marinig ang malakas na boses ng kanilang inang si Sally mula sa loob. Para itong galit at may kaaway sa lakas ng boses nito.

“Mabuti ka pa at naisipan na pumunta dito sa bahay at bigyan ako ng pera hindi katulad ni Jane! Ewan ko ba sa kapatid mo at hindi ako mabigyan ng malaki-laki. Ano ba ang pinagkakaabalahan ng kapatid mo? Bakit napapansin kong palagi siyang wala?!”

“Ma, abala lang si Jane sa trabaho nitong nakaraan.” Sagot ni Randy, ang nakatatandang kapatid ni Jane.

Umismid ang kanilang ina . "Abala sa trabaho? Palusot lang ‘yan! Hindi ko nga alam kung anong klaseng anak siya. Ang tagal na niyang nagtatrabaho pero sa tuwing sasahod siya ay kinse mil lang ang pinapadala niya sa akin buwan-buwan. Nag iipon ba talaga siya? O baka naman ginagastos niya lang sa walang kwentang bagay? Baka may lalaki siya? Ikaw, Randy, hindi ba balak mong bumili ng kotse? Kumuha ka nalang ng hulugan at si Jane na ang pagbayarin mo! Ibigay mo nalang sa akin ang perang ipambibili mo. Tutal naman ay maliit siya magbigay sa akin. Sa kanya mo nalang kunin ang monthly na panghulog mo! Magkasilbi man lang siya sa akin!”

Napahilot sa sintido si Randy habang pinapakinggan ang pagbubunganga ng kanilang ina.

“Alam mo bang mayro’ng pamilya sa kabilang bayan na naghahanap ng mapapangasawa ng isang miyembro ng kanilang pamilya?” Kanina ay pagkairita ang nasa boses ng ginang, ngunit ngayon ay excitement na ang maririnig dito. “Kung sino daw ang babaeng papayag na magpakasal sa diborsyadong miyembro ng pamilya nila ay makakatanggap ng dalawang milyon bilang kapalit. Kahit hiwalay at nagkaro’n na nang dating asawa ang lalaki ay hindi ka na lugi kung may kapalit naman na pera. Saka mas maalaga daw ang mga lalaking hiwalay sa mga asawa kaysa sa mga binata. Malaki-laki din ang perang kapalit kaya kumbinsihin mo ang kapatid mo na pumayag na magpakasal. Sayang ang dalawang milyon na makukuha ko!”

Hindi maitago sa tono ng boses ni Randy ang pagkainis ng sumagot, "Ma, hindi ko magagawang kumuha ng hulugan na kotse at ipasalo sa kanya ang monthly na hulog. Saka nakakahiya dahil ako ang mas matanda. Nakakahiya na humingi ng pera sa kanya kada buwan—“

“At bakit hindi? Kung malaki sana siya magbigay sa akin ay walang problema! Saka ako ang nagluwal sa kanya, ang pera niya ay pera ko! May karapatan ako na hingian kayo dahil mga anak ko kayo! Ano pa ang hinihintay mo? Tawagan mo ang kapatid mo at sabihan na maghanda para sa kasal!”

Hindi na nakapagtimpi si Jane. Tinulak niya ang pinto at kuyom ang kamay na pumasok. Halatang nagulat ang mama nila ng makita siya nito.

Sandali itong natigilan ngunit agad na ngumiti ng matamis ng makabawi. “Jane, kanina ka pa di’yan sa labas? Wag mong intindihin ang mga sinasabi ko sa Kuya mo. Ang intindihin mo ay tungkol sa lalaking nakatira sa kabilang bayan, mabuti siyang tao. Wag kang mag alala hindi naman papayag ang Mama mo na makasal ka sa masamang tao. At saka wag kang tumingin sa bad side, hindi naman porke hiwalay siya sa asawa ay masama na siya. Narinig kong sinabi ng iba na mabuti siyang lalaki—“

“Hindi ako magpapakasal sa lalaking sinasabi mo, Ma!” Putol ni Jane sa ina.

Mabilis nagbago ang ekspresyon ni Sally sa narinig. Wala na ang ngiti sa labi nito, mapanumbat na itong nakatingin sa kanya. “Akala mo ba may pagpipilian ka? Ako ang nagpalaki sa’yo, Jane! Kung hindi dahil sa akin ay wala ka sa mundo! Ako ang nagdala sa’yo ng siyam na buwan sa sinapupunan ko, ako ang dahilan kaya nabubuhay ka sa mundo. Kaya sa ayaw at gusto mo ay magpapakasal ka dahil sinabi ko!”

Nag init ang sulok ng mata ni Jane. Anumang sandali ay tutulo na ang napipintong luha mula sa kanyang mata. Binalot ng sakit ang puso niya sa narinig mula sa ina.

Bata pa lang siya ay ramdam na niyang paborito ng Mama niya ang Kuya niya. Isusubo nalang nito ay ibibigay pa sa kapatid niya, samantalang pagdating sa kanya ay wala itong pakialam. Kahit nga siguro mamatay siya sa gutom ay wala itong pakialam sa kanya. Pagdating sa damit, laruan at paaralan ay kitang-kita ang malaking agwat ng trato nito sa kanila. Ang Kuya niya may bagong damit at sapatos, umaattend pa ng meeting ang mama nila. Pero pagdating sa kanya, puro luma at bigay lang ang ipapasuot sa kanya, ni isang beses ay hindi rin ito umattend ng meeting niya sa eskwelahan.

Para sa kanilang ina, wala siyang silbi dahil isa siyang babae. Hindi daw babae ang nagdadala ng pera sa pamilya kundi ang mga lalaki.

Noong naaksidente siya sa school no’ng grade three siya, hindi man lang ito pumunta para sunduin siya ng maaga at hayaan na makapagpahinga. Samantala kapag ang kuya niya ang nagkakasakit ay agad itong pumupunta. Kahit sa baon ay hindi ito patas. Minsan nga naisip niya na baka hindi siya anak nito, na baka ampon lang siya.

Pero ngayong gusto siyang ipakasal nito kapalit ng dalawang milyon ay hindi siya papayag! Daig pa niya ang binenta kung hahayaan niya ‘yon!

Huminga siya ng malalim habang nakakuyom ng mahigpit ang kamao. “M-Ma, buntis ako. Ayokong magpakasal sa lalaking sinasabi mo dahil buntis ako. Sa tingin mo papayag ang lalaking ‘yon na magpakasal sa babaeng may extra baggage na kagaya ko?”

Sandaling dumaan ang katahimikan. Napanganga si Sally sa gulat sa rebelasyon ng anak. Nang makabawi ay namula ito sa galit at tuluyan ng sumabog.

“Buntis ka?!” Umalingawngaw ang galit nitong tinig sa paligid. “Punye ta kang bata ka isa kang kahihiyan! Nagpalaki ako ng malanding bata! Subukan mong sabihin pa ‘yan, masasaktan talaga kita!”

Pumikit si Jane at hinayaan itong sigawan at murahin siya. Sanay na siyang sa ugali at bunganga nito, hindi na ito bago sa kanya. Alam niyang magwawala lang ito, kaya hindi na siya nagsayang ng oras na makinig pa sa mga masasakit na salitang binabato nito sa kanya. Tumalikod siya at iniwan ito at kapatid niya.

Nang makababa siya ng hagdan, hinabol siya ng Kuya Randy niya.

"Jane, huwag mong pansinin ang sinabi ni Mama. Wala akong balak kumuha ng hulugang kotse at pabayaran sa’yo kada buwan katulad ng gusto niya.”

"Alam ko naman ‘yon, Kuya."

Bagamat hindi sila inaalagaan at tinrato ng patas, naging mabuti sa kanya ang Kuya niya. Hindi niya naramdaman na wala siyang kapamilya dahil dito. Pinunan nito ang pagkukulang ng Mama at Papa nila.

“Jane,” pinigilan siya nito sa kamay. “Yung sinabi mo kanina totoo ba? Wag mo naman kaming biruin ng ganyan, hindi magandang prank ‘yan. Kahit nakakainis ang ugali ni Mama hindi mo pa rin dapat gawing biro ang tungkol sa pagbubuntis. Paano kung may makarinig at itsismis ka—“

“Kuya, hindi ako nagbibiro, totoo ‘to, buntis talaga ako… at balak ko na rin magpakasal.”

Umawang ang labi ni Randy sa gulat. “H-hindi nga? Hindi ‘to prank?”

Para patunayan na nagsasabi siya ng totoo ay kinuha niya ang ultrasound report sa bag niya at nilagay sa kamay ng Kuya niya na hanggang ngayon ay napako sa kinatatayuan dahil sa gulat.

Habang naglalakad palayo ay hindi nawaglit sa kanyang isip ang gulat na gulat na ekspresyon ng kapatid niya. Sinong hindi magugulat—bukod sa inamin niyang buntis siya ay nasabi rin niyang magpapakasal siya.

May katuturan naman ang ginawa niyang pag amin. Ginawa niya ‘yon para hindi mag alala ang Kuya niya. Hindi mahalaga sa kanya ang galit ng mama niya, ang tanging nasa isip niya ay kung paano mapapanatili ang kanyang anak. At naisip niya na ang pagpapakasal ay isang matalinong hakbang.

Pero hindi siya magpapakasal sa paraang gusto ng mama niya—hindi niya ipagbibili ang sarili sa halagang dalawang milyon!

Huminga siya malalim bago nagdesisyon na kunin ang cellphone sa kanyang bag para tawagan ang numero na hindi niya naisip na kokontakin niya pagkalipas ng isang buwan. “Hello, Mister. Natatandaan mo ba ako? Ang babaeng nakasama mo isang buwan ang nakakaraan sa suite 203 Makati Hotel? Noong gabing ‘yon ay sinabi mong pananagutan mo ako. Kung totoo ang sinabi mo ay pakasalan mo ako. Ano, magpapakasal ka ba?”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Lavinia Manalo
maganda ang kwento ...
2025-04-11 22:07:37
0
user avatar
Middle Child
Super nice! more update author =)
2025-03-03 20:58:18
1
user avatar
Deigratiamimi
Highly recommended
2025-03-03 10:54:26
1
17 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status