"Hindi pa rin ikaw ang head of household?"Napakunot na ang noo ng staff sa presinto, at halatang nawawalan na ng pasensya. Mabilis ang pila, at mahaba ang naghihintay sa likod niya."Medyo komplikado 'yan, Miss. Pumunta ka muna sa kasama ko para i-explain ang proseso. Marami pa kasing kailangang intindihin diyan."Margaret had no choice but to step aside and seek assistance. First time niya ito, at wala siyang kaalam-alam sa bureaucratic maze ng pagpapalit ng legal documents."Ang pinakaimportante ngayon ay ang household registration mo. Kapag kumpleto ang info, usually, five days lang 'yan," paliwanag ng mas mahinahong staff.Pero..."Dahil hindi ikaw ang householder, kailangan mo ng kopya ng ID niya, o kung wala siya, kailangan mo ng authorization letter na may pirma niya."Of course. Of course kailangan pa rin si Xander."Paano kung hindi naman nawala ang household book pero... ayaw lang niya ibigay?" tanong ni Margaret, halos pabulong, pero may bahid ng desperasyon."Ah, ganun po
Hindi na naman nakatulog ng maayos si Margaret.Magdamag siyang gising, nanlalaki ang mata sa dilim habang naka-on ang lampshade buong gabi, para bang may humahabol sa kanya sa bawat kisapmata.Kaya kinabukasan, bagsak ang katawan niyang bumaba ng hagdan, madilim ang ilalim ng mata at wala sa sarili.Pagkakita sa kanya ni Asher, na noon ay kagagaling lang mula sa kusina, pansamantalang napatigil ito.Napatingin ito sa eyebags ni Margaret, pero hindi na siya tinanong pa. Alam niyang pagod ito, hindi lang sa katawan, kundi lalo na sa loob.“Yanna, gusto mo bang matulog pa ulit?” alok nito habang inaayos ang mesa. “We ran out of some groceries kaya hindi ako makagawa ng favorite mong hash browns. But I made brown sugar pie!”Alam pa rin niya... Kahit lumipas na ang pitong taon, hindi pa rin nakalimot si Asher.Samantalang ang pamilya ni Xander… kahit minsan, hindi man lang tinanong kung anong gusto niya.Tahimik siyang naupo sa dining table. Sumunod si Asher, may bitbit na gatas at saril
Habang busy ang mga kaibigan ni Xander sa pagbatikos at paninirang-puri kay Margaret, tahimik lang si Cassandra, umiiyak kuno, nakayuko, habang tinatanggap ang mga kaibigan.Pero sa likod ng basang mga mata niya ay may kung anong tuwa.Tumayo siya, nagpanggap na pupunta lang sa cr para maghilamos, ngunit dumiretso siya sa stairwell, sinigurong walang ibang tao, saka agad kinuha ang cellphone.Pagkasagot ng kabilang linya, malamig ang boses niya.“Have someone trace what really happened between Xander, Margaret, and Asher back in university. I want the full details, every little thing, even the tiniest flick.”Ang akala niya noon, ang biglaang pagpapakasal ni Xander kay Margaret dala lang ng galit dahil hindi siya bumalik agad ng Pilipinas.Pero ngayon, iba ang kutob niya.May mas malalim.At hindi siya mapapalagay hangga’t hindi niya alam ang buong katotohanan."And Asher, I want to know everything about him. From childhood up to now. Background, connections, everything."Kailangan ni
Tahimik na muli ang kwarto matapos ang kaguluhan.Magulong nakahandusay si Margaret sa kama. Gulong-gulo ang buhok, basa ang damit, at tila wala sa sarili habang nakatitig sa kawalan. Ilang minuto rin siyang tulala bago unti-unting bumangon. Nanginig ang mga kamay niya habang binababa ang mga paa sa sahig.Huminga siya ng malalim, isang beses, dalawa. Nang bahagyang kumalma, naglakad siya papasok sa banyo at ikinandado ang pinto.Sa harap ng salamin, hindi niya halos makilala ang sarili. May dugo pa sa pisngi, leeg, at katawan niya. Namumugto ang mga mata. Hindi niya alam kung pawis, luha, o dugo ang tumutulo.Binuksan niya ang gripo at hinugasan ang mga kamay, paulit-ulit, parang may tinatanggal na kasalanan. Pero parang mas lalo pa itong dumidikit.Tumapat siya sa shower, binuksan ang tubig, mainit, malamig, kahit alin, basta matanggal lang ang dumi.“Napatay ko ba siya?”“Makukulong ba ako?”“Sino’ng maniniwala sa akin?”Pilit niyang hinuhugasan ang katawan, pero sa paningin niya,
BANG!Bumukas ang pinto ng kwarto sa isang malakas na tunog.Nang makita ni Leo ang ama niya, agad siyang kumawala mula sa pagkakahawak ng kanyang ina. Pero hinigpitan ni Margaret ang hawak sa kanya, halos parang pakiusap na ang boses niya.“Leo... huwag kang umalis, please.”Pero galit pa rin si Leo sa kasinungalingan ng ina. Pinilit niyang itulak ito, umiiyak habang tumatakbo papunta kay Xander.“Daddy! Niloko ako ni Mommy! She lied to me!”Saglit na natahimik ang kwarto. Nilingon ni Xander si Margaret na nakaluhod sa tabi ng bintana, maputla ang mukha, parang nawalan ng kaluluwa. Iniharap niya ang tingin kay Leo, ngumiti at hinaplos ang buhok nito.“Talaga?” malamig pero mahinahong sagot niya. “Tatanungin natin mamaya si Mommy kung bakit.”Tinapunan niya ng tingin si Rio.Tahimik na lumapit si Rio, binuhat si Leo kahit nagpupumiglas ito, at lumabas ng kwarto.“Mommy’s crying!” umiiyak at paulit-ulit na sigaw ni Leo habang palayo. “Mommy’s crying!”Pero sinapo ni Rio ang ulo nito, p
Sa loob ng isang private room sa isang mamahaling restaurant.Anim na katao ang nakaupo sa paligid ng round table. Maliban kay Xander at ang dalawa niyang kasama, lahat ay mula sa Alzo team.Tahimik na iniikot ni Xander ang paningin sa mga hindi pamilyar na mukha. Bahagyang kumunot ang noo niya, ten minutes late na, pero wala pa rin ang core member ng team Alzo.Napuno ng tensyon ang hangin.Sa ilalim ng tingin ni Rio, nagkatinginan ang tatlong representative. Isa sa kanila ang lumabas at tumawag. Pagbalik niya, nahihiyang tumango."Mr. Romano, He want to talk to you."Mr. Romano? So, yun pala ang tunay na surname ni Alzo?Tumango lang si Xander at sinenyasan itong i-speaker. Pagkabukas ng hands-free, may humahaplos na hangin sa kabilang linya. Hanggang sa marinig nila ang isang boses, mababa, banayad, at pamilyar."Brother Xander, long time no see."Nanlamig ang katawan ni Xander.Hindi siya agad nagsalita. Pero ang mga mata niya, tumalim.Tahimik ang buong silid.Napalingon si Cass