GRAY'S POV:
Gabi na nang makalabas sila sa abandonadong bahay. Yakap-yakap niya si Rosabel habang nanginginig pa rin ito sa takot.
“Kami na ang bahala dito, Mr. Enriquez.” sabi ng pulis.
“Ano nga pala ang balita kay Lindy? Nahuli ba siya?” tanong ng daddy niya sa mga pulis.
“Hindi pa, sir.”
“What?! Akala ko ba ay binantayan na ang lahat ng pwedeng daanan nila?!” lumaki ang boses nito.
“‘Yun nga, sir, ang ginawa namin. Pero hindi namin alam kung bakit hindi sila dumaan sa isa man doon sa binantayan namin.”
“Damn! Madulas talaga ang babaeng ‘yun!” komento niya.
“Don’t worry, anak. Makatakas man sila ngayon ay hindi naman nila mawi-withdraw ang pera.” sabi ng daddy niya.
“Why?”
“Pina-freeze namin sa bangko para hindi nila ma-withdraw.”
Tumango lang siya. Wala na rin siyang pakialam sa pera, ang importante sa kanya ay nakaligtas na sila ni Rosabel. Ang ayaw lang niya ay kung hindi man mahuli si Lindy at mga kasamahan nito, baka gamitin ang pera sa kasamaan. Kaya tama lang ang desisyon ng