Pagkapasok ko sa fitting room, isinabit ko ang mga ipinapasukat sa akin ni Denver malapit sa pinto. Grabe, feeling ko talaga ako ‘yung model ng winter collection ng buong taon. May thermal sets, may oversized coats, may kung anong knitted thing na hindi ko mawari kung dress ba o kumot.
Kinuha ko muna ang red coat na unang pinapasukat ni Denver. Pagkasuot ko, agad kong napansin ang tela—makapal, malambot, pero hindi mabigat. Yung cut niya… fitted sa baywang, may shiny buttons, at ang kulay—intense na pulang parang pang-bold female lead sa K-drama. Akakakilig!
Lumapit ako sa salamin. Napatingin ako sa sarili ko saka bahagyang umikot. Bagay yung red dress na suot ko sa red coat.
Pero sa pag-aayos ko ng sleeves, may nalaglag na maliit na tag mula sa bulsa. Tiningnan ko ito.
₩980,000
Huh? Wait lang.
Kinuha ko agad ‘yung phone ko at mabilis na nag-type:
“₩980,000 to PHP”
Ilang segundo… loading…
PHP 43,000+
“ANO’NG—?!” halos mapasigaw ako. “FORTY-THREE THOUSAND PESOS?!” sabay takip sa bibig