Thrizel's POV
"Thrizel, nandiyan na ang kuya mo!" Sigaw ng kaibigan kong si Amira.Mabilis kong binitawan ang buhok ng ka-eskuwela ko bago umayos ng tayo. Nakikipagsabunutan ako sa kaniya dahil akala niya inagaw ko ang boyfriend niya."Sa susunod, tanongin mo muna iyang boyfriend mo, huh!" Tinuro ko pa ang nobyo niyang nasa likuran. Ngumisi ako ng nakakaasar. "Hays, ang hirap maging maganda. Ang daming naghahabol sa akin." Animo ko pa itong iniinis kaya iyon ang sinabi ko. Kung ganiyang ugali lang din naman ang ilalaan niya sa akin, patigasan na lang kami."Anong ibig mong sabihin? Boyfriend ko pa ang naghabol sa 'yo?" Nanggagalaiti niyang tanong habang hawak-hawak ang kaniyang boyfriend. Wow, huh? Oo naman.Kumindat ako sa nobyo niya para dumagdag ang inis nito. "Of course, sa tingin mo ba papatol ako riyan sa cheap na iyan? Mukha ba akong walang taste?" Pinakita ko talagang nandidiri ako. Masama na kung masama. Ang sama kasi ng mukha niya.Umirap muna ako sa babae bago nilihis ang katawan ko paharap sa daan pero nabunggo ako sa katawan ng tao. Unti-onti ko itong tiningnan, napakamot na lang ako sa ulo. Nakatayo siya sa harap ko habang nakapamulsa at seryosong nakatingin sa akin. Matangkad siya kaya nakayuko ito."Hehe." Pekeng tawa ko."What's this?" Tanong niya gamit ang tinig na seryoso.Hinatak-hatak ko siya pero sadya siyang mabigat kaya hindi man lang ito naalis sa kaniyang kinatatayuan. Napasimangot ako."I'll repeat, what's this?"Hindi pa rin umaalis ang nakaaway ko. Nakatingin lang siya sa amin ni kuya. Nang mapadako ang paningin nito sa akin ay mabilis ko itong tinarayan."Wala iyan, kuya.""You?" Turo niya sa babae. Bahagya naman itong nagulat. "Ano ito, miss?""Oo na! Oo na!" Pagsuko ko dahil marami ng estudiyanteng nakikinood. "Boyfriend niya ang lumapit sa akin at sabi niya, inaagaw ko raw ang boyfriend niya kaya nag-away kami. Sa tingin mo ba gagawin ko iyon, kuya?" Umirap ako at humalukipkip."Pasensiya na sa ginawa ng kapatid ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Ano?! Humihingi siya ng pasensiya? Ano? Ako ang may mali?"Kuy—" Magmamataktol pa sana ako nang mabilis niya akong hatakin at i-alis sa nagkukumpulang estudiyante."Are you looking for trouble again? For fuck’s sake, Thrizel. Lagi kang sangkot sa gulo rito. Are you uneducated? Where's your brain? Please, use it. High school ka na! Be matured! Linisin mo naman ang imahe mo!" Nagpanggap akong walang narinig sa mga sinabi niya. Pangiti-ngiti lang ako at tumitingin sa ibang direksyon. Patay malisya lang kapag nagsasalita siya. "Are you listening?! You're embarrasing!"Nakanguso akong humarap at nagmamaktol. "Kuya naman, e. I hate you. It's not my fault, it's her fault. Bakit ka ba humingi ng pasensiya roon? Sila ang mali. Nanahimik lang ako!" Nakuha ko lang ipadyak ang isa kong paa.Pumikit siya at tinitigan ako sa mga mata. Nakipagsabayan ako pero hindi ko kaya kaya umiwas ako. "Hindi sa lahat ng oras ikaw ang tama. Babaan mo rin ang pride mo.""Kuya naman." Pagmamaktol ko habang nagpapadiyak na ng mga paa."Stop that! Para kang bata! Ako ang magsusundo sa 'yo mamaya!"Mas lalong nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. "Ayaw ko! Ayaw ko!""May practice sila Anissa kaya masusundo kita." Nagpamulsa siya at tumalikod na. Bago siya maglakad ay humarap na naman ito. "At huwag mo akong subukang takasan! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo sa bahay!" Saka na siya nagpatuloy. May pagbabanta talaga.Masaya akong naglakad patungo sa silid ko. Bahala ka riyan, tatakas ako. Kapag kasi si kuya ang lagi kong kasabay, tungkol lang sa pag-aaral ang pag-uusapan namin buong biyahe. Ang lagi niya kasing kasabay ay si Ate Anissa, ang nililigawan niya.Pagkarating ko sa silid ay mga kaklase kong magugulo agad ang bumungad sa akin. Hindi ko 'yon pinansin at tumabi na kay Amira na hindi man lang ako hinintay. Crush niya si kuya at hindi niya yata napigilan ang kilig kaya nagpatiuna na."Hindi mo man lang ako hinintay!" Bulyaw ko habang umuupo."Hehe," kamot niya sa ulo. "Nandoon kasi si crush. Baka masira pa ang image ko sa kuya mo 'no at hindi pa ako magustuhan."Napairap na lang ako ng mga mata at hinintay ang guro. Pumasok naman na ito maya-maya kaya buong araw ng klase ay antok na antok ako. Dumating ang uwian. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at lalabas na dapat nang tawagin ako ni Amira."Saan ka pupunta? Nagmamadali ka? Hindi ba tayo sabay?"Reporter lang? Tanong nang tanong?"Tatakasan ko si kuya! Bwahahaha!"Napailing na lang siya at hindi na ako kinulit. Nagmadali na akong maglakad. Para pa akong nagnininja moves dahil bawat liko ay pasimple kong tinitingnan at patago-tago.Nakahinga naman ako nang maluwag dahil walang kuyang bumungad sa akin sa parking lot. Masaya akong naglalakad mag-isa sa daan. Hindi naman malayo ang bahay namin sa paaralan kaya pwede ka ring maglakad. Si kuya lang ang may kotse at ako ay wala. Fourth year high school na si kuya at may student license kaya pwede siya magmaneho. Ako? Grade 9 pa lang.Malapit na ako sa bahay. Kaunti na lang ang aking lalakarin nang bigla may bumusina. Lagot ka, Thrizel!"What do you think you're doing?"Boses niya!Imbis na lingunin ko siya ay mabilis akong kumaripas ng takbo papasok sa bahay. Bahala ka riyan! Wahhhhh! Mama!"Thrizel!" Sigaw niya mula sa labas."Mommy!" Sigaw ko sa loob ng bahay. Lumabas naman ang nanay namin mula sa kusina. Akala siguro ay kung anong nangyayari. Hehe, sorry, mom."Oh? Ano 'yon? Bakit ka tumatakbo?""Si kuya!" Sigaw ko at umakyat pataas ng kwarto. Sinara ko ang pinto at doon sumandal para magpahinga dahil hingal na hingal ako."Mom, nasaan si Thrizel?! Tinakasan na naman ako!" Sigaw niya mula sa baba, sapat na para aking marinig."Hay nakung mga bata kayo!"Napabunton- hininga ako at nagpunas ng pawis. Isasarado ko na sana ang pinto nang bumukas ito at ang bumungad ang kuya kong naniningkit ang mga matang nakatingin sa akin."Thrizel!" Banggit niya sa aking pangalan."Kuya Thrale."Paatras ako nang paatras, siya naman ay palapit nang palapit sa akin. Naramdaman ko ang malamig na pader sa aking likod.Nang makalapit siya, yumuko ito at inilipat ang mukha sa mukha ko. "Ang tigas talaga ng ulo mo!" Saka niya ako binatukan. Mahina lang iyon pero nagawa kong ngumuso."E, ayoko nga!" Saka ako pumunta sa salamin para mag-ayos ng sarili."Isa pa, Thrizel! Ginagalit mo talaga ako!""Nyenyenye!""Bumaba ka na para kumain!" Lumabas na siya ng aking kwarto.Kala mo talaga pogi, mas pogi pa nga ako roon kapag naging lalaki ako, e. Duh! Kung hindi—oo na! Gwapo nga siya.Itutuloy...Third Person’s POVPuno ng kaba ang puso ni Thrale. Hindi niya alam kung anong irereaksyon, matutuwa ba dahil maipapanganak na ang kaniyang anak? O matatakot dahil alam niyang nahihirapan ang kaniyang asawa sa pagluwal nito? Dahil hindi siya makapili, pinaghalo niya ang dalawa. Panay tapik ang kaniyang tatay sa balikat nito para pakalmahin dahil kanina pa siya palakad-lakad. Hinihintay niyang lumabas ang doktor. “Calm down, Thrale. Ikalma mo ang sarili mo dahil kanina pa kami nahihilo sa ‘yo.” Hindi maibanat ang labi ni Link para sa ngiti. Mas lalo siyang nagiging seryoso kapag tumatanda. Magkasalungat talaga ang magpinsan.Agaran siyang bumaling sa pinsan na nanginginig pa rin sa kaba. “You don’t know the feeling like this, Link.” Napasabunot siya sa sarili bago umupo sa upuan. “Kanina ko pa gustong magkita ang mag-ina ko, dad. Ang tagal naman lumabas ng doktor.” Iisipin niya pa lang kung gaano nahihirapan ang asawa sa loob, hindi niya na kayang makita ‘yon. Atat na atat siyang pas
Thrale's POVPuno ang puso ko ng kaba. Lahat ay nakaabang sa kaniya. Ito ang isa sa pinakamasayang araw ko, ang pakasalanan ang babaeng matagal ko ng mahal. I could not lose my sight to the church door. We were all excited to see her. I looked at dad. He smiled at me. His eyes were happy because this is what he wanted to happen to me, to be happy.Lahat ay napatingin sa pintuan nang bumukas. Ang mga tingin ko ay nag-umpisa sa sahig, tinungo ang puting tela na ibaba ng kaniyang wedding gown. Mula paa hanggang ulo, sinuyod ko siya. I will never tire of admitting to myself that the woman I am going to marry today is so beautiful. Kahit hindi ko masyado maaninag ang kaniyang mukha dahil sa layo, alam kong masaya ang kaniyang mga tingin.Agad siyang nilapitan ni dad, kumapit siya sa braso nito para sabay maglakad. Sa kantang nangingibabaw, agad na nagtubig ang aking mga mata. Habang papalapit siya sa akin, hindi ko maiwasang tumingin sa kawalan dahil sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga lu
Thrale's POVNagising ako nang kumalam ang aking tiyan. Tiningnan ko ang babaeng nakahiga sa kama. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya. Imbes na bumaba ako para kumain, nakuha kong pumuntang banyo para maligo. Nakita ko rin naman ang naiwan kong damit dito, iyon na lang ang susuotin ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob para hindi siya magising. Halata sa malalim niyang paghinga ang pagod. Mukhang may ginawa na naman sila ni Amira.Pumasok na akong banyo. Huminga ako nang malalim nang magbagsakan ang tubig sa aking katawan. Habang naliligo, ang tanging nasa isip ko lang ang aming pagtatalik. Hindi ko inaasahang mangyayari 'yon. Tapos na pero ito ako ngayon, may humahaplos sa puso at kumukurba ang ngiti sa labi. Gustong-gusto ko na lang siyang mahalin lalo na't wala ng handlang sa amin. Gustong-gusto ko siyang mapasaakin.Natapos akong maligo. Humiga ako sa kaniyang tabi. Nakatalikod ako mula sa kaniya dahil sakop niya ang kaniyang buong kama. Papikit na sana muli nang kumalam na
Thrizel’s POVNagising ako sa sinag ng araw mula sa aking bintana nang tumapat ito sa aking mukha. Papikit-pikit pa ako na tila hinahanap ang sipag para sa pagbangon. Nang maramdaman kong may buhok na tumutusok sa aking balat, agad akong napabaling sa aking tabi. Imbes na magulat, ngiti agad ang sumilay. Mahimbing ang kaniyang tulog habang ginagawang unan ang aking braso. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya, inamoy ko ang kaniyang buhok.Gamit ang isang hintuturo, hinawakan ko siya sa kilay. Sunod ay sa ilong pababa sa labi. Kahit tulog siya, may ngiting nakakurba pa rin sa kaniyang labi. Halatang masaya ang kaniyang tulog. Ang sarap titigan ng kaniyang mukha. Hindi ako magsasawang sabihin na perpekto talaga ang sa kaniya. Makapal ang mga kilay, mahaba ang pilik mata, matamis ang ilong at pulang-pula ang labi. Tila buhok pa ng mais ang kulay ng kaniyang buhok. Sa pagtitig kong ‘yon, may humahaplos sa aking puso. Hindi makapaniwalang nasa bisig ko siya ngayon. Kaharap ko ang lalaking mah
A/N: WARNING!Thrizel’s POV“One tequila.”Mabilis na binigay ng bartender kaya agad kong ininom. Napatakip pa ako ng bibig dala ng antok. Dumadalawa na ang aking paningin dahil kanina pa kami nandirito ni Silas. Hindi ko makalimutan ang pinag-usapan namin kanina ni Thrale. Hindi ko matanggap na tinalikuran niya ako. Ito ang paraan ni Silas para hindi ako malunod sa pag-iyak. Agad siyang remesponde para makalimot sa pangyayari kanina. Nagtagumpay naman siya, imbes na umiyak ako animo akong nababaliw dito na natatawa mag-isa.“Naunang umuwi sa ‘yo si Thrale, ‘di ba? Nakita ko talagang nakasakay si Anissa sa kaniyang kotse.” Pagpapatuloy ni Silas sa kaniyang pagkukwento. Nang bumalik kasi ako sa loob, hindi ko na naktia si Ate Anissa. Mukhang nagkasalisi kami. “Bakit naman magkasama ang dalawang ‘yon? Nakakainis si Thrale. Kakatapos lang ng pag-uusap niyong iyon, dumidikit na sa ex-girlfriend.”“Ayos lang naman sa akin ‘yon.” Muli kong ininom ang nilapag ng bartender. “Alam ko namang hi
Thrizel’s POV“Ano nga bang nangyari sa loob ng sasakyan ni Callum? Bakit ganoon ang buhok mo?” Tinaasan pa ako ni Silas habang nakatayo sa aking harapan. Nandirito ako sa lamesa habang kumakain ng umagahan.“He tried to kiss me.” Diretso kong sagot para mangunot ang kaniyang noo. “Sa kaniya, wala lang ‘yon dahil alam kong pinaglalaruan niya lang ako. Bastos na lalaki.” Napadiin pa ang hawak ko sa kubyertos dahil sa inis na nararamdaman. Naalala ko na naman ang kalokohan niya.“He deserve your slaps.” Umupo si Silas sa harapang upuan na may seryosong mukha. “Huwag ka nang lumapit doon. Alam mo namang kapahamakan lang ang dala niya sa ‘yo. Hindi mapagkakatiwalaan ‘yon.”Tumingin ako sa kaniyang mukha. Nasa ibang direksyon ang kaniyang tingin. “Ano palang nangyari kina Thrale at Callum? Anong ginawa sa kanila ni dad?”Hinarap niya ako na may nanunuring tingin. “Kanino ka naman interesado, huh?” Tinaasan ko siya ng kanang kilay dahil beripakadong nagbibigay malisya. Napabuntong-hininga s