Chapter: Epilogue:Third Person’s POVPuno ng kaba ang puso ni Thrale. Hindi niya alam kung anong irereaksyon, matutuwa ba dahil maipapanganak na ang kaniyang anak? O matatakot dahil alam niyang nahihirapan ang kaniyang asawa sa pagluwal nito? Dahil hindi siya makapili, pinaghalo niya ang dalawa. Panay tapik ang kaniyang tatay sa balikat nito para pakalmahin dahil kanina pa siya palakad-lakad. Hinihintay niyang lumabas ang doktor. “Calm down, Thrale. Ikalma mo ang sarili mo dahil kanina pa kami nahihilo sa ‘yo.” Hindi maibanat ang labi ni Link para sa ngiti. Mas lalo siyang nagiging seryoso kapag tumatanda. Magkasalungat talaga ang magpinsan.Agaran siyang bumaling sa pinsan na nanginginig pa rin sa kaba. “You don’t know the feeling like this, Link.” Napasabunot siya sa sarili bago umupo sa upuan. “Kanina ko pa gustong magkita ang mag-ina ko, dad. Ang tagal naman lumabas ng doktor.” Iisipin niya pa lang kung gaano nahihirapan ang asawa sa loob, hindi niya na kayang makita ‘yon. Atat na atat siyang pas
Last Updated: 2024-04-01
Chapter: Chapter 148:Thrale's POVPuno ang puso ko ng kaba. Lahat ay nakaabang sa kaniya. Ito ang isa sa pinakamasayang araw ko, ang pakasalanan ang babaeng matagal ko ng mahal. I could not lose my sight to the church door. We were all excited to see her. I looked at dad. He smiled at me. His eyes were happy because this is what he wanted to happen to me, to be happy.Lahat ay napatingin sa pintuan nang bumukas. Ang mga tingin ko ay nag-umpisa sa sahig, tinungo ang puting tela na ibaba ng kaniyang wedding gown. Mula paa hanggang ulo, sinuyod ko siya. I will never tire of admitting to myself that the woman I am going to marry today is so beautiful. Kahit hindi ko masyado maaninag ang kaniyang mukha dahil sa layo, alam kong masaya ang kaniyang mga tingin.Agad siyang nilapitan ni dad, kumapit siya sa braso nito para sabay maglakad. Sa kantang nangingibabaw, agad na nagtubig ang aking mga mata. Habang papalapit siya sa akin, hindi ko maiwasang tumingin sa kawalan dahil sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga lu
Last Updated: 2024-04-01
Chapter: Chapter 147:Thrale's POVNagising ako nang kumalam ang aking tiyan. Tiningnan ko ang babaeng nakahiga sa kama. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya. Imbes na bumaba ako para kumain, nakuha kong pumuntang banyo para maligo. Nakita ko rin naman ang naiwan kong damit dito, iyon na lang ang susuotin ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob para hindi siya magising. Halata sa malalim niyang paghinga ang pagod. Mukhang may ginawa na naman sila ni Amira.Pumasok na akong banyo. Huminga ako nang malalim nang magbagsakan ang tubig sa aking katawan. Habang naliligo, ang tanging nasa isip ko lang ang aming pagtatalik. Hindi ko inaasahang mangyayari 'yon. Tapos na pero ito ako ngayon, may humahaplos sa puso at kumukurba ang ngiti sa labi. Gustong-gusto ko na lang siyang mahalin lalo na't wala ng handlang sa amin. Gustong-gusto ko siyang mapasaakin.Natapos akong maligo. Humiga ako sa kaniyang tabi. Nakatalikod ako mula sa kaniya dahil sakop niya ang kaniyang buong kama. Papikit na sana muli nang kumalam na
Last Updated: 2024-04-01
Chapter: Chapter 146:Thrizel’s POVNagising ako sa sinag ng araw mula sa aking bintana nang tumapat ito sa aking mukha. Papikit-pikit pa ako na tila hinahanap ang sipag para sa pagbangon. Nang maramdaman kong may buhok na tumutusok sa aking balat, agad akong napabaling sa aking tabi. Imbes na magulat, ngiti agad ang sumilay. Mahimbing ang kaniyang tulog habang ginagawang unan ang aking braso. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya, inamoy ko ang kaniyang buhok.Gamit ang isang hintuturo, hinawakan ko siya sa kilay. Sunod ay sa ilong pababa sa labi. Kahit tulog siya, may ngiting nakakurba pa rin sa kaniyang labi. Halatang masaya ang kaniyang tulog. Ang sarap titigan ng kaniyang mukha. Hindi ako magsasawang sabihin na perpekto talaga ang sa kaniya. Makapal ang mga kilay, mahaba ang pilik mata, matamis ang ilong at pulang-pula ang labi. Tila buhok pa ng mais ang kulay ng kaniyang buhok. Sa pagtitig kong ‘yon, may humahaplos sa aking puso. Hindi makapaniwalang nasa bisig ko siya ngayon. Kaharap ko ang lalaking mah
Last Updated: 2024-04-01
Chapter: Chapter 145: Own meA/N: WARNING!Thrizel’s POV“One tequila.”Mabilis na binigay ng bartender kaya agad kong ininom. Napatakip pa ako ng bibig dala ng antok. Dumadalawa na ang aking paningin dahil kanina pa kami nandirito ni Silas. Hindi ko makalimutan ang pinag-usapan namin kanina ni Thrale. Hindi ko matanggap na tinalikuran niya ako. Ito ang paraan ni Silas para hindi ako malunod sa pag-iyak. Agad siyang remesponde para makalimot sa pangyayari kanina. Nagtagumpay naman siya, imbes na umiyak ako animo akong nababaliw dito na natatawa mag-isa.“Naunang umuwi sa ‘yo si Thrale, ‘di ba? Nakita ko talagang nakasakay si Anissa sa kaniyang kotse.” Pagpapatuloy ni Silas sa kaniyang pagkukwento. Nang bumalik kasi ako sa loob, hindi ko na naktia si Ate Anissa. Mukhang nagkasalisi kami. “Bakit naman magkasama ang dalawang ‘yon? Nakakainis si Thrale. Kakatapos lang ng pag-uusap niyong iyon, dumidikit na sa ex-girlfriend.”“Ayos lang naman sa akin ‘yon.” Muli kong ininom ang nilapag ng bartender. “Alam ko namang hi
Last Updated: 2024-04-01
Chapter: Chapter 144:Thrizel’s POV“Ano nga bang nangyari sa loob ng sasakyan ni Callum? Bakit ganoon ang buhok mo?” Tinaasan pa ako ni Silas habang nakatayo sa aking harapan. Nandirito ako sa lamesa habang kumakain ng umagahan.“He tried to kiss me.” Diretso kong sagot para mangunot ang kaniyang noo. “Sa kaniya, wala lang ‘yon dahil alam kong pinaglalaruan niya lang ako. Bastos na lalaki.” Napadiin pa ang hawak ko sa kubyertos dahil sa inis na nararamdaman. Naalala ko na naman ang kalokohan niya.“He deserve your slaps.” Umupo si Silas sa harapang upuan na may seryosong mukha. “Huwag ka nang lumapit doon. Alam mo namang kapahamakan lang ang dala niya sa ‘yo. Hindi mapagkakatiwalaan ‘yon.”Tumingin ako sa kaniyang mukha. Nasa ibang direksyon ang kaniyang tingin. “Ano palang nangyari kina Thrale at Callum? Anong ginawa sa kanila ni dad?”Hinarap niya ako na may nanunuring tingin. “Kanino ka naman interesado, huh?” Tinaasan ko siya ng kanang kilay dahil beripakadong nagbibigay malisya. Napabuntong-hininga s
Last Updated: 2024-04-01
Chapter: Chapter 10: Make Me JealousLYRA’S POVHabol ko ang hininga ko nang sa wakas ay humiwalay siya. Ramdam ko ang pamamanhid ng labi ko at ang mabilis na tibok ng puso ko na parang gustong kumawala sa ribcage ko. Nanatili akong nakakulong sa kaniya, ang dalawang kamay niya ay nakatukod pa rin sa counter sa magkabilang gilid ko.Tiningnan ko siya. Ang gulo na ng buhok niya, at ang mga mata niyang kanina ay puno ng galit, ngayon ay tila may kung anong apoy na hindi ko maipaliwanag. Sa kabila ng lahat, hindi ko maikakailang napakagwapo niya sa ganitong kalapit. Ang talas ng panga niya, ang ayos ng kaniyang polo ay ganoon pa rin, bahagyang nakabukas—lahat iyon ay nagpapaalala sa akin na hindi na siya ang batang lalaking kalaro ko noon.Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang ituloy ’to.“Caden… stop. Please,” mahina kong sabi, halos pabulong na lang dahil sa pagod.Pumikit ako nang mariin. Sa isip ko, bumabalik ang imahe niya noong bata kami—noong pinupunasan ko ang noo niya dahil sa lagnat. Paano kami napunta rito? Paano
Last Updated: 2026-05-07
Chapter: Chapter 9: Is this Punishment?LYRA’S POVMinsan, kapag pumipikit ako sa gitna ng katahimikan ng penthouse, hindi ang mukha ni Caden ngayon ang nakikita ko. Hindi ang madilim niyang mga mata o ang malalamig niyang mga salita.Bumabalik ako sa isang hapon, kung saan ilang taon na ang nakalipas. Doon, hindi siya si Caden Aristhos na kinatatakutan ng lahat. Siya ang tinuring kong kapatid na mapagkakatiwalaan ko sa lahat. “Dahan-dahan, Lyra! Mahuhulog ka!”Sampung taon lang ako noon. Suot ko ang paborito kong puting bistida na may mga mantsa na ng damo dahil sa paglalaro sa hardin ng mansyon nina Caden. Ang tatay ko ang driver ng pamilya nila, kaya doon na ako lumaki sa lilim ng mga dambuhalang puno ng mangga sa likod ng kanilang bahay.“Kuya, tignan mo! Ang taas ko na!” sigaw ko habang nakatayo sa sanga ng puno.Nakatingala siya sa akin. Labimpitong taon na siya noon—matangkad, payat, at laging may hawak na libro. Pero kahit mukha siyang seryosong matanda, sa akin lang siya ngumingiti nang totoo.“Bumaba ka na riyan,
Last Updated: 2026-05-01
Chapter: Chapter 8: Claimed in PublicLYRAʼS POVDahil sa sobrang hiya, agad kong hinawakan ang braso ni Caden at pilit siyang hinila patayo. Gusto ko siyang ilayo sa mga mapanuring mata ng mga classmate ko na halos hindi na humihinga sa panonood sa amin.“Tara na sa labas, please,” bulong ko, ramdam ang panginginig ng boses ko.Pero parang poste ang hinila ko. Hindi man lang siya natinag. Sa halip, mas lalo siyang tumindig nang tuwid, tinitingnan ang kamay kong nakakapit sa kaniya na parang isang maduming bagay. Ayaw niya ng hinahawakan siya nang basta-basta, lalo na ang hinahatak siya.“Don’t pull me, Lyra,” banta niya, mababa ang boses pero punong-puno ng awtoridad.“Nakakahiya, Caden! Umalis na tayo!” giit ko, halos magmakaawa na ang mga mata ko.“I said, donʼt pull me,” ulit niya.Sa isang iglap, siya ang humawak sa pulsuhan ko. Mahigpit pero hindi masakit. Sa halip na ako ang humila, siya ang mabilis na naglakad palabas ng classroom, kaladkad ako na parang isang bata. Wala nang nagawa si Prof kundi sundan kami ng ti
Last Updated: 2026-04-20
Chapter: Chapter 7: Please, Leave...LYRAʼS POVInayos ko ang suot kong jacket, pilit na tinatago ang bakas ng makeup sa leeg ko na hindi ko lubos na naalis kanina sa banyo ng isang fast food chain. Pagod na pagod ako. Hindi lang dahil sa tatlong oras na pag-aayos o sa bigat ng sapphire na isinampay sa akin ni Caden, kundi dahil sa pagkapahiya.Sloane Van Doren. Fiancee pala. Ang galing talaga ni Caden—ginawa akong kapatid sa harap ng camera, ginawang aso sa harap na bitter na fiancee niya, at ginawang dekorasyon sa harap ng mga elite.Imbes na bumalik sa penthouse, dumiretso ako sa bahay nina Elias. Malayo ito sa marangyang mundo ni Caden. Maingay, amoy kape, at puno ng nagkalat na papel. Dito ako humihinga. Mas komportable ako.“Hoy, Lyra! Buhay ka pa pala?” bungad sa akin ni Elias pagpasok ko sa sala nila.Nakatambay ang iba naming classmates—sina Jace at Marga. May mga laptop na nakabukas, empty cups ng instant noodles, at ang pamilyar na ingay ng nagtatalong mga estudyante tungkol sa RRL ng research namin.“Late ka
Last Updated: 2026-04-20
Chapter: Chapter 6: DuplicateLYRA’S POVMaaga pa lang pero ramdam ko na ang bigat ng hangin sa loob ng penthouse. Pagmulat ng mga mata ko, hindi katahimikan ang bumungad sa akin kundi ang ingay ng mga taong hindi ko kilala.Napaupo ako sa kama at natigilan. Sa tapat ng closet ko, may nakahandang isang kulay itim na silk dress na tila ba kumikinang kahit walang ilaw. Sa tabi nito, may mga designer heels na sa taas pa lang ng takong ay alam kong mahihirapan na akong lumakad. May branded na bag, at isang set ng mga alahas na mukhang mas mahal pa sa tuition ko para sa buong kolehiyo.“Good morning, Miss Thorne. We’re ready for you,” sabi ng isang babaeng may hawak na makeup brushes.Napakunot ang noo ko. Nakatayo siya roon kasama ang dalawa pang assistant, naghihintay na parang isa akong “project” na kailangang tapusin.Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko, hindi ako tao na pagkagising ay maghihilamos lang, kundi isang gamit na kailangang ihanda para maging display.Anong eksena ng mga ito?“Para saan ‘to?” tano
Last Updated: 2026-04-16
Chapter: Chapter 5: First testLYRA’S POVIlang araw na ang lumipas pero pakiramdam ko ay tumigil ang oras sa loob ng penthouse na ito. Wala pa akong pasok kaya wala akong ibang ginagawa kundi ang magbilang ng mga mamahaling gamit na hindi ko naman pwedeng hawakan. Sinubukan kong mag-exercise sa tapat ng dambuhalang bintana, nanood ng TV hanggang sa sumakit ang mga mata ko, at nagbasa ng mga libro sa library niya na amoy luma at amoy pera.Pero kahit anong gawin ko, hindi ako mapakali. Ang hirap mag-relax sa lugar na alam mong hindi ka naman welcome. Bawat yapak ko sa makapal na carpet, pakiramdam ko ay may CCTV na nakatitig sa akin, naghihintay lang na magkamali ako. Ang laki ng lugar pero parang sumisikip ang mundo ko.Hanggang sa lumalim ang gabi at nakaramdam ako ng gutom.Dahil ayaw kong lumabas ng kwarto kapag alam kong nandoon si Caden, hinintay ko munang tumahimik ang paligid. Nang masiguro kong wala nang tao sa sala, dahan-dahan akong pumunta sa kusina. Naghanap ako ng makakain hanggang sa makita ko ang p
Last Updated: 2026-04-16
Chapter: Epilogue:Malinis at maayos ang opisina. Sa isang mesa ako nakaupo, suot ang puting longsleeve na polo at abala sa pagbuklat ng ilang papelas habang pinipirmahan ang mga ito. Bumukas ang pinto ng aking opisina. Nakita ko si Gabriel, ang aking sekretarya, na may hawak na puting folder, puno ng dokumento. “Gabriel, kumusta na ang proseso ng land titling sa Sitio San Andres?” tanong ko agad sa kaniya dahil noong nakaraan pa ako nanghihingi ng update.Seryoso niya akong sinagot, “Sir, nasa final verification na po sa Registry of Deeds. Sabi ng contact natin, isang linggo na lang lalabas na ang mga titulo. Lahat ng 84 na pamilya, kasama sa listahan. Pati na rin po ang iniingatan niyong mga plantation para sa mga taong-bayan.”“That’s a good news,” napatango-tango ako. “Finally, hindi na matatakot ang mga taong palayasin sila kahit nanay ko pa ang may hawak ng papel.”“Ibang klase kayo, sir. Kayo na nga ang naglabang makuha nila ang karapatan sa lupa, ngayon kayo pa ang nagbigay ng bagong pag-asa.
Last Updated: 2025-06-18
Chapter: 41: Asking for one’s hand“Kumusta? Naglose weight ka?” puna ni Adeline, nauuna ng lakad. “Nga pala. After this uuwi akong probinsya. Ayos lang ba sa ’yo?”She came to the house to check on me and spend some time together. I understand that she is busy. It’s okay with me if she rarely gets to visit.I met her at the gate. We were walking together toward the main door. She brought some gifts like vegetables and fruits from their province. We were both carrying the paper bags.“Miss na miss na kasi talaga kita,” I confessed, iniwasan ang nauna niyang tanong. “For me, ayokong umuwi kang probinsya. Mamimiss kita.”Do I sound selfish?“Alam ko naman ’yon! Ano ka ba!” natatawang aniya, pinalo pa ako nang mahina sa braso. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Ang ugali niyang ’yan ang gustong-gusto ko kaya hindi ko matanggap na uuwi siyang probinsya.“Pero kung doon gagaan ang loob mo, ayos sa akin,” I said seriously. “You’ve already done so much here, Adeline. It looks like you’re going to choose yourself this time
Last Updated: 2025-06-08
Chapter: 40: Never without youSome people got hurt in the incident. The people who attacked us were caught, and they were stopped from hurting anyone again. Everything was okay when Kerus, Aecus, and I went for a check-up. My older brother had a band-aid on his forehead when I saw him, but he asked how I was first.My dad was very angry when he found out what happened. He wanted to get back at them to feel better, but Aecus and mom stopped him. The people who threw the stones were already caught. All of us, except my dad, were okay with the news.Kinuha ko ang basong may lamang tubig, sinubo ang vitamins at nilunok kasabay ng aking pag-inom. I just woke up this morning. I’ve already had breakfast, but I feel too lazy to move. I can’t just lie in bed all day because I have a follow-up check-up. I’m two months pregnant right now, and I’m still keeping it a secret from everyone. I haven’t even told Adeline and Reagan yet because I understand they’re both busy, and I want to tell Kerus first.“Ang sabi ng mommy mo
Last Updated: 2025-06-03
Chapter: 39: Are you hurt anywhere?Sunod-sunod akong sumuka matapos kong kumain ng almusal. Halos tubig na nga lang ang iluwa ko at may nalalasahan na rin akong mapait sa bibig. Bukod sa nararamdamang hilo, hinang-hina akong nakaupo sa kama dahil sa morning sickness kong nararamdaman ngayon. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam ng pagbubuntis. Hindi ko alam na mahirap. Na kailangan ko lang mahiga sa kama at magpahinga para hindi makaramdam ng pagkahilo. Kailangang may limitasyon ang galaw ko upang hindi bumaliktad ang sikmura ngunit hindi sapat iyon, may maamoy lang akong kakaiba galing sa bintana ay agad akong maduduwal. Tatakbo sa banyo para masiguradong hindi mababasa ang kama.Kahit naka-aircon ang kwarto, pawis na pawis ang mukha ko so I took a handkerchief to wipe my face. I sat back down on the bed to feel myself. I stayed silent for a few minutes until my eyes landed on my belly. There really is a baby in my womb because of the symptoms I’m feeling. I just never thought that being pregnant alone wou
Last Updated: 2025-05-01
Chapter: 38: Positive or not?I am not foolish. I know things. I shouldn’t pretend or just let things happen to me.For weeks, I felt unusual symptoms, but I dismissed them, thinking they were normal for me.But the nausea, dizziness, mood swings, and sudden pickiness with food—this time, I knew something was different. I knew exactly what was happening to me.I knew this was what Celeste had gone through before.I know I’m pregnant. Yes, I am.Pagkatapos ng birthday ni mommy ay hindi kami nakapag-usap dahil hinatak siya ni daddy at hindi na pinakawalan. Sa pagkakaalam ko ay sobrang lasing si Kerus at sa guesteoom siya pinatulog.Maaga akong natulog ng gabing ’yon dahil nahihilo ako at hindi maganda ang pakiramdam. Ang sabi pa nga ni mom ay may low fever ako kaya desisyon niya ring patulugin ako nang maaga. Simula nang magsuka ay hindi na maganda ang aking pakiramdam.It was only now that I had the strength to call Celeste. Pumasok kasi sa isip ko kung anong magiging reaksyon niya sa kadahilanang ngayon ko lang si
Last Updated: 2025-03-03
Chapter: 37: My own scent“Ano bang gusto ng mga matatanda? Regaluhan ko na ba ng salamin si Tita Aera?” Adeline asked, nakakunot ang noo habang panay libot ang tingin sa mall.Today is Mommy Aera’s birthday, so Adi and I are here at the mall looking for a gift for her. A bag immediately came to mind since she loves collecting different kinds of bags. That’s just the kind of person she is, so I didn’t have a hard time deciding on a gift.I glanced at Adi and saw her enter a store filled with perfumes—she might find something she likes there. Naisipan ko ring bumili kaya sumunod ako sa kaniya.“Wala akong alam sa mga brands kasi hindi naman ako mahilig sa ganito. Sa tingin mo, magugustuhan niya ba ’to?” tanong niya sa akin.Hindi ko alam kung bakit ako ang tinanungan niya. Nasa tabi niya lang naman ang staff para magtanong about sa perfume. Kung wala siyang alam sa brand, ganoon lang din ako. Nakagraduate na ako lahat-lahat, iisang brand lang ng perfume ang gamit ko which is Aventus for Her.May napili na siyan
Last Updated: 2025-02-20
Chapter: Epilogue 2:Third Person’s POV"Love." Yumakap si Aziria sa baywang ng kaniyang asawa habang nagluluto ito. "I miss your kiss. Kiss mo na ako.""Nagluluto ako, love," natatawang tugon dito ni Israel. "Saka bago ako magluto, I kissed you. Miss mo na agad?""Please? Sinong hindi makakamiss kong 8 years akong walang kiss from you?" lihim na napairap ang babae. "Dad is cooking, mom," mahinahong suyaw ng anak nila. Nakasalong-baba ito sa lamesa. Naghihintay matapos ang tatay niyang magluto. Lumapit si Aziria at pinisil ang pisngi ng anak. "Nagmana ka talaga sa tatay mo, baby.""I’m not baby anymore, mom," reklamo pa ni Ishezea."I’m handsome and she’s beautiful, right, baby? Talagang mana iyan sa akin," gatong pa ni Israel. Ngumiti nang malawak ang bata. "Yes, dad! I agree!""Hays, napagtutulungan na ako," mahinang bulong ng ina.Nasa ganoon silang sitwasyon nang bumukas ang pintuan at pumasok si Tyrone."Nandirito ka?" agad na tanong ni Aziria. Inis na naupo si Tyrone sa sofa. Napasabunot pa sa
Last Updated: 2023-07-27
Chapter: Epilogue 1:Third Person’s POV8 years later...Pagod na bumagsak ng upo si Aziria dahil sa pagod na nararamdaman. Sinalubong siya ng kaniyang mga magulang."How’s your business trip?" tanong ng ama habang sumisimsim ng kape. Ang mga mata ay nakatuon sa kaniya. "It’s okay, dad. Too tired," antok niyang tugon dito. Pabagsak na hiniga ang sarili."I told you magpasama ka kay Azimia, baby," ani naman ng ina na nakaharap sa cellphone. Namimili ng kung anu-anong damit.Bumuntong-hininga siya at muling umupo para hubarin ang sapatos. "Hays, mom. Wala naman pong maitutulong ‘yon sa akin."Napatango-tango na lang ang ina. "Tulog na ang anak mo, umakyat ka na lang doon sa taas.""Yes, mom. Pupuntahan ko."May anak si Aziria. Kilala ng mga magulang niya kung sino ang tatay. Ayaw ipaalam ni Aziria sa tatay nitong nagkaanak sila dahil hindi pa siya handa roon. Ayos lang naman sa mga magulang ng dalaga ang maaga niyang pagbubuntis dahil kaya naman nilang tustusan ang gastusin. Kahit ganoon, natupad ni Aziria
Last Updated: 2023-07-27
Chapter: Chapter 47:Aziria's POV"KUYA!" rinig kong sigaw ng isang babae habang nasa taas ako ng hagdan. Kanina ko pa naririnig itong sumisigaw. "KUYA!"Nagtaka naman ako dahil nilapitan ako ni Israel at pahatak papasok sa kwarto."B-Bakit?"Problema nito?"Magtago ka.""Huh, love? Pinagsasabi mo?""Magtago ka nga," pilit niya pa at walang hirap-hirap akong pinasok sa kwarto. Napasimangot ako at labag sa loob kong ginagawa niya sa akin 'to. Kuya? Sino ba ang babaeng 'yon para itago pa ako ng boyfriend ko rito sa kwarto?"Ano ba?! Wala nga! Kulit naman!" sigaw ni Rael.Rinig ko ang kanilang usapan dahil kung magsagutan silang dalawa ay pagalit. Akala mo may mga sama ng loob sa isa't isa."No way!" matinis na tugon ng babae. Baka naman babae ito ni Israel kaya tinago niya ako rito? Joke.Lumabas ako ng kwarto. Napahinto ako sa railings ng hagdan nang maisip kong kailangan ko magtago, baka kailangan talaga. Mapait akong napangiti sa naisip. Tumigin ako sa ibaba, nakita ko ang dalawang postura ng tao na na
Last Updated: 2023-07-27
Chapter: Chapter 46:Aziria’s POVNilapag ko ang cellphone ko sa lamesa matapos kong kausapin ang tumawag. Humarap ako kay Israel nang magtanong siya."Sino ‘yon?" tanong niya."Si dad?""Ano raw ang kailangan?"Lihim akong napabuntong-hininga. "Kailangan naming mag-usap, kaming lahat. Pupunta ako.""With me," matigas niyang sabi."Huwag na. Kaya ko naman ang sarili ko.""Sabi mo sa tabi mo lang ako," nakanguso niyang turan kaya napangiti ako roon. "Babalik naman akong buo. Pamilya ko naman ang kakausapin ko. Don’t worry, okay?""Kukunin ka na nila sa akin," giit niya pa. "I will not leave you," lansak akong tumitig sa kaniya."Hmm? Naniniwala naman ako sa ‘yo."Pinisil ko ang pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay at ngumiti rito. "That’s goods."Lumabas akong nakangiti ng bahay ni Rael. Sumakay na ako sa kotse. Bago ako magmaneho, tiningnan ko muli si Israel na nakatayo sa gate. Malungkot ang kaniyang mga mata. Wala naman akong balak iwan siya. Para mapanatag ang loob nito, ngumiti ako ng matamis.Na
Last Updated: 2023-07-27
Chapter: Chapter 45:Aziria’s POVBumalik na ako sa aking condo simula nang mangyari iyon sa akin. Pinauwi na ako ni Tyrone at iyon ang hindi ko alam na dahilan. Ngayon, papunta ako kay Lianna. Kakausapin ko siya tungkol sa back up ng gang. Halos lahat ng suot ko ay itim. Black jeans, black jacket, black shades glasses at black mask. Mapapahamak ako kung hindi ganito ang aking ayos. Delikado ang maglakad daraanan ko dahil puro may gangs ang tumatambay doon. Lumabas na ako ng condo nang matapos mag-ayos ng sarili. Pinaharurot agad ang sasakyan. Kalmado lamang akong nagmamaneho dahil maganda ang aking gising sa hindi ko alam na dahilan. Dahil sa katahimikan, rinig ko agad ang tunog ng cellphone ko nang may tumawag."Hello?"[Aziria, where are you now? Kailangan ka namin dito ngayon. Fuck it!]Si Heart."Nasaan ba kayo? Tarantang-taranta ka."[Nasa school, almost all of student are here in the gymnasium.]"Oh, anong gagawin ko sa mga estudiyante?"She sighed.[Gosh, ngayon ang punta ng mga co-stock holders
Last Updated: 2023-07-27
Chapter: Chapter 44:Aziria's POVNakikinig ako sa tinuturo ng guro. Tinatamad akong makinig dahil alam ko ang kaniyang tinuturo, bawat bigkas ng kaniyang bibig ay walang pinagkaiba sa nalaman ko. Mabigat ang aking mga mata kaya mas pinili ko na lang yumuko sa arm rest at pumikit upang matulog. Nainis ako nang may kumalabit sa akin. "Ano?!" Agad na lumambot ang aking ekpresyon nang makitang si Israel. "May guro."Huminga ako nang malalim. Umayos ako ng upo at pinilit ang sariling makinig sa harapan. Habang ginagawa ko 'yon, nakahaba ang aking nguso. Kanina pa ako naghihintay ng break time. Bakit ba kasi ang tagal ng oras?!Papikit-pikit kong tinitingnan si ma'am. Mata lamang ang aking ginagamit, hindi ang aking tainga para makinig sa kaniyang tinuturo. Nabuhayan lang ako nang matapos ang klase. Mabilis akong tumayo at inayos ang aking mga gamit na nakapatong sa arm rest na hindi ko naman nagamit. Ang nobyo ko naman ay halatang namimili kung anong iiiwan niya sa lockrer. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan
Last Updated: 2023-07-27