JUDE HENRY
Hindi matatawaran ang saya sa 'king dibdib nang masilayan ko ang pangatlo naming anak. No, tamang sabihin ay pangatlo at pang-apat dahil kambal ulit parehong malusog na lalaki. Kamukha ko daw ulit ang mga ito kaya maraming reklamo ang aking magandang asawa. Mas gusto ko 'yon at apat na kaming lalaki na magbabantay sa nag-iisa kong prinsesa.
Nang maayos na ang kalagayan ni Lynelle ay pinag-antay na lamang ako sa private room na nakalaan sa kanya. May balak pa akong kumontra ngunit mahigpit na tumutol ang doctor na nakatalaga sa kanya. Sandali lang daw ang aantayin niya at kailangan obserbahan ang asawa sa recovery room bago dalhin sa kinuha kong private room.
Habang nag-aantay na ilipat siya sa kwarto, ay siyang dating ng mga maingay kong kaibigan. Ano pa nga ba ang aasahan ko kung saan may bagong balita doon sila.
"Congrats, dude. Ang lakas talaga! Dalawa ulit ang kasunod." wika nilang lahat.
"Salamat sa inyo kahit nakakasawang tingnan ang pagmumukha n'yo ay pagtitiyaga