Share

Kabanata 4

Author: 1st June
Nanigas ako. Tungkol na naman kay Phoebe. Alam ko na ngayon kung sino ang kausap ni Carl sa phone—si Eugene.

May sense nga naman. Kilala ako lagi bilang simbolo ng kamalasan. Ano pa nga ba ang dahilan para isumpa ko ang mga miyembro ng pamilya ko?

Hindi ko mapigilan manginig ng isipin ko kung anong kayang gawin ni Carl. Matapos mamatay ang nanay ko, inuwi ako sa bahay ng mabait na doktor. Pagkatapos, tatlong araw akong ikinulong ni Carl sa tool shed ng walang pagkain at inumin. Walang may pakielam sa akin.

Hanggang sa araw na ito, minumulto pa din ako ng insidente. Ang akala ko mamamatay na ako sa ikatlong araw ng walang kahit na ano ng ang nakatatanda kong kapatid na si Gary, ay bumaba mula sa kalangitan at pinalaya ako. Kahit na hindi siya nagpakita ng pag-aalala sa akin, siya pa din ang pinakamabait sa mga kapatid ko.

Mukhang narinig na siya siguro ang tungkol sa sinabi ko noong umaga.

Noong hindi ako sumagot, naisip siguro ni Carl na gumana ang pananakot niya. Lumapit siya at sinabi, “Alam mo kung anong kaya ko gawin. Madali lang para sa akin na maglaho ang isang tao ng walang bakas.”

Nanlaki ang mga mata ko at nanigas. Pagkatapos, pinanood ko siyang tumalikod at umalis.

Matapos ang ilang sandali, tumalikod ako at tumungo sa susunod kong destinasyon, mabigat ang mga yabag ko. Mukhang tumigil na ata ang utak ko.

Pumasok ako sa photography studio. Noong sinabi ko sa receptionist na nandoon ako para magpalitrato sa libing ko, lumambot ang mga mata niya sa awa.

Pinagaan niya ang loob ko, at lumabas bigla ang hinanakit ko dahil sa mga salita niya. Ang mga salita ng estranghero ay may kakaibang kabaitan para lumabas ang tunay mong nararamdaman, at ganoon ang nangyari sa akin.

Nabasa ang balikat niya sa mga luha ko, pero hindi siya nagsalita. Tinapik lang niya ng mahina ang likod ko. Estranghero lang siya, pero sobrang init ng pagtanggap na ipinaramdam niya sa akin.

Matapos lisanin ang studio, yumuko ako sa tabing kalsada hawak ang urn at litrato. Tumitig ako sa malayo, hindi nakafocus ang titig ko.

Napagdesisyunan ko na pumunta sa kumpanya para hanapin si Gary. Natagalan ako na hanapin ito dahil hindi pa ako nakakapunta doon. Pinigilan ako ng staff sa front desk. Sinabi nila na hindi ako puwede pumasok sa building ng walang appointment at hindi masagot ni Gary ang phone niya dahil nasa meeting siya.

Hindi ko gusto na sumuko ng ganoon kadali. Tinawagan ko ang numero niya na kinabisado ko ng ilang beses, pero walang sumagot. Pagkatapos, tinignan ko ang social media accounts niya.

Huling araw ko na sa mundong ito, at gusto ko na makasama siya, kahit na sandali lang. Nagmessage ako sa kanya sa instagram at aligagang naghintay ng sagot niya. Hiniling ko din na i-follow siya.

Lumipas ang dalawang oras ng walang sagot. Hindi ko gusto mamatay habang nasa labas ako, kaya bumalik ako sa bahay. Nilisan ng mga katulong ang bahay para mag grocery shopping, naiwan ang bahay na walang tao at tahimik.

Nagsimula akong magluto ng maraming pagkain para sa dinner. Kasabay nito, nagdasal ako na sana bumalik ang mga kapatid ko. Hindi ako nakatanggap ng kahit anong message o notification na ang follow request ko ay na-approve.

Naupo ako at tinignan ang sarili ko sa salamin na hawak ko. Pinanood ko ang mga numero sa ulo ko na unti-unting nagka-countdown. Mayroon na lamang akong tatlong oras.

Gusto ko silang makasama sa huling araw ko sa buhay na ito; gusto ko malaman kung paano sila magrereact kapag namatay ako. Baka magugulat sila sa tuwa—wala nga naman may pakielam sa buhay ko o kamatayan. Pamilya ko sila, pero kinamumuhian nila ako ng husto.

Dinala ko ang pagkain sa harap ng lamesa at naghintay. May ilang mantika na tumalsik sa kamay ko habang nagluluto, at masakit ito. Pero hindi nito natanggal ang sabik ko.

Napagtanto ko na may mali sa akin. Sobrang sabik ako at hindi mapigilan ang manginig.

Dalawang oras na lamang. Nanatili ako sa upuan ko at nakatitig sa pinto. Pagkatapos, kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Gary habang nanginginig ang mga kamay. “Gary.”

Sinagot niya ang tawag ko pero hindi siya nagsalita. Nagtanong ako, “Puwede ba kayo umuwi para samahan ako kumain? Mamamatay na ako.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mamamatay in Three, Two, One   Kabanata 9

    Sa araw pagkatapos ng kamatayan ko, ang mga kapatid ko ay ipinadala ang katawan ko para sa cremation na hiling ko. Binook nila ang pinakamagandang serbisyong maiaalok ng punerarya.Sinundan ko ang katawan ko as crematorium at pinanood kung paano itong kainin ng apoy, unti-unti naging abo. Narinig ko ang mahinang mga hikbi habang nasusunog.Hindi ko ito masyadong binigyan ng atensyon. Sa halip, nilasap ko ang pakiramdam na nakatira ako sa lugar na pinili ko—ang urn ko.Ang plano ko ay multohin sila sa kanilang mga panaginip kung hindi nila tinupad ang gusto ko. Mabuti na lang, naging maayos ang lahat. Nakahinga ako ng maluwag—hindi ko gusto na magkaroon pa ng koneksyon sa kanila.Kinuha ni Gary ang urn ko at dinala ito sa akong huling hantungan. Tumingin ako sa paligid, kuntento ang pakiramdam ko. Inilagay ako sa lugar kung saan may magandang view.Hinimas niya ang litrato ko, gumalaw ng kaunti ang mga labi niya. Lumapit ako sa kanya at narinig ko siyang bumubulong ng paghingi ng t

  • Mamamatay in Three, Two, One   Kabanata 8

    Ibinaon ni Eugene ang mukha niya sa scarf, nanginginig ang katawan niya ng kaunti. Naalala niya na pinanood niya akong pulutin ang mga piraso sa basurahan habang nilalait ako. “Ang sira na ay sira na. Hindi na ito maibabalik sa dati, kahit na gaano mo itong paghirapan ayusin.”Naintindihan ko ang pahiwatig niya sa kanyang mga salita. Nanigas ang mga kamay ko sa ere habang hawak ang mga piraso ng scarf, pero kinuha ko pa din ito.Habang umiiyak si Eugene sa kuwarto ko, si Carl at Gary ay sumandal sa hamba ng pinto at tumingin. Mukhang ngayon lang nila nakita ang tinitirahan ko—ang attic ay madilim at masikip.Natulala si Carl. Hindi pa siya nakakapasok dito noon. Lumapit siya sa closet ko, na maliit at luma. Sapat lang ito para sa lahat ng damit ko sa bawat panahon.Ang lahat ng nasa attic ay luma at laspag na, maliban sa maliit na kama sa gitna. Nagawa ko lang ito na mapalitan dahil ang luma ay bumigay ng hating gabi. Isang pirasong kahoy ang tumusok sa mattress at sumaksak sa akin

  • Mamamatay in Three, Two, One   Kabanata 7

    Ang doktor, ang receptionist sa photography studio, at ang may-ari ng stall ng hot cross buns… Binigyan nila ako ng kaunting gaan at kumportable.Habang iniisip ito, ang natitira sa pamilya Jensen ay dumating. Inayos na ni Gary ang sarili niya at bumalik na sa pagiging malamig at malayo ng marinig sila.Napatakip ng bibig si Phoebe, mukhang gulat. Pagkatapos, napuno ng luha ang mga mata niya. “Holly… Paano itong nangyari?”Sumakit ang puso ng mga kapatid ko ng marinig ang nanginginig niyang boses. Niyakap siya ni Carl at sinabi, “Huwag ka umiyak, Pheebs. Mayroong tadhana ang lahat.”Kalokohan! Hindi ako naniniwala sa bagay na iyon, pero pinaglaruan ako ng tadhana ng ganito. Naging tagapagdala ako ng kamalasan.Nakita ko ang kaunting ngiti sa mukha ni Carl. Mukhang natutuwa siya na namatay na ako.Siya at iba pang miyembro ng pamilya namin ay pumalibot sa katawan ko. Tahimik sila habang tinitignan ang litrato ko at urn. Malagim na sinabi ni Gary, “Tinawagan ako ni Holly kaninang t

  • Mamamatay in Three, Two, One   Kabanata 6

    Habang paalis na ang kaluluwa ko sa katawan ko, napaisip ko kung bakit nakikita ko pa din kung anong nangyayari sa akin. Napagtanto ko na lang ng tumingin ako pababasa katawan kong nasa hapagkainan—patay na ako.Ang tunog ng pinto ay pumukaw sa atensyon ko. Humarap ako doon at nakita na nakabalik na ang katulong. Ang katiting na pag-asang natitira sa akin ay naglaho na. Hindi bumalik ang mga kapatid ko.Nagulat ang katulong ng makita akong nasa lamesa katabi ang urn at litrato. Tumigil siya para suriin ang sitwasyon bago unti-unting lumapit sa akin. Inilapit niya ang kanyang daliri at inilagay ito sa tapat ng ilong ko. Namutla siya bigla at sumigaw sa takot.Inilabas niya ang phone niya at may tinawagan, patunay ang panginginig ng boses niya sa takot na nararamdaman niya. “Hello? Oo, may namatay dito! Oo… Ang address ay…”Matapos ibaba ang tawag, tinapik niya ang dibdib niya at sinulyapan ako. Pagkatapos, tumalikod siya. Bigla, may naalala siya at naging kumplikado ang kanyang eksp

  • Mamamatay in Three, Two, One   Kabanata 5

    Naririnig ko ang bilis ng tibok ng puso ko ng sabihin ko ang mga salitang iyon na isinasarili ko simula ng malaman ko na mamamatay na ako. Ang akala ko hindi ako apektado na mamamatay na ako, pero bigla ko gusto makita ang mas marami pang mga bagay sa mundo.Walang sinabi si Gary. Sobrang tahimik at naririnig ko ang sarili kong paghinga. Noong akala ko na wala siyang sasabihin, nagsalita siya. Pero ang mga salita niya ay naging dahilan para mahulog sa kawalan ang puso ko.“Sa tingin mo ba ang ganyang klaseng kasinungalingan ay magiging sapat para maawa kami sa iyo, Holly? Nagpapakababa ka talaga ng husto para lang umuwi kami, ano? Sa tingin mo ba madali pa din kaming maloko tulad noong bata ka pa? Huwag mo kalimutan kung paano namatay si Ina, Ama at Lolo,” malamig niyang sinabi.Hindi, hindi iyon. Hindi ko iyon kasalanan!Isinigaw ko ang mga salitang ito sa puso ko pero walang ingay na lumabas. Tumulo ang mga luha ko at bumagsak sa sahig. Pakiramdam ko puppet ako na kontrolado ng s

  • Mamamatay in Three, Two, One   Kabanata 4

    Nanigas ako. Tungkol na naman kay Phoebe. Alam ko na ngayon kung sino ang kausap ni Carl sa phone—si Eugene.May sense nga naman. Kilala ako lagi bilang simbolo ng kamalasan. Ano pa nga ba ang dahilan para isumpa ko ang mga miyembro ng pamilya ko?Hindi ko mapigilan manginig ng isipin ko kung anong kayang gawin ni Carl. Matapos mamatay ang nanay ko, inuwi ako sa bahay ng mabait na doktor. Pagkatapos, tatlong araw akong ikinulong ni Carl sa tool shed ng walang pagkain at inumin. Walang may pakielam sa akin.Hanggang sa araw na ito, minumulto pa din ako ng insidente. Ang akala ko mamamatay na ako sa ikatlong araw ng walang kahit na ano ng ang nakatatanda kong kapatid na si Gary, ay bumaba mula sa kalangitan at pinalaya ako. Kahit na hindi siya nagpakita ng pag-aalala sa akin, siya pa din ang pinakamabait sa mga kapatid ko.Mukhang narinig na siya siguro ang tungkol sa sinabi ko noong umaga.Noong hindi ako sumagot, naisip siguro ni Carl na gumana ang pananakot niya. Lumapit siya at

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status