Mag-log inLagi akong ikinukunsidera ng pamilya ko na tagapagdala ng kamalasan. Dahil ito sa nakikita ko ang countdown bago mamatay ang mga kamag-anak ko. Sinabi ko sa kanila kung kailan mamamatay si lolo, ama, at ina. Nagkakatotoo ito dahil sa iba’t ibang mga aksidente. Ang tatlong mga kapatid ko ay kinamumuhian ako mula sa kaibuturan nila dahil sa tingin nila isinumpa ko ang mga magulang ko at lolo. Ang nanay ko ay namatay matapos iluwal ang nakababata kong kapatid na babae, pero ang mga kapatid ko ay walang tigil siyang iniispoil. Sinasabi nila na siya ang suwerte nila dahil nagiging okay ang lahat para sa pamilya sa oras na iluwal siya. Pero hindi ba’t namatay si Ina noong iniluwal siya? Sa ika-18th kong kaarawan, nakikita ko ang death countdown kapag tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Bumili ako ng urn at naghanda ng pagkain. Gusto ko kumain ng huling beses kasama ang mga kapatid ko, pero walang nagpakita sa kanila noong nag zero na ang timer...
view moreSa araw pagkatapos ng kamatayan ko, ang mga kapatid ko ay ipinadala ang katawan ko para sa cremation na hiling ko. Binook nila ang pinakamagandang serbisyong maiaalok ng punerarya.Sinundan ko ang katawan ko as crematorium at pinanood kung paano itong kainin ng apoy, unti-unti naging abo. Narinig ko ang mahinang mga hikbi habang nasusunog.Hindi ko ito masyadong binigyan ng atensyon. Sa halip, nilasap ko ang pakiramdam na nakatira ako sa lugar na pinili ko—ang urn ko.Ang plano ko ay multohin sila sa kanilang mga panaginip kung hindi nila tinupad ang gusto ko. Mabuti na lang, naging maayos ang lahat. Nakahinga ako ng maluwag—hindi ko gusto na magkaroon pa ng koneksyon sa kanila.Kinuha ni Gary ang urn ko at dinala ito sa akong huling hantungan. Tumingin ako sa paligid, kuntento ang pakiramdam ko. Inilagay ako sa lugar kung saan may magandang view.Hinimas niya ang litrato ko, gumalaw ng kaunti ang mga labi niya. Lumapit ako sa kanya at narinig ko siyang bumubulong ng paghingi ng t
Ibinaon ni Eugene ang mukha niya sa scarf, nanginginig ang katawan niya ng kaunti. Naalala niya na pinanood niya akong pulutin ang mga piraso sa basurahan habang nilalait ako. “Ang sira na ay sira na. Hindi na ito maibabalik sa dati, kahit na gaano mo itong paghirapan ayusin.”Naintindihan ko ang pahiwatig niya sa kanyang mga salita. Nanigas ang mga kamay ko sa ere habang hawak ang mga piraso ng scarf, pero kinuha ko pa din ito.Habang umiiyak si Eugene sa kuwarto ko, si Carl at Gary ay sumandal sa hamba ng pinto at tumingin. Mukhang ngayon lang nila nakita ang tinitirahan ko—ang attic ay madilim at masikip.Natulala si Carl. Hindi pa siya nakakapasok dito noon. Lumapit siya sa closet ko, na maliit at luma. Sapat lang ito para sa lahat ng damit ko sa bawat panahon.Ang lahat ng nasa attic ay luma at laspag na, maliban sa maliit na kama sa gitna. Nagawa ko lang ito na mapalitan dahil ang luma ay bumigay ng hating gabi. Isang pirasong kahoy ang tumusok sa mattress at sumaksak sa akin
Ang doktor, ang receptionist sa photography studio, at ang may-ari ng stall ng hot cross buns… Binigyan nila ako ng kaunting gaan at kumportable.Habang iniisip ito, ang natitira sa pamilya Jensen ay dumating. Inayos na ni Gary ang sarili niya at bumalik na sa pagiging malamig at malayo ng marinig sila.Napatakip ng bibig si Phoebe, mukhang gulat. Pagkatapos, napuno ng luha ang mga mata niya. “Holly… Paano itong nangyari?”Sumakit ang puso ng mga kapatid ko ng marinig ang nanginginig niyang boses. Niyakap siya ni Carl at sinabi, “Huwag ka umiyak, Pheebs. Mayroong tadhana ang lahat.”Kalokohan! Hindi ako naniniwala sa bagay na iyon, pero pinaglaruan ako ng tadhana ng ganito. Naging tagapagdala ako ng kamalasan.Nakita ko ang kaunting ngiti sa mukha ni Carl. Mukhang natutuwa siya na namatay na ako.Siya at iba pang miyembro ng pamilya namin ay pumalibot sa katawan ko. Tahimik sila habang tinitignan ang litrato ko at urn. Malagim na sinabi ni Gary, “Tinawagan ako ni Holly kaninang t
Habang paalis na ang kaluluwa ko sa katawan ko, napaisip ko kung bakit nakikita ko pa din kung anong nangyayari sa akin. Napagtanto ko na lang ng tumingin ako pababasa katawan kong nasa hapagkainan—patay na ako.Ang tunog ng pinto ay pumukaw sa atensyon ko. Humarap ako doon at nakita na nakabalik na ang katulong. Ang katiting na pag-asang natitira sa akin ay naglaho na. Hindi bumalik ang mga kapatid ko.Nagulat ang katulong ng makita akong nasa lamesa katabi ang urn at litrato. Tumigil siya para suriin ang sitwasyon bago unti-unting lumapit sa akin. Inilapit niya ang kanyang daliri at inilagay ito sa tapat ng ilong ko. Namutla siya bigla at sumigaw sa takot.Inilabas niya ang phone niya at may tinawagan, patunay ang panginginig ng boses niya sa takot na nararamdaman niya. “Hello? Oo, may namatay dito! Oo… Ang address ay…”Matapos ibaba ang tawag, tinapik niya ang dibdib niya at sinulyapan ako. Pagkatapos, tumalikod siya. Bigla, may naalala siya at naging kumplikado ang kanyang eksp






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.