공유

Chapter 1

last update 최신 업데이트: 2022-05-25 11:13:20

"On the way na ako. Hintayin mo ako sa labas."

Agad kong pinutol ang tawag at agad na pinaandar ang bike para masundo na ang kaibigan.

Hindi ito bago sa akin. Dahil sa kaunti lang ang tao sa ampunan, kami na mismo ni Crystal ang nagvolunteer na bumili ng mga kailangang gamit para sa mga bata. Mula nang namulat ako sa mundo ang ampunan na ang naging tirahan ko. Kaya ngayong nasa wastong edad na kami, gusto naming ibalik ang kabutihang natanggap namin.

Malapit na akong makarating pero hindi ako makaraan dahil sa maraming nagsusulputang tao sa daan. Parang may hinahabol na kung sino.

"Padaan..." Pinilit kong dumaan sa kumpol ng tao.

"Ano ba naman? Baka hindi na natin sila makita," reklamo ng isang babae nang dumaan ako sa gitna nila. "Ang boyfriend ko, hinihintay na niya ako." Biglang naging malumanay ang boses niya nang naisip ang boyfriend.

Nagpatuloy lang ako hanggang sa matanaw si Crystal na may maraming bitbit na plastic. Kumaway ako sa kanya pero hindi niya ako nakita. Imbes na sa direksyon ko tumingin ay sa ibang direksyon pa siya humarap. Umandar na naman pagka-usisira ng babaeng 'to.

"Ano? Sasakay ka o sasali ka sa kanila?" Halos pagalit kong tanong sa kanya.

"Huwag mo nga akong tingnan nang ganyan. Nakakapangit ang pagtataray kaya tigilan mo na iyan. Gusto ko lang din kasi makita ang mukha nila."

"E sino ba 'yang hinahabol nila? Nakakagulo pa sila sa daan."

Masyado talagang nakatuon ang atensyon niya sa iba kaya ako na mismo ang kumuha sa mga dala niyang plastic at nilagay ito sa harap ng bike.

"Ang gwapo talaga ng mga Guevarra. Nakakalaglag panty. Mas bet ko 'yong laging nakangiti. Ayan sila oh." Nabuhay na naman ang kalandian niya.

Wala akong planong sundan ang tingin niya pero nang humarap na ako para ihanda ang bike ay sakto namang may tatlong lalaking papalapit. Hindi ko gaanong kita ang mukha nila dahil nakarap ako sa liwanag ng araw. Mayamaya ay mas lalong gumulo ang tao sa paligid namin.

"Tumabi ka nga. Dito sila dadaan. Wag kang haharang-harang." Isang babae ang taas-kilay na nag-utos sa akin nang harap-harapan.

"At bakit naman? Hindi sa kanila ang daan!" Hindi ko na mapigilang sumigaw sa galit.

Alam ni Crystal na madali akong magalit kaya mabilis niya akong sinita para kumalma.

"Sa kanila naman talaga ang buong lugar na 'to. Pag-aari nila ang mall at ang buong lugar na nakalibot dito." Mahinang bumulong siya sa akin.

"E sana hindi na lang sila nagpapasok ng tao dito para sila lang makadaan," balik ko naman sa kaibigan.

Hindi ko na rin magawang tumingin sa babae kanina dahil mukhang nawala na rin sila. At hindi nagtagal ay dumaan na rin sa wakas ang pinagkakaguluhan nila. Nasa gilid lang ako at naging mas mahirap ang paghawak ko sa bike dahil nagtutulakan na ang tao.

Mas hinigpitan ko ang pagkapit sa manubela para hindi ako matumba. Umingay na rin ang buong lugar sa sigawan. Nilingon ko si Crystal pero nawala na rin siya. Natangay na siguro ng tulakan. O baka siguro nagpatangay. Hinding-hindi pa naman siya nagpapahuli sa balita at chismis.

"Isaac ko! Ghad! Ang gwapo mo talaga."

"Sa akin lang siya!"

"Ako na girlfriend niya kaya tumigil kayo!"

Nagbangayan pa ang tatlong babae sa harap ko. Sa dinami pa naman ng tao hindi ko magawang iwasan sila. Dumating din ang mga kasamahan nila at kanya-kanyang nagtulukan hanggang sa nadamay na nga ako. Hindi ko na kayang suportahan ang bike kaya natumba ako. Wala namang nasira sa pinamili ni Crystal dahil tinukod ko ang tuhod para hindi magsilaglagan ang mga pinamili.

Natigil sila ngunit hindi manlang nila ako tinulungan. Tiningnan lang nila ako bago nagsi-alisan kasama ng mga tao kanina.

"Buhay nga naman," buntung-hininga ko.

Mabibilang na lang talaga ang mga may mabubuting-puso ngayon. Pinilit kong tumayo pero hindi ko magawa dahil ang sakit ng binti ko. May naipit yatang ugat. Napaupo ako sa daan. At hinaplos-haplos na lang ang binti.

Siguro hintayin ko na lang na bumalik ang usisirang babae na nag-iwan sa akin dito. Baka pag nakuntento na siya sa nakalap na balita balikan na ako rito.

"O, heto!" May biglang naghagis ng malamig na kung ano sa tiyan ko kaya napaangat ako ng tingin.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya dahil wala akong makitang emosyon sa kanyang mukha.

Binalik ko ang tingin sa malamig na bagay at nakitang isang pack pala ito ng ice cream na drumstick.

"Ice cream? Salamat pero wala ako sa mood kumain nito." Hinagis ko pabalik ang ice cream. "Ibigay mo na lang sa iba."

"Sinabi ko bang kainin mo." Malamig na sabi niya. Kasing lamig ng ice cream ang boses niya. Nanatili pa rin ang walang emosyong mukha niya.

"E, ano ba dapat gawin sa ice cream? Tingnan na lang hanggang sa matunaw." Ginigigil niya ako. Pinagmumukha niya pa akong bobo e.

"Ilagay mo sa binti mo. Kung ayaw mo naman e di tingnan mo na lang hanggang sa matunaw." Muli niyang hinagis ang pack ng ice cream bago umalis.

"Tsk, gwapong aroganteng hindi marunong makipag-usap," pahabol ko.

"Sinong gwapo 'yan? Pakilala mo ako!"

Aba, pambihirang babae. Hinding-hindi talaga makakaligtas sa kanya ang mga ganitong bagay.

"Wala. Sabi ko ang ganda mo at iniwan mo ako rito."

"Teka, napano ka? Bakit namumula na iyang binti mo?"

At ngayon lang niya napansin.

"Mawawala rin ito mayamaya. Nalagyan ko na naman ng malamig. Ikaw muna magbike."

Tumayo ako nang marahan. Hinanda na rin niya ang bike para makaalis na kami.

Beep! Beep! Beep!

May biglang bumusinang sasakyan at nakita kong sakay nito ang gwapong arogante kanina.

"Ano na naman?" Malakas na sigaw ko para marinig niya kasi ang lakas ng busina niya. Talagang hindi siya marunong makipag-usap nang maayos.

"Sakay! Ihahatid ko na kayo?"

"Naku, Twinkle hindi mo naman sinabi na isang Guevarra pala ang sinasabi mong gwa--" agad kong tinakpan ang bibig niya.

Ang tabil talaga ng dila ng babaeng ito. Hindi manlang naisip na nakakahiya na siya. Pero totoo bang isang Guevarra ang lalaking nasa harap namin?

"Wag na okay lang kami. Malapit lang naman kami rito." Pagtanggi ko pero mukhang hindi ako narinig ng kaibigan ko kasi isa-isa na niyang nilagay sa likuran ng sasakyan ang mga pinamili.

"Huwag na tayong tumanggi, friend. Kanina pa tayo hinihintay ng mga bata." Aba nagpapalusot pa ang bruha.

At siya pa ang unang sumakay.

"Ano na?" Naiinip na sabi naman ng nag-aya. Siya pa itong may ganang mainip e siya ang nag-aya. Ibang klase rin ha.

Todo ngiti lang ang ginawa ni Crystal sa akin. Kung makaasta siya parang nanalo sa lotto.

Hinay-hinay akong naglakad papunta sa sasakyan pero natigil nang walang pasabing buhatin ng walang hiyang lalaki. Agad niya akong binaba sa upuan sa harap. Parang isang kariton lang akong nilipat niya sa tamang lalagyan. Nakakahiya.

Agad niya ring pinaandar ang sasakyan. Hindi na ako tumingin sa likod kasi ayaw kong makita ang pagmumukha ngayon ni Crystal. Lumilipad na naman siguro ang imahinasyon niya. Kaya tinuon ko na lang ang tingin sa harapan. Hindi rin naman kami nagkikibuan ng katabi ko kaya mabuti na ring ganito.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Marrying Zooey Ruan Guevarra   Chapter 34

    "Nakita ko nga pala ito sa bukana. Sa iyo ba ito, Twinkleann?" Nakita kong hawak ni Erwan ang red shoulder bag ko na ninakaw sa akin."Hinabol ko ang batang naghablot ng bag ko kaya napunta ako doon sa lugar na nawalan ako ng malay. Mukhang akin nga ito," sabi ko nang tingnan ang laman nito.Nasa loob pa rin naman ang lamang mga ID ko. Buti at ang pera lang ang kinuha."Pasensya tiningnan ko ang laman ng bag para makita kung may impormasyon ng may-ari at nakita ko ang ID mo. May nakita rin akong litrato ng isang batang lalaki, kapatid mo ba siya?" Usisa ni Erwan sa akin nang buksan ko ang wallet ko."Ah, ito ba?" Pinakita ko sa kanila ang litrato na nasa loob ng wallet ko. "Baby pic ito ni Ruan, tinago ko nang makita ko ito. Ang cute niya kasi," nahihiya kong amin sa kanila."Kuya Erick, ganito rin ba mukha ko ng bata pa ako? Hindi ko na maalala eh," napakamot sa ulo niya si Erwan habang nagtatanong sa kuya niya."Siguro kong mas maputi ka lang. Pero batang yagit ka lang noon eh kaya m

  • Marrying Zooey Ruan Guevarra   Chapter 33

    "Pasenya na, wala. Isang taga-bundok lang ako kaya hindi ko na kailangan ng mga ganyang teknolohiya para mabuhay," mapait na wika ng lalaki sa akin habang nakatalikod pa rin at iniilawan ang mga lamparang nakasabit."Kung ganoon ay wala na akong ibang magagawa. Hihintayin ko na lang dumating ang araw bukas. May kasama ka ba rito? Narinig ko kasing may kausap ka kanina?"I was wondering if he lived with someone else. Sigurado akong may narinig akong kausap niya kanina. Puro boses ng lalaki iyon."Oo pero, bumaba na siya. Pumasok na sa trabaho. Kung nagugutom ka ay pagtiisan mo na lamg muna ang hinanda kong lugaw. Bukas babalik si Erwan at magdadala ng pagkain."Ngayon ay hinarap ako ng lalaking kausap. Kahit na ang ilaw lang sa nakasabit na lampara ang nagliliwanag sa paligid ay kita ko parin ang malaking peklat sa mukha niya. Halos kalahati ng mukha niya ang peklat."Pagpasensiyahan mo na ang mukha ko. Kung natatakot ka ay huwag mo na lang akong pansinin. Kumain ka muna rito at ako ay

  • Marrying Zooey Ruan Guevarra   Chapter 32

    "Suki! Bili ka na ngayon. Tingnan mo ang sariwa ng mga gulay ko. Kakaangkat ko lang nito mula sa nagtatanim." Panay ang sigaw ng nagtitinda sa mga taong dumadaan."Nakabili na ako suki eh. Bukas babalik ako," sagot ng ginang na dumaan.Umaga pa lang ay marami na ang mga tao rito. Maraming nagtitinda sa gilid ng daan at marami na rin ang mga may bitbit ng plastic bag na pinamili. Ganito naman talaga sa palengke. At nataunan pang linggo ngayon kaya maraming namimili.At dahil sa init ng araw ay di mapagkakaila na pawisan na ng mga taong nandito. I can see some men curiously staring at me as I pass by on a small souvenier shop. But they continued their work after taking a glance.This place is just a small village. Siguro magkakakilala lang lahat ng mga tao rito. They can easily tell if someone is a stranger. Although, I am wearing a cap to hide myself, I still look different from them.Dito ang lugar na sinabi nila Isaac kung saan posible namin makita si Ruan. Isa itong palengke sa ibab

  • Marrying Zooey Ruan Guevarra   Chapter 31

    It's almost a week now since Ruan and I had a fight. In the first three days, I would purposely avoid bumping into Ruan in the house. Kaya hindi ako lumalabas ng kwarto ko kapag hindi pa umaalis si Ruan ng bahay. While he will just knock on my door once, before leaving. Siguro para ipaalam sa akin na aalis na siya.Habang ako ay nagkukulong lang sa bahay at pinagpapatuloy ang paggawa ko ng mga sketches ko. Marami-rami na rin akong nagawa pero parang hindi ko parin nakukuha na maging kuntento. I want draw more and satisfy myself.Bawat araw ay sobrang busy ko. Hindi ko na napapansin na lagi nang ginagabi ng uwi si Ruan pagdaan ng mga araw.Pagdating ng gabi, habang naghahanda na akong matulog ay saka ko pa naririnig ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya na kaharap lang ng kwarto ko. Hindi ko na rin sinusubukan silipin kung ano ang lagay niya dahil sa pagod ko buong araw kakagawa ng mga sketches.Naging ganoon na ang daily routine namin hanggang isang araw. Things just changed so drasti

  • Marrying Zooey Ruan Guevarra   Chapter 30

    Ngayong araw ay pinili ko na lang na manatili sa bahay. I want to make use of this time to start sketching drafts for my dream fashion show. I finished my fine arts degree. At panahon na para magamit ko kung ano ang mga natutunan ko.I was sipping my green tea while holding my pencil and still stucked on what theme should I start.Nakaupo ako sa gilid ng bintana at tanaw ko ang mga matatayog na puno ng kahoy. All I can see are green and shades of brown.Aha! Should I try to recreate the trees in my dresses?Binalikan ko ang blangkong sketchpad ko at gumuhit ng katawan ng babae. Sunod na ginuhit ko ay ang mga korte ng dahon na nakapalibot sa bandang dibdib nito.It was a tube dress filled with leaves-like ornaments. It was beautiful and it made me smile.Naisip kong gamitin ang kayumangging kulay sa laylayan ng damit. The lower part of the dress is derived from circle skirt added with flower petal stitches. Using organza cloth on the lower skirt will give it more emphasis.My first dr

  • Marrying Zooey Ruan Guevarra   Chapter 29

    Nang makalabas kami sa horror mansion ay umupo kami sa isang bench na nasa harap ng carousel.May eyes are still sore from crying. Naging palpak na naman ang plano ko. Bumigay na naman ang mahinang Twinkle sa loob ko. Kapag lagi na lang ganito, masasanay na siyang laging nakadepende sa tulong ng iba. Ayaw ko na maging ganito na lang lagi.I want a strong and independent Twinkle."I'll get water for you." Tumayo si Ruan. Patalikod na siya nang biglang sinampal siya ng mascot na pikachu. Napahawak siya sa mukha at nilingon ang mascot."Bakit mo ako sinampal?" Ruan angrily asked but the mascot just stand there and pointed at me.Tinuro niya ako bago inilagay ang dalawang kamay sa gilid ng mukha niya at tinuro ng dalawang hintuturo niya ang lupa."What is he saying," Ruan confusedly asked."Hindi ako sigurado...but looking at his actions. Ah!" I now realized what the mascot is trying to say. "Sinampal mo siya kasi akala mo na pinaiyak niya ako?" Tanong ko sa mascot at tumango ito."I don'

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status