Alas-1:30 ng hapon na nang nakaupo si Andrea sa kanyang kama, kabadong nakahawak sa kanyang telepono. Ramdam niya sa kanyang loob na may mali sa plano ni Sheena, pero hindi niya mapigilan ang pakiramdam na kailangan niyang sundin ito—kahit papaano, upang maunawaan kung ano talaga ang binabalak ni Sheena.
Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang messaging app at nag-type ng mensahe para kay Rosa.
Andrea:
Rosa, magkita tayo sa parking lot ng kumpanya bago mag-alas-3 ng hapon. It’s important.
Nag-alinlangan ang kanyang daliri sa ibabaw ng send button bago ito pindutin, habang mabilis ang tibok ng kanyang puso. Pagkapadala ng mensahe, agad na sumagi ang pagsisisi sa kanyang dibdib.
Ilang sandali pa, nag-vibrate ang kanyang telepono. May sagot na mula kay Rosa.
Rosa:
Tungkol saan ito? Bakit sa parking lot?
Tinitigan ni Andrea ang screen, hindi alam kung paano magbibigay ng makatuwirang sagot. Her sister’s curiosity was valid—hindi karaniwan para kay Andrea na magpatawag nang biglaan, lal