11 chapters done! Today is the signing day! Happy reading, everyone!! Thank you so much
Sa loob ng chess and card room, sa harap ng lamesang may mahjong, may isang lalaki at isang babae — ang lalaki ay nakatayo nang maluwag, mukhang tamad pero may dating, habang nakayuko siyang pinapakain ng orange ang babaeng nasa harap niya.Nakapaling ang mukha ng babae habang nakanganga para kainin ang hiwa ng orange, kaya hindi masyadong kita ang buong itsura niya. Pero dahil sanay na si Harold sa pakikisalamuha sa magagandang babae, alam niya agad — maganda ang babaeng ito.Bagay na bagay ang dalawa sa litrato. Para silang bida sa isang pelikula. Lahat ng tao sa paligid ay parang background lang.Napanganga si Harold habang tinitingnan ito, at kahit papaano, may halong inggit sa puso niya.“Ganung ka-istrikto at walang kalambing-lambing, pero may ganyang kagandang babae? Bulag na talaga ang langit,” bulong niya sa sarili.Habang naiinggit pa siya, bigla siyang nakatanggap ulit ng mensahe mula sa kaibigan niya.“Hindi ako nakakuha ng malinaw na kuha kanina kasi baka makita ako ni Da
Naglaro ng mahjong ang apat na magkakaibigan sa loob ng halos dalawang oras. Nang sa wakas ay nagsawa na sila, nagsimula na ring magsialisan ang ibang tao sa kwarto.Nag-inat si Sarah at nagsabing, “Tama na, tama na, padilim na.”Tumayo si Arniya at tumingin sa labas ng bintana. May mga luntiang puno at mga burol sa malayo. Ang kulay ng langit sa paglubog ng araw ay napakaganda—matapang ang pulang kulay, na parang binigyang buhay ang kalangitan.Itinaas niya ang mukha niya at ipinikit ng bahagya ang mga mata, habang ninanamnam ang malamig at banayad na simoy ng hangin sa gabi.“Ang panahon ngayon…”Hindi pa siya tapos magsalita, nang biglang sabik na sabik na sumabat si Sarah, “Ang natural na hot spring dito, perfect na perfect!”“Ha?”Hawak ni Sarah ang cellphone niya at iniwagayway ito kay Arniya. “Sabi ng isa kong ate, may open-air hot spring pala dito sa villa. Nakakatulong daw ito para mahimbing ang tulog sa gabi, at nakakaganda rin ng balat.”“Buong araw tayong nag-akyat bundok.
Umalis na si Nathan sa chess at card room, halatang tuliro at hiyang-hiya.Tahimik lang si Arniya habang pinagmamasdan ang papalayong likod niya.Tuso ka nga. Pero mas tuso ako.Ipinakita ni Arniya ang palad niya. Nandoon ang isang maliit na bote ng gamot—isang anti-allergy na inihanda niya talaga para sa ganitong sitwasyon.Noong bata pa si Arniya, muntik na siyang mamatay matapos aksidenteng makakain ng mango cake na dinala ni Nathan.Simula noon, palagi na siyang may dalang anti-allergy medicine na akma para sa sarili niya, sakaling may emergency.Ngayong pagkakataon, may dala ulit siyang maliit na bote ng gamot. Akala niya'y hindi niya ito kakailanganin, pero mukhang napakinabangan din.Habang nagtatalo sina Sarah at Nathan kanina, mabilis na lumunok si Arniya ng isang tableta kaya niya nakayanan ang isang lagok ng mango juice.Dinilaan ni Arniya ang kaniyang labi at bahagyang napangiwi ang mukha.Napakapait ng gamot kapag tuyo itong nilulunok, at hindi rin nawala ang lasa kahit m
Agad na bumalik si David, at habang abala si Arniya sa pagtingin sa mga baraha, palihim siyang may isiniksik sa kamay nito.Kalma lang si Arniya habang hawak ang bagay sa kaniyang kamay, kunwari’y walang nangyari, at ipinagpatuloy ang paglalaro ng mahjong.Ilang minuto pa, dumating ang waiter dala ang ilang baso ng inumin. Isa-isang inilapag ang mga ito sa tabi nina Arniya at ng tatlo pa niyang kasama.Uhaw na uhaw na si Sarah at akmang kukunin na ang inumin nang mapansin niya ang baso ng mango juice sa tabi ni Arniya. Nanlaki agad ang mga mata niya at halos mapasigaw:“Belle!”Nagkunwaring walang alam si Arniya at marahang tinadyakan si Sarah sa ilalim ng mesa.“Bakit?” tanong niya, kunwari’y nagtataka.Napalunok si Sarah, pilit na ngumiti, sabay sabi:“Magpalit na lang tayo ng inumin. Hindi ko gusto masyado ang orange juice. Gusto ko ng mango juice mo.”Pagkasabi niya nito, hinarap niya ang waiter at hindi napigilang magreklamo:“Bakit hindi n’yo muna kami tinanong kung anong gusto
Tumango si Arniya. "Oo."Mas lalo pang lumiwanag ang mga mata ni Laurence. "Ikaw na ang maglaro para kay Kuya David!"Nang marinig ito, kumurap-kurap ang mga mata ni Arniya at ngumiti ng maluwag. "Sige."Tumayo si David at inalok si Arniya na umupo sa inuupuan niya. Tumayo siya sa likod ni Arniya para tulungan itong tumingin sa mga baraha.Nang makita ito, dali-daling nagsalita si Laurence, "Hoy, Kuya David! Ang tunay na gentleman, nanonood lang ng chess o mahjong nang hindi nagsasalita. Bawal magbigay ng tips. Hayaan mong si Belle ang maglaro mag-isa!"Alam na alam ng lahat ng tao sa mesa kung ano talaga ang binabalak ni Laurence. Hindi ba’t gusto lang naman niyang samantalahin ang pagiging baguhan ni Arniya na ngayon pa lang natutong maglaro, at umaasang mananalo siya ng ilang beses dito?Hindi na rin ito itinago ni Laurence. Para sa kanya, si David at Arniya ay iisang pamilya. Dahil palagi siyang binibiktima ni Kuya David sa laro, gusto naman niyang makabawi kahit paano kay Arniya.
"Tsk." Kumuha si Dean ng panyo at pinunasan ang dugo mula sa kanyang ilong, bakas sa mukha niya ang pagsisisi."Akala ko hindi siya taga-showbiz, gusto ko sana siyang ligawan, pero hindi ko inakala na tao pala siya ni David.""Oo nga. Siyempre, ganitong klase lang ng napakagandang babae ang makakapukaw ng interes ni David."Matapos punasan ang dugo sa ilong, tumingin siya kay Nathaniel na puno ng paghingi ng tawad sa mukha."Salamat, Mr. Verano, sa pagpapaalala mo sa akin."Kung tutuusin, kung hindi siya binigyan ng suntok ni Nathaniel at hindi sinabi kung sino talaga ang babae, baka nagpadalos-dalos na siya sa galit kanina.Ang ganda kasi ng babae... Hindi niya talaga napigilan ang sarili niya.Pero ngayon na alam niyang babae pala ni David yun, parang nawala na agad ang init ng ulo at pagiging agresibo niya.Sino ba si David? Numero uno lang naman sa blacklist ng mga anak-mayamang tulad nila. Mula noon, malinaw ang babala ng pamilya nila: Huwag kailanman kokontra o magagalit si Davi