Bagamat may ngiti si Reyniel sa labi, may kilabot na gumapang sa katawan ni Arniya. Parang may malamig na hangin na dumaan sa kanyang batok, dala ang delubyong alam niyang paparating.
“Ang kasunduang ito ay desisyon ng mga matatanda ng parehong pamilya,” ani Reyniel, ang boses ay kalmado ngunit may diin. “Ngayon na wala na ang mga magulang mo, kung umatras tayo, baka batikusin tayo ng lipunan.”
Napakabilis ng tibok ng puso ni Arniya, ngunit hindi siya nagpadaig. Tumindig siya nang diretso, nakataas ang baba. “Ako po ang nagkusang-loob—”
“Hindi pa rin pwede.” Malamig na putol ni Reyniel. Tila ba ang bawat salita niya ay yelo na dumidikit sa balat. “Bago bawian ng buhay ang ina mo, ipinangako kong aalagaan kita. At kung sinabi ko ’yon, tutuparin ko.”
Madiin ang tingin nito. Mapanganib. Parang laging may nakatagong patalim sa kanyang mga ngiti.
“Kung pakiramdam mo'y niloko ka ni Nathan, eh ‘di ikaw mismo ang magturo sa kanya ng leksyon.”
Tumayo si Reyniel at walang kaabog-abog na humakba