Share

Chapter 9

Author: Meixy
last update Last Updated: 2023-09-03 20:11:52

Itinuro ni Camille ang pagkain sa harap. Naguguluhan na napatingin doon si Isabella.

"A-allergic," Nahihirapan namang sambit ng kaibigan. Agad na napalitan ng pangamba ang pagdududa ni Isabella.

Naging aligaga ang dalaga, hindi nito alam ang gagawin sa kaibigan. Sinundan niya lang ito ng tingin nang maglakad siya palayo habang hawak ang lalamunan. May kinuha siya sa kanyang drawer bago ito pumasok sa restroom. Sinundan niya naman ito upang masigurado kung maayos ba ang lagay ni Camille.

"Hey! Let me in." Kumatok si Isabella sa pintuan ng restroom. Narinig niya ang pagbukas ng gripo at ang tunog ng tubig na rumaragasa. Naghintay siya ng ilang minuto bago bumukas ang pintuan.

"I'm okay. Uminom na ako ng gamot." Agad na sabi niya rito. Hindi kumbinsido si Isabella sa sinabi ni Camille ngunit hinayaan nalang niya ito.

Nagtungo sila ulit sa dining table at itinuloy ang kwentuhan na parang walang nangyari. Bumalik na rin ang dating sigla ni Camille.

Hinawakan ng kaibigan ang mga kamay nito
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Seducing the CEO    Chapter 24

    Nang makalayo si Davis ay agad niyang sinagot ang tawag na galing sa kaniya secretary. "I'm sorry to interrupt you sir but this is emergency." Nahihimigan na ni Davis ang pagiging aligaga ng kausap. "What is it?" he asked, frustratedly. "Sir, the marketing department made some decisions that affected the company negatively. We also lost some major clients because of their actions," her secretary informed. Napahilot sa noo si Davis dahil sa ibinalitang mensahe sa kaniya."I'll be right there in a minute. Call the whole team and set up a meeting. We need to come up with a plan to fix this mess immediately." seryosong sambit nito sa kausap."Noted sir." sagot ng nasa kabilang linya bago niya patayin ang tawag. Napabuntong hininga si Davis at muling binalikan si Isabella sa hapag. Naabutan niya itong nagpupunas ng labi. Napatitig ito saglit sa dalaga ngunit agad ding nag iwas ng tingin nang dumapo ang mga mata nito sa kanya."Emergency?" patanong na wika ng dalaga. Tumango naman ito

  • Seducing the CEO    Chapter 23

    Kapansin pansin ang pagbabago ni Davis. Kailan lang noong seryoso at malamig pa ang pakikitungo niya kay Isabella, pero ngayon ay madalas na itong napapangiti at nagiging madaldal na rin ito minsan. Kasalukuyang hinihiwa ni Isabella ang mga sangkap sa lulutuin. Hindi siya makapagtrabaho nang maayos dahil nasa tabi niya lang si Davis na nagmamasid sa bawat galaw ng dalaga."Bakit kailangang kay Manang Nora ka pa pwedeng magpatulong?" napatingin si Isabella sa biglaang pagbukas ni Davis ng usapan."H-ha?" utal nitong tanong. Paano ba naman kasing hindi siya mauutal? Sobrang lalim ng paraan ng pagtitig ni Davis sa kaniya, idagdag pa na sobrang lapit sa kaniya ng binata."Pwede ka namang manood ng tutorial sa YouTube, or you can just simply invite someone to come to your house to help you." Naniningkit ang mga matang wika ng Davis.Ibinaba ni Isabella ang tingin niya bago sumagot. Kunwari'y abala sa kaniyang ginagawa. "Gusto ko kasi 'yong paraan ng pagluto ni Manang, saka para na rin may

  • Seducing the CEO    Chapter 22

    The atmosphere became awkward as Davis maneuvered the car. Pareho silang tahimik sa loob ng sasakyan.Sinulyapan ni Isabella si Davis na seryoso lang na nagmamaneho. Pinasadahan niya pa ang suot nitong kulay puting polo, black slacks at white shoes. Wow! Coincidence na naman!Para tuloy silang couple dahil halos pareho sila ng suot ngayon, idagdag mo pa na naka shades silang dalawa. "Hey." Pagkuha ni Davis sa atensyon ni Isabella. "Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala," wika ng binata sa baritono niyang boses. Damn that sexy voice!Napatuwid ng upo si Isabella bago nagsalita. "Ayos lang,"aniya. Napakunot ang noo nito nang dumapo ang paningin niya sa gilid ng noo ni Davis. "Ikaw? Ayos ka lang?" Balik niyang tanong sa binata. Napatingin naman si Davis kay Isabella dahil sa kaniyang naging tanong. "Ofcourse." Tumango na lamang ang dalaga kahit hindi siya kumbinsado sa naging sagot nito.Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na sila sa tapat ng grocery store. Malapit lang ito sa condo n

  • Seducing the CEO    Chapter 21

    Nag overtime kahapon si Isabella sa pagtratrabaho kaya naman ay late na itong nagising kinaumagahan. Mataas na ang sinag ng araw na lumalabas mula sa kaniyang bintana. Napaunat ito saglit at pagkatapos ay tamad niyang inabot ang kaniyang cellphone sa bedside table upang tingnan kung anong oras na. Mag aalas diyes na pala, talagang napahaba ang tulog niya dahil siguro sa pagod at puyat. Humikab si Isabella at nanatiling nakahiga sa kaniyang kama, maya-maya rin ay naisipan na nitong bumangon.Hindi siya papasok ngayon dahil day off niya sa trabaho. Malaya niyang magagawa lahat ng gusto niyang gawin.Nang makabangon ay hinanap ng kaniyang paningin ang kaniyang speaker saka ito nagpatugtog. Mas nagaganahan kasi itong gumalaw sa tuwing may naririnig siyang musika. Masaya niyang pinindot ang playlist na puro mga kanta ni Taylor Swift, ito ang pinakapaborito niyang singer dahil bukod sa maganda ang boses ni Taylor ay nakakarelate rin siya sa lyrics ng mga musikang ginawa niya.Itinali ni Is

  • Seducing the CEO    Chapter 20

    "Get off her." Agad naitulak ni Davis ang lalaki mula sa dalagang nakatalikod mula sa kaniya. "Bella--" naputol ang pagtawag niya sa atensyon ng dalaga, naramdaman niyang may mabigat na kamay ang dumapo sa kaniyang balikat. At nang paglingon nito ay siya namang pagtama ng kamao ng kung sino kay Davis. Natumba ito dahil sa hindi niya inaasahang galaw ng kalaban lalaking itinulak niya kanina.Agad din siyang tumayo upang bawian ang lalaki. Lumapit ang ibang mga kalalakihan sa kanilang pwesto, habang ang ilang kababaihan naman ay nagbubulungan. Wala man lang umawat sa kanila.Umigting ang panga ni Davis nang muling umamba ng suntok ang lalaki. Agad naman niya itong naiwasan, kumuha siya ng tamang tiyempo upang muling gumawa ng aksyon. Nang tuluyan na niyang napatumba ang lalaki ay saka naman nagdatingan ang mga guards. Napailing iling ito dahil sa sobrang bagal ng kanilang serbisyo.Umayos na ng tayo si binata. Nalasahan niya rin ang bahid ng dugo mula sa kaniyang labi, ngunit ipinagsaw

  • Seducing the CEO    Chapter 19

    Narito ngayon ang apat na magkakaibigan sa bar na pag aari ni Texas. Nagkaayaan sila dahil kaarawan ngayon ng kaisa isa nilang kaibigang babae na si Rachelle. "Happy birthday to you! Happy birthday to you!" Pagkanta nila habang hawak-hawak ang isang maliit na cake. Lumapit si Carlo at inilabas niya ang kaniyang dalang lighter upang sindihan ang kandila. "Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday Rachelle!" Naging emosyonal si Rachelle habang pinagmamasdan niya ang kaniyang tatlong kaibigan.Si Davis naman ay nakangiti lang habang nakikisabay sa pagkanta. Inilapit niya ang cake kay Rachelle. "Make a wish," usal nito sa malakas na tinig dahil maingay ang nasa paligid nila.Ngumiti naman ang babae saka unti unting hinipan ang kandila. Pagkatapos niyon ay nagpalakpakan ang magkakaibigan. Inabot ni Texas ang isang bote ng alak saka niya nilagyan ang baso ng isa't isa. "Cheers para sa birthday girl!"Naunang inangat ni Carlo ang kaniyang baso, sunod niyon ay si Rachelle. Naiiling nam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status