Share

Chapter 23

Kapansin pansin ang pagbabago ni Davis. Kailan lang noong seryoso at malamig pa ang pakikitungo niya kay Isabella, pero ngayon ay madalas na itong napapangiti at nagiging madaldal na rin ito minsan.

Kasalukuyang hinihiwa ni Isabella ang mga sangkap sa lulutuin. Hindi siya makapagtrabaho nang maayos dahil nasa tabi niya lang si Davis na nagmamasid sa bawat galaw ng dalaga.

"Bakit kailangang kay Manang Nora ka pa pwedeng magpatulong?" napatingin si Isabella sa biglaang pagbukas ni Davis ng usapan.

"H-ha?" utal nitong tanong. Paano ba naman kasing hindi siya mauutal? Sobrang lalim ng paraan ng pagtitig ni Davis sa kaniya, idagdag pa na sobrang lapit sa kaniya ng binata.

"Pwede ka namang manood ng tutorial sa YouTube, or you can just simply invite someone to come to your house to help you." Naniningkit ang mga matang wika ng Davis.

Ibinaba ni Isabella ang tingin niya bago sumagot. Kunwari'y abala sa kaniyang ginagawa. "Gusto ko kasi 'yong paraan ng pagluto ni Manang, saka para na rin may
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status