Nag overtime kahapon si Isabella sa pagtratrabaho kaya naman ay late na itong nagising kinaumagahan. Mataas na ang sinag ng araw na lumalabas mula sa kaniyang bintana. Napaunat ito saglit at pagkatapos ay tamad niyang inabot ang kaniyang cellphone sa bedside table upang tingnan kung anong oras na. Mag aalas diyes na pala, talagang napahaba ang tulog niya dahil siguro sa pagod at puyat. Humikab si Isabella at nanatiling nakahiga sa kaniyang kama, maya-maya rin ay naisipan na nitong bumangon.Hindi siya papasok ngayon dahil day off niya sa trabaho. Malaya niyang magagawa lahat ng gusto niyang gawin.Nang makabangon ay hinanap ng kaniyang paningin ang kaniyang speaker saka ito nagpatugtog. Mas nagaganahan kasi itong gumalaw sa tuwing may naririnig siyang musika. Masaya niyang pinindot ang playlist na puro mga kanta ni Taylor Swift, ito ang pinakapaborito niyang singer dahil bukod sa maganda ang boses ni Taylor ay nakakarelate rin siya sa lyrics ng mga musikang ginawa niya.Itinali ni Is
The atmosphere became awkward as Davis maneuvered the car. Pareho silang tahimik sa loob ng sasakyan.Sinulyapan ni Isabella si Davis na seryoso lang na nagmamaneho. Pinasadahan niya pa ang suot nitong kulay puting polo, black slacks at white shoes. Wow! Coincidence na naman!Para tuloy silang couple dahil halos pareho sila ng suot ngayon, idagdag mo pa na naka shades silang dalawa. "Hey." Pagkuha ni Davis sa atensyon ni Isabella. "Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala," wika ng binata sa baritono niyang boses. Damn that sexy voice!Napatuwid ng upo si Isabella bago nagsalita. "Ayos lang,"aniya. Napakunot ang noo nito nang dumapo ang paningin niya sa gilid ng noo ni Davis. "Ikaw? Ayos ka lang?" Balik niyang tanong sa binata. Napatingin naman si Davis kay Isabella dahil sa kaniyang naging tanong. "Ofcourse." Tumango na lamang ang dalaga kahit hindi siya kumbinsado sa naging sagot nito.Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na sila sa tapat ng grocery store. Malapit lang ito sa condo n
Kapansin pansin ang pagbabago ni Davis. Kailan lang noong seryoso at malamig pa ang pakikitungo niya kay Isabella, pero ngayon ay madalas na itong napapangiti at nagiging madaldal na rin ito minsan. Kasalukuyang hinihiwa ni Isabella ang mga sangkap sa lulutuin. Hindi siya makapagtrabaho nang maayos dahil nasa tabi niya lang si Davis na nagmamasid sa bawat galaw ng dalaga."Bakit kailangang kay Manang Nora ka pa pwedeng magpatulong?" napatingin si Isabella sa biglaang pagbukas ni Davis ng usapan."H-ha?" utal nitong tanong. Paano ba naman kasing hindi siya mauutal? Sobrang lalim ng paraan ng pagtitig ni Davis sa kaniya, idagdag pa na sobrang lapit sa kaniya ng binata."Pwede ka namang manood ng tutorial sa YouTube, or you can just simply invite someone to come to your house to help you." Naniningkit ang mga matang wika ng Davis.Ibinaba ni Isabella ang tingin niya bago sumagot. Kunwari'y abala sa kaniyang ginagawa. "Gusto ko kasi 'yong paraan ng pagluto ni Manang, saka para na rin may
"Meeting adjourned." Isa-isang nagsilabasan ang mga tao sa loob ng kanyang office. The meeting had lasted for nearly an hour, and Isabella was feeling overwhelmed by the time it was finally over. She proceeded to her office desk, where she planned to continue working on a project she had been assigned to. Magsisimula na sana ito sa gagawin ngunit biglaan itong nakaramdam ng gutom. Hinawakan niya ang kumakalam nyang tiyan at napanguso. Hindi pala ito nakapag umagahan kanina dahil tanghali na ito nagising, wala na itong oras kumain dahil sa pag aakalang mahuhuli ito sa kanilang magaganap na business meeting.Kailangan niyang kumain para may lakas siyang makapagtrabaho. Kinuha niya ang laptop at susi ng kanyang kotse bago lumabas at nagtungo sa paborito niyang cafe. She can just ask her secretary to get her some food but she decided not to. She chose to eat outside, hoping that a different atmosphere and a change of scenery would help her improve her mood and concentration while she wo
Kausap ni Davis ang kaibigan sa telepono. Pinipilit siya nitong umuwi na sa Pilipinas dahil kailangan daw siya roon. "Kailan ka ba babalik? Kailangan ka na ng kumpanya mo rito. Dude, dalawang taon lang ang usapan natin bilang pamamahala ko sa sarili mong kumpanya, tapos na ako sa parte ko." Hindi matigil ang pamimilit ni Carlo sa kanya na umuwi na. Wala na rin naman siyang balak na manatili sa Canada nang mas matagal na panahon dahil sa Pilipinas ang totoong niyang tahanan. Narito lamang siya para bisitahin ang kanyang mga magulang dahil dito sila naninirahan. May sariling kumpanya si Davis sa Pilipinas na iniwanan muna kay Carl pansamantala habang nasa bakasyon siya."Just give me some more time, sa susunod na linggo nalang ako uuwi." Carlo sighed in relief."That's my man! Ako na ang susundo sa 'yo sa airport para sigurado." Hinayaan nalang niya ang kaibigan sa kung anong gusto nitong gawin. Mas mabuti na rin 'yon para hindi hassle ang pag uwi niya.Hinanap ni Davis ang kanyang ina
Isabella was busy signing some papers when her phone rang. When she saw her father's name on the caller ID, she immediately answered the call."Hey Daddy, why did you call?" Itinigil muna ng dalaga ang ginagawa para bigyang pansin ang kanyang ama sa kabilang linya."Tomorrow will be Darryl's Birthday." His father was referring to his friend. "I want you to be there. It will be your opportunity to meet some businesspeople and professionals." He said sternly into the phone.Isabella cringed as she heard her father's words. Pagkatapos niyang sabihin ang mga 'yon ay agad na nitong pinatay ang tawag, hindi man lang nito hinayaang makapagsalita ang dalaga. Isabella heaved a sigh. Hindi sana niya gustong pumunta dahil marami pa itong aasikasuhin ngunit hindi siya makatanggi sa ama. Her father was known to be strict and demanding, she's being controlled by him all the time.Maya-maya ay nakatanggap siya ng mensahe galing sa ama kung saan at anong oras magaganap ang event para bukas. Napabunt
"You look great," Ryan said while looking at her sister with a warm smile. "I'm proud of you."Gumuhit naman ang isang ngiti sa labi ni Isabella dahil sa sinabi ng kaniyang kapatid. "Thank you."Her brother was always there for her, and his encouragement meant the world to her. She knew that she had a lot riding on tonight's event, but with Ryan by her side, she felt like she could take on anything.Ilang minuto pa ang lumipas bago niya natanaw ang mataas na building kung saan magaganap ang okasyon. Ilang beses itong napabuntong hininga para ihanda ang sarili. Kinakabahan si Isabella, hindi dahil sa magaganap na event kung hindi ang isipin na naroon ang kanyang ama. She couldn't help but feel a sense of pressure.Isabella took a deep breath and tried to calm her nerves. She knew that she had to stay focused and not let her father's presence affect her. She had been to many events before, but this one was different because of her father's presence. She didn't want to disappoint him, b
Tinanaw ni isabella ang hotel kung saan siya nanggaling, rinig na rinig niya ang malakas na tugtog mula sa kanyang pwesto. Pinunasan niya ang kanyang mga mata gamit ang sariling kamay, ngunit patuloy parin ang pag agos ng kanyang mga luha sa kanyang pisngi.She knew she couldn't go back in because her makeup was now ruined. Her mascara was smudged all over her face, making her look like a complete mess.Nagpatuloy siya sa paglalakad at huminto nang makakita ng bench sa hindi kalayuan. Isabella felt a surge of frustration building up inside her, and she wanted to let it out with a loud scream. But, as she opened her mouth to let out the scream, she found herself crying even harder. The tears streamed down her face, making her mascara run even more.As she cried, she thought about all the things that had led her to this point. She thought about her family, and how they had always supported her, no matter what. "Mommy..." she smiled bitterly. "Why did we end up like this?" Nanghihina n