Chapter 302ARAW ng Lunes, isang normal na araw lang sana. Suot ko pa ang paborito kong charcoal gray suit habang papasok sa opisina, hawak ang tasa ng kape’t hawak ang kumpiyansa. Pero sa isang iglap, bumaliktad ang mundo ko.VRROOOMMMM!!!Isang itim na van ang humarurot mula sa kabilang kanto—diretsong patungo sa direksiyon ko. Sa una, inakala kong isa lamang itong naligaw ng brake. Pero mali ako.Mabilis ang mga pangyayari.May tumulak sa akin.Bumagsak ako sa gilid ng driveway, nadaganan ang tasa ng kape sa gilid ng aking kamay, pero buo pa ako.Pagharap ko—hindi ko agad maiproseso.Duguan. Walang malay. Nakahandusay sa malamig na semento.Si Jasmine.“J-Jasmine!”Puno ng gulat, takot, at hindi maipaliwanag na kaba ang sigaw ko habang mabilis kong nilapitan ang duguan niyang katawan na nakahandusay sa malamig na semento. Basag ang balat sa kanyang sentido, may sugat sa kanyang braso, at halos wala nang malay.“Tumawag na ba ng ambulansya?!” sigaw ko sa mga tao sa paligid. Ang ilan
Chapter 301 Pagdating ng reunion na sinabi ni Mommy, naging abala ang buong pamilya. Halos araw-araw may kailangan ayusin—mula sa decorations, guest list, food tasting, at mga damit na susuotin sa mismong araw. Parang isang royal event ang kinalabasan, hindi simpleng family gathering. Pati ako, naging busy. Kahit ayaw ko man, naging magaan sa pakiramdam ang pansamantalang pagkalimot sa isang bagay—o sa isang tao. Si Jasmine. Hindi ko siya naiisip gaya ng dati. Wala ang mga pagkakataong napapatingin ako sa pinto ng opisina ko, hinihintay kung kailan siya muling darating. Wala ring random texts o tawag mula sa kaniya. Tahimik. At sa katahimikang 'yon, saka ko naisip... Bakit parang mas mahirap ang hindi siya iniisip? Habang iniikot ko ang mga bisita sa hardin ng mansion, pansin kong lahat ay masaya. Si Mom at Dad, naka-ngiti habang kausap ang mga ninong at ninang namin. Si Ellie at ang triplets, busy sa photo booth. Si Maricar, abalang-abala sa music arrangement. Lahat masaya. L
Chapter 300Pagkatapos naming kumain ay tumayo na si Dad. Hindi na siya nagsalita pa, tahimik lang siyang nagtungo sa loob ng malaking Library sa loob ng aming mansion. Pamilyar ako sa galaw na ‘yon — seryoso ito, at hindi ito usapang pamilya lang.Napatingin ako kay Mom, at bago pa ako makapagtanong ay sinenyasan niya akong sumunod agad.Tila ba nagsasabi ang kanyang mga mata ng,"Huwag mo na siyang patagalin. Huwag mo rin siyang paasahin. Alam niya."Tumayo na rin ako. Tahimik lang ang paligid, tanging yabag ng mga paa ko ang maririnig habang papunta ako sa kinaroroonan ni Dad. Hawak-hawak pa niya ang isang maliit na tasa ng kape habang nakaupo sa lumang leather chair na palagi niyang inuupuan kapag seryoso ang pag-uusapan.Pagkapasok ko sa loob ng library, sumara ang pinto ng kusa. At sa sandaling iyon, parang bumigat ang hangin."Sit down, Jacob."Malalim ang boses ni Dad, at diretso ang tingin sa akin.Umupo ako, ramdam ang tensyon. Wala pang dalawang segundo pero parang isang or
Chapter 299"By the way, son. We have a family reunion next week. Kailangan mong mag-leave muna," sambit ni Mommy habang inaabot sa akin ang baso ng fresh orange juice.Napatingin ako sa kanya habang umiinom. Muntik ko pa ngang mabulunan."Mom, seriously? Alam mo naman na marami pa akong kailangan ayusin, lalo na ‘yung security breach sa bar," seryoso kong sagot habang inilapag ang baso."Jacob," malamig pero may lambing na tono ni Dad. "I think your mom’s right. You've been carrying so much lately. Kahit sandali lang, bumalik ka sa pagiging anak. Hindi lang CEO, hindi lang kuya."Napabuntong-hininga ako. Si Maricar, Matteo, at Matias ay sabay-sabay na tumingin sa akin na para bang may silent support."Kuya, promise, hindi kami magugulo... masyado," dagdag ni Matias sabay ngisi."Okay, fine," napangiti na rin ako kahit hindi ko pa rin matanggal sa isip si... Jasmine.Habang abala ang lahat sa pag-aalmusal, napansin kong tila matalim ang tingin ni Ellie sa akin mula sa kabilang dulo ng
Chapter 298Jacob POV Pagkatapos kong makausap ang isa kong tauhan tungkol sa CCTV sa bar, mariin akong napabuntong-hininga.Pinag-imbestigahan ko kung sino ang walanghiyang naglagay ng sex drug sa inumin ni Jasmine."Find out who touched her drink," malamig kong utos. "And when you find him, I want his hands crushed. Slowly."Hindi niya ako sinagot—pero ramdam ko ang tensyon sa linya.Walang may lakas ng loob na tumutol sa galit ko ngayon. Lalo na kung si Jasmine ang napahamak.Pagbalik ko sa silid…Wala na siya.Wala ni anino ng babae kong dapat ay nagpapahinga pa.Unti-unti akong lumapit sa kama.Magulo pa ang kumot, may bahid pa ng halimuyak ng balat niya sa mga unan.Dumako ang paningin ko sa maliit na table lamp—may iniwan siyang baso ng tubig. Kalahating puno.Sa tabi niyon, isang tissue na tila pinangpunas sa labi.“Damn it…”Mabilis kong hinagod ang likod ng aking batok."Why are you running away, Jasmine?"Ako ang sumagip sa’yo.Ako ang hindi natulog para lang masigurong li
Chapter 297 Napatingin ako sa ibaba niya nang hindi sinasadya. “Oh my…” Muntik ko nang mapa-atras ang ulo ko. Tayung-tayo pa rin ang junior niya. Parang hindi man lang napagod kagabi. Parang… handa ulit makipag-giyera. “A-Ah, sir…” Napakagat ako sa aking labi, pinipigilang matawa o matulala. “Pwedeng… mag-brief ka muna? O kahit towel man lang. Takpan mo naman ang junior mo, oh.” Sabay turo ko sa kanyang harapan, pilit na hindi pinapahalata na namula ako sa hiya at kilig. Pero isang ngisi lang ang isinagot niya. Yung tipong ngiti ng isang lalaking alam ang epekto niya sa’yo. Yung ngiting nakakaloko at nakakapaso. “Bakit? Natakot ka ba, Ms. Lim?” Umusog siya papalapit muli, walang balak na magtakip. “O na-miss mo agad ‘to?” sabay nguso niya pababa, kung saan… well… busy pa rin ang kanyang junior sa pagtindig ng dangal. “Sir naman!” saway ko habang tinatakpan ng kamay ang aking mukha, pero pasulyap-sulyap pa rin ako sa kanya. Tumingin siya sa akin, this time hindi n