Chapter 7
Napapikit ako, pilit pinapanatili ang kontrol sa sarili. Hindi ko kailangang ipaliwanag ang sarili ko sa kanya. Hindi ko kailangang sabihin ang tunay kong dahilan. "Hindi kita kailangang bigyan ng sagot, Andrea," sagot ko nang matigas. "Tapos na tayo. At ang buhay ko ngayon, wala ka nang kinalaman." Tahimik. Ilang segundo bago siya muling nagsalita, mas mahina na ang boses niya pero may bahid ng hinanakit. "Hindi ako naniniwala diyan, Christopher. Kilala kita. At kung iniisip mong matatapos mo ang plano mo nang hindi kita naiipit sa gulo mo… nagkakamali ka." Bago pa ako makasagot, ibinaba na niya ang tawag. Napatingin ako sa telepono, ramdam ang paninigas ng panga ko. Andrea… Hindi ko siya dapat alalahanin. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ay ang kasal bukas. Pero bakit may masamang kutob akong may paparating na bagyo—at hindi ko alam kung paano ko ito haharapin? "Hindi kita hahayaan na guluhin ang plano ko, Andrea!" galit kong bulong sa sarili ko habang mahigpit na nakakuyom ang kamao ko. Kailangan kong manatili sa plano. Wala akong panahon para sa emosyon o sa nakaraan. Si Andrea ay bahagi ng buhay na matagal ko nang isinara. Kinuha ko ang baso nasa gilid at nagsalin nang whiskey at ininom ito nang isang lagukan. Kailangan kong palamigin ang ulo ko. Bukas, magsisimula ang lahat. Ang kasal. Ang paghihiganti. Ang pagbagsak ng pamilyang Curtiz. Hindi ako maaaring matinag ngayon. Ngunit kahit anong gawin kong pagpapakatatag, may isang bagay na hindi ko maalis sa isipan ko. Ang ekspresyon ni Kara sa huling pag-uusap namin. Ang lungkot sa kanyang boses. Ang bahagyang pangangatog ng kanyang labi nang tanungin niya kung kailan siya lilipat sa bahay ko. Napamura ako sa isip. Damn it, Christopher. Ano bang problema mo? Hindi ako dapat maaapektuhan. Ngunit kahit gaano ko pilit iwaksi ang iniisip ko, isang bagay ang hindi ko maitatanggi… May isang bahagi sa akin na nagsasabing, Paano kung mali ako? Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ko ang isang taong babantayan ang bawat kilos ng ex ko upang hindi ito makapagbigay ng gulo bukas sa aking kasal. Agad kong dinial ang numero ng isang tao na alam kong maaasahan sa ganitong sitwasyon. Ilang ring lang at agad niya itong sinagot. "Boss," malamig at pormal ang boses sa kabilang linya. "May ipapagawa ako sa'yo," direkta kong sabi, walang paliguy-ligoy. "Bantayan mo si Andrea. Gusto kong malaman ang bawat galaw niya. Hindi siya pwedeng makagulo sa kasal ko bukas." "Understood, boss. Anong gusto mong gawin kung sakaling may subukan siyang gawin?" Napapikit ako, saglit na nag-isip. Kilala ko si Andrea. Hindi siya ang tipo ng babaeng tatahimik na lang kapag may gusto siyang pigilan. "Kapag may ginawang kahit anong hakbang para pigilan ako, siguruhing hindi siya makarating kahit saan," malamig kong utos. "Noted. Aayusin ko, boss," sagot nito bago tuluyang ibinaba ang tawag. Ibinalik ko ang cellphone sa bulsa ko at napatingin sa malaking bintana ng aking opisina. Mula rito, tanaw ko ang buong siyudad, ang mga ilaw na nagkikislapan sa gabi—isang paalala na sa mundong ito, ang pinakamalakas lamang ang nananatili sa tuktok. At bukas, sisiguraduhin kong ako pa rin ang hari. Walang makakapigil sa plano ko. Lahat ay nasa ayos na para bukas. Hindi na kailangang gawing magarbo ang seremonya—wala akong pakialam sa tradisyon o sa pangarap ng ibang tao tungkol sa kasal. Ito ay isang kasunduan, isang hakbang patungo sa paghihiganti. Hindi kami magpapakasal sa simbahan. Wala akong balak gawing sagrado ang isang kasal na batay sa galit at paghihiganti. Sa halip, isang pribadong seremonya ang magaganap sa aking rest house, malayo sa mata ng publiko. Si Judge Santiago, isang matagal ko nang kakilala, ang siyang magkakasal sa amin. Isa rin siya sa mga pinagkakautangan ng loob ng pamilya ko noon, kaya’t tiyak akong hindi siya magtatanong ng anumang bagay. Tanging siya at si Troy ang magiging saksi sa lahat ng ito. Habang nakaupo ako sa study at pinagmamasdan ang papeles ng kasal, isang malamig na ngiti ang sumilay sa labi ko. Bukas, si Kara Smith Curtiz ay magiging isang Montero. Bukas, sisimulan ko ang pagbagsak ng pamilya niya. Ngunit sa kabila ng lahat ng plano ko, hindi ko maiwasang maramdaman ang isang bagay na matagal kong hindi pinansin—isang hindi maipaliwanag na kaba. Dahil alam kong sa laro ng paghihiganti… May isa sa amin ang siguradong masasaktan. At pilit kong sinasabi sa sarili ko—hindi ako iyon. Agad ako napatingin sa aking cellphone ng biglang tumunog. Ang inutusan ko pala ang tumawag. Agad kong dinampot ang cellphone at sinagot ang tawag. "Boss, may report ako tungkol kay Andrea," diretsong sabi ng tauhan ko sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko. "Ano?" "Hindi siya nagpapakita ng anumang kakaibang kilos, pero may nakausap siyang isang lalaki kanina sa isang coffee shop. Base sa nakuha naming impormasyon, abogado ito." Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Abogado? "Alamin mo kung sino siya at kung anong pinag-usapan nila," malamig kong utos. "Ayokong may makialam sa kasal ko bukas." "On it, boss. Ipapadala ko sa'yo ang detalye sa loob ng isang oras." "Good." Pagkababa ng tawag, tumayo ako at lumapit sa bintana. Mula roon, tanaw ko ang malawak na lungsod, pero sa isipan ko, isa lang ang iniisip ko—si Andrea. Ano ang binabalak niya? At bakit kailangan pa niyang kausapin ang isang abogado? Muling nag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot. "Boss, may update ako," seryosong sabi ng tauhan ko. "Ano?" malamig kong tanong. "Ang lalaking kausap ni Andrea kanina ay si Atty. Manuel Ramirez. Isa siyang corporate lawyer—at base sa impormasyon namin, may koneksyon siya sa Curtiz family." Napakuyom ako ng kamao. Curtiz family? "May nakuha ba kayong detalye kung anong pinag-usapan nila?" tanong ko, pilit pinapanatili ang malamig na tono ng boses ko. "Pasensya na, boss, pero hindi namin marinig ang usapan nila. Ngunit pagkatapos ng meeting nila, umalis si Andrea na halatang masama ang loob." Naningkit ang mga mata ko. Masama ang loob? Ibig sabihin, hindi pumabor sa kanya ang pinag-usapan nila. "Ano ang hinala mo?" tanong ko. "Posibleng humihingi siya ng tulong para pigilan ang kasal mo, pero hindi siya natulungan ng abogado." Malamig akong napangiti. Kung gano'n, desperado na siya. "Patuloy mo siyang bantayan," utos ko. "Ayokong magkaroon ng aberya bukas." "Yes, boss." Pagkababa ko ng tawag, tumingin ako sa mga papeles ng kasal na nasa lamesa ko. Andrea, kahit anong gawin mo, hindi mo na mababago ang desisyon ko. Bukas, si Kara Smith Curtiz ay magiging isang Montero. At sisiguraduhin kong walang sino man ang makakapigil doon.Chapter 298Jacob POV Pagkatapos kong makausap ang isa kong tauhan tungkol sa CCTV sa bar, mariin akong napabuntong-hininga.Pinag-imbestigahan ko kung sino ang walanghiyang naglagay ng sex drug sa inumin ni Jasmine."Find out who touched her drink," malamig kong utos. "And when you find him, I want his hands crushed. Slowly."Hindi niya ako sinagot—pero ramdam ko ang tensyon sa linya.Walang may lakas ng loob na tumutol sa galit ko ngayon. Lalo na kung si Jasmine ang napahamak.Pagbalik ko sa silid…Wala na siya.Wala ni anino ng babae kong dapat ay nagpapahinga pa.Unti-unti akong lumapit sa kama.Magulo pa ang kumot, may bahid pa ng halimuyak ng balat niya sa mga unan.Dumako ang paningin ko sa maliit na table lamp—may iniwan siyang baso ng tubig. Kalahating puno.Sa tabi niyon, isang tissue na tila pinangpunas sa labi.“Damn it…”Mabilis kong hinagod ang likod ng aking batok."Why are you running away, Jasmine?"Ako ang sumagip sa’yo.Ako ang hindi natulog para lang masigurong li
Chapter 297 Napatingin ako sa ibaba niya nang hindi sinasadya. “Oh my…” Muntik ko nang mapa-atras ang ulo ko. Tayung-tayo pa rin ang junior niya. Parang hindi man lang napagod kagabi. Parang… handa ulit makipag-giyera. “A-Ah, sir…” Napakagat ako sa aking labi, pinipigilang matawa o matulala. “Pwedeng… mag-brief ka muna? O kahit towel man lang. Takpan mo naman ang junior mo, oh.” Sabay turo ko sa kanyang harapan, pilit na hindi pinapahalata na namula ako sa hiya at kilig. Pero isang ngisi lang ang isinagot niya. Yung tipong ngiti ng isang lalaking alam ang epekto niya sa’yo. Yung ngiting nakakaloko at nakakapaso. “Bakit? Natakot ka ba, Ms. Lim?” Umusog siya papalapit muli, walang balak na magtakip. “O na-miss mo agad ‘to?” sabay nguso niya pababa, kung saan… well… busy pa rin ang kanyang junior sa pagtindig ng dangal. “Sir naman!” saway ko habang tinatakpan ng kamay ang aking mukha, pero pasulyap-sulyap pa rin ako sa kanya. Tumingin siya sa akin, this time hindi n
Chapter 296 Ang mga kalaban? Agad umatras. "Come here," mahina niyang bulong sa akin, halos dikit ang labi niya sa tainga ko. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko—mainit, mabigat, nakakalusaw. “S-sir…” bulong ko, pero hindi ko na natapos. Bigla niya akong isinakay sa loob ng SUV. Hawak pa rin niya ang kamay ko, at nang maisara ang pinto, ay napahilig ako sa balikat niya, parang wala na akong lakas. “Jasmine…” Ang pangalan ko sa kanyang bibig ay parang kasalanan at pangakong sabay niyang nilunok. “You’re burning up,” aniya, saka marahang hinaplos ang pisngi ko gamit ang likod ng palad niya. Napapikit ako. Tumingin siya sa labi ko. Tumitig ako sa mga mata niya. “S-Sir Jacob…” At bago pa ako makapagsalita muli, lumapat ang labi niya sa akin—mainit, marahas, nag-uumapaw sa galit, pag-aalala… at isang bagay na hindi ko pa kayang pangalanan. Hindi ito tama. Pero wala sa katawan ko ang gustong kumawala. His kiss was fire. At ako? Para akong tuyong gasolina na sinilaban ng apo
Chapter 295 Two days. Ito na ang hinihintay ko. Ang pagpasok ko sa mundo nila, hindi bilang Assassin J, kundi bilang Jasmine Lim—ang babaeng inosente, walang muwang, pero may lihim na layunin: ang pabagsakin ang sindikatong kinasangkutan ng kanyang pamilya. Nagsuot ako ng simple red dress—hindi sobrang hapit, pero sapat para maakit ang sinumang lalaking hindi pa rin nawawala ang lakas ng libido. Isang manipis na lipstick ang nagmarka sa aking labi, at ang konting pulbo lang ang nagbigay ng inosenteng kinang sa aking mukha. Lumapit ako sa salamin bago umalis. "Ngayon isang Jasmine ang papasok. Hindi si Agent J. Hindi si Assassin. Isang bitag na may halimuyak ng pang-akit at panganib." Pagdating ko sa SABRE, isang high-class bar na tanging mga VIP at kilalang personalidad lang ang nakakapasok, hindi ako pinigilan ng bouncer. Iba ang tingin nila sa akin—parang kilala na ako kahit hindi pa. May lihim akong informant sa loob, isa sa mga waitress na dating nailigtas ko. Siya ang nagsa
Chapter 294 Pagkatapos kong pabagsakin si Valero, agad akong umalis sa event na parang anino sa dilim. Wala ni isang makakakilala sa akin sa gabing iyon — hindi si Jacob, hindi si Ellie, at lalong hindi ang mundo na iniwang kong nagdududa sa tunay kong pagkatao. Pinagmasdan ko ang aking repleksyon sa bintana ng sasakyan. Magulo pa rin ang damdamin ko, hindi dahil sa pinatay ko si Valero, kundi dahil sa wakas, isa na namang piraso ng puzzle ang nakuha ko. "Dalawang sunod-sunod na operasyon..." bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang liwanag sa malayo. "Kailangan kong magpahinga kahit sandali." Pagdating ko sa sariling mansion — isang property na kahit ang gobyerno ay walang impormasyon — agad akong pumasok at ini-activate ang mga security system. May lima pa akong araw bago ako muling magbalik bilang Jasmine Lim, ang secretary na inosente. Pero ngayong gabi… ako si J, ang assassin. Ang anak ng isang pinatay na agent. At ang babaeng magpapabagsak sa isa sa pinakamalupit na Ma
Chapter 293 Napalingon ako kay Ellie habang hawak ko ang braso niya, pilit ko siyang hinihila palabas ng bulwagan. "Wait, my brother is still there. Please, J… iligtas mo ang kuya Jacob ko!" Namumugto ang mga mata niya. Hindi ito ang usual na cheerful at nakakatuwang Ellie. Ngayon, isa siyang kapatid na takot—na baka hindi na muling makita ang taong pinakamamahal niya. Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko siya agad sinagot. Saglit akong tumitig sa pintuan kung saan galing ang putok ng baril. "Shit." Alam kong hindi ito bahagi ng plano ko. Hindi dapat madamay si Jacob. Hindi pa dapat siya mawala at Hindi malaman kung sino talaga ako. Pero… "Damn it," bulong ko habang inabot ang baril ko mula sa tagiliran. Tumitig ako kay Ellie. "You stay here. Hawakan mo 'to," sabay abot ng maliit na taser at tracking pen sa kanya. "Kapag may nangyaring kakaiba, press the red button. May darating na rescue." "Pero si kuya—" "Ako ang bahala sa kanya." Tumalikod na ako, pero bago tuluyang tumakb