Chapter 6
Kinabukasan Agad kong pinahanda sa mga katulong ang silid para sa magiging asawa ko. Walang espesyal na dekorasyon, walang kahit anong palamuti na magbibigay ng ideya na ito ay isang kwarto ng isang bagong kasal. Isang simpleng silid, malamig, walang emosyon—tulad ng kasunduang ito. Tumayo ako sa harap ng malaking bintana ng aking silid, hawak ang tasa ng itim na kape. Sa labas, ang tahimik na paligid ng aking estate ay tila sumasalamin sa lungkot at hinanakit na matagal ko nang kinikimkim. Isang malakas na katok ang pumukaw sa aking atensyon. "Pumasok," malamig kong utos. Bumukas ang pinto, at pumasok si Troy. Kita sa kanyang ekspresyon ang pag-aalinlangan. "Dumating na siya," aniya. Hindi ako agad sumagot. Tinungga ko ang natitirang kape bago ibinaba ang tasa sa mesa. "Nasaan siya?" tanong ko, hindi ipinapahalata ang kung anong nararamdaman ko. "Nasa sala. Tahimik lang siya. Hindi ko alam kung kinakabahan o takot," sagot niya. "Sigurado ka na ba talaga rito, tol?" Napangisi ako, ngunit walang init ang aking ngiti. "Huli na para umatras." Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang sala. Doon, nakita ko siya—si Kara Smith Curtiz, nakaupo sa sopa, walang emosyon ang mukha. Pero alam kong sa ilalim ng kanyang malamig na tingin, may takot at pag-aalinlangan. Nang maramdaman niyang nakatayo ako sa harapan niya, dahan-dahan siyang tumingala at tumingin sa akin. "Handa ka na ba?" tanong ko, walang emosyon sa tinig. Bahagya siyang nag-atubili bago tumango. "Oo." Matalim kong tinitigan ang mukha niya, hinahanap ang kahit anong senyales ng pagsisisi o panghihina. Ngunit nanatiling matatag ang kanyang ekspresyon. "Simula ngayon, ikaw ay magiging isang Montero," madiin kong sabi. "At walang makakapigil sa akin para isakatuparan ang lahat ng plano ko." Tahimik lang siyang nakatingin sa akin, ngunit sa likod ng kanyang mga mata, alam kong may itinatagong emosyon. Ngunit wala akong pakialam. Dahil simula sa araw na ito, siya ay pag-aari ko na. Tinawag ko si Manang Estrella, ang pinakamatagal nang katulong sa bahay, upang ihatid si Kara sa kanyang magiging silid. "Manang, dalhin mo siya sa kwarto niya," malamig kong utos, hindi man lang lumingon kay Kara. Tumango si Manang at hinarap si Kara. "Sumunod ka sa akin, iha." Tahimik siyang tumayo, dala ang isang maliit na bag—marahil ang iilang gamit na napagdesisyunan niyang dalhin. Walang imik, walang reklamo. Parang isang tauhang sumusunod lang sa utos. Habang paakyat sila sa hagdan, saglit akong natigilan. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kung anong bumigat sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang likuran ni Kara. Hindi, hindi ako dapat mag-alinlangan. Siya ang susi sa paghihiganti ko. At sa sandaling ito, siya na ngayon ang pinakamahalagang piyesa sa larong sinimulan ko. Agad akong kinalabit sa aking kaibigan na si Troy. "Goodluck sa paghihiganti mo, tol!" sabay iling nito at nagpapaalam na uuwi na sa kanyang mansion. Tiningnan ko lang si Troy habang papalabas siya ng bahay, umiiling-iling pa. Alam kong hindi siya sang-ayon sa plano ko, pero hindi ko rin siya masisisi. “Bahala na,” bulong ko sa sarili ko bago lumingon patungo sa hagdan kung saan tuluyan nang nawala sa paningin ko si Kara. Katahimikan ang bumalot sa buong mansyon matapos umalis si Troy. Dumiretso ako sa study at muling binuksan ang laptop ko. May ilang bagong reports tungkol sa Curtiz Corporation ang ipinadala sa akin. Inisa-isa ko ang bawat dokumento, pilit hinahanap ang anumang bahid ng kasalanan ng pamilya niya sa nangyari sa aking mga magulang. Ngunit sa bawat pahinang binubuksan ko, mas lalong lumalabo ang linya sa pagitan ng galit at pag-aalinlangan. Napabuntong-hininga ako. Hindi. Hindi ako dapat magpatalo sa mga emosyong ito. Dahil sa larong ito, ang may pinakamalakas na kontrol ang siyang panalo. At ako ang dapat magwagi. "Hindi sila!" bulong ko sa aking sarili. Napaatras ako sa aking kinauupuan, ramdam ang panlalamig ng aking mga palad. Hindi sila... Pero paano? Lahat ng ebidensya, lahat ng pinaghirapan kong pagsasaliksik, itinuturo ang pamilya Curtiz bilang dahilan ng trahedyang bumagsak sa pamilya ko. Kaya ako nandito. Kaya ako gumawa ng plano. Pero kung hindi sila... sino? Napatingin ako sa screen ng laptop, sa mga dokumentong paulit-ulit kong binasa nitong mga nakaraang taon. May nawawalang piraso sa puzzle na ito, at kung may ibang taong may kinalaman sa pagkamatay ng aking mga magulang—ibig sabihin, nagkamali ako. At si Kara... Napakuyom ako ng kamao. Hindi puwedeng magkamali ako. Hindi puwedeng mali ang lahat ng ito. Pero kung tama ang kutob ko, nangangahulugan lang na may mas malaking sikreto sa likod ng lahat ng ito. At kasal na namin ang susunod na hakbang. Wala nang atrasan. Hindi ko namalayan na alas-nuwebe na pala, kung kanina ay alas-syete, kung hindi kinatok ni Manang ay hindi ko napansin. "Sir Christopher, may tawag kayo sa office!" Napabuntong-hininga ako at mabilis na isinara ang laptop. Alas-nuwebe na pala. Kung hindi dahil kay Manang, malamang ay hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Tumayo ako mula sa upuan at tumingin kay Manang Estrella, na nakatayo sa may pintuan ng study. "Sino?" tanong ko, hindi maitago ang iritasyon sa boses ko. "Hindi po nagpakilala, sir, pero importante raw po ang pakay," sagot niya, may bahagyang pag-aalala sa mukha. Mabilis akong lumabas ng study at tinungo ang opisina ko sa loob ng mansyon. Kinuha ko ang telepono at malamig na sumagot. "Christopher Montero speaking." Sa kabilang linya, isang pamilyar ngunit matigas na boses ang narinig ko. "Akala mo ba, kaya mong itago sa akin ang balak mong kasal?" Napatigil ako. Kilala ko ang boses na iyon. At kung siya na mismo ang tumawag... nangangahulugan lang na hindi lang basta laro ang pinasok ko. May mas malaking panganib na nag-aabang. "Andrea—" tanging nasambit ko, ramdam ang bigat ng kanyang pangalan sa aking labi. Sa kabilang linya, narinig ko ang malamig niyang tawa. "Hindi mo akalaing malalaman ko, ‘no? Christopher, kilala kita. Alam kong may plano ka, at gusto kong malaman… Ano ang tunay mong balak sa Curtiz girl na ‘yan?" Napatikom ako ng kamao. Alam kong hindi ko siya basta-basta maloloko. Si Andrea ay hindi babaeng madaling palagpasin ang isang bagay na nagpapalungkot sa kanya—lalo na kung ako ang may kinalaman. "Ano bang pakialam mo?" malamig kong sagot. "P-pakialam?" Halatang nagpipigil siya ng emosyon. "Damn it, Christopher! Limang taon tayong magkasama, tapos iniwan mo ako nang walang paliwanag! At ngayon, bigla kang magpapakasal sa babaeng hindi mo mahal? Anong kalokohan ‘to?"Chapter 420Elias POV(Ama ni Jasmine)Bawat putok ng baril ay parang pumapalo sa dibdib ko, hindi lang dahil sa ingay kundi dahil sa takot na baka tamaan ang anak ko.“Jasmine! Umatras ka!” sigaw ko habang tinamaan ko ang isang tauhan ni Damian sa binti. Pero parang wala siyang naririnig—punong-puno siya ng galit. Alam kong matagal niya itong inipon, at ngayon ay parang isang bagyong handang sumira ng lahat sa harap niya.Nakipagpalitan ako ng putok sa kaliwang bahagi kung saan nagkukubli ang tatlong tauhan ni Damian. Isa-isa silang bumagsak, pero hindi ako nakampante. Sa ganitong laban, isang maling galaw lang ay katapusan.Mula sa gilid ng usok, nakita ko si Damian na nakatutok ang baril kay Jasmine. Ang puso ko ay halos tumigil sa pintig. Mabilis akong gumapang, ginamit ang mga nasusunog na kahon bilang takip, at tinutok ko ang baril sa kanya.Pero bago ko mahila ang gatilyo, si Damian ay biglang ngumisi at sumigaw,“Kung tunay kang ama, pigilan mo siya… o pareho kayong mawawala!”
Chapter 419Napalingon ako sa pinanggalingan ng putok, mabilis na hinugot ang baril at tinutok sa direksyong iyon. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, bawat segundo parang naghihintay ng kapalit na buhay.Mula sa makapal na usok, may lumitaw na anino—mabigat ang hakbang, mabagal pero sigurado. Sa bawat lapit niya, mas lalo kong nararamdaman ang tensyon sa paligid. Hindi ito basta tauhan lang.“Damian…” mahina kong bulong, at halos sabay kaming tumutok ng baril sa isa’t isa.Pero bago pa ako makapagpaputok, naramdaman ko ang malamig na bakal na dumampi sa gilid ng ulo ko. Isang pamilyar na boses ang sumunod.“Huwag kang kikilos, Demon… kung ayaw mong dito na magtapos ang kwento mo.”Ang huling bagay na nakita ko bago sumiklab ang gulo ay ang malamig na ngiti ni Jasmine—at ang tingin niyang parang siya ang may kontrol sa lahat."Bakit mong nagawang gamitin ang tauhan ng aking kapatid, ginawa mo pang isang clone," galit kong sabi, halos nanginginig ang kamay ko sa pagpipigil na h
Chapter 418Demon POVIto ang kinatatakutan ko… kaya ayaw na ayaw kong galitin si Jas—dahil buhay ang kapalit.Hindi siya basta-basta pumapatay para lang magpatahimik. Kapag gumalaw si Jas, may rason, at siguradong wala nang makakatakas.Ngayon, nakikita ko na naman ang tingin niyang iyon… malamig, walang emosyon, at nakatutok lang sa isang bagay—paghiganti.Kung ako ang kalaban, mas pipiliin ko pang tumakbo sa gitna ng bagyo kaysa harapin siya sa ganitong estado.Alam kong sa bawat hakbang niya ngayon, parang may dumadagundong na orasan sa paligid—bilang ng segundo bago bumagsak ang hatol.Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang tensyon sa hangin.Si Cherie, alam din ang ibig sabihin nito; nakita ko kung paano siya bahagyang huminga nang malalim, parang naghahanda na rin sa nalalapit na salpukan.Sa teritoryo ni Damian, walang lugar para sa mahina.At ngayong galit si Jas… wala ring lugar para sa awa.Hanggang nagsalita ito, malamig at mababa ang boses na parang gumagapang sa ilalim ng
Chapter 417Cherie POVHumigpit ang kapit ko sa baril habang patuloy ang palitan ng putok sa paligid. Ramdam ko ang tibok ng puso ko—mabilis, pero kontrolado. Hindi ako puwedeng matinag, hindi ngayon na alam kong nasa bingit kami ng kamatayan.Sa bawat paglingon ko, sinusuri ko ang kilos ni Elias. Masyado siyang kalmado, parang may alam siya na hindi pa niya sinasabi. At kung tama ang kutob ko, siya ang susi sa makakaligtas kami… o siya mismo ang dahilan ng kapahamakan namin.May dalawang lalaki ang sumulpot mula sa gilid. Hindi na ako nag-aksaya ng bala—isang mabilis na slide sa sahig, inikot ko ang katawan, at dalawang putok ang pinakawalan. Tumama. Wala nang oras para mag-alinlangan.“Keep moving!” sigaw ko kina Jas at Jacob. Hindi ako natatakot mamatay… pero hindi ako papayag na mamatay kami nang walang laban.At habang patuloy ang putukan, ramdam kong mas lalong humihigpit ang bitag na pumasok kami.Bumigat ang hangin—hindi lang dahil sa usok ng pulbura, kundi dahil ramdam ko na
Chapter 416Sa bawat segundo, lalong lumalakas ang ugong ng motor. Hindi ito bangka—mas malalim at mas matinis ang tunog.“Jet ski…” bulong ni Demon, nanlilisik ang mga mata. “Mas mabilis sila sa atin.”“Hindi sila makakadaan nang madali sa makipot na pasok ng ilog na ’to,” sagot ni Elias habang patuloy na nagsasagwan. “Pero maghanda kayo. Kapag lumitaw sila, hindi na natin maiiwasan ang putukan.”Hinugot ko agad ang aking baril, ramdam ang lamig ng bakal sa palad ko. Si Cherie naman ay mabilis na nag-reload ng kanyang rifle.Sa di-kalayuan, lumitaw ang dalawang jet ski, sakay ang apat na lalaki na naka-itim at may suot na tactical vest. Isang tingin pa lang, alam kong hindi basta-basta ang mga ito—mga sanay pumatay.“Jas, ikaw sa kanan. Demon, sa kaliwa. Ako sa gitna,” mabilis na utos ni Elias.Bago pa sila makalapit, biglang may narinig akong pamilyar na tunog sa unahan—click… kasunod ng mahinang ugong na parang mula sa ilalim ng tubig.“Mine trap?” tanong ko, nakakunot ang noo.Ngu
Chapter 415Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot, kundi sa excitement ng paparating na laban.Si Demon ang unang gumalaw—isang mabilis na side step at tinamaan niya ng matinding siko ang panga ng kalaban sa kaliwa. Bumagsak agad ito na parang pinutol ang kuryente sa katawan.Si Cherie naman ay gumamit ng diskarte—isang mababang ikot, sinipa ang tuhod ng isa, sabay suntok sa sikmura. Umubo ito nang malakas bago mawalan ng malay.Dalawa na lang ang nakatayo, at ako ang hinarap nila.Ang una, sumugod nang mabilis, pero hinawakan ko ang baril niya, pinaikot ang braso niya, at isang CRACK!—nabali. Bago pa makareact ang isa, inihagis ko ang unang kalaban papunta sa kanya. Sabay kaming umabante ni Mr. Crus para tapusin sila.Sa loob ng ilang segundo, wala nang nakatayo sa harapan namin.“Walang takot, sabi ko sa’yo,” bulong ko kay Mr. Crus na nakangiti lang at tumango.Pero bago kami makagalaw ulit, biglang tumunog ang malakas na alarm sa buong gusali.“Uh-oh,” ani Demon. “Mukh