Share

CHAPTER 182: The Slap

Author: YULIANNE
last update Huling Na-update: 2025-01-26 10:24:20

"'WAG MONG pakialaman iyan at lumabas ka muna," malamig na saad ni Theo.

Mas lalong naguluhan si Amanda. Bakit sobrang importante nito kay Theo? Pero sa kaniya naman ito!

Pero napaatras lang siya ng bahagya dahil sa lamig ng paraan ng pagtitig sa kaniya ni Theo. Paanong hindi, eh mahalaga ito sa kaniya. Ito lang naman ang tugtog na siyang nakapagpagising sa kaniya noon. Ayaw niyang may nakikialam dito. Kaya kahit ayaw man ni Theo, hindi niya maiwasang maging malamig kay Amanda.

"P-Pero--"

"Sumunod ka na lang, Amanda," putol pa ni Theo sa sinasabi ni Amanda.

Dahil sa pag atras ni Amanda, nagalaw niya ang ilalim ng speaker at nahulog ang isang litrato. Hindi na niya napigilan pang napatingin doon at halos mapasinghap na lang siya nang nakita kung sino ang nasa litratong iyon.

Walang iba kundi si Sofia habang tumutugtog ng violin...

Sa background nito ay kulay puti at hindi naman kailangang mag isip ni Amanda ng malalim para malaman kung saan ito nakuhanan. Sa ospital iyon... ang kwarto
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (13)
goodnovel comment avatar
nagiePangani
parang bmalik n nman sa umpisa, klan ba mag ka ayos kaung 2.?
goodnovel comment avatar
Jaxson Haze
bkit paulit ulit nlang ito matagal n tapos ganun p rin di umuusad k pangit n din ng kwento.
goodnovel comment avatar
Polbos Carla
bumabalik nanaman sa umpisa ang kwento
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 295: The Knock

    "G-GIO..." NAUUTAL na banggit ni Loreign sa pangalan ng lalaki. Nilunok niya ang tila bikig sa lalamunan at mas pinagmasdan ang mukha ni Gio.Ito ang lalaking nariyan lagi para sa kaniya. Tinanggap siya ng buo at handa siyang pakasalan. Hindi dapat siya nag iisip ng iba. Kay Gio, dapat payapa siya. Walang mangyayaring masama."Ayos ka lang ba? Medyo namumula ang mga mata mo..." ani Gio at umigting ang panga.Bahagyang nag iwas ng tingin si Loreign. "A-Ah. Ikaw kasi, eh! Tears of joy iyan. Hindi ko lang mapigilang maiyak kasi ikakasal na rin tayo soon..." sagot niya sa lalaki.Hindi pa rin talaga makapaniwala si Loreign na naging sila ni Gio. Sobrang perfect ba naman kasi nito para sa kaniya. At ito lang ang lalaking nagustuhan niya na willing siyang alayan ng kasal... na hindi nagawa ni Gerald noon. Sobrang laki ng pagkakaiba nila. Kung si Gio ay handang ibigay sa kaniya lahat ng gusto niya, si Gerald ay hirap at maraming kailangang ikonsidera.Kaya natutuwa talaga si Loreign na nagka

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 294: The Coincidence

    "SASAMA DAPAT si Gio ngayon pero nabusy, eh. Kaya hindi nakasama," ani Loreign habang kausap si Amanda. Nasa coffee shop na sila ngayon kung saan sila nagdecide na magkita. "Pero kumusta ka na? Kayo ni Theo... 'yung tungkol sa pagbubuntis mo?" tanong pa nito.Napainom nang wala sa oras si Amanda sa inorder. Ang totoo niyan ay masama pa rin talaga ang loob niya dahil sa negative na result. Pero wala naman na siyang magagawa doon. Wala namang mangyayari kung mas pagtuonan pa rin niya ng pansin iyon."Ayon... negative. Binilinan ako ng doktor na 'wag masyadong mastress kasi baka iyon ang isa sa rason kung bakit hindi ako nabubuntis," sagot niya sa kaibigan.Bumakas ang awa sa mga mata ni Loreign. "Sorry, Amanda..." sambit nito dahil alam naman niyang masakit iyon sa parte ni Amanda lalo pa at nag eexpect talaga ito. Hindi na niya napigilan ang sariling abutin ang kamay ni Amanda para mahawakan iyon.Bahagyang natawa si Amanda dahil do'n. "Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan. At

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 293: The Kindness

    "ANG MAIAADVICE KO na lang sa inyo, lalo na kay Ma'am ay dapat umiwas po tayo sa stress para mas madaling magbuntis. At syempre, dapat kumain din ng mga masusustansyang gulay. At ang huli ay..." Umakto na para bang nag iisip ang doktor."Ano ang panghuli, doc?" takhang tanong ni Theo."Isang mahirap na sitwasyon ang pagbubuntis. Sana pagbigyan kayo ng Panginoon, hindi dahil obligado kayo, kundi dahil mahal niyo ang isa't isa. Iyon ang panghuli," nakangiting eksplanasyon ng doctor at kalaunan ay kinailangan na nitong umalis para maasikaso ang iba pang pasyente.Nang sila na na lang dalawa ni Theo, napayuko na lang si Amanda dahil sa pamumula ng kaniyang pisngi. Nahiya siya bigla at hindi magawang mating an si Theo sa mga mata. Bakit ba kasi kinailangan pa ng doktor na banggitin ang huling sinabi nito? Napailing na lang siya sa utak.Hindi na sila nagtagal pa masyado doon. Bumaba na sila agad at nagtungo sa naghihintay na kotse ni Theo. Nang nakapasok sila sa loob ay hindi muna pinaanda

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 292: The Negative Result

    PAGKARATING SA KOMPANIYA, nawalan na talaga ng tuluyan ng mood si Theo. Parang magkakasakit siya bigla dahil sa naging usapan nila ni Luigi."Ser? Hindi pa po ba kayo bababa?" tanong ng driver ni Theo.Bumuntong hininga si Theo. "Saglit lang..." mahinang sambit niya na ikinatango naman ng driver.Dapat pumasok na siya agad sa building, eh. Kasi alam niyang maraming trabaho ang naghihintay sa kaniya. Hindi pwedeng maihalo ang personal niyang buhay sa trabaho lalo pa at maraming mga empleyado ang umaasa sa kaniya. Apektado ang lahat sa oras na magkamali siya.Pero sa mga oras na iyon, parang gusto na lang bigla ni Theo ang magpahinga. Wala sa sariling kinuha niya ang phone sa bulsa at idinial ang numero ni Amanda. Nawala na sa isip niya na baka tulog pa si Amanda sa mga oras na ito dahil nga maaga pa naman. "Theo?" ani Amanda pagsagot palang ng tawag ni Theo.Hindi nakasagot si Theo at agad na umukit ang ngiti sa kaniyang labi. Sa hindi malamang dahilan, kumalma na siya agad pagkarinig

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 291: The Other Son

    HINDI AGAD NAKATULOG si Amanda. Nakatitig lang siya sa kisame na para bang iyon na ang pinaka interesanteng bagay na nakita niya sa buong bahay.Ang akala niya ay nakatulog na si Theo sa tabi niya pero nagkamali siya. Naramdaman na lang ni Amanda ang paghawak nito sa kamay niya ng mahigpit na para bang natatakot itong umalis siya.Kumunot ang noo ni Amanda at akmang aagawin na ang kamay niya mula kay Theo pero ayaw naman siyang pakawalan nito. Hindi na niya maiwasan pang bumaling dito."Ano ba, Theo?" "Anong tumatakbo sa isipan mo ngayon?" tanong ni Theo at hindi pinansin ang asik ni Amanda sa kaniya.Bumuntong hininga si Amanda at umiling na lang. "Wala naman. Matulog ka na, matutulog na rin ako..." sabi niya kay Theo.Akmang tatalikod na si Amanda sa pwesto ni Theo pero hindi siya pinayagan nito. Sa halip, mas hinila ni Theo si Amanda papalapit sa kaniyang malapad na dibdib. Ipinahinga nito doon ang mukha ni Amanda at yumakap din siya dito ng mahigpit.Magaan ang bawat haplos ni T

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 290: The Gentleness In Her Voice

    "LUIGI..." HALOS manginig na ang boses ni Therese habang nakatitig sa lalaking minsan niyang pinag alayan ng kaniyang pagmamahal.Gulat pa rin talaga siya dahil nagpakita na ito. Matagal na niyang natanggap na wala na ang asawa niya at sumama sa ibang babae. Mas pinili nito ang iba kaysa sa kanila. Talagang inanakan pa nito ang babaeng kinalantari nito.Napakuyom na lang ang kamao ni Therese. Matigas ang ekspresyon niya habang nakatitig sa lalaki na akala mo ay walang nangyari sa nagdaang taon at ang kapal ng mukhang humarap sa kaniya ngayon."Bakit ka pa bumalik?" tanong ni Therese habang masama na ang tingin sa lalaki.Humakbang papalapit si Luigi pero napaatras lang muli si Therese. Para saan pa? Hinding hindi na siya papayag na malapitan siya ng lalaki! Para sa kaniya, matagal ng patay ang asawa niya..."MOMMY, GUSTO KO pa pong magplay!" maktol ni Baby Alex nang nakarating na sila sa bahay. Naawa naman bigla si Amanda kasi kinailangan talagang maputol ang paglalaro nito kanina d

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status