Share

CHAPTER 183: The Old Lady

Penulis: YULIANNE
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-27 10:46:47

NAIWANG MAG isa si Theo. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya tuluyang nakabawi. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya kumilos at inayos ang kalat na pinagsisira ni Amanda kanina. Itinapon niya lahat ng iyon sa basurahan.

Nang natapos ay napahilamos na lang siya sariling mukha. Pero natigil siya nang nakita ang sariling kamay. Ang kamay na dumapo sa pisngi ni Amanda...

Napapikit na lang siya ng mariin nang naalala muli ang mukha ni Amanda kanina. Bakas na bakas sa ekspresyon nito ang disappointment at ang lungkot. Idagdag pa ang luha nitong umagos sa pisngi. Hindi naman ginusto ni Theo na gawin iyon. Pero napangunahan na siya ng galit sa ginawa ni Amanda kaya hindi na niya napigilan ang sarili.

Naputol lang ang iniisip ni Theo nang makatanggap siya ng tawag mula kay Secretary Belle. Kahit wala pa siya sa kondisyon sa sgutin iyon ay ginawa niya pa rin.

"Anong kailangan mo?" malamig ang tonong tanong niya sa sekretarya.

"A-Ah, kasi po tungkol ito sa meeting
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (14)
goodnovel comment avatar
Zara Magdato
more update pllllllllllssssssssd
goodnovel comment avatar
Lorrence joy Bunqu
bkit wala p kaung update author.....
goodnovel comment avatar
Arlene Landicho
next chapter po please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 310: The Report

    UMALINGAWNGAW ANG tunog ng wheelchair sa loob ng kwarto. Seryosong nilapitan ni Carmella si Theo na hinang hina na pero pilit na pinapatapang ang ekspresyon... na para bang hindi siya apektado sa lahat."Kumusta siya?" tanong ni Theo kay Carmella na para bang maiiyak na. Ang totoo niyan ay labag sa loob niya ang pinapagawa ni Theo pero hindi niya rin naman ito kayang tanggihan."Bakit kailangan mong gawin ito sa kaniya? Kung gusto mo siyang umalis, pwede naman! Pero bakit ganito?" halos nanginginig ang boses na sunod sunod na tanong ni Carmella.Umigting ang panga ni Theo at nag iwas ng tingin. Ramdam niya ang tila bikig na namuo sa kaniyang lalamunan."Para kamuhian niya ako. Mas makakabuti ito sa kaniya kaysa ang paasahin siya sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. Mas lalo lang din siyang masasaktan..." rason ni Theo at napayuko na lang habang ramdam ang paghapdi ng kaniyang dibdib.Marahas na napailing si Carmella. Bakit ganito na lang ang mga ginagawa sa buhay ni Theo? Gust

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 309: The Reason

    "PERO SIGURO kapag ayos na talaga ang lagay ng anak ko. Ayaw ko namang magtake risk dahil baka makasama lang sa kaniya," dagdag pa ni Amanda.Napabuntong hininga na lang si Sylvia. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari. Nagkaroon pa man din siya ng pag asa na nagkakaayos sina Theo at Amanda. Pero mukhang hanggang sa imahinasyon na lang niya iyon. Pero ayos na rin ito. Mukhang naliwanagan na si Amanda sa desisyon niya.Lumalim pa ang gabi. Pinagmasdan ni Amanda ang anak habang payapa itong natutulog. Panaka naka niyang hinahaplos ng pisngi nito at bahagyang napapangiti na lang. Habang ginagawa iyon, may narealized siya.Hindi lang nakapokus sa anak niya ang atensyon niya sa nagdaang buwan. Napagtanto niyang mas nag aksaya siya ng panahon kakahintay sa pagpaparamdam ni Theo sa kaniya. Na... wala rin lang saysay. Isang mapaklang ngiti ang namuo sa labi ni Amanda. Siguro ito na ang senyales na... umalis na talaga sila. Lalo na siya... wala na siyang lugar sa buhay pa ni Theo.Nap

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 308: The Thoughts

    "TATLONG TAON kang nawala, Amanda. Nalungkot ako at... hindi ko maiwasang maghanap ng comfort ng iba," dagdag pa ni Theo na tila kutsilyong paulit ulit na tumarak sa puso ni Amanda.Hindi niya mapigilang matawa ng mapakla. So, sa kaniya naman ngayon ang issue? Bakit ibinabalik na naman iyon ni Theo sa kaniya eh, ang ipinipunto lang naman niya ay ang kawalan ng paramdam nito lalo na sa anak nila?Bago pa man makabuo ng salita si Amanda, nagpatuloy pa si Theo sa pagsasalita."Alam naman naging pareho na kaya lang tayo nagkalapit ulit sa isa't isa ay dahil sa anak natin. Ngayong okay na siya at successful ang surgery, panahon na para putulin kung anong namamagitan sa atin. Napagtanto kong wala talaga tayong chance na mabuo ulit kahit anong kagustuhan ko..." litanya pa ni Theo.Hindi na kinaya pa ni Amanda. Tuluyan na niyang naibaba ang cellphone at pinatay na nga ang tawag. Nanginginig man ay hindi niya hinayaang mahalata iyon ng anak niya. Hindi niya hinayaang makita nito na nasaktan si

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 307: The Call

    "THEO! SALAMAT sa Diyos at gising ka na nga!" bulalas ni Therese nang makita ang unti unting nagmulat ng mga mata ni Theo.Nakamulat na siya. Pero hindi niya maigalaw ang katawan niya. Mabilis na chineck ni Harold ang lagay nito at maayos naman na kahit papaano. Ang problema, walang kasiguraduhan kung makakabalik pa siya agad sa dating estado ng katawan niya."M-Mom..." halos pabulong ng wika ni Theo nang nakita ang ina niyang humahagulgol nang yumakap sa kaniya. Gustuhin man niyang yumakap pabalik, hindi naman niya magawa dahil hindi niya maigalaw ang katawan niya. Para bang isinemento iyon sa kamang kinahihigaan niya ngayon."Bakit mo ito ginawa?! Anak naman!" umiiyak na sabi ni Therese. Napayakap siya lalo kay Theo na para bang hihiwalay ito sa kaniya ano mang oras."G-Ginusto ko 'to, Mom. Para naman ito sa anak ko... k-kaya walang kaso sa 'kin. 'W-Wag niyo na lang sabihin kay Amanda. W-Wala na kami pero baka makaramdam siya ng guilt kapag nalaman niyang g-ginawa ko nga 'to..." nah

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 306: The Mother's Plea

    ISANG LINGGO NA ang lumaan. Umaayos naman na kahit papaano ang lagay ni Baby Alex at nalipat na rin ito sa private room. Natutuwa si Amanda sa nagiging progress ng anak. Mas naging hands on siya sa pag aalaga dito at halos hindi na niya ito lubayan para makapagpahinga man lang. Wala namang kaso iyon sa kaniya. Para sa anak niya, gagawin niya ang lahat."Mommy, nanaginip po ako..." sabi bigla ni Baby Alex kaya napabaling siya dito."Anong napanaginipan mo, baby?" tanong ni Amanda sabay haplos sa ulo nito ng marahan."Si Daddy po. Nasaan po siya?" tanong nito na siyang ikinatigil ni Amanda. Sinikap niyang ngumiti sa anak. "Uhh... nasa isang importanteng business trip lang ang Daddy mo, baby. 'Wag kang mag alala. Babalik din siya, hmm?" Sabi niya dito.Tumango naman si Baby Alex. Kalaunan ay unti unti na rin itong inantok at nakatulog na nga nang tuluyan.Hindi maiwasang maawa ni Amanda sa anak. Hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam si Theo sa kanila. Hindi na niya alam kung anong na

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 305: The Disappointment

    "HINDI KO MATATANGGAP iyan. Wala akong hinihingi na kahit ano sa 'yo," sagot ni Luigi kay Theo.Umigting ang panga ni Theo. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw pa nito. Marami siyang magagawa sa perang makukuha nito. Kung tutuosin ay pwedeng hindi na rin ito magtrabaho para hindi na ito mahirapan. Pero mas gusto nitong hindi tanggapin iyon.Napabuntong hininga na lang si Theo at kalaunan ay napatango. Isang maliit na ngiti ang namuo sa kaniyang labi."Okay. Wala naman akong magagawa kung iyan ang desisyon mo. Basta magmula ngayon, wala na tayong utang na loob sa isa't isa," aniya kay Luigi.Iyon ang huling sinabi ni Theo bago tuluyan nang umalis. Mabigat ang loob niya habang papalayo sa mismong apartment ng kaniyang ama.Natauhan din naman kalaunan si Luigi. Iyon na ang huli... ayaw niya! Babawi pa siya sa anak niya! Kailangan niyang makasama pa ito ng mas matagal. At kung papayagan lang siya, sana maibalik pa niya ang oras nang sa gano'n ay mas makasama pa niya si Theo. Sana mas

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status