Share

CHAPTER 181: The Familiar Composition

Author: YULIANNE
last update Last Updated: 2025-01-25 10:27:10
PAGKAGISING NG UMAGA ni Amanda, wala na si Theo sa tabi niya. Pagod siya kagabi kaya medyo nalate ang bangon niya ngayon. Nag ayos muna si Amanda ng sarili at ang pinaghigaan nilang mag asawa bago tuluyang bumaba at hanapin si Theo.

Nadatnan niya si Theo sa dining na nagkakape. Naisipan niyang ito na ang tamang oras para sabihin kay Theo ang pagbubuntis niya. Nasabi naman na niya kagabi ang kaso masyado itong nahulog sa pagnanasa nito kaya baka hindi rin nito naintindihan ang sinabi niya. At tsaka, medyo nakaramdam ng pagkapositibo si Amanda dahil alam niya kung gaano kagusto na ni Theo na magkaanak sila. Gustong malaman ni Amanda kung ano ang magiging reaksyon nito.

Nagtama ang mga paningin nila nang sa wakas ay nakalapit na si Amanda. Tumikhim si Amanda. "U-Uhm... may gusto sana akong sabihin, Theo. Importante lang," panimula niya.

Tumango si Theo. "Ako rin, may sasabihin. Pupunta akong abroad at medyo magtatagal ako doon," deretsong sabi nito na siyang nakapagpatigil kay Amanda.

YULIANNE

Trust me, okay? :)

| 15
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Rochellevi
Aatakihin sa puso mga readers dahil sa galit sa itinatakbo ng kwento. Nakaka HB naman
goodnovel comment avatar
jarciag
maski ako nag dadalawang isip kung itutuloy ko pa ang pagbabasa parang mara clara sasabihin na lang di pa masabi hays
goodnovel comment avatar
Cristy Acevedo
Wala ng kwenta itong story na ito akala ko omooki na ma's lalo palang lomala at subrang pangit a panahon na para burahin na sa library ko sorry author ang story mo na ito ay pomapangit na hindi na maganda basahin goodbye
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 298: The Revenge

    GULAT NA GULAT pa rin talaga si Amanda. Hindi siya makapaniwala. Nasa harapan niya talaga ngayon ang Kuya niya.Iisang tao lang naman ang may gawa nito. Si Theo... siya lang naman ang may kakayahang palabasin sa kulungan si Armando na ganito kadali. At dahil dito, parang mas naging espesyal tuloy ang birthday niya."Happy birthday to you..." pagkanta ni Sylvia na lumapit na rin nang hindi namamalayan ni Amanda. May hawak itong cake at nakangiti sa kaniya ng malawak.Si Baby Alex ay hindi na rin namalayan ni Amanda na nagising na rin at bumaba na. Ang unang ginawa ng bata ay talagang nanakbo kay Armando at yumakap dito."Tito! Andito po kayo!" bulalas ni Baby Alex. Kilala nito ang lalaki dahil ikinukwento ito madalas ni Amanda sa kaniya. Matalino si Baby Alex kaya naman natatandaan nito lahat ng tungkol kay Armando.Hinipan na ni Amanda ang kandila sa cake matapos siyang magwish. Grabe. May init na bumabalot sa puso niya ngayon dahil nandito talaga ang kuya Armando niya! Ang haba rin n

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 297: The Brother Is Back

    BUSY SI AMANDA sa pagrereview ng mga ilang dokumento tungkol sa restaurant niya. About iyon sa sales at hindi niya maiwasang matuwa. Malaki kasi ang kita nila at kahit hindi siya magpunta doon, maayos magtrabaho ang mga empleyado niya. Hindi bumababa ang sales nila.Habang busy sa pagtingin ng dokumento si Amanda, saka naman dumating si Theo. Napansin nito ang pinagkabusyhan ni Amanda at hindi mapigilang magsalita tungkol doon. Pasimple pa nitong hinawakan sa balikat ang babae na parang nakaakbay na ito."Gusto mo ng tulong para diyan? Pwede kong iutos sa finance sa kompaniya ko. Para hindi ka na gaanong mahirapan pa," pag offer pa ni Theo ng tulong.Agad na umiling si Amanda. "Hindi naman na kailangan. Hindi nila trabaho ito. At alam ko ring busy sila," aniya. "Ayaw kong makasagabal sa iba. Gusto kong imaintain ang pagiging professional ko," dagdag pa niya.Natawa si Theo. Expected naman na niya iyon pero umasa pa rin siya kahit papaano na mabago ang isip ni Amanda. Gusto lang din n

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 296: The Stuff Toy

    ANG HULING PAGKAKATANDA ni Amanda kay Luigi ay isa itong mabuti at madaling lapitan na tao. Natatandaan pa niya noon na nakakasalamuha niya ito kapag may mga event. Hindi pa lugmok ang pamilya nila noon at kaya pang makipagsabayan sa mga taga alta. Hindi pwedeng hindi mo mapansin ang isang Luigi Torregoza. Sa tikas at gwapo ba naman ito.Ngayon ay nakita na niya naman ito. At gusto siya nitong makausap. Nag aalangan si Amanda kasi alam naman niya kung gaano kadisgusto dito si Theo. Pero naisip niya na siguro ay ayos lang din naman. Kaya naman tumango siya sa sinabi ni Luigi at mabilis na lumabas na kotse. "Ano po ang pag uusapan natin?" magalang na tanong ni Amanda.Bumuntong hininga si Luigi bago tuluyang sumagot. "Gusto ko lang malaman kung kumusta na ang... anak at apo ko..."Natigilan si Amanda doon. Hindi niya mapigilang maguluhan. Kasi syempre, iniwan niya si Theo noong bata pa ito tapos ngayon ay kakamustahin niya? Na para bang walang nangyari. Pero hindi magawang magalit ni

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 295: The Knock

    "G-GIO..." NAUUTAL na banggit ni Loreign sa pangalan ng lalaki. Nilunok niya ang tila bikig sa lalamunan at mas pinagmasdan ang mukha ni Gio.Ito ang lalaking nariyan lagi para sa kaniya. Tinanggap siya ng buo at handa siyang pakasalan. Hindi dapat siya nag iisip ng iba. Kay Gio, dapat payapa siya. Walang mangyayaring masama."Ayos ka lang ba? Medyo namumula ang mga mata mo..." ani Gio at umigting ang panga.Bahagyang nag iwas ng tingin si Loreign. "A-Ah. Ikaw kasi, eh! Tears of joy iyan. Hindi ko lang mapigilang maiyak kasi ikakasal na rin tayo soon..." sagot niya sa lalaki.Hindi pa rin talaga makapaniwala si Loreign na naging sila ni Gio. Sobrang perfect ba naman kasi nito para sa kaniya. At ito lang ang lalaking nagustuhan niya na willing siyang alayan ng kasal... na hindi nagawa ni Gerald noon. Sobrang laki ng pagkakaiba nila. Kung si Gio ay handang ibigay sa kaniya lahat ng gusto niya, si Gerald ay hirap at maraming kailangang ikonsidera.Kaya natutuwa talaga si Loreign na nagka

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 294: The Coincidence

    "SASAMA DAPAT si Gio ngayon pero nabusy, eh. Kaya hindi nakasama," ani Loreign habang kausap si Amanda. Nasa coffee shop na sila ngayon kung saan sila nagdecide na magkita. "Pero kumusta ka na? Kayo ni Theo... 'yung tungkol sa pagbubuntis mo?" tanong pa nito.Napainom nang wala sa oras si Amanda sa inorder. Ang totoo niyan ay masama pa rin talaga ang loob niya dahil sa negative na result. Pero wala naman na siyang magagawa doon. Wala namang mangyayari kung mas pagtuonan pa rin niya ng pansin iyon."Ayon... negative. Binilinan ako ng doktor na 'wag masyadong mastress kasi baka iyon ang isa sa rason kung bakit hindi ako nabubuntis," sagot niya sa kaibigan.Bumakas ang awa sa mga mata ni Loreign. "Sorry, Amanda..." sambit nito dahil alam naman niyang masakit iyon sa parte ni Amanda lalo pa at nag eexpect talaga ito. Hindi na niya napigilan ang sariling abutin ang kamay ni Amanda para mahawakan iyon.Bahagyang natawa si Amanda dahil do'n. "Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan. At

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 293: The Kindness

    "ANG MAIAADVICE KO na lang sa inyo, lalo na kay Ma'am ay dapat umiwas po tayo sa stress para mas madaling magbuntis. At syempre, dapat kumain din ng mga masusustansyang gulay. At ang huli ay..." Umakto na para bang nag iisip ang doktor."Ano ang panghuli, doc?" takhang tanong ni Theo."Isang mahirap na sitwasyon ang pagbubuntis. Sana pagbigyan kayo ng Panginoon, hindi dahil obligado kayo, kundi dahil mahal niyo ang isa't isa. Iyon ang panghuli," nakangiting eksplanasyon ng doctor at kalaunan ay kinailangan na nitong umalis para maasikaso ang iba pang pasyente.Nang sila na na lang dalawa ni Theo, napayuko na lang si Amanda dahil sa pamumula ng kaniyang pisngi. Nahiya siya bigla at hindi magawang mating an si Theo sa mga mata. Bakit ba kasi kinailangan pa ng doktor na banggitin ang huling sinabi nito? Napailing na lang siya sa utak.Hindi na sila nagtagal pa masyado doon. Bumaba na sila agad at nagtungo sa naghihintay na kotse ni Theo. Nang nakapasok sila sa loob ay hindi muna pinaanda

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status