Home / Romance / [Tagalog] My Unfamiliar Husband / Chapter Four:  Push and Pull Game

Share

Chapter Four:  Push and Pull Game

Author: Alex Dane Lee
last update Last Updated: 2023-11-14 20:31:27

Dumating na rin sa wakas ang araw ng Welcome Party ni Dana. 

Medyo malamig ang gabing iyon, ngunit ang malamig na panahon ay hindi naging hadlang para magsaya ang mga tao. Karamihan sa mga tao sa party ay masayang nagkakantahan, nagsasayaw, umiinom at kumakain.

Pinagmamasdan ni Dana ang lahat na may malaking ngiti sa kanyang mukha.

Ang kanyang mga mata ay agad na lumibot sa paligid. Hinanap niya ang kanyang asawang na si Garrett. Nakita niya itong kasama ng ibang grupo ng mga kalalakihan sa bukid. Nagulat siya nang makita ang asawa na may hawak na gitara at kumakanta ito! 

Pinagmamasdan ni Dana ang bawat kilos ng asawa. Halatang magaling siyang kumanta at maggitara, pero ang malaking tanong ay kailan at paano natuto si Garret na tumipa ng gitara?

Bago pa man sila ikasal, ayaw ni Garrett na kumanta sa harap ng maraming tao dahil introvert ang asawa niya, at ayaw niyang mag-perform sa harap ng audience. Bukod pa riyan, hindi siya nagpakita ng anumang interes sa pagtugtog ng anumang mga instrumentong pangmusika...

Pero mukhang nag-iba ang ihip ng hangin ngayon.

"Iha, gusto mo ba akong samahang uminom?" 

Napatingin si Dana sa kanyang tabi at nginitian si Manang Lydia na may hawak na bote ng alak at baso.

Kinuha ni Dana ang baso, at sinalinan naman iyon ni Manang Lydia ng alak. 

"Salamat, Manang Lydia." pasalamat niya sa matanda.

"Ako'y lubos na nagpapasalamat sa Diyos dahil ligtas kang nakabalik sa amin, iha." ang sinserong sabi ng matanda.

Uminom muna ng alak si Dana bago siya muling nagsalita.

"I'm really happy to be back home, Manang.Hindi ko sasayangin ang pangalawang buhay na ibinigay sa akin ng Diyos." 

"Tama ka, anak. Bumawi ka sa mga panahon na iginugol mo sa ospital." ang tugon ni Manang Lydia.

And with that, itinaas ni Dana ang sarili niyang baso para sa isang toast. 

"Cheers to that, Manang!" ang masayang anunsiyo ni Dana. 

 

===============================

Kinaumagahan.

Dahan-dahang iminulat ni Dana ang kanyang mga mata. Napatitig siya sa bintana, at napagtanto niyang tirik na ang araw. 

Napangiwi siya nang biglang nakaramdam siya ng pananakit sa kanyang ulo. Naalala niya tuloy ang nangyari sa kanyang welcome party kagabi... 

Ang mga manggagawa sa farm ay naghanda ng isang piging upang ipagdiwang ang kanyang paglabas mula sa ospital, at i-welcome siya sa kanyang pagbabalik.

Ang huling natatandaan niya ay nakikipagkwentuhan siya kay Manang Lydia habang nag-iinuman sila at pagkatapos noon ay wala na siyang matandaan.

Kahit na gustong manatili ni Dana sa kanyang kama nang buong araw, pinilit pa rin niya ang sarili na bumangon.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kusina ngunit napatigil siya nang marinig ang boses ng isang babae... 

"Natutuwa akong makita kang muli."

Mabilis na nagtago si Dana sa kalapit na pader at palihim na nakinig. Nakita niya ang isang babae na nakaupo sa sofa ng kanilang sala. Isa siyang magandang babae na may inosenteng mukha. She looks beautiful in a classy way and every men will crawl at her feet.

"Masaya din ako na makita ka, Anna. Kamusta ka na?" narinig niya ang boses ng asawa. 

Napakunot ang noo ni Dana nang marinig ang pangalan ng babae... So, Anna pala ang pangalan ng bisita ni Garrett? Ngunit sino siya sa buhay ng kanyang asawa? 

"I'm getting by, but I can't help myself but to feel sad sometimes because I'm all alone in New York." sagot ng babae. 

Napataas ng bahagya ang kilay ni Dana nang marinig ang sagot ni "Anna." 

"Ano ba ang relasyon niya sa asawa ko?" tanong niya sa sarili habang naiirita. 

Dana decided to show and introduce herself to the woman.

"Magandang umaga, mahal!" ang masiglang bati niya sa asawa. Mabilis siyang pumunta kay Garrett at ginawaran ng halik ang bibig nito. 

Kasabay nito ay nagulat si Garrett, ngunit nginitian din siya nito at inakbayan siya.

"Good morning. By the way, I want you to meet someone... Dana, this is Anna, a good friend of mine, and Anna this is Dana, my...wife." ang pagpapakilala niya sa dalawang babae.

Nakita ni Dana na nakatingin sa kanya si Anna na parang sinusuri siya. Ngunit makalipas ang ilang segundo ay bumalik ang ngiti sa kanyang mga labi nito. 

"So, you are the lucky wife. Nice to meet you, Dana. I'm Garrett's childhood friend, Anna..." pakilala ni Anna sa kanyang sarili.  Inabot niya ang isang kamay kay Dana para makipagkamay. 

"Ikinagagalak kong makilala ka rin, Anna." Sinisikap ni Dana na maging magalang, para sa kapakanan ng kanyang asawa. 

"By the way, I decided to check in at a nearby hotel because I'm planning to stay here for a few weeks. May misyon ako na kailangang gawin dito." ang misteryosong anunsiyo ni Anna.

"I see. Kung may maitutulong kaming dalawa ng "asawa ko," don't hesitate to talk to us..." ipinagdiinan talaga ni Dana ang pagbanggit sa "asawa."

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Anna matapos niyang marinig ang sinabi ni Anna.

"Buweno, kailangan ko nang umalis. It was nice to see you again, Garrett. And nice to meet you, Dana."

Nang tuluyan nang makaalis si Anna at tinitigan niya si Garrett dahil sa sobrang inis. 

"Oo nga pala, kailangan kong pumunta sa farm, at mamayang gabi na akong makakabalik." agad na paalam ni Garrett, at bago pa makapagprotesta si Dana, mabilis na itong lumabas ng bahay, sumakay ng pick-up truck nagmaneho palayo... 

"Ano ang nangyayari sa iyo, Garrett?" ang inis na inis na nasabi ni Dana. 

===============================

Kinabukasan. 

Nang magising si Dana kinaumagahan, nalaman na lamang niya na nakaalis na ang kanyang asawa papunta sa mango farm, kaya naman nagngingitngit siya ngayon sa inis habang mag-isa siyang nag-a-almusal.

"Naku, huwag ka nang malungkot, iha. Alam mo, may sasabihin ako sa'yo na tiyak na ikakatuwa mo." ang untag sa kanya ni Manang Lydia habang pinapanood siya nitong kumain.

"Ano yun, Manang Lydia?" ang curious na tanong ni Dana.

"Alam mo bang si Garrett ang mag-isang nagluto ng inaalmusal mo ngayon? Nagprisinta siyang magluto para lang sa'yo. Ibinilin din niya sa akin na huwag daw kitang hayaan na magpalipas ng gutom." ang nakangiting pahayag ng matanda. 

Biglang napatigil si Dana sa pagnguya nang marinig ang sinabi ng matandang babae. 

"Si Garrett ang nagluto at naghands ng mga ito?" ang hindi makapaniwalang tanong niya kay Manang Lydia.

"Oo! Kaya hindi maikakaila na nag-aalala talaga sa'yo ang asawa mo!" ang dagdag ng matanda. 

Biglang kinilig si Dana matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Manang Lydia. Na-touch siya at na-impress siya sa ginawa ni Garrett. Mukhang bumabawi ito sa kanya. 

Maybe this is his way of apologizing to her about what happened yesterday? Pero kailangan pa rin nilang magkaroon ng seryosong heart-to-heart talk bilang mag-asawa tungkol sa nangyari. Kailangan niyang malaman ang buong detalye at katotohanan tungkol kay Anna, at kung sino siya sa buhay ni Garrett... 

"Manang Lydia, nagdala po ba ng baon si Garrett para may makain siyang tanghalian?" ang biglang naitanong ni Dana.

"Naku, pagkatapos niyang magluto ng almusal at inubos lang niya ang kanyang kape, at pagkatapos noon ay umalis na siya papuntang farm." ang responde ni Manang Lydia. 

"Manang Lydia, hihingi po sana ako ng tulong sa inyo." ang nasabi ni Dana. 

"Oo naman... Ano bang maitutulong ko sa'yo, anak?" tanong ng matanda.

Inilahad ni Dana ang kanyang plano, habang nakangiti namang nakikinig ang matanda...

=================================

Dumating ang tanghalian. 

May dalang basket na puno ng pagkain si Dana, at inihanda niya iyon para kay Garrett. May dala ding basket ng pagkain si Manang Lydia na para naman sa mga trabahador sa mango farm...

Papunta sila sa farm ngayon upang personal na ihatid ang pagkain ng asawa. Nagpahatid na lamang sila sa driver, at ngayon nga ay tinatahak na nila ang direksiyon papunta sa mango farm.

Makalipas ang halos kalahating oras, nakarating na rin sila sa mango farm. Tuwang-tuwa si Dana habang papalabas siya ng sasakyan at bitbit ang tanghalian ni Garrett ngunit napahinto siya nang makita niya ang isang pamilyar na pigura na nakatayo sa tabi ng kanyang asawa... 

Iyon ay walang iba kung hindi si Anna. Bigla tuloy nawalan ng gana si Dana, at bumalik ang kanyang nararamdamang inis.

But she still held her head high, while marching her way towards her dear husband.

Biglang napalingon sina Garrett at Anna nang makita nila si Dana na naglalakad palapit sa kanila.

"Uh, oh... Looks like your wife woke up at the wrong side of the bed." ang naaaliw na bulong ni Anna kay Garrett. 

"Mahal, nagdala ako ng pananghalian natin. Halika at sabay na tayong magtanghalian. Think of this as our romantic lunch date!" ang nakangiting anunsiyo ni Dana, habang hinalikan niya sa labi at niyakap ang asawa.

Palihim niyang sinulyapan si Anna, at lihim siyang napangiti nang makita niyang lumukot ang mukha nito dahil sa inis at selos. 

And Dana needs to get the momentum going... 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • [Tagalog] My Unfamiliar Husband   Chapter Seventy Three: Love Is Beautiful

    Isang Buwan ang LumipasMula sa malayo, pinagmamasdan ni Madeline ang mga bata sa Heaven’s Door Orphanage habang abala sila sa pag-aani ng prutas at gulay mula sa kanilang hardin.Muling bumalik sa kanyang isipan ang araw nang tuluyan niyang natuklasan ang kanyang tunay na pagkatao at ang kanyang tunay na ama—si Shun Saito, ang may-ari at tagapagtatag ng Heaven’s Door Orphanage.Bagaman isang buwan na ang lumipas mula nang pumanaw ang kanyang ama, dama pa rin niya ang panghihinayang. Huli na nang malaman niya ang kanyang tunay na pagkatao, ngunit tinanggap na rin nila na panahon na ng kanyang ama upang makapiling ang Makapangyarihang Lumikha.Dahan-dahan siyang nakaka-move on sa tulong ni Tiya Yumi, ng kanyang matalik na kaibigang sina Peppy at Rachel, at ng mga bata sa ampunan.Gayunpaman, hindi na niya gaanong nakikita si Oliver mula nang ihatid nila sa huling hantungan ang kanyang ama.Miss na miss niya ito, ngunit wala siyang karapatang maramdaman iyon dahil wala namang namamagita

  • [Tagalog] My Unfamiliar Husband   Chapter Seventy Two: Their Last Moments

    Tumakbo si Oliver na parang nawawala sa sarili habang mabilis siyang dumaan sa pasilyo ng ospital kung saan nakakonfine si Uncle Shun.Nakareceive siya ng emergency na tawag mula kay Aunt Yumi, at sinabi nito na lumala ang kalagayan ng matanda dahil sa komplikasyon sa puso.Inilipat na siya sa Intensive Care Unit para sa masusing obserbasyon. Kailangan niyang sumailalim sa open-heart surgery sa lalong madaling panahon, ngunit nasa listahan pa rin siya ng mga naghihintay para sa isang donor ng puso...Pagpasok ni Oliver sa silid, nakita niyang natutulog si Uncle Shun, napapalibutan ng iba't ibang tubo sa katawan. Nasa tabi nito si Aunt Yumi, mahigpit na hawak ang kamay ng matanda habang binabantayan ito."Auntie Yumi," mahina niyang tawag.Napatingin ang matanda sa kanya, pilit pinipigilan ang pagluha."Oliver... Napakakritikal ng lagay ng tiyuhin mo. Sinabi ng doktor na kailangan niyang sumailalim sa open-heart surgery, kundi... Hindi pa ako handang mawala siya!" lumuluhang sabi ni Au

  • [Tagalog] My Unfamiliar Husband   Chapter Seventy-One: Meeting Of Two Hearts

    Gabi na at nagbabantay si Madeline sa mga natutulog na bata. Siya ang nakatokang mag-ikot ngayong gabi upang suriin ang bawat kwarto ng mga bata sa ampunan.Matapos niyang suriin ang lahat ng kwarto, naglalakad na siya sa pasilyo at malapit nang lumagpas sa opisina ni Auntie Yumi nang bigla siyang huminto nang marinig niya ang tunog ng telepono sa loob.Napakalakas ng tunog ng telepono kaya natatakot siyang magising ang mga batang natutulog malapit sa silid.Wala siyang ibang pagpipilian kundi pumasok sa opisina upang sagutin ang tawag."Hello, ito po ang Heaven’s Door Orphanage, paano po namin kayo matutulungan?" sagot ni Madeline sa tawag."Paumanhin, maaari ko bang malaman kung sino ito?" narinig niyang tinig ng isang matandang lalaki mula sa kabilang linya."Ako po si Madeline, isa akong bagong staff dito sa Heaven’s Door Orphanage. May maitutulong po ba ako?" magalang na tugon ni Madeline.Nagulat siya nang biglang maputol ang tawag.Ibinaba ni Madeline ang telepono sa cradle nit

  • [Tagalog] My Unfamiliar Husband   Chapter Seventy: You're My Angel

    Tatlo sila na nagpasya na matulog at tapusin ang araw dahil maaga silang magsisimula bukas.Bago tuluyang makatulog si Madeline, naalala niya si Mother Superior, ang mga madre, at ang mga bata sa Sunshine Orphanage.At matapos ang ilang minuto, tuluyan na siyang napalalim sa pagtulog…Kinabukasan.Hawak ni Madeline ang dalawang brown paper bag na puno ng grocery habang naglalakad kasama si Tiya Yumi.Hiningi ng matanda na samahan siya sa pamimili upang bumili ng dalawang linggong supply para sa Heaven’s Door Orphanage."Ano sa tingin mo ang masasabi mo tungkol sa Japan, Madeline?" biglang tanong ni Tiya Yumi."Sa ngayon, maayos naman, Tiya." nakangiting sagot ni Madeline."Ikinalulugod kong marinig ‘yan. Sigurado akong masasanay ka ring mamuhay dito sa Japan sa lalong madaling panahon," wika ni Tiya Yumi."Sa tingin ko rin," sagot ni Madeline."Ay, muntik ko nang makalimutan! Nangako ako sa mga bata na bibili ako ng donuts para sa kanilang meryenda mamaya. Dadaan lang ako saglit sa do

  • [Tagalog] My Unfamiliar Husband   Chapter Sixty Nine: Welcome To Heaven's Door

    Gabi na, ngunit hindi pa rin makatulog si Madeline. Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang kanilang pag-uusap ng Mother Superior kanina."Ito na ang bihirang pagkakataon mong muling hanapin ang iyong ama..." wika ng matandang madre.Maingat na bumangon si Madeline mula sa kanyang kama. Dahil hindi siya dalawin ng antok, napagpasyahan niyang maglakad-lakad sa labas upang malanghap ang sariwang hangin at malinis ang kanyang isipan.Makalipas ang ilang minuto, nakarating siya sa palaruan ng ampunan at naupo sa isang duyan. Tahimik niyang pinagmasdan ang bilog at maliwanag na buwan."Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin, Mama? Gusto mo bang hanapin ko ang aking ama, o kalimutan na lamang siya at magpatuloy sa aking buhay?" Mahinang bulong niya habang nakatitig sa buwan.Sinubukan niyang pakinggan ang kanyang puso at isipan. Sa kaibuturan ng kanyang puso, matagal na niyang hinangad na makita ang kanyang ama. Gusto rin niyang malaman kung bakit sila iniwan nito at kung bakit, sa ka

  • [Tagalog] My Unfamiliar Husband   Chapter Sixty Eight: Her First Love Own Love Story

    Si Darlene ay kasalukuyang nasa kanyang paboritong coffee shop, habang naghihintay sa isang taong naging bahagi ng kanyang buhay.Nagpasya siyang makipagkita sa dati niyang guro sa Ingles noong high school sa Alta Tierra High—at ang una niyang pag-ibig—si Ginoo Oliver Burton. Kailangan niya itong makausap sa huling pagkakataon bilang dating guro at estudyante.Makakasama niya ito sa isang charity project sa loob ng maikling panahon, kaya nais niyang linawin ang anumang hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila.At higit sa lahat, nais niyang makipag-usap nang huling beses at tuluyan nang magpatuloy sa buhay kasama si Aston…"Hello, Darlene. Pasensya ka na kung napaghintay kita nang matagal."Natauhan si Darlene mula sa kanyang malalim na pag-iisip nang marinig niya ang boses ni Ginoo Oliver Burton.Isang maliit at magalang na ngiti ang kanyang pinakawalan habang nakatingin sa kanya."Hi, Sir Oliver. Ayos lang, kakarating ko lang din naman halos. Maupo po kayo." sagot niya.Lumapit ang i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status