Handa si Sahara na ipaglaban ang pag-ibig—kahit pa masakit, kahit pa unti-unti siyang nauubos. Matagal na nilang pinaplano ang kasal ng kanyang nobyong si Elian, isang mabait at masayahing lalaki na siyang naging mundo ni Sahara. Ngunit isang trahedya ang kumitil sa lahat ng kanilang mga pangarap—isang aksidente ang nag-iwan kay Elian na hindi na makalakad. Sa kabila ng kahirapan at lungkot, hindi siya iniwan ni Sahara. Pinili niyang manatili, alagaan ito, at maniwala na balang araw, babangon muli ang lalaking mahal niya. Subalit habang lumilipas ang mga araw, kasabay ng paglalim ng kanyang pagod at luha, unti-unting nauubos ang kanyang sarili. Hanggang sa dumating si Dr. Calyx Montanez—isang guwapong, matalino, at may pusong tumulong na physical therapist mula sa Maynila. Napadpad ito sa probinsya para sa isang outreach program at agad napansin ang kondisyon ni Elian. Nagboluntaryo siyang tumulong, at dala ng kanyang husay at malasakit, unti-unting nagkaroon ng pag-asa ang pamilya ni Elian. Pero kasabay ng paggaling ni Elian ay ang paggulo ng damdamin ni Sahara. Sa bawat araw na kasama niya si Dr. Calyx, tila may bagong damdamin ang unti-unting tumutubo sa puso niya—isang damdaming pilit niyang tinatanggihan, ngunit hindi niya kayang itanggi. Hanggang kailan niya kayang ipaglaban ang isang pag-ibig na unti-unti nang kumakawala sa kanyang mga palad? At kung sakaling may bago nang pintuan ng pag-ibig na bumukas, dapat ba niya itong pasukin, o manatili sa silid ng pangakong halos wala nang laman? Isang kwento ng sakripisyo, ng pagtatapat sa sariling damdamin, at ng pagpili kung alin ang higit na mahalaga—ang pangakong binitawan, o ang pag-ibig na hindi niya inaasahan.
View MoreTHIRD POV.
Katatapos lang ng trabaho ni Sahara sa maliit na parmasya sa bayan. Gabi na, at ramdam niya ang pagod sa katawan—mga talampakang nananakit, likod na tila mababali, at mga mata na gusto nang pumikit. Pero hindi iyon mahalaga. Ang tanging nais niya ay makita si Elian. Tahimik siyang pumasok sa bahay ng nobyo. Wala siyang dala kundi ang kanyang sarili at ilang pirasong tinapay na binili pa niya sa huling baryang natira sa bulsa. Pagpasok niya sa sala, agad niyang nakita si Elian—nakaupo sa lumang sofa, nakatingin sa kawalan, tila malayo ang iniisip. “Love?” mahina niyang tawag habang lumalapit. “Kumusta ka ngayon?” Napalingon si Elian, bahagyang ngumiti ngunit mabilis din iyong naglaho. “Eto, gaya pa rin ng dati. Walang bago,” malamig niyang sagot. Hindi nagpakita ng sama ng loob si Sahara. Umupo siya sa tabi nito at maingat na hinaplos ang likod ng kanyang nobyo. “May dala akong tinapay, 'yung paborito mong may palamang coco jam. Gusto mo?” Umiling lang si Elian. “Wala akong gana.” Tahimik na sandali ang sumunod. Ramdam ni Sahara ang bigat ng hangin sa pagitan nila—mga salitang nais sabihin ngunit pinipigilang sumabog. Pilit niyang ngumiti at kinabig ang ulo ni Elian upang mapatong sa kanyang balikat. “Alam mo, proud pa rin ako sa ’yo,” bulong niya. “Ang tapang mo. Araw-araw mong kinakaharap 'to…” Ngunit agad siyang pinutol ni Elian. “Tapang?” may halong hinanakit sa boses nito. “Ano'ng tapang, Sahara? Hindi ko na nga maigalaw ang sarili ko sa kama. Hindi ko na magawa ang mga bagay na dati mong gustong-gusto… Pati ang pagiging lalaki ko—wala na.” Napayuko si Sahara. Alam niya kung saan patutungo ang usapan. Paulit-ulit na nila itong napag-usapan, pero ngayon, mas mabigat ang tinig ni Elian. Mas masakit. “Hindi mo na ako dapat pinag-aaksayahan ng panahon,” dagdag ni Elian, mapait ang ngiti. “Kahit gusto kitang paligayahin, wala na akong silbi. Hindi na naninigas ang—” Naputol ito, piniling wag nang tapusin ang pangungusap. “Tumigil ka na,” bulong ni Sahara, nanginginig ang boses. “Hindi mo kailangang maging perpekto para mahalin kita. Hindi lang katawan ang batayan ng pagiging lalaki, Elian. Hindi lang sa kama umiikot ang pagmamahalan natin.” “Pero kailangan mo rin ’yun, Sahara. Babae ka. Bata ka pa. At ako?” Tumingin ito sa kanyang mga mata, puno ng luha at galit sa sarili. “Ako, isang gulay. Wala na akong maibibigay sa’yo kundi pangarap na hindi na mangyayari.” Isang tahimik na luha ang bumagsak sa pisngi ni Sahara. Hinawakan niya ang pisngi ni Elian, pilit na pinaparamdam ang kanyang buong pagmamahal. “Ikaw ang pinili ko. Hindi ang katawan mo. Hindi ang kayang gawin nito. Ang mahal ko ay ikaw—buo, wasak, pilay o hindi.” Pero hindi siya sinagot ni Elian. Nilingon siya nito, at sa unang pagkakataon, hindi niya nakita ang pag-asa sa mga mata nito—kundi ang paniniwala na baka... hindi sapat ang pagmamahal sa lahat ng bagay. At sa sandaling iyon, naramdaman ni Sahara ang lalim ng sugat na hindi kayang pagalingin ng kahit anong salita. Sugat na maaaring magbukas sa pagitan nila ng agwat na mahirap nang lampasan. (Sahara's Point of View) Tahimik lang si Elian habang sinusubuan ko ng lugaw. Ayaw man niya, pinilit ko pa rin. Sanay na ako sa mga ganitong sandali—mga gabing punô ng lamig, hindi dahil sa panahon, kundi dahil sa pagtrato niya sa akin. Pero ayos lang. Hangga’t nandiyan siya, hangga’t may matatanaw akong bakas ng dati niyang ngiti, magtitiis ako. “Love,” bungad ko habang pinupunasan ang gilid ng labi niya. “Kapag nakaipon na ako… ipapacheck-up kita sa Maynila. Maraming doktor doon. Baka sakaling may pag-asa pa…” Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang boses ko. Siguro dahil alam ko na ang isasagot niya. Tama nga ako. “Tumigil ka na, Sahara,” mariing sabi ni Elian, hindi man lang ako tiningnan. “Wag ka nang umasang may mababago. Ganito na ako. At kung talagang matalino ka, aalis ka na.” Parang sinampal ako sa sinabi niya, pero pilit kong pinanatiling matatag ang sarili. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. “Hindi ako aalis,” sagot ko. “Kahit ilang beses mo pa akong paalisin. Hindi ako susuko. Hindi habang humihinga ka pa.” “Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” iritadong tugon niya. “Hindi mo ba nakikita kung gaano na ako kabigat? Hindi mo ba nararamdaman kung gaano na kita pinahihirapan?” Oo. Nararamdaman ko. Tuwing gabi na wala man lang siyang salitang masarap pakinggan. Tuwing umaga na parang estranghero kami sa iisang bubong. Tuwing pinipilit kong ngumiti kahit ang totoo, umiiyak na ako sa loob. “Ramdam ko, Elian,” mahinahon kong sagot. “Araw-araw. Pero mas ramdam ko pa rin kung gaano kita kamahal.” Hindi siya sumagot. Tumingin siya sa labas ng bintana, sa dilim ng gabi, para bang gustong mawala sa mundo. Nilapitan ko siya, at dahan-dahang hinawakan ang kamay niya. Hindi na iyon kasing tibay ng dati—manipis na at malamig. Pero sa kabila ng lahat, iyon pa rin ang kamay na minsan nang humawak sa akin na punô ng pagmamahal. “Hindi ako perpekto, Elian. Alam kong masarap sanang magmahal ng taong masaya, malusog, at kayang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay mo. Pero hindi ikaw ang gusto kong palitan. Ikaw ang pinili ko. Hindi ko ipagpapalit ’yon sa kahit sinong may kakayahan lumakad, tumakbo, o tumawa.” Tumulo ang luha ko pero hindi ko ito pinunasan. Wala nang saysay. Sanay na akong umiyak nang tahimik sa harap niya. “Kahit masungit ka, kahit pinapalayas mo ako, kahit mas madalas kang galit kaysa masaya—ako pa rin ’to. Mahal pa rin kita. At kung ang tanging kailangan ko lang gawin ay maghintay habang umiipon ng konting pag-asa… gagawin ko.” Tahimik si Elian. Hindi ko alam kung may nadama ba siya sa sinabi ko. Pero sa puso ko, alam kong kahit wala akong narinig na “salamat” o “mahal din kita,” sapat na ang presensya niya sa tabi ko para magpatuloy. Kahit masakit. Kahit paulit-ulit. Matapos ang ilang oras na pakikipag-usap at pag-aalaga kay Elian, nagpaalam na rin ako sa kanyang ina. "Aalis na po ako, Nay Pilar," magalang kong sabi habang kinuha ang bag ko. "Mag-iingat ka sa daan, iha. Salamat at palagi mong binibisita ang anak ko," mahinang wika nito habang pinipigilan ang lungkot sa mga mata. Ngumiti ako kahit mabigat ang dibdib ko. "Wala pong anuman. Basta po kailangan n'yo ako, andito lang ako." Paglabas ko ng bahay ay agad akong tinamaan ng malamlam na sikat ng araw—hapon na pala. Bitbit ang pagod at bigat ng nararamdaman, tinungo ko ang paakyat na daan papuntang bahay namin. Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada, bigla akong napahinto nang may sumalubong sa akin. “Oh, Sahara!” sigaw ng pamilyar na boses. Paglingon ko, nakita ko si Kagawad Cita, naka-tsinelas at may hawak na plastic ng ulam, gaya ng dati. “Kamusta ka na, hija? Kamusta si Elian?” tanong nito sabay hinto sa tabi ko. Ngumiti ako ng tipid. “Okay naman po siya, Kagawad. Medyo mainitin lang po ang ulo.” “Hay naku… naiintindihan ko naman. Hirap ang ganyang kalagayan. Pero wala pa rin ba kayong plano na ipacheck up siya sa Maynila? Baka may pag-asa pa ‘yan, Sahara. Sayang ang panahon.” Napayuko ako saglit. “Naisip ko na rin po ‘yan. Kapag nakaipon na po ako, gusto ko talaga siyang madala sa Maynila. Pero alam n’yo naman po ang kalagayan namin ngayon…” Tumango si Kagawad Cita, kitang-kita sa mukha niya ang awa at pag-aalala. “Tama ka naman. Pero kung kailangan n’yo ng tulong, sabihin mo lang. Baka may kilala akong pwedeng lapitan.” Nagpasalamat ako at nagpatuloy sa paglalakad. “Sige po, Kagawad. Maraming salamat.” Naghiwalay kami ng daan. Habang papalapit ako sa bahay namin, pakiramdam ko lalo lang bumibigat ang mundo ko. Pero kahit mahirap, hindi ako susuko. Hindi pa ngayon ang oras para bumigay. Maaga pa lang ay gising na ako. Tahimik pa ang paligid habang iniinit ko ang kape sa kalan at inaayos ang mga simpleng ulam sa mesa—pritong tuyo, itlog, at sinangag. Araw-araw ganito. Paulit-ulit, pero sapat na para sa aming mag-ina. “Anak, kumain ka na,” tawag ni Mama habang nilalagay ang tubig sa pitsel. Ngumiti ako at umupo sa tapat niya. “Mamaya na po, Ma. Sabay na po tayo.” Pero bago pa man ako makasubo, isang malakas na kalabog ang umalingawngaw mula sa labas. “BLAGGG!!!” Nagkatinginan kami ni Mama, parehong napapitlag. “Ano ‘yon?” bulong ko, agad na tumayo mula sa pagkakaupo. “Tila nabangga sa labas!” sigaw ni Mama habang hawak ang dibdib niya sa kaba. Wala nang inaksayang segundo. Dali-dali kaming lumabas ng bahay. Paglabas namin sa may gate, agad kong napansin ang isang magarang itim na sasakyan na nakasubsob sa may bakod. May bakas ng gulong sa basang lupa at wasak ang harapang bahagi ng kotse. Hindi ito pangkaraniwan sa lugar naming puro traysikel at bisikleta lang ang dumadaan. “Anak, may tao sa loob!” sigaw ni Mama, habang tinakbo ko agad ang driver side. Dumungaw ako sa bintana at nakita ko ang isang lalaking guwapo, maputi, at may manipis na balbas. Mukhang nasa late twenties, pero ngayon ay may dugo sa sentido at namumungay ang mga mata niya—parang naghahabol ng hininga. “Kuya! Sir! Naririnig n’yo po ako?” sabay kaway sa harap niya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata niya at pinagmasdan ako. “San... saan ako...?” garalgal ang boses niya, puno ng hilo. Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa. Binuksan ko ang pinto at sinapo ang braso niya. “Mama, tulungan mo ‘ko. Dahan-dahan lang, Sir. Pasok muna kayo sa loob. Delikado ‘to.” Sa tulong ni Mama, inalalayan namin ang lalaki papasok ng bahay. Halos pabagsak ang hakbang niya, at kung hindi ko pa siya hinawakan sa baywang, baka nadapa na siya sa pintuan pa lang. Pagdating sa loob, inihiga namin siya sa mahabang upuan sa sala. Agad kong kinuha ang basang towel at nilapat sa kanyang noo. Ramdam ko ang init ng balat niya, at may bahagyang pamumula sa gilid ng sugat. “Ma, may first aid pa ba tayo diyan?” sigaw ko mula sa sala. “Oo, anak. Kukuhanin ko lang,” sagot ni Mama, agad na pumasok sa kuwarto. Habang nililinis ko ang sugat sa kanyang ulo, hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya—kahit namumutla, hindi maikakaila ang tikwas ng kilay, matangos na ilong, at masinsing titig mula sa mapupungay niyang mata. “Mabuti na lang at dito ka nabangga. Kung saan-saan pa, baka kung anong masama ang nangyari sa ‘yo,” mahina kong bulong, halos para lang sa sarili ko. Hindi ko alam kung sino siya. Pero isang bagay ang malinaw: mula ngayon, may malaking pagbabago na darating sa buhay ko.SAHARA'S POV Kumunot ang noo ko nang dumaan lang si Doctor Calyx sa harapan ko na parang wala lang. Hindi man lang siya tumingin, ni hindi ako pinansin. Mukhang hindi niya ako nakilala. Sabagay, sino ba naman ako para lingunin pa niya? Eh 'yung itsura ko nga ngayon, parang nilamon ng lupa at niluwa lang. Naka-ponytail na kulang sa buhol, may mantsa pa ng mantika 'yung blouse ko dahil sa nilutong longganisa kagabi. Samantalang siya? Diyos ko! 'Yung mukha niya parang nililok—matangos ang ilong, matitigas ang panga, tapos 'yung mga mata niya, parang sinasala ang kaluluwa mo sa titig. Nakaka-pressure. Nakaka-ilang. At higit sa lahat... nakaka-attract. Pero bakit ko nga ba siya iniisip? Tanong ko sa sarili ko habang napatigil ako sa gilid ng kalsada. Napailing ako. “Focus, Sahara,” bulong ko sa sarili. May trabaho pa ko! Napatingin ako sa relo. 7:52 AM. "Shit! Late na naman ako!" Para akong sinapian ng multo. Dali-daling tumakbo, halos mapatid sa sarili kong paa. Minsan iniis
SAHARA’S POV Tahimik lang akong naglakad pauwi mula sa bahay ni Elian. Mabigat ang pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng lungkot ‘to—parang pinaghalong pagod, guilt, at pangungulila. Pakiramdam ko, kahit anong gawin ko, mali pa rin sa paningin niya. Pagdating ko sa tapat ng bahay namin, napansin ko agad—wala na ang sasakyan. Wala na si Dr. Calyx. Parang biglang may umigting sa dibdib ko. Bakit ba parang may kung anong hinahanap ako? O baka dahil hindi ko pa rin nasasabi kay Elian ang totoo—na oo, guwapo nga ‘yung lalaking nabangga. Maayos ang tindig, malinis, at ‘yung mga mata niya… para bang kahit may sugat siya, matalas pa rin ang titig. Umiling ako. Hindi, Sahara. Hindi iyon mahalaga. Wala kang karapatang mag-isip nang gano’n. Pumasok ako sa bahay, at naamoy ko agad ang nilutong ulam ni Mama—tinolang manok. Nakahain na sa mesa. Naroon siya, nagsasalin ng sabaw sa mangkok. “O, nandiyan ka na pala,” nakangiti niyang bati. “Maghugas ka na’t kumain ka na.”
SAHARA’S POV “Ma, siguro dalhin na lang natin siya sa pinakamalapit na clinic,” mungkahi ko habang pinipiga ang tuwalya at muling idinampi sa sugat ng lalaki. “Hindi ko na rin siya maaasikaso, may pasok pa ako mamaya.” Napatingin siya sa akin. Mahina pa rin ang kilos niya pero kita ko ang tangkang pagtutol sa mga mata niya. “Huwag na... huwag niyo na akong dalhin kahit saan,” mahinang sabi niya. “Magpapasundo na lang ako.” “Sigurado ka ba?” tanong ko habang inaayos ang pagkakaupo niya. “Mukhang matindi yung tama mo sa ulo.” “Wala ‘to. Sanay ako sa puyat at sakit,” ngumisi siya kahit halatang hirap. “Nakainom lang ako ng maraming kape, wala pang tulog. Galing kasi akong trabaho, tapos pinilit ko pang bumiyahe pauwi. Hindi ko napansin, antok na pala ako.” Sumabat si Mama, medyo kunot ang noo. “San ka ba talaga galing, iho? At saan ka ba dapat pupunta?” Napahikab siya saglit bago tumingin kay Mama. “Galing akong Manila, Tita. Pupuntahan ko sana ‘yung lolo ko dito sa probinsya
THIRD POV. Katatapos lang ng trabaho ni Sahara sa maliit na parmasya sa bayan. Gabi na, at ramdam niya ang pagod sa katawan—mga talampakang nananakit, likod na tila mababali, at mga mata na gusto nang pumikit. Pero hindi iyon mahalaga. Ang tanging nais niya ay makita si Elian. Tahimik siyang pumasok sa bahay ng nobyo. Wala siyang dala kundi ang kanyang sarili at ilang pirasong tinapay na binili pa niya sa huling baryang natira sa bulsa. Pagpasok niya sa sala, agad niyang nakita si Elian—nakaupo sa lumang sofa, nakatingin sa kawalan, tila malayo ang iniisip. “Love?” mahina niyang tawag habang lumalapit. “Kumusta ka ngayon?” Napalingon si Elian, bahagyang ngumiti ngunit mabilis din iyong naglaho. “Eto, gaya pa rin ng dati. Walang bago,” malamig niyang sagot. Hindi nagpakita ng sama ng loob si Sahara. Umupo siya sa tabi nito at maingat na hinaplos ang likod ng kanyang nobyo. “May dala akong tinapay, 'yung paborito mong may palamang coco jam. Gusto mo?” Umiling lang si Elian.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments