ログインNagising si Dana Montecarlo matapos ang limang taon na pagkakaratay sa ospital. She was under comatose, matapos niyang makaligtas mula sa isang malalang car accident. Sa kanyang paggising ay agad niyang nakita ng asawang si Garrett. Masaya si Dana na malaman na nakaligtas ang kanyang asawa mula sa aksidente, and he looks alive and well... Pero sa paglipas ng mga araw, napapansin niya ang malaking pagbabago sa kanyang asawa. Ang mga halik nito ay hindi na katulad ng dati, and he is acting aloof and distant towards her, as if she is a total stranger. Ano kaya ang nangyari sa kanyang asawa pagkatapos ng aksidente na kinasangkutan nila?
もっと見るIsang Buwan ang LumipasMula sa malayo, pinagmamasdan ni Madeline ang mga bata sa Heaven’s Door Orphanage habang abala sila sa pag-aani ng prutas at gulay mula sa kanilang hardin.Muling bumalik sa kanyang isipan ang araw nang tuluyan niyang natuklasan ang kanyang tunay na pagkatao at ang kanyang tunay na ama—si Shun Saito, ang may-ari at tagapagtatag ng Heaven’s Door Orphanage.Bagaman isang buwan na ang lumipas mula nang pumanaw ang kanyang ama, dama pa rin niya ang panghihinayang. Huli na nang malaman niya ang kanyang tunay na pagkatao, ngunit tinanggap na rin nila na panahon na ng kanyang ama upang makapiling ang Makapangyarihang Lumikha.Dahan-dahan siyang nakaka-move on sa tulong ni Tiya Yumi, ng kanyang matalik na kaibigang sina Peppy at Rachel, at ng mga bata sa ampunan.Gayunpaman, hindi na niya gaanong nakikita si Oliver mula nang ihatid nila sa huling hantungan ang kanyang ama.Miss na miss niya ito, ngunit wala siyang karapatang maramdaman iyon dahil wala namang namamagita
Tumakbo si Oliver na parang nawawala sa sarili habang mabilis siyang dumaan sa pasilyo ng ospital kung saan nakakonfine si Uncle Shun.Nakareceive siya ng emergency na tawag mula kay Aunt Yumi, at sinabi nito na lumala ang kalagayan ng matanda dahil sa komplikasyon sa puso.Inilipat na siya sa Intensive Care Unit para sa masusing obserbasyon. Kailangan niyang sumailalim sa open-heart surgery sa lalong madaling panahon, ngunit nasa listahan pa rin siya ng mga naghihintay para sa isang donor ng puso...Pagpasok ni Oliver sa silid, nakita niyang natutulog si Uncle Shun, napapalibutan ng iba't ibang tubo sa katawan. Nasa tabi nito si Aunt Yumi, mahigpit na hawak ang kamay ng matanda habang binabantayan ito."Auntie Yumi," mahina niyang tawag.Napatingin ang matanda sa kanya, pilit pinipigilan ang pagluha."Oliver... Napakakritikal ng lagay ng tiyuhin mo. Sinabi ng doktor na kailangan niyang sumailalim sa open-heart surgery, kundi... Hindi pa ako handang mawala siya!" lumuluhang sabi ni Au
Gabi na at nagbabantay si Madeline sa mga natutulog na bata. Siya ang nakatokang mag-ikot ngayong gabi upang suriin ang bawat kwarto ng mga bata sa ampunan.Matapos niyang suriin ang lahat ng kwarto, naglalakad na siya sa pasilyo at malapit nang lumagpas sa opisina ni Auntie Yumi nang bigla siyang huminto nang marinig niya ang tunog ng telepono sa loob.Napakalakas ng tunog ng telepono kaya natatakot siyang magising ang mga batang natutulog malapit sa silid.Wala siyang ibang pagpipilian kundi pumasok sa opisina upang sagutin ang tawag."Hello, ito po ang Heaven’s Door Orphanage, paano po namin kayo matutulungan?" sagot ni Madeline sa tawag."Paumanhin, maaari ko bang malaman kung sino ito?" narinig niyang tinig ng isang matandang lalaki mula sa kabilang linya."Ako po si Madeline, isa akong bagong staff dito sa Heaven’s Door Orphanage. May maitutulong po ba ako?" magalang na tugon ni Madeline.Nagulat siya nang biglang maputol ang tawag.Ibinaba ni Madeline ang telepono sa cradle nit
Tatlo sila na nagpasya na matulog at tapusin ang araw dahil maaga silang magsisimula bukas.Bago tuluyang makatulog si Madeline, naalala niya si Mother Superior, ang mga madre, at ang mga bata sa Sunshine Orphanage.At matapos ang ilang minuto, tuluyan na siyang napalalim sa pagtulog…Kinabukasan.Hawak ni Madeline ang dalawang brown paper bag na puno ng grocery habang naglalakad kasama si Tiya Yumi.Hiningi ng matanda na samahan siya sa pamimili upang bumili ng dalawang linggong supply para sa Heaven’s Door Orphanage."Ano sa tingin mo ang masasabi mo tungkol sa Japan, Madeline?" biglang tanong ni Tiya Yumi."Sa ngayon, maayos naman, Tiya." nakangiting sagot ni Madeline."Ikinalulugod kong marinig ‘yan. Sigurado akong masasanay ka ring mamuhay dito sa Japan sa lalong madaling panahon," wika ni Tiya Yumi."Sa tingin ko rin," sagot ni Madeline."Ay, muntik ko nang makalimutan! Nangako ako sa mga bata na bibili ako ng donuts para sa kanilang meryenda mamaya. Dadaan lang ako saglit sa do






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.