Bukod sa naubos ang ipon niya sa peyansa nito nadungisan ang pangalan nila. Hahayaan sana niya itong mabulok na lang sa loob pero nakita niya ang matinding iyak ni Frits. Pero nagkamali ata siya ng nagawa ng mga oras na iyon. Pagkatapos kase niyon ay may mga ilang gabing hindi uuwi ang madrast at napupuyat sila ni Frits kakaantabay dito.
Hindi maaalis sa kanya ang nerbiyusin dahil baka kung saang presinto na nama niya ito puntahan. Matapos ang tatlong araw na nawala ito isang gabi ay nadatnan niya ito na nasa bahay. Akala niya ay ayos na ang sitwasyun kaya maaga silang natulog.Pagod si Steff noon dahil sa nalalapit na pasko, kaya nag angkat sila n madaming paninda. Pero laking gimbal ni Steff ng magising ito ng madaling araw. Lumabas siya ng sala at halos maubo sa pangit na usok na nalanghap. Naabutan niyang kasaluluyang nagsi share ang madrasta at ang dalawang kasama nitong mga kabataan.
"TYANG! ANAK NG TOKWA DITO PA KAYO NG PAT SESSION NAMAN PATI KAMI NI FRITS IDADAMAY MO SA KASO NIYAN EH. HOY KAYO MADSILAYAS KAYO DITO HA WAG NA KAYONG BABALIK KUNG HINDI ITITIMBRE KO KAYO" banta ng dalaga. Agad namang sumibat ang dalawang kabataang halos nasa bente ang edad."Dios ko naman Tyang hindi na ba talaga kayo magbabago. hindi ba kayo naaawa sa anak nyo? Napapabayan nyo na, hindi ba kayo naaawa sa akin kuba na ako kakatinda para sa atin?" sermon si Steff."Sa totoo lang tiyang pagod na ako sa inyo, hindi ko kayo kaano ano kung hindi lang sa habilin ni Bogart ay matagal na akong umalis dito. Kaya kung pwede ayusin nyo naman ang buhay nya. Sabi ng dalaga at tinungo ang lamesa at uminom ng tubig saka bumalik ulit sa silid nito. Ultimatum na ito ng Tiyang niya.Kapag naulit ito ay aalis na lang siya sa pamamahay nila, hindi naman niya ito mapapalayas wala din mapupuntauan ang mga ito. Kinaumagahan pag gising nila ay wal ang madrasta. napailing na lang si Steff. Tuluyan ng nagupo ng mangbisyo ang madrasta. Tulad ng lahat ng bisyo kapag natikman mo ay mahirap ng tanggihan pa.Halos dalawang buwan nawala ang madrasta umiiyak na si Frits pero pinalalakas lamang niya ang loob nito.Anim na buwan itong nawala, parang nabunutan siya ng tinik sa daan kahit pa nga naaawa sa naiwang supling nito. Ang akala ni Steff ay simula na ito ng pagbabagong buhay. Pero laking gulat ni Steff isang araw ay sumulpot ang madrasta. May bakas pa rin na galit pa din itosa kanya pero masigla at maaliwalas ang mukha nito.
Malaking pera ang inabot nito sa kanya, nagtanong ng dalaga kung saan iyon galing ang sabi ng madrasta ay nanalo ito sa sugal. Hindi biro ang 100 thousand. Duda si Steff sa pinagmulan ng pera kaya itinabi niya lamang ito dahil mahirap ng madawit kung sakali.
Muling naglaho ang madrasta matapos lang ang isang linggo. This time hindi na sila nabigla pa.Hindi na rin nila inaasahang babalik agad ito. Abala si Steff dahil pasukan na. Na e enroll na niya si Frit's ng grade six medyo gumanda din ang pasok ng nakaraang kapaskuhan kaya ang dating paninda ni Steff ay medyo nadagdagan.
Kaya lang nagpalit ng administrasyon sa lugar nila nagpasikat ang nahalal na Major at nilinis ang bangketa. purnada ang kabuhayan ni steff. Pinilit nilang mga vendor na makipagsapalaran pero hinuhuli sila at ubos na sa kutong ang pera nila lugi pa sa paninda.
Napilitan si Steff natigil na muna sa pagtitinda at sinubukang mamasukang arawan sa isang tindahan na may bakery. Saktong anim na buwan ulit nang sumulpot na naman ang kanyang madrasta. Humpak na humpak na ang hitsura nito nawala na ang ganda at alindog nito na kinabaliwan ni Bogart noon. Inabot sa kanya nito ang mas malaking pera100 thousand ulit. Hindi yung tinanggap ng dalaga. Nagdududa siya sa pinagmulan ng malaking pera. Alam niyang sa droga ito galing.
Kinabukasan ay hindi na niya naabutan ang madrasta muli itong nawala. Pero iniwan ang pera sa sobre. Naisip ng dalaga na ilagay sa bangko ang pera dahil kapag may naka pagtimbre sa madrasta ay damay sila at mas malaking ebidensiya kapag nakuhanan sila ng mark money. Sa totoo lang hirap na siya. Hindi na siya nakatulog sa gabi at pakiramdamn niya hindi na siya safe.
Sa malas ng dalaga tatlong buwan lamang siya sa bakery, pinalayas siya ng among babae dahil palaging nahuhuling tinitingnan siya ng asawa nitong insik. Pero dahil may mga bibig na kailangang mabuhay hindi nawalang ng pagasa ang dalaga. Sa isang Restobar sa isang kilalang resort muling nakahanap ng pagpapala si Steff. Natanggap siya doon bilang waitress. Magaan lamang ang trabaho, mabigat lamang kapag peak season at summer.Bagamat wala sa minimum ang sahod ay ayos lang sapat lang naman sa kanila ni Frits. May pangarap din naman si Steff mataas kung tutuusin pero sa ngayon pinipili muna niyang mabuhay sa realidad at priority.
Matagal na nawala ang kanyang madrasta, halos walong buwan itong missing in action bago ito muling sumulpot sa bahay nila. Wala itong inabot na pera sa kanya. Gabi gabi itong lasing, gabi gabing bangag. Halos isang buwan niya itong palaging naaabutang wasak at palagi rin niyang inaaway.
Isang gabing umuwi siya ay nahuli niya nagbibisyo ito. Binalewala muna niya iyon pero ng sumunod na gabi hindi ay hindi niya nagustuhan ang ginawa nito. Halos patayin nito sa bogbog ang sariling anak dahil lamang hindi siya sinunod nito ibili siya ng alak. Nangangatwiran ang bata na sarado na ang mga tindahan pero bangag ang kanyang madrasta kaya sarado ang isipan mabuti na lang at naabutan niyang iksaktong papaluin sana ng kanyang madrasta si frits ng tropy sa mukha. Mabigat yun, tropy niya sa liga ng volleyball iyun.
Umabot na sa sukdulan si Steff.Kinaumagahan ay ipinadampot ni Steff ng madrasta sa baranggay. Pansamantalang iniwan nila Steff ang bahay nila at tumira sila sa isang maliit na silid malapit sa resort. Nang kalkalin ni Steff ang bag ng madrasta ay nagulat ito sa laman. Malaking halagang pera na naman parang nasa 100 thousand ulit ito.
Agad idineposito ni Steff ang pera dahil sa pag aakalang galing ito sa droga. Sa ibang Bayan siya nagbukas ng account para iwas na may makakita sa kanya.
"Joon, hindi ka nagkasakit? hindi ka nakalimot? Hindi mo ako nakalimutan ?" umiiyak na sabi ni Steff. "I'm so sorry Babe, please forgive me. Mahal na mahal kita Steff, ikaw bilang si Kate ngayon. Please maninwala ka, kahit ng iwan mo ako, kahir ng mga panahong labis ang pangungulila ko, hindi ako nagkarelasyun sa Step-mother mo.Never ko siyang pinakialaman. Ang lahat ng nangyari at mga nabalitaan mo ay pawang gawa gawa lamang niya. Hinding hindi ako nagtaksil sayo Steff" sabi ni Joon. Nanatiling walang kibo si Steff pero patuloy na lumuluha. "Patawarin mo ako Steff...please huwag mo na akong iwan ulit."pagsusumamo ni Joon habang nakaluhod. "I'm so sorry too Joon, hindi kita pinaniwalaan, Patawarin mo ako na nangign mahina ako at nawalan ng tiwala, pinairal ko ang selos at insecurities." "Alam ko na ang lahat Joon, sinabi na sa akin ni Frits, at nagpadala rin ng mesahe sa akin si Isabel at inamin niyang kagagawan niya ang lahat." sabi ni Steff. "Ibig sabihin pinapatawad mo na ako,
Pagpasok niya, gulo ang kama; halatang doon nga nahiga si Joon. Agad niyang binuksan ang aparador. Nakita niya roon ang mga damit ni Joon, maging ang mga damit na naiwan niya. Hindi naman siya nakapagdala ng mga damit noong tumakas siya sa ospital. Naroon pa rin ang mga ito at maayos na nakahanay. Sa itsura ng silid nila, para bang ipinaaayos at pinalilinis ito palagi. Mabango ang amoy; walang bakas ng alikabok. Napaupo si Steff sa kama habang hawak niya ang kanyang dibdib na naninikip. Hindi makapaniwala si Steff sa kanyang makikita. Napasulyap siya sa larawan nila ni Joon na nakapatong sa side table sa tabi ng kama. Maganda ang ngiti niya roon, habang nakahalik naman sa pisnge niya si Joon. Kinunan ito ng binata noong kumain sila sa isang restaurant sa bayan. Ngunit nang mapansin ni Steff ang isang maliit na frame na katabi ng picture frame, tumulo ang luha niya. Picture frame ito ng larawan ng ultrasound ng anak nila. Doon na napahagulhol si Steff. Doon na bumigay ang damdam
Halos mamutla si Steff sa request na iyon. Ayon pa dito ay walang ibang maaring magpunta sa Villa sa batuhan kaya tiyak na sila lamang ni Joon ang mapapagisa doon. Pagsapit ng gabi lahat ng pagkakabisihan ay ginawa ni Steff mapabagal lamang ang pag galaw ng orasan. Magaalas sais ng gabi y dumaan sa coffee shop si Jimin at nagpaalam. "Hi, masyado kang busy ah," puna ni Jimin. "Magpahinga ka naman baka kung mapaano ka!" sabi pa ng binata. "Okay lang, magaan lang naman ang gawain diro sa shop." may konting pagaalala ang ngiti ng dalaga. "Siyanga pala okay ka lang ba, kaya mo na ba siyang harapin? kase Steff, uuwi na muna ako sa Maynila dahil ilang araw na akong nasa resorts. dahil sa pagaasikaso kay Joon. Nariyan ka naman na, sa nakita ko naman, hindi ka man niya natatandaan bilang si Steff na fiance niya ay natatandaan ka niya bilang empleyado niya na kahawig ng nawala niyang kasintahan, iyon na lang ang samantalahin mo para maging close sa kanya para makagawa ka ng paraan para maka
"Steff..!!" Namutla si Steff nang marinig na tinawag siya ni Joon. Biglang nanlamig ang buo niyang katawan.Napatingin si Steff kay Jimin na may pag-aalala sa mukha. Maging ito man ay nagulat sa naging reaksiyon na iyon ng kaibigan. Mabilis na siniko ni Jimin si Joon at pasimpleng pinandilatan ng mata. "Bro, mabubuking tayo," saway ni Jimin na ibinulojg bg pasimple kay Joon. Doon natauhan si Joon. Alam niyang nabigla siya dahil sa bugso ng damdamin. "Bakit ba Jimin? Di ba sabi mo ang pangalan ng bagong manager ng coffee shop na ito ay Steff, kaya tinawag ko siyang Steff. Malamang sa ganda niyang iyan, siya ang manager na tinutukoy mo, 'di ba?" palusot ni Joon. Laking pasasalamat niya at nakaisip agad siya ng alibi. Sobrang natuwa kasi siya nang makita si Steff, nag-alab agad ang saya sa dibdib niya. "Pasensya na Miss Steff, kung napalakas ang boses ko. Sumakit kasi ang sugat ko," sabi na lang ng binata. Nakita ni Joon ang biglang pag-aalala sa mga mata ni Steff pero agad din iyong
Bumalik na si Jimin sa loob at naabutan niyang nakatayo at nakatatanaw sa bintana si Joon. "Bro bihis ka na? hindi ka naman excited noh?" "Naiinip na ako at sobrang excited." Tumingala is Jimin sa dextrose na nasa uluhan niya, malapit ng itong maubos , marahil mga thirty minutes pa ay tapos na ito. "Konting tiis na lang mauubos na din, hindi kase pwedeng sayangin dahil may gamot yan"sabi niya sa kaibigan. "You know why Im excite diba?" sabi ni Joon. Nagulat si Jimin ng bigla itong humarap sa kanya. "Tell me Bro, is she really home?Is she really there ha...ha?" bakas ang pangamba at naghahalong takot sa mga mata ni Joon. "Bro, ilang ulit ko na bang sinabi kagabi, diyos ko halos magdamag tayo nagusap Bro paulit-ulit ang tanong mo." "Pasensya na bro, pero paki sampal nga ako, paki sikmuraan na din. Para kase akong nananginip. Did she really came home noong sabihin mong naaksidente ako? Does this means mahal nya pa rin ako ha Bro?" "Hindi ko masasagot yan Bro, but the way she
Kinabukasan sa araw ng discharge ni Joon, kinausap ni Steff ng masinsinan ang kapatid sa pagpapanggap na gagawin. Ibinilin niya sa kapatid na huwag na huwag magbabanggit sa nangyari sa nakaraan lalo na ang tungkol sa kanila. Kinausap din steff ang mga tauhan sa Bar na huwag magbabanggit ng mga nakaaraang issue. Maging isang tanong at isang sagot lamang ang mga ito lalo na kapag nakita nilang nalilito si Joon. Pakapananghali ay nagpunta naman si Steff sa resort at hinanap ang magasawang katiwala ni Joon at ang ilang tapat na tauhan nito. Matagal na ang mga ito sa amo kaya kailangan niyang kausapin dahil tiyak na meron at merong hindi makakatiis dahil tapat ang mga ito kay Joon. Halos maiyak ang magasawa katiwala ng mga Villa nang malamang bumalik na siya. "Naku Ma'am Steff, mabuti naman at balik na kayo. Diyos ko kaawa awa na ai Sir Joon kung alam nyo lang." sabi ng mga ito. "Opo manang, humihingi po ako ng tawad sa inyo dahil sa hindi namin pagkaka intindihan ni Joon noon, pero