"Sir, may order pa po ba kayo, sir? Sir, may order pa po ba kayo? Tanong ni Steff. Kanina pa tinititigan ni Steff ang customer nilang nasa dulong lamesa. Nakayuko ito, kaya medyo hindi niya matandaan kung matanda o bata pa. Sa bulas nito ay malaking lalaki. Posibleng nasa 5'10 o 5'11 ang height ng lalaki base na rin sa yukot nito sa wooden table nila. Galante ito .Umorder ng sisig, seafood platter, tacos, at ngayon naman ay sizzling tofu. Ang kaso nga lang, parang medyo arrogante dahil pala utos. Mabuti na lang hindi siya ang naka-assign na mag-serve dito. Pero dahil kanina pa ito at off duty na si Joan, walang choice si Stef kung di antabayan ang lalaki.Mukha naman itong desente at mukha namang hindi scammer na tipong maglalasing-lasingan, magwawala at pagkatapos ay hindi sila babayaran. Habang hinihintay na matapos sa sarili ng mundo ang kanilang huling customer, inabala na si Stef ang sarili sa pag-iimbentaryo ng kanilang sale. Nitong nakaraang buwan ay mahina ang kit
Read more