Hindi muna uwi ng Maynila si Joon bukod sa nahihiya siya na baka usisain ang tungkol sa girlfriend niya na pinagmalaki niya gusto pa ding umasa ni Joon na makikita ang dalaga. Pero sa loob ng isang buwan iniikot ng binata ang lahat ng lugar mahanap lamang ang katipan ay ganun din karaming araw siyang nabigo at nasaktan.
Madalas ay nilulunod ba lamang ng binata ang sarili sa alak saka ito iinom ng sleeping pill para makatulog. Isang hating gabi. Lumabas si Joon sa silid na inuupahan sa resort at nangtungo sa dalampasigan.
Doon nito itinuloy ang pag inom ng redhorse at saka isinigaw sakaragatan ang kanyang pighati. Naupo malapit sa tubig ang binata. Tinatamaan ng alon ng dagat ang kanyang mga paa, at doon ay Malayang inilabas ni Joon ang lahat ng hinanakit sa kasintahan. Humiga si Joon at tinanaw ang mga bituin.
"Nasan ka Kate, bakit hindi kita makita, bakitnag hirap mong matagpuan, please magpakita ka misses na miss na kita"bulong ng binata. Hindi na namalayan ni Joon na nakatulog na siya sa dalampasigan..
Samatala......
Naglalakad lakad naman si Steff gilid ng dagat, maalinsangan kase, tapos na ang duty niya sa resort. Medship siya. Ang pasok niya ay alas dos at alas dyes naman ang uwi pero sa dami minsan ng ligpitin ay inaabot siya ng alas onse bago makauwi. Tulad ngayon, kakatapo lang ng duty niya. Gusto niyang maglakad lakad sa dalampasigan upang mawala ang stresss niya. Kahapon kase ay tinawagan si Steff ng rehabilitation center.
Kahit daw paaano ay may pagbabago sa kondisyun ng madrasta.Malayo pa lang ay tanaw na ng dalaga ng isang bulto ng katawan na halos palubog na sa tubig at mukhang hindi ito gumaalaw. Kita niya ang hawak nitong bote ng alak.
"Ay putch...!" agad na nagmadaling pinuntahan ni Steff ang kinaroroonan ng taong Nakita. Kahit madilim dahil walang liwanag ng buwan ay alam ni Steff na lalaki ang nakahilata sa buhanginan. Nilapitan eto ni Steff at kinalabit dahil baka natutulog lang naman.
"Sir....! sir.. gising ho, pataas na po ang tubig sa dagat baka ho kayo maanod ng wala sa oras" Babala ni Steff. Hindi kumibo ang lalaki. Muling inulit ng dalag ang pagtawag dito, but this time ay niyogyog na niya eto. Pero hindi pa rin eto nagising.
"Ay anak ng teteng talaga, naku naman sir, bakit ba kahit saang lugar ako mapunta paborito akong dapuan ng mga bangag at wasak naman oh. Sinubukan ni Steff na hatakin ang kamay nito para mailayo sa dalampasigan pero hindi nngtagumpay si Steff. Mabigat ang lalaki.
Hinawakan ni Steff ang dalawang dulo ng manggas nityo saka muling hinila paitaas pero hindi man lang ito nagalaw kahit isaang inches. Tinitigan ng dalaga ang lalaki bagamat hindi masyadong makita ang mukha ay kita niyang malaking tao eto.
"Holy God! Paano mo ba mahahatak Steffanie ang isang lalaking halos 6-footer ata at mukhang tambayan ang gym? Nagpapatawa ka Istong.Bulong na dalaga sa sarili. Halos 5'4 naman ang height niya at matangkad na siya kung ikukumparta sa mga native sa kanilang lugar pero kung itatapat sa 6-footer natural magmumukha siyang duwende at petit siya. Halos hita ng lalaki eh katawan na niya.
"Teka paano ba ito" namumuroblemang sabi ni Steff. Hindi ko naman pwedeng iwang to dito aba kapag malunod ito ay konsensya ko pa. No choice ang dalaga kundi ang magtawag ng maaaring makatulong. Kung tatakbo siya ng bukana ng resort kung saan naroon ang mga lifeguard ng resort ay aabuting ng 5 mins lamang pero kung dun siya sa resto nila tatakbo, 5 min lang makakabalik siya pero sino ang hiihngian niya doon ng tulong? Sabi ni Steff.
Biglang lumakas ang alon ng dagat, umihip ang malamig na hanging ulan, wala pang dalawang sigundo nakaramdam ng mumunting patak ng ulan si Steff.
"Naloko na hay, bahala na nga" sabi ng dalaaga sa sarili sabay tumakbo ng mabilis patungo sa Kanilang store. Abala ang lahat. Tanging si Mando lamang na isa ring waiter ang nahatak niya.
"Bilisan mo Mando baka mahuli na tayo." Sabi ng dalaga. Pagdating doon salugar kung saan niya Nakita ang lalaki way wala na ito doon. Anak ng ano un nagising bigla ng patakan ng ulan. Sa isip isip ng dalaga.
"Istong, parang may tao doon oh" sabi ni mando sa kanya. Madilim ang langit dahil sa mahinang patak ng ulan. Sinipat ng maigi ni Steff ang itinuro ni Mando.nakilala ng dalaga ang suot ng lalaking Nakita niya kanina.
"Ay anak ng tokwa siya yun, halika Mando, bilisan mob aka malunod na" agad tinakbo ni Steff ang lalaki hindi pa naman ito nakakalayo pero medyo malalim na bahagi na ito at samahan pa ng malakas na alon.
Pinagtulungan nilang iahon sa tugig ang lasing na lalaki. Mabuti na lamang at kahit paaano ay pangkarkador ang katawan ni Mando.Pagminamalas ka naman talaga.
"Hoy mama, gumising ka, aba kamumtikan ka ng tirikan ng kandila dahil dyan sa pagkahayok mo sa alak. Aba ilagay kase sat ama ang pagimun. Bukod sa tinakot nyo ako eh magiging sagutin kayo ng resort na ito. maawa naman kayo katangahan nyo panangutaan namin ganun?" sermon ng dalaga.
She hates alcholic man, inis siya sa mga alak ang ginagawang sangkalan para makagawa ng kasalana at maabsuwelto. Galit siya sa mga taong alak ang ginagawang kanlungan at sarilng kulungan n gkalungkutan and pagkabigopara sa kanya karuwagan yun pagtakas yun sa realidad at katotohana pagiging duwag yun para sa dalaga.
"Istong kilala ko to guest ito dito" sabi ni Mando.
"Eh malamang, ano ka ba paano makakarating yan dito sa bahaging ito kung hindi yan naka check in dito." Pagsususngit ni Steff may kabobohan din ng konti tong Mando sa sip isip ng dalaga.
Nakakaramdam na ng ginaw si Steff, Hindi siya makapaniwalang maglalakad siyaq patungo sa kuwartong inuupahan sa kanang baagi ng resort ng basang basa habang naliligo spa sa ulan.
"Wow naman talagang tyempo yan oh" naiinis na sabi ni Steff.
"Oh, siya dahil alam mo naman na guset yan dito ikaw na bahala dyan. Isandal mon a lang dyan sa bato tapos mgtawag ka ng tulong para madala sa room niya. Tandaan mo bilin ko ha "sabi nito kay Mando na tumango tango naman. Saka pa lamang tinunton ng dalaga ang daan pauwi sa kanila.
"Joon, hindi ka nagkasakit? hindi ka nakalimot? Hindi mo ako nakalimutan ?" umiiyak na sabi ni Steff. "I'm so sorry Babe, please forgive me. Mahal na mahal kita Steff, ikaw bilang si Kate ngayon. Please maninwala ka, kahit ng iwan mo ako, kahir ng mga panahong labis ang pangungulila ko, hindi ako nagkarelasyun sa Step-mother mo.Never ko siyang pinakialaman. Ang lahat ng nangyari at mga nabalitaan mo ay pawang gawa gawa lamang niya. Hinding hindi ako nagtaksil sayo Steff" sabi ni Joon. Nanatiling walang kibo si Steff pero patuloy na lumuluha. "Patawarin mo ako Steff...please huwag mo na akong iwan ulit."pagsusumamo ni Joon habang nakaluhod. "I'm so sorry too Joon, hindi kita pinaniwalaan, Patawarin mo ako na nangign mahina ako at nawalan ng tiwala, pinairal ko ang selos at insecurities." "Alam ko na ang lahat Joon, sinabi na sa akin ni Frits, at nagpadala rin ng mesahe sa akin si Isabel at inamin niyang kagagawan niya ang lahat." sabi ni Steff. "Ibig sabihin pinapatawad mo na
Pagpasok niya, gulo ang kama; halatang doon nga nahiga si Joon. Agad niyang binuksan ang aparador. Nakita niya roon ang mga damit ni Joon, maging ang mga damit na naiwan niya. Hindi naman siya nakapagdala ng mga damit noong tumakas siya sa ospital. Naroon pa rin ang mga ito at maayos na nakahanay. Sa itsura ng silid nila, para bang ipinaaayos at pinalilinis ito palagi. Mabango ang amoy; walang bakas ng alikabok. Napaupo si Steff sa kama habang hawak niya ang kanyang dibdib na naninikip. Hindi makapaniwala si Steff sa kanyang makikita. Napasulyap siya sa larawan nila ni Joon na nakapatong sa side table sa tabi ng kama. Maganda ang ngiti niya roon, habang nakahalik naman sa pisnge niya si Joon. Kinunan ito ng binata noong kumain sila sa isang restaurant sa bayan. Ngunit nang mapansin ni Steff ang isang maliit na frame na katabi ng picture frame, tumulo ang luha niya. Picture frame ito ng larawan ng ultrasound ng anak nila. Doon na napahagulhol si Steff. Doon na bumigay ang damdam
Halos mamutla si Steff sa request na iyon. Ayon pa dito ay walang ibang maaring magpunta sa Villa sa batuhan kaya tiyak na sila lamang ni Joon ang mapapagisa doon. Pagsapit ng gabi lahat ng pagkakabisihan ay ginawa ni Steff mapabagal lamang ang pag galaw ng orasan. Magaalas sais ng gabi y dumaan sa coffee shop si Jimin at nagpaalam. "Hi, masyado kang busy ah," puna ni Jimin. "Magpahinga ka naman baka kung mapaano ka!" sabi pa ng binata. "Okay lang, magaan lang naman ang gawain diro sa shop." may konting pagaalala ang ngiti ng dalaga. "Siyanga pala okay ka lang ba, kaya mo na ba siyang harapin? kase Steff, uuwi na muna ako sa Maynila dahil ilang araw na akong nasa resorts. dahil sa pagaasikaso kay Joon. Nariyan ka naman na, sa nakita ko naman, hindi ka man niya natatandaan bilang si Steff na fiance niya ay natatandaan ka niya bilang empleyado niya na kahawig ng nawala niyang kasintahan, iyon na lang ang samantalahin mo para maging close sa kanya para makagawa ka ng paraan para maka
"Steff..!!" Namutla si Steff nang marinig na tinawag siya ni Joon. Biglang nanlamig ang buo niyang katawan.Napatingin si Steff kay Jimin na may pag-aalala sa mukha. Maging ito man ay nagulat sa naging reaksiyon na iyon ng kaibigan. Mabilis na siniko ni Jimin si Joon at pasimpleng pinandilatan ng mata. "Bro, mabubuking tayo," saway ni Jimin na ibinulojg bg pasimple kay Joon. Doon natauhan si Joon. Alam niyang nabigla siya dahil sa bugso ng damdamin. "Bakit ba Jimin? Di ba sabi mo ang pangalan ng bagong manager ng coffee shop na ito ay Steff, kaya tinawag ko siyang Steff. Malamang sa ganda niyang iyan, siya ang manager na tinutukoy mo, 'di ba?" palusot ni Joon. Laking pasasalamat niya at nakaisip agad siya ng alibi. Sobrang natuwa kasi siya nang makita si Steff, nag-alab agad ang saya sa dibdib niya. "Pasensya na Miss Steff, kung napalakas ang boses ko. Sumakit kasi ang sugat ko," sabi na lang ng binata. Nakita ni Joon ang biglang pag-aalala sa mga mata ni Steff pero agad din iyong
Bumalik na si Jimin sa loob at naabutan niyang nakatayo at nakatatanaw sa bintana si Joon. "Bro bihis ka na? hindi ka naman excited noh?" "Naiinip na ako at sobrang excited." Tumingala is Jimin sa dextrose na nasa uluhan niya, malapit ng itong maubos , marahil mga thirty minutes pa ay tapos na ito. "Konting tiis na lang mauubos na din, hindi kase pwedeng sayangin dahil may gamot yan"sabi niya sa kaibigan. "You know why Im excite diba?" sabi ni Joon. Nagulat si Jimin ng bigla itong humarap sa kanya. "Tell me Bro, is she really home?Is she really there ha...ha?" bakas ang pangamba at naghahalong takot sa mga mata ni Joon. "Bro, ilang ulit ko na bang sinabi kagabi, diyos ko halos magdamag tayo nagusap Bro paulit-ulit ang tanong mo." "Pasensya na bro, pero paki sampal nga ako, paki sikmuraan na din. Para kase akong nananginip. Did she really came home noong sabihin mong naaksidente ako? Does this means mahal nya pa rin ako ha Bro?" "Hindi ko masasagot yan Bro, but the way she
Kinabukasan sa araw ng discharge ni Joon, kinausap ni Steff ng masinsinan ang kapatid sa pagpapanggap na gagawin. Ibinilin niya sa kapatid na huwag na huwag magbabanggit sa nangyari sa nakaraan lalo na ang tungkol sa kanila. Kinausap din steff ang mga tauhan sa Bar na huwag magbabanggit ng mga nakaaraang issue. Maging isang tanong at isang sagot lamang ang mga ito lalo na kapag nakita nilang nalilito si Joon. Pakapananghali ay nagpunta naman si Steff sa resort at hinanap ang magasawang katiwala ni Joon at ang ilang tapat na tauhan nito. Matagal na ang mga ito sa amo kaya kailangan niyang kausapin dahil tiyak na meron at merong hindi makakatiis dahil tapat ang mga ito kay Joon. Halos maiyak ang magasawa katiwala ng mga Villa nang malamang bumalik na siya. "Naku Ma'am Steff, mabuti naman at balik na kayo. Diyos ko kaawa awa na ai Sir Joon kung alam nyo lang." sabi ng mga ito. "Opo manang, humihingi po ako ng tawad sa inyo dahil sa hindi namin pagkaka intindihan ni Joon noon, pero