Share

Chapter 80.1

last update Last Updated: 2025-02-17 19:02:59

Chapter 80: Paghahanap ng pera

ANG HANGIN SA LOOB ng office ay puno ng tensyon, parang isang laban na walang baril at bala, kundi apoy ng sagupaan sa mga mata nina Jaxon at Lito.

"Ibalik mo ang mga antique na 'yan." Matapos ang mahabang katahimikan, sa wakas ay nagsalita si Jaxon. Malamig at matalim pa rin ang kanyang mga mata at ang tono ng kanyang boses ay nanatiling matigas at hindi maaaring suwayin—tulad ng nakasanayan bilang isang CEO.

"Paano mo nagagawang gawin ito? Hindi mo ba mahal si Skylar? Ikaw mismo ang nagsabi na hindi mo hahayaang magdusa siya o dumanas ng anumang hirap. Kinasal na kayo, bakit hindi mo siya bigyan ng isang marangyang kasal?"

Galit na galit si Lito, nakakunot ang noo at halos lumipad ang kanyang laway sa sobrang pagsasalita. Talagang nagngingitngit siya sa galit.

"Huwag kang masyadong magalit. Ang ibig kong sabihin, sapat na ang bride price na tiara at ang wedding gown."

Sa malamig ngunit kalmadong boses ni Jaxon, unti-unting humupa ang galit ni Lito. Nan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   343

    Chapter 343Hindi bumaba si Audrey para kumain ng tanghalian. Nagkulong lang siya sa kwarto at umiiyak. Pagkatapos umiyak, saka pa lang siya unti-unting kumalma. Pero sa isipan niya, paulit-ulit pa ring lumilitaw ang itsura ng kanyang ina, nakadilat ang mga mata, puno ng galit, at parang ayaw pumikit kahit kailan.Tinawag siya ng mga kasambahay para kumain at ilang beses siyang kinatok, pero hindi siya tumugon. Maging ang butler na mismo ang umakyat para kausapin siya, pero parang wala siyang narinig.Habang nag-aalala ang buong pamilya Lin sa kalagayan ni Audrey, dumating si Harvey.Agad siyang sinalubong ng butler na parang nakakita ng tagapagligtas. "Sir, buti andito na kayo. Pakiakyat niyo naman at tingnan ang eldest lady. Ilang oras na siyang nakakulong sa kwarto at hindi pa kumakain. Kinatok ko na pero hindi ako pinansin. Sobrang worried na ako."Lalong bumigat ang pakiramdam ni Harvey sa narinig niya. Tumango siya. "Sige, aakyat ako."May surveillance system sa buong bahay at k

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   342

    Chapter 342Kinabukasan ng libing ni Madison ay Sabado, at siya rin ang araw ng libing ng kapatid ni Harvey. Maagang nagising si Jaxon para dumalo sa isang business party, at nagkayaya na kay Yorrick.Gaya ng nakasanayan, bago umalis si Jaxon ay yumuko siya para halikan si Skylar sa labi, saka maingat na kinumutan ito. Saka siya tahimik na umalis.Pagkasara ng pinto, agad dumilat si Skylar. Ramdam pa niya ang init ng halik ni Jaxon. Hinawakan niya ang labi niya, walang kabog ng dibdib, walang pamumula ng pisngi, pero puno ang puso niya ng tahimik na ligaya.Naupo siya sa kama, nakatulala sa kaligayahang nadarama, nang biglang tumunog ang cellphone sa tabi ng kama. Nasa screen ang pangalan ni Harvey. Agad niya itong sinagot, iniisip na ito na ang tawag para sabihin ang oras at lugar ng libing.“Ten o'clock in the morning, eastern suburbs? Okay, got it.”May espesyal na damdamin si Skylar para sa kapatid ni Harvey. Kahit hindi pa niya ito nakilala, nararamdaman niyang mabuti ang puso ng

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   341

    Chapter 341Naramdaman ni Winona ang malamig na presensya ni Audrey habang papalapit ito sa kanya. Noon lang niya nakita si Audrey na ganito katapang, at doon niya naalala ang bansag dito noon, Queen Audrey. Hindi niya naisip na ganoon pala talaga ito kalakas ang dating. Dati kasi, palaging mukhang lugmok si Audrey tuwing nakikita niya ito, kaya inakala niyang madali lang itong paikutin.Pero ngayong kaharap na niya ito, ramdam niya ang tensyon sa bawat hakbang ni Audrey. Nang marating siya nito, dahan-dahang yumuko si Audrey at bumulong sa malapit sa mukha niya."Alam ko ang gusto mo, Winona. Gusto mong magpatayan kami ni Skylar. Gusto mong pareho kaming mamatay para mawala kami sa landas mo. Pero sorry, hindi mo makukuha 'yon. Kahit pa galit na galit sa akin si Skylar ngayon, hindi ko siya lalabanan. Mas gusto kong mamatay ka sa inggit sa tuwing nakikita mo kaming buhay at magkasama.”Natigilan si Winona. Alam ni Audrey ang plano niya. Akala niya, dahil sa pagkamatay ni Madison, mag

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   340

    Chapter 340Inaasahan ni Skylar na darating si Harvey para kunin ang urn ng kapatid niya, kaya agad siyang nagbihis at bumaba para salubungin ito. Pagdating niya sa ibaba, nadatnan niyang nakaupo si Harvey sa sala, kalmado habang umiinom ng tsaa, parang hindi apektado sa pagkamatay ni Madison.Medyo kumunot ang noo ni Skylar. Hindi niya maintindihan si Harvey. Mabait ba siya o masama? Kung masama, bakit siya may mga lihim na mabubuting ginagawa? Pero kung mabait, bakit parang wala lang sa kanya ang pagkamatay ng babaeng halos dalawampung taon siyang pinalaki?"Di ka ba nakatulog nang maayos kagabi?" casual na tanong ni Harvey nang mapansin ang eyebags ni Skylar."I'm a murder suspect now. If you were me, would you sleep well?"Eleganteng bumaba si Skylar sa hagdan, bahagyang nakangiti, pero malinaw na obserbado niya si Harvey."Kung inosente ka, wala kang dapat ikabahala." Malumanay niyang sagot sabay iwas ng tingin, halatang iniiwasan ang masyadong mapanuring mga mata ni Skylar.Umup

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   339

    Chapter 339Nang tumingin si Skylar kay Audrey, napansin niyang nakatitig din ito sa kanya.Kung tutuusin, ilang araw lang naman mula nang huli silang magkita, pero ngayong araw ay tila ibang-iba na si Skylar sa paningin ni Audrey. Malaki na ang tiyan nito, mas bilog at halatang lumaki na kumpara noon. Dati, laging maluluwag na damit at paldang mahahaba ang suot ni Skylar para itago ang tiyan niya.Habang nakatitig sa tiyan ni Skylar, hindi maiwasan ni Audrey na balikan ang nakaraan.Noong estudyante pa sila, labing-pito o labing-walo lang ang edad nila noon, magkaibigan silang kinaiinggitan ng marami. Katulad ng ibang matalik na magkaibigan, madalas nilang pag-usapan ang pangarap na magpakasal at magkaanak balang araw.Isang tag-araw, habang nakaupo sila sa duyan sa hardin, tinitingala ang mabituing langit, may hawak na ice cream at walang pakialam sa mundo, sinabi ni Skylar, "Audrey, best friend kita. Ayokong magkalayo tayo kahit kailan. Sayang, hindi ako lalaki. Kung lalaki lang ak

  • The Forced Wife of the Ruthless Billionaire   338

    Chapter 338Hindi pa kailanman napahinto si Skylar ng pulis sa daan, kaya nang may dalawang police car na humarang sa unahan at likuran niya, nagulat siya.“Anong nangyayari? Anong ginagawa ng mga pulis na ’to? May lakas pa silang loob na harangin ang sasakyan ng asawa ni Jaxon Larrazabal? Gusto ba nilang mamatay?” galit na sabi ni Xalvien. Si Jun ang nagmamaneho ngayon at nakaupo siya sa tabi ni Skylar bilang personal na bodyguard.Kumunot ang noo ni Skylar habang pinapanood ang isang pulis na lumapit at kumatok sa bintana ng sasakyan. Nang bumaba ang bintana, agad ipinakita ng pulis ang kanyang ID.“Mrs. Larrazabal, ako ay mula sa Criminal Police Brigade. Pinaghihinalaan kayong sangkot sa isang kaso ng pagpatay. Pakiusap sumama po kayo sa istasyon ng pulis.”“Kaso ng pagpatay?” Lalo pang kumunot ang noo ni Skylar, parang narinig niya ang isang kwentong kathang-isip. “Sir, baka nagkamali kayo ng tao. Wala akong pinatay.”Umiling ang pulis. “Hindi po. Bigla pong namatay si Ms. Madison

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status