Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2023-11-15 21:59:35

Nasa loob na ng Laluna cafe si Margaux ay palinga-linga siya upang hanapin ang kinaroroonan ng mga kaibigan niya. Nakita niya si Janice na kumakaway ito sa kanya na kasama nito si Rheanna. Nakaupo ang mga ito malapit sa veranda ng nasabing café. Hinakbang niya na ang kanyang mga paa upang tumungo roon sa kinaroroonan ng mga kaibigan.

"Anong pag-uusapan natin?" Bungad niya agad ng nakalapit na siya rito.

"Maupo ka kaya muna at kumain." Sabi ni Janice. "Order na rin kami ng food para sa'yo bakla."

Naupo siya sa katapat ng inuupuan ni Rheanna. "Alam n'yo naman palagi akong busy."

"Iwan ko 'to kay Janice may sasabihin daw siya sa atin. Kaya napasugod na rin ako dito." Sambot ni Rheanna.

"Kumain kaya muna tayo. Mas excited pa kayo kaysa akin." Nakangising turan ni Janice, pinagpatuloy ang pagkain nito.

Tinaasan niya lamang ng kaliwang kilay ang mga ito. S******p niya ang straw ng pineapple drienks niya atsaka kumuha ng maliit na slice ng lecheplan.

Maya't maya "So, tell us Janice, what's the matter?" Si Margaux na pinupunasan ang gilid ng bibig gamit ang tissue napkin.

Maluwang na ngiti ang nakapaskil sa mga labi ni Janice, tila pati ang mga mata nito ay nagningning.

"Janjaran... Im engaged already." Ani Janice habang pinapakita ang kamay niya na meron sa singsing nakasuot sa palasingsingan nito.

"Congrats bakla, " ani Margaux masaya siya para sa kaibigan. Sa wakas nakatagpo na ito ng lalaking makakasama niya.

"Congrats bakla, dapat i-celebrate natin 'ya." Si Rheanna na masaya rin para kay Janice.

"So, who's the lucky guy?" Kapagkuwan tanong ni Margaux.

"Hoy, bruha sino namang malas na lalaking nakatisod sa puso mo?" Segunda naman ni Rheanna.

Ngumiti siya. "Basta bridesmaids at maid of honor kayong dalawa, okay?!"

"Sureball," si Margaux.

"Hey, who's the guy? " naiintriga pa rin tanong ni Rheanna.

"Welson Granada," nakangiti pa rin sagot ni Janice.

Nang marinig ni Margaux ang pangalan ni Welson. Bigla na lamang siyang nabulunan at napaubo. Dali-dali siyang uminom ng drinks niya.

Si Rheanna naman naibuga nito ang pagkain na laman ng bibig nito. Atsaka ipinukol nito ng tingin si Margaux.

Simula high school kasi magkaklase at magkaibigan na sila ni Rheanna at alam din nito na simula high school pa lamang sila ay magboyfriend na sila ni Welson. Alam din ni Rheanna na first love at first boyfriend niya ang binata kaya nga umabot sila sa sampung taon na magkarelasyon.

Si Janice naman noong college sila naging magkaibigan. Magkaklase sila dahil iisa lang ang kurso nilang tatlo at madaling nagpalagayan ng loob.

"Parang hindi kayo masaya para sa akin, " si Janice na nakasimangot at tila nagdaramdam.

"Syempre bakla, masayang-masaya kami para sa'yo." Si Rheanna. "Tama ba ang narinig ko? Welson Granada ang pangalan ng fiancé mo bakla?"

Gusto niya tuloy batukan si Rheanna. Inulit pa talaga eh. Inapakan ni Margaux ang paa nito na nasa ilalim ng mesa. Para patahimikin ito at baka ano pang kadaldalan ang lumabas sa bibig nito.

"Welson Granada nga, iisang school lang kayo noong high school di ba?" Ani Janice. "Kilala mo siya Bakla?" Tanong nito kay Margaux.

Ngumiti si Margaux ngunit hindi iyon abot sa mga mata niya. "Hindi ko siya kakilala." Sagot niya.

"Pero iisang school lang kayo noon." Giit na tanong ni Janice.

"Hindi ko talaga siya matandaan bakla." Kung nakakamatay lang ang pagsisinungaling malamang nakabulagta na siya sa sahig sa mga oras na'to.

"Oo nga bakla baka ahead lang siya sa amin o 'di kaya naman hindi nagkita ang mga landas namin noong high school." Segunda naman ni Rheanna.

Tumayo si Margaux mula sa upuan na inuupuan niya, atsaka kinuha ang bag niya. "Paano mauuna na ako sa inyo." Paalam niya rito sa mga kaibigan.

"Hindi mo pa nga naubos 'yong food mo atsaka marami pa akong ikukwento sa inyo ni Rheanna." Protesta ni Janice.

"Marami pa akong gagawin sa office. You knew naman my business trip ako." Aniya.

"Basta huwag ka mawawala sa kasal ko bakla." Si Janice.

"Sure, padalhan mo ako ng wedding invitation sa kasal n'yo."

"Ofcourse kayo pa! Malakas kaya kayo sa akin." Ani Janice.

"I'll really have to go na." Paalam niya sabay layas na.

Habang palabas ng Laluna Café si Margaux pigil ang mga luhang nagbabadyang umalpas sa mga mata niya. Kanina pa niya gustong umiyak sa sakit at sama nang loob na naramdaman niya. Paano ni Welson nagawang lokohin siya. Ten years she's spend in their relationship. How come nagawang lokohin siya ng kasintahan gayong hindi naman siya nagkulang dito bilang kasintahan nito.

Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya nang tingnan niyon ay message mula kay Rheanna.

"Are you okay?" Tanong ni Rheanna sa text message nito.

"Yeah, Im okay." Reply niya.

"You'll need a crying shoulder? Available ang balikat ko." Si Rheanna.

"Did you tell her about Welson and Me?" Tanong ni Margaux.

"Why I'll should to tell her? But how come Welson do that? He never think about you." Si Rheanna.

"If you told her about... I well kill you. May be sila ang nakatadhana." Reply niya.

"Destiny? Bakla what about you? You're spending ten years. Anong balak mo? Sasabihin mo kay Janice ang tungkol sa inyo ni Welson?"

"I don't know, magulong-magulo pa ang isip ko ngayon." Reply niya.

Bigla na lang napatras si Margaux ng may biglang may malakas na busina ng kotse. Dahilan na nawalan siya ng balanse at nabagsak niya ang puwetan niya banda. Hindi naman siya gaanong nasaktan. Subalit natapunan ng pineapple juice ang damit na suot niya.

SAMANTALA nakaupo sa mahabang sofa si Calyx nang mga sandaling iyon habang nakatutok ang mga mata sa broadcaster ng nasabing tv station. 'Ni hindi niya namalayan na kalapit na rito si Desmond.

"Baka sa sobrang titig mo sa kanya magiging yelo 'yan at bigla na lang din matunaw dahil sa mainit mong mga titig." Sambot ni Desmond, binigyan siya nito ng beer in canned.

Lumingon siya rito sabay kuha ng beer na inaabot nito. "Thanks bro."

"Mukhang hindi ka pa naka-move on kay Miss Ayesha?" Nakangiting tanong ni Desmond, naupo ito sa kabilang panig ng sofa.

Binuksan niya ang canned beer atsaka uminom. "Naalala ko lang siya dahil nagkataon na siya ang nasa news cast ngayon." Nakangising sagot ni Calyx.

"Nagkataon o inabangan?" Nakangisi ein tanong ni Desmond.

"It's been a long years, bro. Past is past." Lumagok siya ng beer mula sa beer in canned na hawak niya.

"So why you should to get married bro?" Nakangising tanong uli ni Ed tila isang abogado ito at isinasalang siya nito sa paglilitis.

"Why, I should?"sabay turo niya sa sarili. "Ugok ka talaga bro, itanong mo rin kaya 'yan sa sarili mo." Natatawang saad ni Calyx.

Paano niya bang makakalimutan ang babaeng pinaniniwala siyang mahal siya nito. Ang babaeng unang minahal niya at ang dahilan ng unang pagkabigo niya. But thank you very much to this lady dahil kung hindi sa kanya, hindi sana siya ngayon marunong makikipaglaro sa mga babae. Anyway ang mga babae ang lumalapit sa kanya. Ika nga sa kasabihan kapag pagkain na ang kusang lumalapit, eh, 'di kakainin. Bakit ka pa tatanggi sa grasya. 'Di ba? Natigil sa pagmuni-muni si Calyx ng tumunog ang cellphone niya nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ang kanilang manager.

"Si Manager Ignacio, " aniya kay Desmond. "Sasagutin ko muna 'to bro."

Tumango naman si Desmond.”Go ahead.”

Nang matapos si Calyx makipag-usap kay Manager Ignacio. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo.

"I need to go. Pinapatawag ako ni Manager Ignacio, bro."

"Go ahead bro, baka masabon ka pa nun." Nakangising turan ni Desmond.

Tumungo na si Calyx ng parking area kung saan naka park ang Red Ferrari niya. Nang nasa tapat na siya ay kaagad siyang pumasok at i-start ang makina ng kotse pagkarapos sumibad na siya patungong Makati.

Habang tumatakbo ang kotse ay malakas ang musikang tumutogtog na nagmumula sa mini stereo ng kotse niya. Nang binabaybay niya na ang kahabaan ng Ayala may babaeng bigla na lang lumitaw sa poste ng traffic lights at may balak na tumawid. Napahigpit ang hawak ni Calyx sa manobela sabay hawi ng kotse pakaliwa. Mabuti na lang at 'di gaano naggitgitan ang mga sasakyan at 'di ma traffic. Subalit hindi siya puwedeng huminto dahil nasa alanganin siya.

Balak yata magpakamatay at mukhang idadamay pa ako. Pabulong-bulong na sabi ni Calyx habang tinitingnan ang dalaga sa side view mirror ng kotse niya. Hindi naman napaano iyon maliban lang sa napaupo ito sa sementadong daan.

Narating ni Calyx ang building ng ABC, tuloy-tuloy na siya sa 5th floor. Nadatnan niya si Lea ang secreatary ni Manager Ignacio, abala ito sa harap ng computer. Kumatok siya ng tatlong buses sa dahon ng pinto kahit na nakabukas naman iyon.

"Hey, Lea." Para kunin ang presensiya nito.

Umangat ito ng mukha atsaka tumingin sa kanya. "Hey, pogi naligaw ka yata? 'Di ba nasa bakasyon ka?"

"May meeting ako kay Manager Ignacio."

"Nasa sariling opisina niya. Pasok ka lang don."

"Thanks pretty lady," aniya atsaka hinakbang ang mga paa niya. Subalit nakailang hakbang pa lamang siya ay sabay tumunog ang dalawang cellphone niya.

Bumalik siya sa table ni Lea. Tumikhim siya.

"Le, please answer my phone." Pakiusap niya sa kaharap. Pero tinaasan lang siya ng isang kilay nito.

"Please," nagpuppy eyes

pa siya.

"Naku, Calyx hindi mo ako madadala sa pa-cute mo." Nakangiting sabi ni Lea.

"Okay, I'll treat you a meal,"

"Good, akin na ang cellphone mo." Sabay lahad ng kanang kamay ni Lea. Inabot niya naman ang cellphone dito.

"Jamie Santos is on her way here." Gumawi ang tingin nito sa kanya.

Napakunot-noo si Calyx. Kagabi lang ay kasama niya si Jamie. They had a little thing going on between them and lately, she had been trying to put it on the next level.

Hindi pa siya nakapag-react patuloy na nambubolabog ang isa pa niyang cellphone. Si Carol another fling ang tumatawag.

"Hi, handsome." Namamaos ang boses ng kausap. Nanghaharot dapat ang dating niyon pero sa pandinig ni Calyx ay para itong hinihikang tigre.

"Well, hello there." Game pa rin naman siyang pumatol sa panghaharot ng kausap.

"I just got this itch. And I want you to scratch it."

He knew exactly what itch she referring to. "I'd love to oblige but that's going to be bit hard to do over the phone," sagot niya.

"Who's say I'd make you scratch my itch over the phone? I'm just a few minutes away from making my presence felt.In fact, the elevator is on the way."

Holy shit! Nataranta si Calyx. Palikero siya, oo. Medyo alam iyon ng mga babaeng umaaligid sa kanya, oo. Pero hindi pa nangyari na nagpang-abot sa iisang lugar ang mga babaeng kinakalantari niya. Ngayon pa lang kapag nagkataon.Naibalik na ni Lea ang cellphone sa kanya nang eksaktong bumukas ang pinto. Pumasok si Jamie, ang babaeng kagabi lang ay parang linta kung makakapit sa kanya. Sa hitsura pa lang, halatang balak uli ng babae na umastang parang linta. Ang paglalakad pa lang, nang-aakit na. To the left, to the right ang indayog ng balakang. Sadya ring pinapatalbog ang mabibilog na hinaharap na kaunting igkas pa sa suot na damit ay malamang mabuyangyang na sa madla.

Sa ibang pagkakataon ay hindi magdadalawang-isip si Calyx na patulan ang babae. Pero mahirap matukso kung alam niya na anumang sandali ay bubukas uli ang pinto at iluluwa ang ikalawang babae na may pagnanasa rin para sa kanya ang pakay. Talk about awkward moments. Posibleng magkalmutan pa kung minalas-malas siya na hindi maganda ang mood ng dalawang babaeng nakaambag na mag-aagawan sa kanya.

To Calyx horror, the door opened and Carol his other fling, confidently strode into the office. Kung puwede lang sanang bumuka ang sahig at lalamunin muna siya sandali. Bago pa maisip ni Calyx kung saan magtatago ay na-intercept na ni Lea, si Carol.

"Good morning ma'am. Welcome to our department." Hinawakan pa nito ang braso ni Carol para ipiling sa gawing kaliwa. Sinamantala ni Calyx ang pagkatalikod sa kanya ni Carol para giyahan papunta sa kabilang panig ng opisina si Jamie.

"Let me go. I came to see Calyx. Where are you taking me? " Naulingan ni Calyx ang pagprotesta ni Carol pero hindi na niya iyon pinansin. Ang importante ay makatakas muna siya. Ayaw niyang magkaroon ng komosyon sa opisina.

"You naughty boy. Where are you taking me, huh?" Kinurot pa siya ni Jamie sa tagiliran, walang kamuwang-muwang na gusto na niyang tumakbo sa pinakamalapit na kuweba para magtago.

"Sa coffe shop. " Tuluyan na siyang nawala sa mood.

"Ha? But I just had my coffe. " Halatang hindi iyon ang sagot na inaasahan ng babae.

"I haven't had mine. And you know me. Kape ang gasolina ko. Kung wala iyon, hindi ako aandar. " Tumaas-baba ang kanyang mga kilay, kunwari ay may tinutukoy na mahakay.

"Oh, we wouldn't want they, would we? Dapat ay maganda ang andar mo, " sagot ni Jamie na wala nang angal.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • WAY BACK INTO LOVE(Calxy Raider)   Finale Chapter-Xandy Raider

    “XANDY, magkukulong ka na lang ba rito sa loob ng kuwarto mo?” Tanong ni Mommy Margaux na pinagmamasdan siya na nakahiga sa ibabaw ng kanyang kama. Nitong mga nakaraan mga araw ay wala na siyang ganang lumabas ng bahay at sa kanyang kuwarto ay nanatili siya. “Ma, iwan n’yo muna ako.” Aniya nagtalokbong ng komot.“Bumangon ka na at may pupuntahan tayo.”“Kayo na lang, Ma. Ayoko sumama,” turan niya sa mahinang boses. “Pakisara na lang ng pinto kapag lumabas na kayo.”“Hey, Tita Xandy! Get up!” Ani Bianca sa medyo may kalakasan ang boses. Pilit na hinihila nito ang komot nakatalokbong sa kanya. “Puwede ba, tigilan na ninyo ako! Basta ayoko sumama,” naiinis turan niya na mas lalong hinigpitan niya ang pagkahawak sa komot. “Please, leave me alone.”“Tita, please…Promise magiging masaya ka pagkatapos nito,” malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Bianca. Naramdaman niya ang pagsampa ni Bianca sa ibabaw nitong kama. “Sige ka, pagsisihan mo kung hindi ka sasama sa ‘min.”

  • WAY BACK INTO LOVE(Calxy Raider)   Chapter 70-Xandy Raider

    “OH, MY GOD,” sabi ng Doctor mahihimigan ang pagla-shock nito. Narinig din niya ang pagsinghap ni Tita Isabel. Ilang segundo lamang ang lumipas, may dumaan sa tabi niya ang isa pang Doctor na nagmamadaling pumasok dito sa loob ng kuwarto ni Rod. Nilagpasan lamang siya nito. Naging slow motion ang paglingon ni Xandy roon sa kama na hinihigaan ni Rod. Tila hindi siya makakapaniwala sa kanyang nakikita. Ilang beses niya kinusot ang kanyang mga mata, sa inaakalang dinadaya lamang siya ng kanyang nakikita at dala lamang ng kanyang imahinasyon. Ngunit ang nakikita niya ay totoo. “Oh, my God. Tito Rod your back,” ani Bianca, unang nakahuma sa pagkabigla. Nanatiling nakatayo lamang si Xandy na nakatingin doon sa kamang hinihigaan ni Rod. Tila katulad siya sa kandila na itinulos doon mula sa kanyang kinatatayuan na hindi niya magawang kumilos ng kanyang mga paa. Pakiramdam niya ay biglang namanhid ang buong katawan niya, higit sa lahat natatakot siya na sa pagkurap ng kanyang mg

  • WAY BACK INTO LOVE(Calxy Raider)   Chapter 69-Xandy Raider

    NAGISING si Xandy, bumungad sa paningin niya ang apat na sulok na kulay puti, kulay asul na kurtina. She's must be dreaming. Pinilig niya ang kanyang ulo. This scenario was happening a months ago. When she's sick. But this is different. Iginala niya ang kanyang paningin sa loob ng kuwarto. Ganoon na lamang ang pagkadismaya niya ng hindi niya makita si Rod. “Rod,” mahinang usal niya sa pangalan ng lalaki. Kasabay ng mga mala butil niyang luha namalisbis sa kanyang pisngi. Nang maalala niya ang huling nangyari sa kanila ni Rod. Naaksidente sila at nagpagulong-gulong nahulog ang kotseng sinasakyan nila ng binata. Bumukas ang dahon ng pinto, iniluwa mula roon si Mommy Margaux. “Oh, God. Your awake already baby,” halos takbuhin nito ang distansya nasa pagitan nilang mag-ina. “May masakit ba sa’yo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?” sunod-sunod na tanong ni Mommy Margaux na hindi alam ang gagawin. Punong-puno ng pag-alala ang Ginang. Umiling si Xandy, pilit pinapakalma ang kan

  • WAY BACK INTO LOVE(Calxy Raider)   Chapter 68-Xandy Raider

    NARAMDAMAN ni Xandy ang ginawang pagbuhat sa kanya ni Rod at ang paglipat nito sa kanya rito sa kama. She's half asleep. Sa halip na sitahin ang binata sa ginawa nito ay nagkunwari na lamang siya na natutulog. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata at hinayaan na lamang si Rod. Ramdam niya rin ang mga titig ni Rod sa kanya. Para saan ang malalim nitong pagbuntong-hininga? Tila pasan nito ang mundo. Marahil naiisip nito na pabigat lang siya rito. Kung bakit kasi sa dinami-dami ng kotse naroon sa parking lot sa sasakyan pa siya ni Rod nagtago. Kapag minalas ka nga naman. Nakapag desisyon na rin siya na kapag nakarating na sila roon sa Caticlan ay mag kanya-kanya na lamang sila. Nang marinig niya ang mga yabag ng stewilas ng sapatos na papalayo. Kasunod noon ay bumukas-sumara ang dahon ng pinto na sinundan ng pag-click ng padlock ng pinto. Paunti-unting minulat ni Xandy ang kanyang mga mata ng makatiyak siya na wala si Rod dito sa loob ng cabin. Pinalipas niya muna ang

  • WAY BACK INTO LOVE(Calxy Raider)   Chapter 67-Xandy Raider

    MABILIS ang pagpapatakbo ni Rod sa kotse minamaneho niya, habang binabagtas ang kahabaan ng coastal road patungo sa pier ng Batangas. Bago siya umalis doon sa hotel ay tinawagan niya ang pinsan niyang Kapitan ng Cargo vessel na patungong Caticlan. Nang marating niya ang Batangas fort ay dumiritso niya pinasok ang sasakyan niya sa loob ng cargo vessel na siya na lang ang hinihintay bago ito lumarga. Paibis ng kotse si Rod nang mapansin niya na hindi lamang siya nag-iisa sa loob ng sasakyan niya. Diyata’t may nakasakay na ibang tao na hindi niya napansin. Mabilis siya lumabas ng kotse, atsaka binuksan ang pinto ng passenger's seat. “Xandy!” Gilalas niya nang mapagsino ang naki ride on sa kotse niya. Nakabaloktot ang dalaga sa likod ng driver seat. Kung kani-kanina ay gusto niya itong pipilitin sa leeg sa ginawang pagtakas ni Xandy sa engagement announcement party nila. Nagawa nitong ilagay sa kahihiyan ang kani-kanilang mga pamilya. Naggising si Xandy mula sa mababaw nitong t

  • WAY BACK INTO LOVE(Calxy Raider)   Chapter 66-Xandy Raider

    NANG BUKSAN ni Xandy ang main door ng boutique ay bumungad sa paningin niya ang mga petals ng mga red, pink and white roses na nagkakalat doon sa sahig sa daraanan niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa mga staff niya na nakatingin din sa kanya. Tahimik lamang ang mga ito habang nagmamasid sa kanya naglalakad papasok. Sinira niya ang dahon ng pinto, atsaka hinarap ang mga ito. “Sino ang may kagagawan ng mga iyan?” Tinuro niya ang mga petals ng mga bulaklak na nagkakalat doon sa sahig. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi nagsasalita. “Ano, magtitigan na lang ba tayo dito? Sinayang n’yo lang ang mga bulaklak na ‘yan. Isa pa dagdag pa ang mga iyan sa trabaho ni Mang Nestor.”Si Grace ang naglakas loob nagsalita. “Ma’am Xandy, dumiritso ka na lang sa loob ng opisina mo.” Nakangiti turan nito. “Go na, Ma’m Xandy.” Segunda naman ni Jaz, kinikilig pa ang bruha. Nagtaas siya ng isang kilay. “Kinikilig pa kayo, hah. Anong kalokohan na naman ang pinaggagawa ninyo sa office ko?”“

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status