
Vengeance of the Heiress
Pinagkatiwalaan. Minahal. Pero tinraydor.
Gumuho ang mundo ni Dari nang mahuli niyang magkasama sa kama ang kanyang asawa at kakambal. Sa sakit at galit, tumakas siya sa gabing puno ng dalamhati—at natagpuan ang sarili sa bisig ng isang estranghero. Si David Kranleigh, isang bilyonaryong CEO.
Isang gabing dapat ay malimutan. Pero hindi iyon basta nawala.
Sa pagtatangkang magsimulang muli, isang trahedya ang tuluyang sumira sa kanya—isang aksidenteng nagdulot ng kanyang pagkabulag. Wala nang saysay ang lahat. Hanggang sa muntik na siyang sumuko… at isang pamilyar na tinig ang pumigil sa kanya.
Si David.
Hindi siya nito nakalimutan. At sa pagkakataong ito, hindi na siya nito hahayaang mawala. Upang iligtas siya mula sa mga traydor, pineke ni David ang kanyang pagkamatay at dinala siya sa Australia para magpagamot.
Limang taon ang lumipas.
Ngayon, hindi na siya ang dating Dari Wilson. Bumalik siya sa mismong anibersaryo ng kanyang pekeng pagkamatay—hindi bilang biktima, kundi bilang isang babaeng uhaw sa hustisya. Sisirain niya ang mga taong sumira sa kanya. Babawiin niya ang lahat ng ninakaw sa kanya.
Ngunit isang sagabal ang hindi niya inaasahan—si David.
Ang lalaking hindi sumuko sa kanya. Ang lalaking handang ipaglaban siya. Pero kaya ba niyang pigilan ang galit ni Dari?
Sa laban ng pag-ibig at paghihiganti, sino ang mananalo?
Read
Chapter: Chapter Twenty-fiveSa labis na panginginig ni Dari matapos na naisaksak ang bitbit niyang tinidor sa mata ng kaniyang kakambal na si Riri ay nabitawan niya ito. “What did you do?!” sigaw sa galit ni Clark Nangangapang hinawakan ni Riri ang kaniyang kaliwa at duguan na mga mata habang humahagulhol sa pag-iyak. Sa tanong ni Clark ay naalala niya lahat ang hirap na dinanas niya sa kamay ng kanyang asawa at kakambal. Sa pagtataksil ng mga ito sa kaniya. Mapait siyang tumawa. “ Bakit, Clark? Hindi ba't kayo rin ang dahilan kung bakit ako nabulag no'n?!” nanghina ito sa kaniyang narinig, lingid sa kaalaman nito na umamin na si Manang Rosi sa naging kasalanan nito at kung sino ang nag-utos sa kaniya. “Oh bakit, natameme ka bigla? Nagulat ka? Alam ko na ang totoo, Clark. Don't you dare fvcking denied it!Napakasama niyo! Kasing sama kayo ng demonyo! She really deserves it!” galit na dagdag ng dalaga. “ Clark! Ang mga mata ko!” umiiyak na sigaw ni Riri at dali-daling binuhat ni Clark ang kasintahan nito pala
Last Updated: 2025-10-19
Chapter: Chapter Twenty-FourDinaan ni Dari sa tamang proseso ang pagbawi sa kaniyang kumpanya. May mga iilang mga empleyado ang nagsumbong sa kaniya sa mga katarantaduhan ng kakambal niyang si Riri. Malaki rin ang pinagbago ng kumpanya at medyo humina na rin ang marketing nila dahil sa pinanggagawa ng kakambal at sinisigurado niya na muling maibabalik niya ang dating kaayusan ng kumpanya. Lalo na sa mga nawawalang pundo at pagbaba ng marketing nila. “Bullshīt talaga ang babaeng iyon. Ninakaw niya ang kumpanya pero hindi naman niya nagampanan ng maayos ang responsibilidad niya!“ asik ni Dari sabay higop ng tsaa na si David mismo ang nagtimpla. Wala sa mansyon ang binata dahil may inaasikaso itong kliyente na mula pa sa Great Britain na lumuwas pa rito upang ma-meet ng personal si Dari Wilson. “You'll pay for what you did, Ri. You ruined everything lalo na ang kumpanyang pinaghihirapang itayo ng mga magulang natin para sa pansarili mong interes! Bakit naging kakambal pa kita!” dagdag niya pa, hindi maiwaglit
Last Updated: 2025-10-18
Chapter: Chapter twenty-threeNang mabalitaan ni David ang ginawa ni Dari sa kambal—si Riri at ang taksil nitong asawa na si Clark Santiago—malakas siyang tumawa."You really did it?" natatawang tanong niya kay Dari, na abala noon sa paghahanda ng annulment na isusumite ng kanyang abogado, si Atty. Llamares, sa korte. "Baka paghigantihan ka ng mga 'yon," dagdag pa ni David, sabay ngiwi."Wala akong pakialam, David. Gagawin ko ang parte ko para protektahan ang sarili ko. Handa akong labanan sila kahit mag-isa. Nagsisimula pa lang ako sa paghihiganti," mariing sagot ni Dari habang nananatili ang ngiti sa labi ni David."Ganiyan nga, Dari. Huwag kang magpapaapi sa mga 'yon. Iparamdam mo sa kanila na hindi ka na 'yong dating Dari na mahina at inosente. Ikaw na ngayon si Dari Wilson—malakas, matapang, at mapanganib. I will guide them to their f*cking death. I will never let them win. Ako dapat ang manalo sa labang ito!” taas-noong sambit ni Dari, punong-puno ng galit at determinasyon.“What’s your plan next?” mausisan
Last Updated: 2025-05-14
Chapter: Chapter Twenty-twoTinawag ni Dari ang assistant niya. “Miss, ibigay mo na ‘yung wine na inihanda ko para kay Mr. Santiago!”Agad na tumalima ang assistant at dali-daling kinuha ang mamahaling wine na galing pa sa Australia.“Here’s the wine, Ma’am.” Maingat itong inilapag sa desk sa harap ni Dari.“Good. Shut the door and stay outside. Ikaw lang ang gusto kong tao sa labas—no one else, okay?” matigas na bilin niya.Tumango ang assistant. “Yes, Ma’am,” sabay maingat na isinara ang pinto.Sunod-sunod na napalunok ng laway si Clark habang tinititigan si Dari—mula ulo hanggang paa, parang gutom na matagal nang kinikimkim.“I missed... every part of you,” bulong niya, paos ang boses. “Every damn part.”“D-Dari, stop…” nauutal na sambit ni Clark habang bahagyang niluwagan ang necktie niya. Hindi siya makahinga—hindi dahil sa init ng paligid kundi dahil sa babaeng nasa harap niya. Si Dari. Ang babaeng minsan niyang pinakasalan. Ang babaeng minsan niyang sinaktan.Ngayon, ibang Dari ang kaharap niya. Fierce. U
Last Updated: 2025-04-24
Chapter: Chapter Twenty-One “I’ll give her a warning,” malamig na sambit ni Dari, habang unti-unting sumilay ang mapanlinlang na ngiti sa kanyang labi. “A warning na hindi niya makakalimutan sa tanang buhay niya.”Saglit na katahimikan sa kabilang linya bago muling nagsalita si Ramsel, seryoso ang tono.“Okay, Ma’am Dari. I’ll update you later. By the way, nalaman ko mula sa sekretarya ni Mr. Clark Santiago na may appointment siya with one of your staff sa kumpanya.”“Meaning, you can proceed with your next plan.”Ngumiti si Dari—hindi ngiti ng tuwa, kundi ng isang taong may bitbit na apoy sa puso.Ang kanyang ex-husband. Si Clark.Siya naman ngayon.At kung anuman ang sakit, pagkadurog, at pagkalugmok na naranasan niya noon—dahil sa pagtataksil ng sariling kapatid at ng lalaking akala niya’y kasama niya habambuhay—ibabalik niya ito nang sampung beses ang sakit. Hindi lang basta-basta. Paiinumin niya ang dalawa ng sariling lason.“Perfect timing,” bulong ni Dari habang binaba ang tawag.This time, she wasn’t the
Last Updated: 2025-04-24
Chapter: Chapter TwentyKabanata TwentyTwo hours had passed.May tumawag na unknown number kay Dari. Napataas ang isang kilay niya habang tinititigan ang screen ng kanyang phone.“Sino na naman ’to?” bulong niya sa sarili. Maingat niyang pinindot ang answer button, medyo nag-aalangan.Isang pamilyar na tawa lang ang sumagot mula sa kabilang linya—mababa, may halong pang-aasar.Napairap si Dari. “Hoy! Kung sino ka man, ’wag mo ’kong pagtripan. Baka maaga mong ma-meet si Satanas!” inis niyang saad bago tuluyang ibaba ang tawag.Tooot.Padabog niyang inilapag ang cellphone sa tabi ng lampshade. Ngunit bago pa siya makalayo, muling tumunog ang telepono. Same number. Tumatawag ulit.Napamura siya. “Fvcking bullshït! Nakahithit ka ba ng droga, men? Langya, ’wag mong pagtripan, ugok ka!”Bumigat ang hininga ni Dari sa inis. Pero bago pa niya maibaba ulit ang tawag, muling narinig ang pamilyar na tawa. Mas malinaw. Mas nakakakilabot sa inis niya.“It’s me, David.”Napalunok ng laway si Dari. Putcha… siya nga.Tahim
Last Updated: 2025-04-24