LOGINBLURB, Napilitan si Nica Mae Romero na mamasukang katulong/ driver sa mansyon ng mga dela Cerna, kung saan namamasukan bilang family driver ang kanyang ama. Ngunit nagkasakit naman ang kanyang ama kaya kailangan nitong tumigil sa pagtatrabaho. Dahil sa marunong naman din siya at maalam sa mga sasakyan ay siya na ang kinuhang kapalit na driver, dahil na rin sa pakiusap ng kanyang ama at ng tiyahin niya na mayordoma sa mansyon. Sa pagpasok niya bilang katulong at driver sa mga dela Cerna, ay hindi niya inaasahan na mahuhulog ang loob niya sa kanyang among lalaki. Alam niyang hindi pwede ang kanyang nararamdaman, dahil nakatali na ang puso ng lalaking kanya ng minamahal. Paano niya mapipigilan ang kanyang damdamin kung sa araw-araw ay nakakasama n'ya ang lalaki? Papaano niya pa susupilin ang nararamdaman, kung alam niyang nahuhumaling na rin sa kanya ang amo niya? Magkaroon kaya ng happy ending ang nararamdaman nila para sa isa't isa, gayung kasal si Arnel kay Romary?
View MoreMakalipas ang mahigit isang taon na katatapos lang din ng bonggang kaarawan ng kambal nila Arnel at Nicka. Na ngayon naman ay magaganap na ang araw ng kanilang pag iisang dibdib.Sa loob ng simbahan ay naroon na ang groom at ang mga abay, naroon na rin ang pamilya ni Nicka at mga ninong at ninang nila sa kasal. Marami na ring bisita ang mga naghihintay sa pagdating ng bride. Ngunit lagpas na ng ilang minuto sa nakatakdang oras ng kasal ay wala pa rin si Nicka." Pare, ano ka ba? lakad ka ng lakad d'yan kanina pa, nahihilo na kami sayo nila Marvin." sitang wika ni Rodjun kay Arnel." Kinakabahan ako, Buenaflor. Bakit wala pa rin si Nicka?" pag amin niya sa mga kaibigan na pinagtawanan s'ya ng mga ito." Ngayon ka pa talaga kakabahan, Sisipot si Nicka sa kasal ninyo, darating s'ya kaya relax ka lang pare!" pagpapakalma ni Jasper kay Arnel." Baka kase natrapik lang o kaya na late ng alis sa bahay ninyo, kaya hanggang ngayon ay wala pa. Importanteng araw ito para sa inyo ni Nicka kaya si
Sa sementeryo kung saan nakalibing ang katawan ni Kyline ay nagtungo si Arnel at Nicka upang dalawin ang puntod ng namayapang panganay na anak ni Arnel. Hindi na muna nila isinama ang kambal at iniwan na muna ang kanilang anak sa yaya ng mga ito na si Annalyn. Ang kasambahay ni Nicka noon sa bahay sa Antipolo na tinirahan niya nung buntis pa siya, dahil sa kilala at malapit na rin kay Nicka ang babae ay ito na ang kinuha nilang yaya ng mga anak nila.Kaarawan ni Kyline, kaya nagpasamang dumalaw sa puntod ng anak niya si Arnel kay Nicka. Sa kauna- unahang pagkakataon ay naisama na rin ni Arnel si Nicka sa pagbisita sa libingan ng kanyang anak.Pagkarating nila roon ay agad na nilinis ni Arnel ang lapida sa puntod. Inilapag ang dala nilang bulaklak at sinindihan ang dalawang kandila. Tahimik na umusal ng dasal para sa kaluluwa ng panganay niyang anak, ganoon rin si Nicka na umusal din ng panalangin para sa kaluluwa ni Kyline na anak ng lalaking mahal n'ya at kapatid ng kanilang kambal
Mabilis na lumipas ang araw, nakalabas na ng ospital si Nicka at ang kambal. Hindi na sila umuwi ng mansyon dahil sa bagong ipinagawang bahay ni Arnel sila nito itinuloy. Surprised gift ni Arnel para kay Nicka at pasasalamat sa pagsasakripisyo ng dalaga ng dahil sa kanya at sa kambal nila.Ang sabi ni Arnel kay Nicka ay pinasimulan nito ang pagpapagawa ng bahay malapit lang sa kumpanya nung malaman nito na buntis siya. Dahil gusto ni Arnel na iwanan na sa mansyon ang mga hindi magagandang ala-ala na kasama pa nito ang unang naging pamilya. Naisip ni Arnel na hindi maganda ang vibes ng mansyon nila dahil noon pa man ay hindi na maganda ang naging pagsasama ng magulang niya nung bata pa siya.Binatilyo pa lang si Arnel noon ng mamatay ang mommy n'ya at hindi pa man sila nakakapagbabang luksa ng magdesisyon ang kanyang daddy na iuwi sa mansyon nila ang babaeng ipinalit nito sa kanyang mommy at doon niya rin nalaman na may dalawa na pala itong anak sa labas sa naging madrasta niya na si M
Samantala sa malaking bahay bakasyunan ni Gabriel sa Batangas, kung saan niya itinago si Romary. Kakagising lang ng babae at kalalabas lang din ng banyo ng mapasukan niya itong nakasuot pa rin ng pantulog.Sa loob ng ilang buwan na pagpapatherapy ni Romary ay maayos na muli ang kanyang paglalakad at nakabalik na sa dating pananamit, sa kung paano siya noon pumustura, pero hindi pa rin bumabalik ang kanyang alaalang nawala. Nung una ay nahirapan din sa Gabriel kay Romary Gail na papaniwalain ito na may mutual understanding na nga silang dalawa, bago pa man ito biglang nawala. Hindi kase mapaniwalaan ni Romary ang mga sinasabi at ipinapakitang proof sa kanya ni Gabriel na mga photos at videos na magkasama silang dalawa, pero alam ni Romary sa kanyang sarili na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Gabriel nung makita pa lang niya ito sa mansyon nila Arnel.Naging maalaga naman kay Romary si Gabriel at nararamdaman ni Romary na may malalim na pagkagusto talaga sa kanya ang lalaki na
Umalis si Arnel sa condo ng hindi natapos ang pag- uusap nila ni Romary. Mas mahalaga sa kanya na makaharap at makausap na muna si Diaz, upang alamin kung ano ba talaga ang kaugnayan nito kay Romary at kung bakit nais siya nitong kausapin.Habang nasa byahe pa si Arnel ay nag message sa kanya ang kai
Kasalukuyang nanonood ng tv sina Romary at sina Lolo Lando at apo nitong si Nene habang si Hilda naman ay naghahanda na ng lulutuin niyang pang tanghalian nila.Mag aalas onse na rin kase ng umaga ng mga oras na yon. Kanina ng magising si Hilda ay nagpaalam itong mamimili na muna sa supermarket na na
Araw ng sabado at wala naman pasok sa kumpanya ngayon nila Arnel. Sobrang antok pa ang lalaki ngunit kinukulit naman na siya ni Nicka na mag check out na sila dahil kailangan daw ng dalaga na balikan na ang pamilya nito sa resort. Nakailang call at message na raw kase ang kapatid ni Nicka na si Andr
Pagkapasok pa lang nila Arnel at Nicka sa room nila ay hindi na nila sinayang pa ang oras. Sa pintuan pa lamang ay para na silang mga uhaw sa labi ng isa't- isa.Nakayapos sa leeg ni Arnel ang mga braso ni Nicka habang ang mga kamay ni Arnel ay parehong nakahawak sa baywang ng dalaga.Marubdob at maal



![Tainted Obsession [TAGALOG]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore