author-banner
A.N.J
A.N.J
Author

Novels by A.N.J

Pinikot Ko Si Ninong Axel

Pinikot Ko Si Ninong Axel

"Ang Lihim ng Pusong Ipinagbabawal" Akira Quezon, mas kilalang Kira, ay isang dalagang may matamis na ngiti at pusong tapat. Sa kabila ng kanyang kabataan, isang lihim na pag-ibig ang matagal na niyang kinikimkim — isang damdaming itinakda ng tadhana ngunit ipinagbabawal ng lipunan. Ang kanyang puso ay patuloy na tumitibok para kay Axel, ang kanyang gwapong at misteryosong Ninong, na sa kabila ng kanyang 40 taon ay nananatiling makisig at mapanukso. Ngunit sa bawat titig at lihim na ngiti ay nagkukubli ang isang masalimuot na nakaraan. Si Axel ay isang lalaking tila binabalot ng anino ng kanyang sariling mga sikreto. Sa pagitan ng kanilang mga tahimik na sulyap at hindi maipaliwanag na paglalapit, bumabalot ang tanong — hanggang saan kayang ipaglaban ang isang pagmamahal na labag sa lahat ng nakasanayan? Habang unti-unting nahuhubaran ang mga lihim, matutuklasan ni Kira na ang lalaking kanyang iniibig ay may mga sugat ng kahapon na pilit niyang tinatago. Sa pagitan ng katotohanan at pagnanasa, kailangan nilang harapin ang kanilang mga kinatatakutan. Magtatagumpay ba ang pagmamahal nila, o tuluyan silang malulunod sa mga anino ng nakaraan?
Read
Chapter: Chapter 25
Chapter 25 "Sa wakas natagpuan din kita, bunso..." Mahinang sabi ng estrangherong si Lucien, halos pabulong, at hindi ko ito agad narinig. "Excuse? Anong sabi mo?" tanong ko, takang-taka. Kumunot ang noo ko habang pilit inaalala kung tama ba ang dinig ko. Ngumiti lang siya. Isang ngiting may laman. "Nevermind," sagot niya. "Uwi ka na. Masyado ka nang matagal dito." Bago pa ako makapagsalita muli, tumayo siya, itinapon ang basyo ng kape sa basurahan, at nagsimulang maglakad palayo. Hindi man lang lumingon. Parang may kung anong bumigat sa dibdib ko habang sinusundan ko siya ng tingin. Sa bawat hakbang niya, tila ba may iniwang tanong sa utak ko na walang kasagutan. Bunso? Hindi ko alam kung bakit pero tumindig ang balahibo ko. May kung anong misteryo sa presensya niya—mainit, malamig, nakaka-aliw pero delikado. Hindi ko siya kilala, pero pakiramdam ko… konektado siya sa isang bahagi ng buhay kong matagal ko nang kinakaligtaan. Napatingin ako sa orasan. Hatinggabi na. Napag
Last Updated: 2025-05-02
Chapter: Chapter 24
Chapter 24Akira POVParang may humila sa puso ko pababa. Biglaan. Walang babala."Fiancée?"Ang salitang 'yon ay tila sumabog sa pagitan naming tatlo, ngunit ang pinakamasakit—walang pagtutol na nanggaling kay Axel. Wala man lang siyang ipinaliwanag. Walang kahit anong pagtanggi.Napangiti ako, pilit. Ganoon pala.Isang gabi lang pala akong babae sa paningin niya. Sa umaga, muli akong naging inaanak… isang bata… isang lihim na kailangang itago sa likod ng isang pekeng engagement.O totoo ba talaga?Totoong siya ang pinili niya?At ako? Laruan lang sa isang gabing puno ng kasalanan?Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa galit, sakit, o selos na unti-unting sumisingaw mula sa dibdib ko.Napatingin ako kay Grace. Napakaganda niya, elegante, at walang bahid ng pagkabasag sa presensya niya. Samantalang ako… suot pa ang shirt ni Axel, mukhang babae mula sa isang gabing hindi dapat nangyari.“Excuse me…” mahinang bulong ko, bago ako mabilis na lumakad paakyat sa hagdan.
Last Updated: 2025-04-30
Chapter: Chapter 23
Chapter 23Humigpit ang kapit niya sa akin habang unti-unti kong hinahalikan ang kanyang balat—mainit, malambot, nanginginig sa sabik at kaba. Ang bawat daing niya, bawat haplos, ay parang musika sa pandinig kong matagal nang nananahimik.Hindi na ako nagtanong kung sigurado siya. Ramdam ko sa bawat paghinang ng kanyang labi sa akin, sa bawat pagbuka ng kanyang katawan sa init ko, na matagal na rin niyang tinatago ito—ang pagnanasang ipinagbabawal ngunit hinahanap-hanap.Dahan-dahan kong hinubad ang bawat saplot na nagpapagitna sa amin. Wala ni isa mang salitang binitiwan, pero ang mga mata niya… nagsusumamo, nagtitiwala.“Angkinin mo na ako, Axel…”Mababa ang tono niya, pero tumama iyon sa kaibuturan ng pagkatao ko. Wala na akong rason para magpigil. Ako na ang lalaking matagal niyang hinintay. At siya na ang babaeng isinumpa kong hindi ko gagalawin—hanggang ngayong siya na mismo ang nag-alay sa akin ng sarili.Pinagdugtong kami ng dilim. Pinagsama ng kasalanan. At ngayong gabi… kami
Last Updated: 2025-04-25
Chapter: Chapter 22
Chapter 22 Axel POV Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi ko alam kung paano ko napigilang huwag siyang titigan—mula pa noong pumasok siya sa bahay na ito, tila may kung anong bumalik sa dibdib ko. ‘Yung matagal ko nang tinapakan para hindi umusbong… pero ngayong narito na siya, mag-isa, malapit—masyadong malapit—parang imposibleng hindi sumabog ang lahat ng pinipigil ko. Tahimik siya. Nanginginig ang kamay habang hawak ang tasa. Pero ‘yung mata niya… nanunumbalik ang alaala ng batang kilala ko noon. Pero hindi na siya bata. Lalo na ngayong 25 na siya. Lalo na ngayong… ganito na ang nararamdaman ko. Napalunok ako. Pinikit ko ang mata, pilit inaayos ang tibok ng puso kong parang hayop na gustong kumawala. Pero isang tingin lang ulit sa kanya, sa mga labi niyang nanginginig… sapat na. Wala akong ibang narinig kundi ang ihip ng hangin. Wala akong ibang nakita kundi siya. Wala akong ibang naramdaman kundi ang udyok na… “Akira,” mahina kong tawag, halos isang bulong. Napalingon siya
Last Updated: 2025-04-16
Chapter: Chapter 21
Chapter 21 Napakagat ako sa labi habang pinipilit huwag magpahiwatig ng kaba. Ramdam kong nanginginig ang kamay ko kahit nakaipit lang sa hita ko. Ang mata ni Ninong Axel—tahimik, malalim, at para bang tinatagos ang kaluluwa ko—ay hindi umaalis sa akin. “Wala naman po,” sagot ko, pilit na may ngiti. “Talagang nagkataon lang, kaya kami napadaan.” Tahimik lang siya. Hindi ko alam kung naniniwala siya o alam niyang nagsisinungaling ako. Tumikhim siya, saka sumandal sa sofa, pinagsalikop ang kanyang mga daliri. “Matagal na tayong hindi nagkikita, Akira. Pero ngayong nandito ka… hindi ko maiwasang mapansin na parang may gustong sabihin ang mga mata mo.” Napalingon ako sa gilid, pilit na iwas sa tingin niya. “Siguro po pagod lang talaga ako.” Tumango siya. “Baka nga.” Tahimik ulit. Tanging tik-tak ng orasan sa dingding at mahinang ugong ng aircon ang naririnig. Kung may sumigaw man ng ‘umamin ka na,’ baka hindi ko na rin kinaya. “Pero kung sakaling may gusto kang sabihin…” patuloy
Last Updated: 2025-04-16
Chapter: Chapter 20
Chapter 20Akira POV"Jane, pumunta muna tayo sa mansion ni Ninong Axel," wika ko sa aking kaibigan."Sus, sabihin mo lang ma gusto mo lang siya makita. Hay naku Kira, wag ako. Sa edad nating 25 ay alam ko na ang tumatakbo d'yan sa kukuti mo," irap niyang sabi."Shhhh..... Himaan mo yang boses mo," bulong ko dito."Ay, sorry!" hinging paumanhin niya sa akin. "Sabagay, sino ba namang hindi ma in love sa mala adones nito at parang isang Greek god na bumaba sa langit kahit na 40's na ito ay parang masa 30's pa," ngising bulong niya sa akin.Napailing na lang ako habang pinagmamasdan si Jane na parang kilig na kilig pa kaysa sa akin.“Grabe ka talaga, Jane. Ako na nga ‘tong may gusto, ikaw pa ang mas gigil,” bulong ko habang tinatakpan ang mukha ko sa hiya.“Hoy, huwag ka na mahiya. Kung ako sayo, e ‘di sulitin mo na habang andyan pa si Ninong Axel. Malay mo, ikaw pala ang type n’ya sa lahat ng pamangkin sa kaibigan,” sabay kindat pa niya.Napahinga ako nang malalim at saka tumingin sa sa
Last Updated: 2025-04-08
MY EX-UNCLE OWN ME

MY EX-UNCLE OWN ME

"From now on, you're mine, Zamara." Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ni Zamara Lopez ang mga salitang ito, mula pagkabata hanggang sa siya ay maging ganap na dalaga. Anak siya ng isang simpleng magsasaka, namuhay nang payak, ngunit isang lalaki ang nagpabago sa takbo ng kanyang kapalaran—si Davis Santillian. Dating itinuring niyang tiyuhin, ngayon ay tinatawag niyang "ex-uncle." Ngunit bakit? Ano ang nangyari sa pagitan nila na nagpabago sa kanilang relasyon? Sa edad na 30, si Davis ay isang makapangyarihang negosyante na may madilim na nakaraan, at si Zamara, na ngayo’y 22, ay isang babaeng pilit iniiwasan ang anino ng kanyang nakaraan. Ngunit sa muli nilang pagtatagpo, hindi na siya bibitawan ni Davis. Isang kwento ng pag-ibig, pag-aari, at mga lihim na pilit itinatago ng nakaraan. Totoo bang may kalayaan si Zamara, o sadyang hindi niya matatakasan ang lalaking minsan niyang itinuring na pamilya?
Read
Chapter: Chapter 25
Chapter 25Isang taon na ang lumipas mula nang tuluyang kumawala si Zamara sa tanikala ng kanyang nakaraan. At sa unang pagkakataon, tunay naming naranasan ang kapayapaan — ang klase ng katahimikang dati’y para bang imposible naming makamtan.Masaya kami ngayon. Malayo na sa mga anino ng eksperimento, sa mga malamig na silid na puno ng takot at sakit. Sa isang simpleng bayan na tahimik at ligtas, namumuhay kami ng normal. Si Zamara? Mas lalo siyang gumanda. Hindi lang sa panlabas, kundi sa kung paano siya ngumiti, tumawa, at tumingin sa mundo — isang babaeng malaya, buo, at masaya."Naalala mo pa ba nung una kitang tinuruan sa training room?" tanong ko habang sabay kaming naglalakad sa tabing-dagat, hawak ang aming mga tsinelas habang ang mga paa namin ay nilalaro ng malamig na alon.Napangiti siya, sabay kurot sa tagiliran ko. "Naalala ko kung paano mo akong pinagod araw-araw! Pero salamat, dahil doon ko nalaman na may kakayahan pala akong lumaban para sa sarili ko.""At ngayon, ting
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Chapter 24
Pagkatapos ng matinding pag-uusap namin ni Zamara, ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya. Hindi ko siya masisisi. Sa loob ng maraming taon, siya ay naging simbolo ng eksperimento ng organisasyon — isang bagay na walang kalayaan, isang Subject Zero.Ngunit ngayon, siya na si Zamara."Handa ka na ba?" tanong ko habang tinatapakan ko ang lumang kahoy na sahig ng training room."Hindi na ako babalik sa dati," tugon niya, walang bahid ng pag-aalinlangan sa boses. "At kung kailangan kong labanan sila para makuha ang kalayaan ko, gagawin ko."Tumango ako. Nasa mga mata niya ang determinasyon, ngunit ramdam ko rin ang takot na pilit niyang itinatago. Sa bawat hakbang niya ay dala niya ang bigat ng mga alaala — ang mga sugat, ang mga eksperimento, at ang kawalan ng kontrol sa sarili niyang katawan."Nagsimula na ang laban natin," sabi ko, itinuro ang mga lumang kagamitan sa paligid. "Hindi lang ito tungkol sa lakas ng katawan, Zamara. Kailangan mong pag-aralan ang isip ng
Last Updated: 2025-03-29
Chapter: Chapter 23
Chapter 23Davis POVPinagmamasdan ko si Subject Zero habang inuulit niya ang bawat suntok sa punching bag. Hindi ko siya tinatawag sa pangalan niya sa isip ko. Hindi pa rin ako sanay. Para sa akin, isa pa rin siyang eksperimento na nabuhay sa ilalim ng mga kasinungalingan ng organisasyon.Ngunit hindi ko maikakaila ang pagbabago sa kanya. Ang mga mata niya, puno ng determinasyon. Ang mga galaw niya, mabilis at matalas. Hindi na siya ang takot na batang tinulak nila sa loob ng malamig na laboratoryo. Ngayon, siya na ang pinakamalaking banta sa kanila.“Mabagal pa rin ang kilos mo,” sabi ko, inilalagay ang kamay ko sa balikat niya. “Hindi ka dapat magpadala sa galit. Gamitin mo ang isip mo.”Huminga siya nang malalim, halatang naiirita. Naiintindihan ko. Alam kong gusto niyang patunayan ang sarili niya. Pero kung gagamitin niya lang ang galit sa laban, matatalo siya.“Ulitin mo,” utos ko. “Ngayon, isipin mo na kalaban mo ay hindi lang punching bag. May intensyon siyang patayin ka. Magp
Last Updated: 2025-03-29
Chapter: Chapter 22
Chapter 22 Nanlamig ako sa narinig. Ang mga tulad ko ay naglalakad na mga armas. Kung totoo ngang may darating na laban, magiging impyerno iyon. "At ano ang meron ako na wala sila?" tanong ko, halos pabulong. "Tibay ng loob," sagot ni Davis, diretso ang titig sa akin. "Ikaw ang nag-iisang Subject na may kalayaang magdesisyon. Hindi ka nasira ng eksperimento. Hindi ka ginawang sunud-sunuran. Ikaw ang banta sa kanila, dahil ikaw ang patunay na hindi nila kayang kontrolin ang lahat." Huminga ako nang malalim, pilit na nilalabanan ang takot. Alam ko na wala nang atrasan. Kung hindi ako kikilos, ako mismo ang magiging dahilan ng pagkawasak ng lahat ng mahal ko. "Anong susunod nating gagawin?" tanong ko, puno ng determinasyon. "Maghanda," sagot ni Davis. "Kailangan mong muling sanayin ang katawan mo, palakasin ang isipan mo. At higit sa lahat, kailangan mong matutunan kung paano labanan ang mga tulad mo." Nagkatinginan kami, at sa titig pa lang, alam kong wala nang pag-aalinlangan.
Last Updated: 2025-03-22
Chapter: Chapter 21
Bago ako makatugon, narinig ko ang mga hakbang ni Mama Amara papalapit. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata, pero may bahagyang pagmamalaki rin. "Zamara," tawag niya, marahang hinaplos ang pisngi ko. "Kaya mo ‘to. Pero alalahanin mo rin ang dahilan kung bakit ka lumalaban." Tumango ako. "Para sa kanila. Para sa pamilya ko." "At para sa sarili mo," dagdag ni Davis. "Dahil oras na para malaman mo ang buong katotohanan." Napatingin ako sa kanya, ramdam ang bumibigat na mga salitang binitiwan niya. "Anong ibig mong sabihin?" "May isang bagay pa na kailangan mong malaman," sagot niya, bumuntong-hininga. "Hindi lang tungkol sa pagiging Subject Zero. Tungkol ito sa tunay mong pagkatao." Napalunok ako. "At ano ‘yon?" "Tungkol sa ama mo, Zamara. At kung bakit ka nila nilikha." Tahimik akong napatingin kay Mama Amara, ngunit wala akong nabasa sa kanyang ekspresyon. Isang matinding kaba ang sumiklab sa dibdib ko. "Handa ka na bang marinig ang lahat?" tanong ni Davis, titig na t
Last Updated: 2025-03-21
Chapter: Chapter 20
Chapter 20 Tahimik ang paligid, ngunit sa loob ko’y may nag-aalab na emosyon — takot, galit, at determinasyon. Ang mga salita nina Davis at Mama Amara ay paulit-ulit na naglalaro sa isip ko. Assassin. Mafia Queen. Subject Zero. "Ano ang unang kailangan kong malaman?" tanong ko, pilit pinapatatag ang boses ko. Nagpalitan ng tingin sina Davis at Mama Amara. Si Davis ang unang sumagot. "Una, kailangan mong maunawaan ang buong kakayahan mo. Ang eksperimento sa'yo ay hindi lang pisikal, kundi mental rin. May mga kakayahan kang hindi pa nagigising," paliwanag niya. "At para magamit mo 'yon, kailangan mong matutunan kung paano kontrolin ang isip at katawan mo." "At paano ko gagawin 'yon?" "May mga tao akong kakilala na maaaring magturo sa'yo," dagdag ni Davis. "Mga dating operatiba na tulad ko. Alam nila kung paano ka sanayin." Napalunok ako. "At pagkatapos?" "Tutulungan ka naming matunton ang mga taong nasa likod ng eksperimento. Hindi ka na magiging biktima, Zamara. Magiging isang m
Last Updated: 2025-03-20
UNLIKELY FATE

UNLIKELY FATE

"Once you touch me, you're mine!" Yan ang mariin kong sinabi sa fiancé ng stepsister ko. Ako si Grace Cutanda, 25 years old — isang babaeng walang pakialam sa mga taong nasasaktan ko. Mas pinili kong maging matigas at walang puso dahil 'yan ang nagligtas sa akin mula sa mga mapanlinlang na tao. Nagbago ang lahat nang magpakasal ang aking dad sa isang oportunistang babae. Sa isang iglap, ang tahimik naming buhay ay napuno ng kasinungalingan at pagkukunwari. Kasama niya ang anak niyang tila perpektong babae sa mata ng lahat — si Bianca. Pero alam ko ang totoo. Sa likod ng kanyang mala-anghel na mukha ay isang babaeng sanay mang-agaw at manira. Hindi siya nagdalawang-isip na ipakita kung paano siya paborito ng lahat, habang ako ang laging nasa tabi, tila isang anino. At ngayon, ang fiancé niyang si Andrew — isang successful na businessman na may mapanuksong titig at nakakapanghinang presensya — ay parang isang gantimpala na ipinagyayabang niya. Pero sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ni Andrew, para bang may lihim na pagnanasa at pagtataksil na bumabalot sa pagitan namin. Alam kong mali. Pero bakit tila ako ang mas nanaisin niyang piliin? At sa huling pagkakataon, binalaan ko siya. "Once you touch me, you're mine." Ngunit handa ba akong akuin ang mga magiging konsekwensya ng mga salitang binitiwan ko?
Read
Chapter: Chapter 16
Chapter 16“Boss, Andrew!”Biglang sulpot ni Kane, isa sa pinakaasal-asal pero pinaka-tiwala kong tauhan. Hingal siya, may bahid ng dugo ang balikat ng suot niyang hoodie — pero ang titig niya, matalim.“Positive.”Humigpit ang panga ko.“Tumbok na namin. Ang Ina ng iyong fake girl ang pakana ng lahat—si Marisa.”Nanlamig ang batok ko. Para bang sa dami ng pinaghihinalaan ko… siya ang pinakaayaw kong umabot sa listahan.“Si Marisa?” mariin kong tanong, bagama’t alam ko na ang sagot.Tumango si Kane. “May clearance siya sa loob ng hotel, pinadaan ang armadong grupo gamit ang wedding logistics. May access sa basement at security cams. Ang lalaki na umatake kanina? Bayarang grupo ni Yvan, ‘yung dating assassin leader sa South. Tinapik niya para mag-leak ang impormasyon tungkol sa kasal. Pina-target si Grace. Alive, not dead.”Tumayo ako, marahas.Ang kamao ko, bumagsak sa lamesa. Basag ang baso. Walang pakialam.“Put*ng ina niya.”Akala ko, ginamit lang si Grace. Pero ngayon?Siya pala a
Last Updated: 2025-04-30
Chapter: Chapter 15 - Liam POV-
Chapter 15Liam POVPut*ng ina. Hindi ito ang plano.Sa bawat hakbang ko habang buhat si Grace, ramdam ko ang bigat ng desisyon kong ito — at hindi lang dahil sa katawan niya, kundi sa panganib na isinugal ko mula sa simula pa lang ng gabing ito. Akala ko kakayanin kong bitawan siya. Akala ko sapat nang ilayo siya... pero hindi ko na siya kayang iwan sa mundong puno ng traydor."Move! Secure the hallway — may natira pa sa east wing!" sigaw ko sa earpiece habang binibilisan ang paglalakad. Bawat hakbang ay kasabay ng ugong ng bala, ng sigaw ng mga hindi inaasahang kalaban na pumasok sa kasalan. Tinarget nila ang bride — si Bianca — pero hindi ko masabi kung dahil sa akin o dahil sa kanya.Grace.Bakit ngayon ka pa sumulpot ulit?Isang beses ko lang siyang nilingon — kahit nahihimatay, kahit walang lakas, may bakas ng sakit at takot sa mukha niya. Tang*na, Grace. Dapat hindi na kita sinama sa gulo kong ‘to.“Boss, may sniper sa west rooftop!” sigaw ng isa sa mga tauhan ko.“Tuluyan mo.
Last Updated: 2025-04-30
Chapter: Author note
Author note Hi all..... Maaring salamat po sa inyong pagsubay-bay sa aking akda. Sana ay hindi kayo magsasawang suportahan ako. Paki rate naman po sa aking story and please vote me pamamagitan ng Gems. Thank you so much.... Love: Author ANNE JANE NAVAL
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Chapter 14
Chapter 14“Pwede ba, lubayan mo ako.”Mariin kong sabi habang umiwas ng tingin. Ramdam ko pa rin ang tindi ng titig niya, pero pinilit kong maging matatag. “Bumalik ka na sa fiancée mo na si Bianca.”Tahimik siya sa ilang segundo. Akala ko’y aalis na siya, pero sa halip, naramdaman ko ang isang hakbang palapit. Lalo akong nainis.“Ayaw mo akong tingnan, pero nanginginig ka.”Mababa at punong-puno ng kutob ang tono niya. “Sabihin mong wala akong epekto sa’yo, Grace, pero ‘yung katawan mo—hindi marunong magsinungaling.”Napakuyom ako ng kamao.“Hindi ikaw ang mundo ko, Liam. At lalong hindi ako tulad ng mga babaeng nahuhulog sa mga ngiti mo.”Huminga ako nang malalim at hinarap siya. “Isa kang malaking pagkakamali.”Ngunit ngumiti lang siya. Isang ngiting nakakainis, mapanuksong parang alam niyang nagsisinungaling ako.“Funny,” sambit niya, dahan-dahang umatras. “Kasi kung talagang pagkakamali ako... bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako makalimutan?”Pakiramdam ko’y gusto ko siya
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Chapter 13
Chapter 13Bumalik ang init sa pisngi ko habang pinagmamasdan ko ang likuran ni Liam Dela Vega na paalis na. Ang lalaking ‘yon—akala mo kung sino. Sa bawat salitang binitiwan niya, para akong pinipitik sa ego, sinusubukang pukawin ang galit na pilit kong kinokontrol.Pinisil ko ang aking palad, hinigpitan hanggang sa maramdaman ko ang pagbaon ng sariling mga kuko sa balat ko.“Anong karapatan mong bastusin ako ng gano’n?” pabulong kong tanong, ngunit puno ng poot. “Hindi mo ako laruan. Hindi mo ako katulad ng mga babaeng sinanay mong paikutin.”Mabilis ang paghinga ko habang tinititigan ang sahig ng ballroom, parang iyon lang ang bagay na hindi ako huhusgahan. Gusto kong lumabas, gusto kong sumigaw. Pero hindi ako papayag na sa sarili kong bahay, sa sarili kong pamilya, ay magmukha akong mahina.Hanggang sa may narinig akong isa pang tinig — pamilyar, pero masama pa rin sa pandinig.“You should’ve been nicer, Grace.”Boses ni Bianca.Umikot ang paningin ko sa inis at agad akong humara
Last Updated: 2025-04-13
Chapter: Chapter 12
Chapter 12 Lumingon ako kay Marise. Sa kabila ng sitwasyon, nanatili pa rin ang manipis na ngiti sa kanyang labi, para bang nagtatagumpay siya sa bawat salita kong binitiwan. "At ikaw," mariin kong sabi, diretso ang tingin ko sa kanya. "Huwag mong isipin na matatanggap kita sa bahay na 'to. Hindi mo kailanman mapapalitan si Mom. At hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo." Naglakad ako palapit, halos magtama ang aming mga mata. "Walang espasyo dito para sa mga manloloko." Hindi ko na hinintay pa ang kanilang sagot. Tumalikod ako at mabilis na umakyat sa aking silid. Sa bawat hakbang, ramdam ko ang bigat ng lahat ng emosyon. Galit, poot, at matinding hinanakit. Pagkasara ng pinto, bumagsak ako sa kama at napahagulgol. "Mom, bakit mo kami iniwan? Paano ko haharapin 'to nang wala ka?" Alam kong simula pa lang ito. At kahit gaano kahirap, handa akong ipaglaban ang karapatan ni Mom. Hinding-hindi ko hahayaan na basta na lang nilang lapastanganin ang alaala niya. Lumipa
Last Updated: 2025-03-29
You may also like
SEXIEST MISTAKE
SEXIEST MISTAKE
Romance · Azuus
1.8K views
Suddenly, I'm Married
Suddenly, I'm Married
Romance · breathe.shaiy
1.8K views
Mapanakit Mong Pag-ibig
Mapanakit Mong Pag-ibig
Romance · BlackPinky
1.8K views
Faulty Love
Faulty Love
Romance · Blissy Lou
1.8K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status