Chapter 18Grace POV"Hmmmm," mahina kong ungol habang dumilat ang mga mata ko. Isang matinding sakit sa ulo ang sumalubong sa akin, at agad kong naramdaman ang kabiguan sa katawan ko. Nang dumapo ang mata ko sa paligid, natigilan ako. Ang mga pader, ang ilaw, ang mga kasangkapan — hindi ko ito pamilyar."Shit ka, Grace. Ano na namang katangahang ginawa mo?" bulong ko sa sarili ko, habang sinusuri ang aking katawan. Hinala ko, ito na naman, isang insidente na hindi ko na naman maalala nang buo. Pero ang pinakamahalaga, nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang sarili kong suot pa ang gown na isinusuot ko kagabi. At least, hindi ako nagising sa isang lugar na wala akong kaalaman kung paano ako napunta roon.“Wait… anong nangyari kagabi?” tanong ko sa sarili ko habang pinipilit kong mag-recall. Ang tanging natatandaan ko ay ang inumin na ibinigay sa akin ni Bianca, ang step-sister ko na magiging fiancé na nga pala ni Andrew. Pero pagkatapos noon, lahat ay naging malabo."Ano bang gi
Chapter 1 Grace POV Isang malakas na tugtog mula sa DJ ng bar ang pumuno sa buong lugar. Andito ako ngayon, hinahayaang lamunin ng ingay at ilaw ang sakit na bumabalot sa akin. Nakangiti ako nang lihim, pero sa likod ng ngiting 'yon ay isang pusong durog at sugatan. Sino ba namang mag-aakala na sa kabila ng aking pagiging edukada at maayos na babae, ako'y pagtataksilan ng lalaking buong akala ko ay akin? "Woooo!" sigaw ko habang umiindak sa musika. Hindi ko na inalintana ang mga matang nakatutok sa akin — mga lalaking may halatang pagnanasa sa kanilang tingin. Pero wala akong pakialam. Ngayon, ako ang bida. Ako ang reyna ng gabing ito. "Sige, gumiling ka pa, Grace!" bulong ko sa aking sarili habang tumatawa ng wala sa sarili. Nararamdaman ko ang kiliti ng alak na dumadaloy sa aking sistema, binabalot ako ng kapangahasang matagal kong kinulong. Lahat ng kirot, galit, at panghihinayang ay isinayaw ko sa saliw ng musika. Sa gabing ito, wala akong pinoproblema. Walang iniiyakan
Chapter 2 Pagdating namin sa kanyang condo, halos wala nang oras para mag-isip. Wala nang alinlangan, wala nang mga tanong. Sa bawat hakbang ay parang mas lalo akong hinihila ng init na nagsiklab sa pagitan naming dalawa. Pagkasara ng pinto, mabilis niyang siniil ang aking labi — mapusok, mapang-angkin. Gumanti ako ng halik, walang pag-aalinlangan. Naramdaman ko ang kanyang mga kamay na gumagapang sa aking katawan, bawat haplos ay tila nagpapaliyab sa aking balat. Hindi ko na namalayan kung paanong napunta kami sa kama. Ang tanging alam ko lang ay ang init ng kanyang katawan na bumabalot sa akin. Hindi na ako nag-isip. Pinayagan ko ang aking sarili na lunurin ng sensasyon, ng kalasingan, at ng matinding pagnanasa. "Aww, shit!" napamura ako nang maramdaman ko ang biglaang sakit na dumaloy sa akin. Napaarko ang aking likod, at isang mahinang ungol ang kumawala mula sa aking bibig. Napatigil siya saglit, ang mga mata niyang puno ng pagkabigla ay nakatitig sa akin. "You virgin
Chapter 3 Five years Habang abala ako sa pag-asikaso sa aking pasyente ay siyang naman tumunog ang aking phone. Isa akong kilalang Doctor sa hospital na pinagtatrabahuan ko na pagmamay-ari ng aking Ina. "Hello!" "H-Hello, Grace! Ang mommy mo naaksidente!" sabi sa kabilang linya Nalaglag ang phone ko mula sa aking kamay, at agad akong napaluhod. Pakiramdam ko’y biglang huminto ang mundo ko. "H-Hindi... Hindi maaari," bulong ko sa sarili ko, habang nanginginig ang aking mga kamay. "Doktora, ayos lang po ba kayo?" tanong ng isa sa mga nurse na napansin ang aking biglaang panghihina. Agad kong pinulot ang cellphone at muling isinandal sa aking tainga. "Nasaan siya? Anong nangyari?" tanong ko, pilit na pinipigilan ang paghikbi. "Nasa St. Luke's siya dinala. Tila nabangga ang sasakyan niya. Kailangan mo nang pumunta, Grace," sagot ng nasa kabilang linya, halatang nag-aalala rin. Walang inaksayang oras, agad akong tumayo at kinuha ang aking coat. Hindi ko alintana ang mga
Chapter 4 "Dito ka lang, Grace. Aasikasuhin ko muna ang mga kailangan dito sa hospital!" sabi ni dad kaya tumango lamang ako. Hinayaan ko lamang ang babae nasa aking gilid at busy ito sa kaka-text sa kanyang phone hanggang umalis ito. Pero iba ang kutob ko kaya agad ko kaya sinundan ko ito hanggang nakita ko sila ni Dad nag-uusap at agad ako nakinig. "Makinig ka, wag na wag mong uulitin Ang magpakita sa aking anak!" madiing sabi nito. "Why? Ngayon pa ba na patay na ang asawa mo? Miguel, malaya na tayong dalawa!" Nanlalamig ang buong katawan ko habang nakatayo sa likod ng pader, patuloy na nakikinig sa pag-uusap nina Dad at Marise. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. "Malaya?" Galit at paninibugho ang nangingibabaw sa boses ni Dad. "Marise, hindi na tayo mga bata. Tapos na ang lahat noon pa." Pero imbes na matakot o umatras, ngumiti si Marise — isang mapanuksong ngiti na lalong nagpabangon ng galit sa dibdib ko. "Talaga, Miguel? Kung tapos na, bakit hindi mo
Chapter 5 Pagkatapos naming maasikaso ang lahat para sa katawan ni Mommy, halos wala akong maalala sa naging proseso. Para bang lahat ay lumipas nang wala akong nararamdaman, tulala at manhid. Hanggang sa makauwi na kami sa mansion, doon ko lang tuluyang naramdaman ang bigat ng pagkawala niya. Tahimik akong bumaba ng sasakyan at sinundan si Dad papasok. Walang bumati sa amin. Ang mga kasambahay ay tahimik na nagbigay ng respeto, ramdam ang lungkot na bumalot sa buong bahay. Ang mga itim na kurtina at bulaklak sa bawat sulok ay nagsisilbing paalala na wala na si Mommy. Pagpasok ko sa loob, bumungad agad sa akin ang malalaking larawan ni Mommy na inilagay sa may sala. Doon, nakangiti siya — ang ngiting puno ng pagmamahal at kasiyahan. Parang kahit kailan, hindi siya nakaranas ng sakit. "Mommy..." Mahinang bulong ko habang unti-unting bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko napansin si Dad na naupo na sa isang gilid, tulala rin at walang kibo. Ang bigat ng katahimikan sa pagitan nam
Chapter 6Andrew POV"Fuck! Fuck! Fuck!" Sigaw ko habang binabato ang baso sa pader, tumalsik ang bubog sa sahig. "Hanapin ninyo ang babaeng kasiping ko noon!"Nagmamadaling nagkalasan ang mga tauhan ko, nanginginig sa takot sa bawat galit na bitaw ng mga salita ko. Pero isang tao lang ang naglakas-loob na magsalita — si Liam, ang matagal ko nang kaibigan."Tol Andrew, relax!" Mariin niyang sabi, pero alam kong pilit lang ang kalma niya. "Isipin mo na lang. Just one night stand lang 'yun!""One night stand? Putangina, Liam!" Dumagundong ang tinig ko, bumalot sa buong silid. "Hindi ito basta one night stand lang! She took something from me!"Nanggigigil akong sinuntok ang mesa, umalingawngaw ang tunog ng solidong tama ng kamao ko. Ramdam ko ang kirot pero wala na akong pakialam."Isang black book, Liam." Tumitig ako ng diretso sa mga mata niya, mabigat ang bawat salita. "Yun ang importante sa akin. Sa atin. Sa buong organisasyon."Natahimik siya. Alam niyang hindi lang basta libro ‘yon
Chapter 7Bumubulwak pa rin ang galit sa dibdib ko habang binabagtas ang kalsada. Kahit pa may mga gasgas at sira ang sasakyan ko, wala akong pakialam. Ang mahalaga ngayon ay ang makuha ang black book na ‘yon bago pa mahulog sa maling mga kamay.Hindi ako basta CEO lang. Ako si Andrew Dela Vegas, at ang pangalan ko ay may bigat sa mundong ginagalawan ko. Pero isang maling hakbang lang, at lahat ng itinayo ko ay maaaring gumuho.Napakuyom ako ng kamao. Ang babaeng ‘yon — kung sino man siya — ay naglaho na parang bula matapos ang gabing ‘yon. Paano niya nakuha ang libro? Sinadya ba niya o isa lang siyang biktima ng maling pagkakataon?Hindi. Walang ganung pagkakataon. Sa mundo ko, walang nagkakataon. Lahat ng bagay ay may dahilan.Nag-vibrate ang cellphone ko, at agad ko itong sinagot."Boss," boses ni Liam sa kabilang linya. "May nahanap kami. CCTV footage sa hotel. Hindi klaro, pero may babaeng lumabas ng kwarto mo matapos kang umalis.""Send it to me."Ilang segundo lang, natanggap k
Chapter 18Grace POV"Hmmmm," mahina kong ungol habang dumilat ang mga mata ko. Isang matinding sakit sa ulo ang sumalubong sa akin, at agad kong naramdaman ang kabiguan sa katawan ko. Nang dumapo ang mata ko sa paligid, natigilan ako. Ang mga pader, ang ilaw, ang mga kasangkapan — hindi ko ito pamilyar."Shit ka, Grace. Ano na namang katangahang ginawa mo?" bulong ko sa sarili ko, habang sinusuri ang aking katawan. Hinala ko, ito na naman, isang insidente na hindi ko na naman maalala nang buo. Pero ang pinakamahalaga, nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang sarili kong suot pa ang gown na isinusuot ko kagabi. At least, hindi ako nagising sa isang lugar na wala akong kaalaman kung paano ako napunta roon.“Wait… anong nangyari kagabi?” tanong ko sa sarili ko habang pinipilit kong mag-recall. Ang tanging natatandaan ko ay ang inumin na ibinigay sa akin ni Bianca, ang step-sister ko na magiging fiancé na nga pala ni Andrew. Pero pagkatapos noon, lahat ay naging malabo."Ano bang gi
Chapter 17Ang galit ko, parang apoy na hindi kayang patayin ng kahit anong ulan. Naalala ko ang mga taon ng paghahanap, ang mga gabing puno ng kabang hindi ko kayang ipaliwanag. Si Marisa, ang babae na nagdala ng walang katapusang paghihirap kay Grace, na siya mismo ang nagpasimula ng lahat ng ito. Ngayon, narito na siya, at wala nang ibang paraan kundi ang tapusin ito.Lumingon ako sa sofa kung nasaan si Grace, ang mahina niyang katawan na parang walang kaalaman sa lahat ng ito. Hindi ko kayang makita siya na masaktan pa. Hindi ko kayang magkamali ulit. Bawat hakbang ko ngayon, bawat plano ko, ay tanging para sa kanya — para protektahan siya."Grace..." Bulong ko sa sarili ko habang nilapitan ko siya. Mahigpit ang panga ko habang tinitingnan ang hindi pa rin nagigising na mukha niya. Lahat ng ito, lahat ng mga kasalanan na itinahi ni Marisa — kailangan ko itong tapusin. Hindi ko kayang mawala si Grace sa akin.Tumalikod ako at binuksan ang pinto ng kwarto, lumabas ako ng silid. Inaa
Chapter 16“Boss, Andrew!”Biglang sulpot ni Kane, isa sa pinakaasal-asal pero pinaka-tiwala kong tauhan. Hingal siya, may bahid ng dugo ang balikat ng suot niyang hoodie — pero ang titig niya, matalim.“Positive.”Humigpit ang panga ko.“Tumbok na namin. Ang Ina ng iyong fake girl ang pakana ng lahat—si Marisa.”Nanlamig ang batok ko. Para bang sa dami ng pinaghihinalaan ko… siya ang pinakaayaw kong umabot sa listahan.“Si Marisa?” mariin kong tanong, bagama’t alam ko na ang sagot.Tumango si Kane. “May clearance siya sa loob ng hotel, pinadaan ang armadong grupo gamit ang wedding logistics. May access sa basement at security cams. Ang lalaki na umatake kanina? Bayarang grupo ni Yvan, ‘yung dating assassin leader sa South. Tinapik niya para mag-leak ang impormasyon tungkol sa kasal. Pina-target si Grace. Alive, not dead.”Tumayo ako, marahas.Ang kamao ko, bumagsak sa lamesa. Basag ang baso. Walang pakialam.“Put*ng ina niya.”Akala ko, ginamit lang si Grace. Pero ngayon?Siya pala a
Chapter 15 Andrew POV Put*ng ina. Hindi ito ang plano. Sa bawat hakbang ko habang buhat si Grace, ramdam ko ang bigat ng desisyon kong ito — at hindi lang dahil sa katawan niya, kundi sa panganib na isinugal ko mula sa simula pa lang ng gabing ito. Akala ko kakayanin kong bitawan siya. Akala ko sapat nang ilayo siya... pero hindi ko na siya kayang iwan sa mundong puno ng traydor. "Move! Secure the hallway — may natira pa sa east wing!" sigaw ko sa earpiece habang binibilisan ang paglalakad. Bawat hakbang ay kasabay ng ugong ng bala, ng sigaw ng mga hindi inaasahang kalaban na pumasok sa kasalan. Tinarget nila ang bride — si Bianca — pero hindi ko masabi kung dahil sa akin o dahil sa kanya. Grace. Bakit ngayon ka pa sumulpot ulit? Isang beses ko lang siyang nilingon — kahit nahihimatay, kahit walang lakas, may bakas ng sakit at takot sa mukha niya. Tang*na, Grace. Dapat hindi na kita sinama sa gulo kong ‘to. “Boss, may sniper sa west rooftop!” sigaw ng isa sa mga tauhan
Author note Hi all..... Maaring salamat po sa inyong pagsubay-bay sa aking akda. Sana ay hindi kayo magsasawang suportahan ako. Paki rate naman po sa aking story and please vote me pamamagitan ng Gems. Thank you so much.... Love: Author ANNE JANE NAVAL
Chapter 14 “Pwede ba, lubayan mo ako.” Mariin kong sabi habang umiwas ng tingin. Ramdam ko pa rin ang tindi ng titig niya, pero pinilit kong maging matatag. “Bumalik ka na sa fiancée mo na si Bianca.” Tahimik siya sa ilang segundo. Akala ko’y aalis na siya, pero sa halip, naramdaman ko ang isang hakbang palapit. Lalo akong nainis. “Ayaw mo akong tingnan, pero nanginginig ka.” Mababa at punong-puno ng kutob ang tono niya. “Sabihin mong wala akong epekto sa’yo, Grace, pero ‘yung katawan mo—hindi marunong magsinungaling.” Napakuyom ako ng kamao. “Hindi ikaw ang mundo ko, Andrew. At lalong hindi ako tulad ng mga babaeng nahuhulog sa mga ngiti mo.” Huminga ako nang malalim at hinarap siya. “Isa kang malaking pagkakamali.” Ngunit ngumiti lang siya. Isang ngiting nakakainis, mapanuksong parang alam niyang nagsisinungaling ako. “Funny,” sambit niya, dahan-dahang umatras. “Kasi kung talagang pagkakamali ako... bakit hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako makalimutan?” Pakira
Chapter 13 Bumalik ang init sa pisngi ko habang pinagmamasdan ko ang likuran ni Andrew Dela Vega na paalis na. Ang lalaking ‘yon—akala mo kung sino. Sa bawat salitang binitiwan niya, para akong pinipitik sa ego, sinusubukang pukawin ang galit na pilit kong kinokontrol. Pinisil ko ang aking palad, hinigpitan hanggang sa maramdaman ko ang pagbaon ng sariling mga kuko sa balat ko. “Anong karapatan mong bastusin ako ng gano’n?” pabulong kong tanong, ngunit puno ng poot. “Hindi mo ako laruan. Hindi mo ako katulad ng mga babaeng sinanay mong paikutin.” Mabilis ang paghinga ko habang tinititigan ang sahig ng ballroom, parang iyon lang ang bagay na hindi ako huhusgahan. Gusto kong lumabas, gusto kong sumigaw. Pero hindi ako papayag na sa sarili kong bahay, sa sarili kong pamilya, ay magmukha akong mahina. Hanggang sa may narinig akong isa pang tinig — pamilyar, pero masama pa rin sa pandinig. “You should’ve been nicer, Grace.” Boses ni Bianca. Umikot ang paningin ko sa inis at
Chapter 12 Lumingon ako kay Marise. Sa kabila ng sitwasyon, nanatili pa rin ang manipis na ngiti sa kanyang labi, para bang nagtatagumpay siya sa bawat salita kong binitiwan. "At ikaw," mariin kong sabi, diretso ang tingin ko sa kanya. "Huwag mong isipin na matatanggap kita sa bahay na 'to. Hindi mo kailanman mapapalitan si Mom. At hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo." Naglakad ako palapit, halos magtama ang aming mga mata. "Walang espasyo dito para sa mga manloloko." Hindi ko na hinintay pa ang kanilang sagot. Tumalikod ako at mabilis na umakyat sa aking silid. Sa bawat hakbang, ramdam ko ang bigat ng lahat ng emosyon. Galit, poot, at matinding hinanakit. Pagkasara ng pinto, bumagsak ako sa kama at napahagulgol. "Mom, bakit mo kami iniwan? Paano ko haharapin 'to nang wala ka?" Alam kong simula pa lang ito. At kahit gaano kahirap, handa akong ipaglaban ang karapatan ni Mom. Hinding-hindi ko hahayaan na basta na lang nilang lapastanganin ang alaala niya. Lumipa
Chapter 11 Tahimik lang si Manang habang pinagmamasdan ako. Halatang gusto niya akong kausapin, pero hinayaan niya akong unahin ang sarili kong emosyon. Nang matapos ko nang inumin ang gatas, saka siya muling nagsalita. "Alam kong napakahirap ng pinagdadaanan mo, Grace," malumanay niyang sabi. "Pero huwag mong hayaang lamunin ka ng galit. Hindi iyon makakatulong." Napayuko ako, pilit na itinatago ang namumuong luha sa mga mata ko. "Manang… Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa iyon ni Dad kay Mom," mahina kong sabi, nanginginig ang boses. "At ngayon, magpapakasal siya sa babaeng sumira sa pamilya namin." Hinawakan ni Manang Luz ang kamay ko, marahan niya itong pinisil na parang sinasabi niyang nandito lang siya para sa akin. "Alam ko, anak," sagot niya. "Pero tandaan mo rin na hindi ikaw ang may kasalanan sa lahat ng ito. Huwag mong kargahin ang bigat ng pagkakamali ng iba." Mas lalo akong napaiyak sa mga sinabi niya. "Pero, Manang… Paano ko mapapatawad si Dad? At pa