LOGIN"Ang Lihim ng Pusong Ipinagbabawal" Akira Quezon, mas kilalang Kira, ay isang dalagang may matamis na ngiti at pusong tapat. Sa kabila ng kanyang kabataan, isang lihim na pag-ibig ang matagal na niyang kinikimkim — isang damdaming itinakda ng tadhana ngunit ipinagbabawal ng lipunan. Ang kanyang puso ay patuloy na tumitibok para kay Axel, ang kanyang gwapong at misteryosong Ninong, na sa kabila ng kanyang 40 taon ay nananatiling makisig at mapanukso. Ngunit sa bawat titig at lihim na ngiti ay nagkukubli ang isang masalimuot na nakaraan. Si Axel ay isang lalaking tila binabalot ng anino ng kanyang sariling mga sikreto. Sa pagitan ng kanilang mga tahimik na sulyap at hindi maipaliwanag na paglalapit, bumabalot ang tanong — hanggang saan kayang ipaglaban ang isang pagmamahal na labag sa lahat ng nakasanayan? Habang unti-unting nahuhubaran ang mga lihim, matutuklasan ni Kira na ang lalaking kanyang iniibig ay may mga sugat ng kahapon na pilit niyang tinatago. Sa pagitan ng katotohanan at pagnanasa, kailangan nilang harapin ang kanilang mga kinatatakutan. Magtatagumpay ba ang pagmamahal nila, o tuluyan silang malulunod sa mga anino ng nakaraan?
View MoreChapter 27Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulala sa sulok ng sala. Tahimik ang buong bahay, pero sa loob ko—gulo. Parang sasabog ang dibdib ko sa bigat ng mga lihim na ilang taon ko nang kinikimkim.Akira.Ang anak kong walang kamalay-malay.Anak kong hindi ko isinilang sa pagmamahal… kundi sa isang kasunduang may kapalit.Pero siya lang ang liwanag sa buong buhay kong nababalot sa kadiliman.Napahawak ako sa dibdib ko habang binabalikan ang mga alaala. Kung paanong dahan-dahan akong natuto siyang mahalin. Paanong naging totoo ang pagiging ina ko kahit alam kong… may taong babalik para agawin siya sa akin.At ngayon, bumalik na nga ang aninong iyon—si Lucien.Tahimik, ngunit nananakot. Walang kinakausap na batas, kundi kapangyarihan.Kailangan ko nang gumawa ng paraan. Hindi na sapat ang pagtatago.“Liza… oras na.”Parang multo sa utak ko ang tinig ni Lucien. Parang sinasakal ako sa tuwing naririnig ko ‘yon.Pero hindi ako basta-basta bibitaw.Hindi ko hahayaang makuha nila
Chapter 26Liza POVDumating na ang kinatatakutan ko… ang araw na muling haharapin ang katotohanan—na may maghahanap na sa kanya. Kay Akira.At hindi ko alam kung paano ko siya poprotektahan… ngayong wala na akong maitatago.Sa totoo lang, hindi sa akin nanggaling ang egg o ang sperm.Isa lamang akong surrogate… isang sinadyang tagapagdala ng bata na mula sa dalawang nilalang na hanggang ngayon ay misteryoso rin para sa akin.Oo, ako ang nagluwal kay Akira. Ako ang kilala niyang ina. Pero ang dugo niya—hindi sa akin.At noong nalaman kong may banta sa buhay ng batang dinadala ko pa lang noon… tumakas ako.Nagpakalayo-layo.At doon ko nakilala si Arman—ang lalaking walang pag-aalinlangang tumanggap sa akin at sa batang isisilang ko.Siya ang tumayong ama ni Akira. Sa papel. Sa paningin ng iba.Pero sa katotohanan… isa rin siyang hindi dapat makaalam ng buong kwento."Ma…"Napalingon ako. Si Akira, nakatayo sa pintuan ng sala, hawak ang bag niya. Kita ko sa mga mata niya—may mga tanong.
Chapter 25 "Sa wakas natagpuan din kita, bunso..." Mahinang sabi ng estrangherong si Lucien, halos pabulong, at hindi ko ito agad narinig. "Excuse? Anong sabi mo?" tanong ko, takang-taka. Kumunot ang noo ko habang pilit inaalala kung tama ba ang dinig ko. Ngumiti lang siya. Isang ngiting may laman. "Nevermind," sagot niya. "Uwi ka na. Masyado ka nang matagal dito." Bago pa ako makapagsalita muli, tumayo siya, itinapon ang basyo ng kape sa basurahan, at nagsimulang maglakad palayo. Hindi man lang lumingon. Parang may kung anong bumigat sa dibdib ko habang sinusundan ko siya ng tingin. Sa bawat hakbang niya, tila ba may iniwang tanong sa utak ko na walang kasagutan. Bunso? Hindi ko alam kung bakit pero tumindig ang balahibo ko. May kung anong misteryo sa presensya niya—mainit, malamig, nakaka-aliw pero delikado. Hindi ko siya kilala, pero pakiramdam ko… konektado siya sa isang bahagi ng buhay kong matagal ko nang kinakaligtaan. Napatingin ako sa orasan. Hatinggabi na. Napag
Chapter 24Akira POVParang may humila sa puso ko pababa. Biglaan. Walang babala."Fiancée?"Ang salitang 'yon ay tila sumabog sa pagitan naming tatlo, ngunit ang pinakamasakit—walang pagtutol na nanggaling kay Axel. Wala man lang siyang ipinaliwanag. Walang kahit anong pagtanggi.Napangiti ako, pilit. Ganoon pala.Isang gabi lang pala akong babae sa paningin niya. Sa umaga, muli akong naging inaanak… isang bata… isang lihim na kailangang itago sa likod ng isang pekeng engagement.O totoo ba talaga?Totoong siya ang pinili niya?At ako? Laruan lang sa isang gabing puno ng kasalanan?Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa galit, sakit, o selos na unti-unting sumisingaw mula sa dibdib ko.Napatingin ako kay Grace. Napakaganda niya, elegante, at walang bahid ng pagkabasag sa presensya niya. Samantalang ako… suot pa ang shirt ni Axel, mukhang babae mula sa isang gabing hindi dapat nangyari.“Excuse me…” mahinang bulong ko, bago ako mabilis na lumakad paakyat sa hagdan.


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore