Mag-log inAfter being betrayed by the man she loved and humiliated on what was supposed to be the happiest day of her life, Samantha thought she had lost everything. Paano ka pa babangon kung mismong kapatid mo ang pinalit sa'yo? Paano ka pa magtitiwala kung ang puso mo’y durog na durog? But just when she was ready to give up, Leonard Valen entered the picture—cold, intimidating, and powerful. He offers her a deal: isang kasal na walang halong pag-ibig, kapalit ng katahimikan sa isang lihim na ayaw niyang mailantad. Hindi niya akalaing papatulan niya ang isang kontratang taliwas sa puso’t damdamin. Pero kailangan niya ng panibagong simula, at si Leonard ang tanging daan. What starts as a business deal slowly turns into something dangerous. Samantha finds herself torn between fear and fascination, between vengeance and vulnerability. Habang unti-unti siyang nahuhulog sa lalaking hindi niya lubusang kilala, mas lalo namang nalalantad ang mga sikreto sa paligid niya. In a world full of deception, revenge, and unexpected emotions—will Samantha risk her already shattered heart again? Or will this new love destroy her for good?
view moreNapatingin ako sa aking pambisig na orasan. Alas diyes pa lamang ng gabi pero napakatahimik na ng bahay ni Darren. Hindi ako sanay, lalo na’t sanay ako na late ito kung matulog.
Wala siya sa sala at kusina kaya umakyat ako sa second floor. Tumuloy ako sa kwarto ng nobyo ko. Hindi ko na kailangan pang kumatok dahil bukas ang pinto nito at tumambad sa akin ang dalawang taong pinagkakatiwalaan ko.
Si Darren. At si Nina.
Nakahiga sa kama, walang saplot at magkayakap. Parang biglang tumigil ang buong mundo ko. Napakapit ako sa doorframe at nanlalamig ang mga kamay ko at nanginginig.
“Mga hayop kayo!” sigaw ko sabay bato ng bag sa dalawang tulog. Mabilis kong sinugod ang mga ito.
Napabalikwas ng bangon si Darren. Gulat na gulat.
“Sam?” wika niya na hindi man lang magawang ilakas ang boses dahil sa pagkabigla. Nagmamadali niyang kinuha ang kumot para takpan ang katawan. Si Nina naman, hindi man lang nagulat nang makita ako. Bagkus ay ngumiti pa ito ng bahagya. That signature smirk she always had when she knew she won.
“Mga hayop kayo! Ang bababoy ninyo!” sigaw kong umalingawngaw ang boses ko, bago ko siya nilapitan at pinagsasampal. “How dare you! Ang baboy ninyo!”
Hinihila ko ang buhok ni Nina pero pilit akong pinipigilan ni Darren.
“Samantha! I-I can explain,” nataranta niyang sagot habang tumatayo, pilit tinatakpan ang sarili.
“Explain?!” halos mapasigaw ako. “You’re in bed with my step sister, Darren! Anong paliwanag pa ang gagawin mo?”
“Look, it was an accident.”
“An accident?!” Napailing ako sa sobrang disbelief. “Nahulog ba kayo pareho sa kama ng walang damit? That’s an accident? Sinong lolokohin ninyo?”
Si Nina, parang nanonood lang sa amin. Nakaupo pa rin sa kama at hindi man lang nag-abalang magsuot ng damit. “You were gone for months, Sam. You weren’t here. Darren needed someone. Bakit kailangan mong sisihin si Darren?”
“Bitch!” galit na galit kong sigaw kay Nina. “I trusted you, Nina,” nanggagalaiting sigaw ko. “Ikaw pa ang pinagbilinan ko na alagaan siya habang wala ako. Ikaw pa! And what? Ikaw pa pala itong aahas sa akin? How dare you!”
Nagsimulang manginig ang boses ko. Umiiyak na ako pero pinipigilan ko pa rin ang sarili. “You know what hurts the most?” mahinang tanong ko. “Hindi ‘yung niloko ako. Nasaktan ako dahil kayo pa. Pinaglaruan niyo ako!”
Tumango si Darren, pero hindi siya makatingin ng diretso sa akin. “I’m sorry. I didn’t mean to hurt you, Sam.”
“You did hurt me, Darren.” bulong ko. “And this—this isn’t just a mistake. This is betrayal. Ilang beses niyo na itong ginawa, behind my back? Maraming beses?” nanlalaki ang mata kong tanong.
Tumayo si Nina bago ibalot ang kumot sa sarili nito. “Samantha, don’t make this bigger than it is.”
Napatawa ako sa gitna ng pag-iyak. “Oh, I’m making this big? My whole life just fell apart and I’m the one overreacting? Anong gusto mong gawin ko? Pumalakpak dahil nakita ko kayong magkayakap at hubot-hubad o baka gusto mong maghubad din ako at tumabi sa inyo?” sagot kong galit na galit. “Nakakadiri kayong dalawa!” duro ko sa kanila.
“Nakakadiri ba ito sayo? Kaya pala hindi mo magampanan ang pangangailangan ni Darren at dahil sayo kaya naghanap siya ng iba,” ani pa ni Nina sa akin.
Tiningnan ko si Nina…. “At proud ka pa na kinakamot mo ang pangangati ng boyfriend ko? Alam mo, noon pa naman talaga alam ko ng gusto mong kunin ang meron ako… You always wanted the spotlight. Anyway you can have him. Akala mo ba hindi ko napapansin ang mga palihim na tingin mo sa kanya? Fine! Sayong-sayo na siya…. Both of you deserve each other.”
“Sam!” sigaw ni Darren ng nagmamadali akong umalis. Hinawakan niya ako sa braso kaya isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya.
“Happy anniversary,” wika kong ngumiti ng mapait habang pinupunasan ang luha ko… “Akala ko malungkot ka, ‘yun pala umuungol ka habang sinasabi sa akin na malungkot ka. Hindi ko alam na magaling ka palang artista,” pauyam ko pang dagdag bago ako tuluyang umalis.
Gusto ko sanang sabihin sa mga magulang ko ang natuklasan ko pero tulog na ang mga ito nang makauwi ako kaya dumiretso na lamang ako sa aking kwarto at walang ginawa kundi ang umiyak. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ng nobyo ko, akala ko ay tapat siya sa akin at totoong mahal ako pero ang lahat ay isang kasinungalingan lamang.
Pagkagising ko ay kaagad kong pinuntahan ang ina ni Nina. Gusto ko siyang makausap.
“Tita Sonya!” wika ko sa aking stepmother... “I need to talk to you. It’s important.”
Tumaas ang isang kilay ng ginang habang ibinaba ang tasa ng kape. “Ano na naman, Samantha? Wala pa akong almusal. Anong drama na naman ba ito? Hindi ko alam na nakauwi ka na pala,” iretableng tanong niya sa akin. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman na naging ina siya sa akin.
Huminga ako ng malalim. “Nahuli ko si Darren sa kama at kasama si Nina.”
Muling tumaas ang kilay nito… “Excuse me?” Napangisi ang babae. “Darren and Nina? You must have misunderstood. You always do.”
“Tita, nakita ko sila mismo! Magkasama sila sa kama, walang damit, niloloko nila ako. Naririnig niyo ba ako?” galit kong wika na kulang na lang ay sumigaw ako para lang maintindihan niya ako.
“Baka naman kasi ikaw ang dahilan?” matalim ang tingin ng ginang na pinagmasdan ako. “Let’s be honest, Samantha. You’re a little too plain. Walang thrill. You think a man like Darren will wait forever for someone like you?”
Namilog ang mata ko. “Anong ibig mong sabihin?”
“Let’s not pretend, hija. You’re responsible, yes. Smart, yes. But men like excitement. And Nina, well, she has that spark you don’t. Siguro naman nakikita mo yun?” pagtatanggol pa niya sa anak at hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
“So, sinasabi mong kasalanan ko kung bakit ako niloko? Ako ang may kasalanan kung bakit pinagtaksilan ako ng nobyo ko at ng stepsister ko?!”
Tumayo si Tita Sonya at hinarap ako.
“Don’t raise your voice at me. And yes, maybe kung mas naging exciting ka, hindi sana nangyari ‘yan. Let this be a wake-up call.”
Nanlaki ang mata ko. Hindi ako makapaniwala.
“Anong klaseng ina kayo? Bakit kailangan mong i-tolerate ang maling ginagawa ng anak ninyo? Nakikipag-sex siya sa hindi niya boyfriend at si Darren ay boyfriend ko. Big deal yun para sa akin!”
“Huwag mo akong pangaralan. Kung niloko ka ng Darren na yun siya ang kausapin mo kung bakit niya ginawa yun. Baka naman kasi mas masarap si Nina kaysa sayo? O baka naman kasi ayaw na sayo pero pinipilit mo lang ang sarili mo.”
“Unbelievable!” napapailing kong wika. Gusto kong sumigaw. Gusto kong itulak ang babaeng ito palabas ng buhay ko. Pero alam kong hindi ako mananalo sa pakikipagtalo ngayon. Hindi sa isang taong kailan ma'y hindi ako itinuring na tunay na anak. Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Na kakampihan mo ako? Nakalimutan ko na kahit pala mali si Nina ay gagawin mo pa ring tama,” pauyam kong wika.
Sa galit ko ay tinalikuran ko siya at pinuntahan ko ang ama ko sa kwarto ng mga ito.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang ama kong nagbibihis.
“Pa…”
“Sam? What’s wrong?” tanong nito, medyo nagulat sa biglang pagpasok ko.
“May gusto lang po akong sabihin Pa, nahuli ko po si Darren at si Nina, pinagtataksilan nila ako. Niloloko nila ako,” umiiyak kong sumbong sa ama.
Natigilan ang ama niya. Saglit na natahimik, bago nagsalita.
“Si Nina?” tanong niya, kunwaring nagulat. “Sigurado ka bang hindi mo lang na-misinterpret sa nakita mo?”
“Hindi po. I saw them! Walang damit, magkayakap! Please, Pa, this is serious. Maniwala ka naman sa akin. Hindi ako gagawa ng ganitong kwento. They are fucking!”
Humugot siya ng buntong-hininga at lumapit sa akin.
“Look, Sam. I understand you’re hurt. Pero si Nina ‘yan, kapatid mo. Alam mong mahina siya sa tukso. At si Darren, lalaki lang ‘yan. You should have seen it coming.”
“I should have seen it coming?!”
“Anak, don’t blame her too much. She probably didn’t mean it. Nina is still young, she makes mistakes. Mag-aaway kayo dahil lang sa isang lalaki?”
“Pa, kampihan niyo naman ako. Anak niyo naman ako hindi ba? Kahit ngayon lang. Bakit ba palaging si Nina? Nagkasala siya sa akin!” umiiyak na ang boses ko. “Paano naman ako? Ako ang niloko! Ako ang nasaktan!”
Umiling si Papa, mahinang lumapit at hinawakan ang braso ko.
“You’re strong, Samantha. And honestly, you’ve always been too serious. Maybe you’re not the right fit for Darren after all.”
Napaatras ako. Napailing ako sa sinabi ng ama ko. Hindi ako makapaniwala sa aking naririnig.
“Hindi porke’t malakas ako ay hindi na ako nasasaktan. Sa totoo lang Pa, simula nang maging asawa mo si Tita Sonya, hindi ka na naging ama sa akin. Nakalimutan mo ng may anak ka! At ako? Hindi ko na alam kung may pamilya ba talaga ako dahil simula ng mawala si Mama ay nawalan na rin ako ng pamilya,” lumuluha kong wika sa kanya.
“Samantha! Huwag mo akong kakausapin ng ganyan! Ama mo pa rin ako.”
Umiling ako sa sinabi niya.
“Hindi ko na maramdaman! Maraming beses na may kasalanan si Nina pero sino ang nagbibigay? Madalas ay ako. Ako ang mali, ako ang may kasalanan! Tama nga siguro ang sinasabi ni Tita Sonya na hindi mo ako anak… I hate you! I hate this house! Magsama-sama kayo!” sigaw kong lumuluha habang tumatakbo paakyat ng aking kwarto at agad na nilagay ang mahalaga kong damit sa maleta at nagmamadaling umalis ng bahay namin. Alam ko naman na walang pipigil sa pag-alis ko dahil walang may pakialam sa akin.
“Samantha!” tawag sa akin ni Papa nang makita niyang may mga dala akong maleta. “Kapag umalis ka sa bahay na ito ay wag ka ng aasa na may babalikan ka pang pamilya,” wika ni Papa pero hindi ko ito hinarap.
“Makakaasa kayo,” sagot kong nagmamadaling nilagay ang mga maleta sa kotse ko.
Narinig ni Ariana ang pagbukas ng pinto bago pa man siya makalingon. Nakatayo si Leonard, mas malamig ang mga mata kaysa sa aircon ng opisina. Tumikhim ito, halatang pinipigil ang galit. “Akala ko we were finally okay pero bakit nagawa niyo ito sa asawa ko? Ayaw niyo ba talaga ni Mama na maging masaya ako?” diretsong tanong ni Leonard, bawat salita ay parang yelo sa balat niya. Napalunok si Ariana. Tumayo siya mula sa upuan, pilit na kalmado. “Kuya, please… maniwala ka naman sa akin,” pakiusap niya. “Tanggap ko na si Sam. And about what Mama did, sinabihan ko na siya pero hindi siya nakinig. I did my part.” Ngunit hindi gumalaw si Leonard. Mas lalong tumigas ang panga nito. “Kung ayaw ninyo sa asawa ko hindi ko kayo pinipilit. Pero huwag ninyong saktan si Sam. She doesn’t deserve this.” “Kuya…” “Enough, Ariana.” Lumapit ito, nakapatong ang dalawang palad sa mesa sa harap niya. “I trusted you. Ikaw mismo ang nagsabi na tanggap mo na. So tell me, why does it look like you’re do
Hinaplos ni Leonard ang mukha ko—banayad, parang takot siyang masaktan ako. Ramdam ko ang init ng palad niya sa malamig kong pisngi, at doon ko lang napansin kung gaano na ako katagal nakatingin sa kawalan.“Sam,” mahina niyang sabi, “you look sad. What’s wrong?”Umiling ako, pilit na ngumiti. “Wala ito, Leonard. I’m fine.”“Don’t lie to me,” tugon niya, bahagyang kumunot ang noo. “You’ve been quiet these past days. And you still haven’t opened your coffee shop. I thought it was your dream.”Napayuko ako. “Dream nga… pero minsan, parang ang hirap na ipaglaban kung wala kang gana, ‘di ba?”Tahimik siya sandali, saka dahan-dahang tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko para hawakan ang aking mga kamay. “Sam,” aniya, “you don’t have to do everything perfectly right away. Just start. Even if it’s small. Even if you’re scared.”Napatingin ako sa kanya. “Hindi mo kasi alam, Leonard..Every time I think about that place, naiisip ko rin kung gaano ako kabigo noon. The last time I tried, everyth
Ariana’s pov “Ma…” halos pabulong kong sabi habang nakatingin sa inang si Camia. Hawak ko ang cellphone ko habang pinapanood ang pinadalang footage ni Sam. Ang video ay kuha ng kanyang ina na sinasabotahe ang coffee shop ni Sam. Nanginginig ang mga daliri ko habang pinipisil ko ang laylayan ng damit ko. Napatingin sa akin si Mama. “Alam na ni Sam.” Biglang napatigil si Mama Camia sa ginagawa niyang pag-aayos ng mga bulaklak sa mesa. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin, at sa mga mata niya, nakita ko agad ang pagkabigla at takot pero tulad ng inaasahan ko ay wala itong pakialam. “A-ano’ng sabi mo?” mahinang tanong niya, pero ramdam ko ang panginginig sa boses niya. “Alam na niya, Ma. Alam na niya ‘yung mga ginagawa, ‘yung mga plano mo laban sa kanya. Sinabi niya sa akin at iniisip nya na magkasabwat tayo na siraan ang negosyo niya.” Napalunok ako, pilit pinapakalma ang tibok ng puso kong parang gustong kumawala. “At pati ako, nadamay. Wala naman akong ginagawa, pero ako ‘yung una
Sam’s pov HINDI ko na matiis pa kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Ariana. Akala ko ay tanggap na ako ng mga ito pero hindi pala, ngayong hawak ko na ang ebidensya, hindi ko na palalampasin pa. Akala ko kalaban ang naninira sa akin. Hindi pala kundi ang pamilya mismo ni Leonard. Hindi ko mapigilan ang hindi masaktan. Pagka-connect ng tawag, agad kong narinig ang boses ni Ariana. “Sam?” ani Ariana na nagtataka kung bakit bigla akong tumawag. Huminga ako nang malalim at mariing nagsalita. “Ariana, alam ko na ang ginagawa mo at ng mama mo. Hindi mo na kailangan pang magtago o magpanggap. Nakita ko sa CCTV ang ginawa niya sa coffee shop ko—kung paanong may nilagay siya sa lagayan ng kape.” Tahimik siya sa kabilang linya. Naririnig ko lang ang mahina niyang paghinga. Pinilit kong patigasin ang boses ko kahit nanginginig ang dibdib ko sa galit pero hindi ko mailabas.. Kamag-anak pa rin ang mga ito ng asawa niya. “You know what? I don’t deserve this. Hindi ko k
Hindi ako mapakali habang pauwi kami ng ina ko mula sa coffee shop. Buong biyahe, hindi tumigil ang mga mata ko sa eco bag na nakalagay sa tabi niya. Parang mabigat ang dibdib ko hindi lang dahil sa dala nito kundi dahil alam kong may ginawa si Mama. “Ma, can we talk?” tanong ko na seryoso ang boses. “About what, anak?”Huminga ako ng malalim. Pinilit kong maging kalmado. “About Sam. About the coffee shop. Ma, stop it na. Tama na ang paninira. Alam kong ikaw ang may gawa sa lahat ng mga nangyayari.” “What are you talking about? Wala akong ginagawa,” pagtanggi ng ina niya. Hindi ako nagpatalo.“Ma, I saw you. I know what you did kanina sa storage room. You were carrying that eco bag, and then suddenly bigat na bigat ka. Don’t deny it, Ma. I know you put something inside the coffee beans.”Sandaling natahimik si Mama dahil sa sinabi ko.. Tumango at agad nagbago ang tono ng boses nito. “Anak, you don’t understand. Ginagawa ko ito para sa’yo, para sa pamilya natin. Hindi siya dapat
Katatapos ko lang mag-post sa social media ng ebidensya tungkol sa sabotahe nang bigla akong makatanggap ng tawag mula kay Leonard.“Sam…” rinig ko ang boses niya mula sa kabilang linya…. “Nabasa ko ang post mo ngayon. Totoo bang may sumasabotahe sa coffee shop mo?”Napabuntong-hininga ako bago sumagot. “Oo, Leonard. Hindi ko lang agad nabanggit sa’yo kasi ayokong mag-alala ka. Isa pa, nasa abroad ka para sa trabaho mo. Okay lang naman ako dito, nagagawa ko pang i-handle.”“Pero Sam,” malungkot niyang tugon. “Sana sinasabi mo sa akin. Ang hirap isipin na may pinagdadaanan ka pala nang hindi ko alam. Sana man lang nadamayan kita, kahit papaano.”Ngumiti ako nang pilit kahit hindi niya nakikita. “Kaya ko naman. I can take care of it. At least ngayon, may hawak na akong ebidensya. Maipapakita ko na sa mga tao na wala akong kinalaman sa lahat ng sabotahe.”Natahimik siya sandali bago nagsalita. “Kailan ka ba uuwi?” tanong ko, halos may lambing sa tono.“Baka sa makalawa nandiyan na ako. M






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments