LOGINMatapos bumaba ng kaniyang sasakyan sa may entrance ng building. “After my meeting, we will–”“William..” Mabilis na napalingon si William sa pinanggalingan ng malalim ngunit mababang boses. Halos mapamulagat siya nang makaharap si Mr. Smith sa hindi inaasahang pagkakataon. Wala siyang ideya kung ano ang pakay nito, hanggang sa maisip niya si Angelina. Maaaring tungkol sa anak nito ang sadya ng may edad na lalaki. Inalis niya ang tila bumabara sa kaniyang lalamunan at hinintay na magsalita ang ginoo. Bakas sa mukha nito ang pagod, puyat at pamumutla. Ngunit nang hindi bumuka ang bibig nito, siya na lamang ang unang nagsalita.“Mayroon ba tayong–” Naudlot ang sasabihin niya at nanlaki ang mga mata nang bigla itong lumapit at lumuhod sa kaniyang harapan. Nagkatinginan sila ng driver niya. Ang eksenang iyon ang umagaw ng atensyon ng lahat ng naroroon.“Mr. Smith, ano itong ginagawa mo?” mahinahon niyang tanong. Namataan niya si Mrs. Smith nang patakbo itong lumapit sa asawa. “Honey
“Stephanie decided already. She chose to live with her family. Mas pinili niya ang pamilya niya kaysa sa iyo,” wika ng lola niya sa kaniya nang makarating sila ng mansyon. Hindi siya sumagot. Alam ni William ang naging rason ni Trisha. Hindi niya mapipilit ang asawa kung iyon ang pinili nito.“Wala ka bang sasabihin?” mariing tanong nito. “Hijo, you have to do something.” Tiningnan niya sa mga mata ang señora. “It's her choice, nirerespeto ko iyon.” Saka nagpatuloy sa paglakad.“What?” Sumunod ito sa kaniya. “How about us–you? Gano’n-gano’n na lang ba iyon? Tumatanda ka na hijo, hindi ka na bumabata. You have to find a way para magsama na kayo and make your own family with her.” Napasinghap siya matapos huminto. Paglingon niya ay nakita niya ang ama na tahimik lang na nakikinig sa kanila. Nagbaba siya ng tingin.“Hayaan n'yo na lang po ako sa sarili kong diskarte. Huwag n'yo na akong pressure-rin,” malalim at malamig niyang saad saka umakyat sa kaniyang kwarto. Hindi nakakibo ang
Sa labas habang nag-uusap sina Don Marianno at Dr. Sebastian bago pa man magpaalam na umuwi ang tatlong Cervantes, sinubukang muli ng señora na kausapin ang mag-inang Trisha at Carmen sa may veranda.“I wanna asked again for the second time,” wika nito. “Matanda na ako, gusto ko ring makita at makasama ang magiging apo ko. Kung magkaroon man ulit ng pagkakataon na magdalantao si Stephanie. I want them to stay at my house. Masyadong malungkot ang buhay na katulong lang ang kasama. Bago man ako mawala sa mundo, gusto kong maramdamang muli ang magkaroon ng pamilyang kasama sa bahay at marinig balang-araw ang tawa ng mga bata.” Nangingislap ang mga mata ng señora nang banggitin ang huling kataga, na tila ba puno ang diwa nito ng magagandang imahinasyon. Sinulyapan ito ng nananamlay na tingin ni Gng. Carmen. “I don't want to offend you, señora but I have to be honest with you. Nang malaman ko ang napagdaanan ng anak ko sa inyo ni Don Marianno. Masakit para sa akin bilang ina na ang anak
“A-Anong meron?” Si Lola Mira na lamang ang nagtanong, sapagkat wala ni isa sa kanila ang nagpaliwanag ng mga nagaganap. “Bakit sila naririto?” dagdag pa nito na puno ng kuryosidad. Napangiti siya nang matamis. Akma na siyang lalapit kay Lola Mira nang maunahan siya ni William.“Lola, celebration po ito ng opisyal na pag-iisang dibdib ng mga Del Fuego at Cervantes.” Pilyong kindat ang ipinukol sa kaniya ni William nang sabihin iyon ng lalaki sa matanda habang inaalalayan ito na maupo sa bakanteng silya na katabi ni Trisha. “Ano kamo, pag-iisang dibdib?” ulit dito ni Lola Mira na bakas sa mukha ang pagkalito.Pinanlakihan niya ng mata si William, pagpapahiwatig iyon na nais niyang ipaliwanag nito nang maayos sa matanda ang kasalukuyang nagaganap doon. Napakamot na lamang ng batok ang kaniyang asawa. Nang mga oras na iyon, nakikinig lamang sa kanila ang mga nakatatanda at naghihintay rin na sa kanilang bibig mismo manggaling ang lahat.“Ahm, ang totoo po niyan Lola Mira. Isang simple
Busina ng sasakyan mula sa labas ang narinig ni Trisha. Pananda na dumating na nga ang hinihintay nilang angkan–ang mga Cervantes. Mula sa main door, inabangan ito ng kaniyang ina upang salubungin. May mga dala itong presents para sa kanila na ipinasok naman ng mga nakasunod na mga tauhan. Nagagalak na tinanggap iyon ng kaniyang ina. "Thank you.." Habang ang lahat ng katulong ay abala sa pag-aayos ng hapagkainan, siya naman ay kalalabas lang din mula sa kaniyang kwarto. “Your house is much way bigger, matibay rin ang pagkakagawa,” komento ng señora nang libutin ng tingin ang kabuuan ng loob ng bahay. “Maganda ang disenyo sa labas at loob. I like the interior designs also, maliban sa nakaaakit, nakagiginhawa rin dahil sa malinis at maaliwalas tingnan. Overall, it is a perfect mansion to live. Halatang maganda ang taste mo sa lahat ng kagamitan.” Napangiti ang kaniyang ina at kaagad na sumang-ayon. “Magaling na designer at architect si Arch. Lariosa lalo na ang sister-in-law niyan
Nang makauwi si Trisha ng mansyon, hindi na niya naabutan si Genevieve roon. Wala na ang mga gamit nito at ayon pa sa katulong, naglayas daw ang babae. Walang imik na dahan-dahan siyang naupo sa rattan couch sa lanai nang umagang iyon. Ang mga mata niya ay sa labas ng hardin nakatanaw habang ang mga tainga naman ay nakikinig sa balitang nagpi-play sa television. Kasalukuyang lumilipad ang kaniyang isipan nang mga oras na iyon, nang marinig niya ang papalapit na yabag ng kaniyang ina. Naupo ito sa tabi niya. “Anak, hija, kainin mo ito. Makatutulong ito sa pagpapagaling mo.” Gumapang ang mga mata niya sa platito na may laman’g ilang slice ng pinya na inilapag ng kaniyang ina sa marble na table. Tipid ang ngiting tumingin siya sa ginang. “Thank you, ma.” “Walang anuman,” maliwanag ang mukhang tugon nito. “Si Papá?” maya-maya'y tanong niya nang tusukin ng tinidor ang isang slice roon. “You want some?” Umiling ito. “Hindi na, salamat. Kumain na ako,” pagtanggi nito. Lumingon







