author-banner
Osh Jham
Author

Novels by Osh Jham

The Billionaire’s Secret Bride

The Billionaire’s Secret Bride

Akala ni Bhemzly Acson ay habambuhay siyang untouchable. Lahat ay kayang paikutin, kayang tapakan—pati si Jack Devera, ang tahimik at simpleng lalaking minsang naging laruan ng kanyang kabataan. Ngunit paglipas ng panahon, bumaliktad ang mundo. Ngayon, si Jack na ang nasa itaas—isang respetadong billionaire na hindi lang ubod ng talino, kundi kontrolado rin ang halos lahat… kasama na ang kapalaran ni Bhem. At sa isang kasunduang wala siyang takas, napilitang tanggapin ni Bhem ang papel bilang asawang-kontrata ng lalaking minsan niyang sinaktan. Ang hindi niya alam, hindi lang paghihiganti ang dahilan ni Jack. Sa ilalim ng malamig nitong anyo, may lalaking matagal nang may pagtatangi sa babaeng nang-api sa kanya noon. At bang kasunduang ito, ay hindi lang para turuan siya ng leksyon—kundi para protektahan siya, ilayo sa mas malaking kapahamakan, at muling kilalanin ang pusong dati’y binasag. Ngunit sa pagitan ng galit at pag-aalangan, unti-unti ring lumilitaw ang tunay na kulay ng bawat damdamin. Kapag ang poot ay nagsimulang tumiklop sa harap ng muling pagtibok ng puso—may pag-asa pa bang maging totoo ang isang kasal na nagsimula sa kasinungalingan? Isang kwentong puno ng emosyon, sikretong hindi inaasahan, at isang lalaking kahit may sugat sa nakaraan—ay piniling mahalin pa rin ang babaeng naging dahilan nito.
Read
Chapter: Chapter 12 - PANLOLOKO MO'Y KUMPIRMADO NA!!!
Kumpirmado na.Sabi nga nila, walang baho ang hindi sumisingaw.Bilang isang babae, napakalaking dagok sa puso ko ang katotohanang pilit kong tinatakasan—ang katotohanang niloko ako ng taong buong akala ko ay akin. Gusto kong magalit. Gusto kong sumigaw. Gusto kong manira ng gamit, pero ni isa sa mga ito, hindi ko magawa. Alam kong sa huli, ako lang din ang talo. Ako lang ang masasaktan.Tama sila. Kapag nagmahal ka, huwag mong ibigay ang lahat. Dahil kapag ubos ka na, wala nang matitirang kahit konting halaga para sa sarili mo.Isang hindi inaasahang tawag ang gumising sa akin sa realidad. Isang lalaki ang nagsabing kailangan ko raw malaman ang totoo. Akala ko prank call lang, pero habang nagsasalita siya, isa-isa niyang binanggit ang lahat ng bagay na pilit kong kinukuwestyon sa isip ko. Ang totoo, matagal ko nang nararamdaman. Yung pakiramdam na may mali, pero pinipili mong huwag pansinin. Ngunit sa huli, lumabas din ang katotohanan.Tama ang hinala ko. Si Jade at ang Canadian na i
Last Updated: 2025-05-08
Chapter: Chapter 11 - PAGHIHINALA
"Marami daw ang namamatay sa maling hinala," ika nga ng matatanda.Pero mali nga ba talaga ang maghinala?Babae ako. At sa dami ng nararamdaman ko ngayon kay Jade, palagay ko ay natural lang naman sa aming mga babae ang makaramdam ng pagdududa. Lalo na kung may basehan, 'di ba?Ang hindi ko lang maintindihan, bakit araw-araw ko na lang itong nararamdaman? Hindi na ito basta simpleng selos. Ito na ang uri ng pakiramdam na gumigising sa akin sa gabi, at hindi na rin ako makatulog dahil sa mga gumugulong na tanong sa isip ko.Praning na yata ako. Kahit anong bagay tungkol kay Jade, inuugnay ko sa posibleng pagtataksil. Wala pa mang kumpirmasyon, pero ramdam ko na may mali. Siguro maiintindihan ninyo ako kung alam ninyo ang sitwasyon namin. LDR. Nasa ibang bansa siya, ako nandito lang sa Pilipinas.Nakakainsecure talaga. Lalo na kung ang nararamdaman mo ay unti-unting nadudungisan ng duda.Alam ko, hindi ako nag-iisa. Maraming babaeng tulad ko—nagmamahal, nag-aalala, at patagong nasasakta
Last Updated: 2025-05-07
Chapter: CHAPTER 10 – SELOS
Limang letra. Isang salita. Ngunit kayang guluhin ang puso at isipan ng kahit sinong umiibig. Selos.Mula nang makita ko ang ekspresyon ni Jade habang kausap ang babaeng 'yon ang babaeng Canadian na sinasabi niyang katrabaho lang hindi na ako mapakali. Parang may multong kumakalikot sa dibdib ko, gumagapang sa konsensya at bumubulong ng mga tanong na hindi ko masagot.Hindi ko maipagkakaila. Selosa akong tao. Pero hindi mo rin ako masisisi. Mahal ko si Jade. At kapag mahal mo, ayaw mong may ibang lumalapit. Dapat ikaw lang. Ikaw lang dapat ang tinitingnan. Ang nilalapitan. Ang pinipili.Doon ko napatunayan: hindi biro ang selos. Dati, pinagtatawanan ko lang 'yan. Akala ko arte lang. Pa-cute lang ng mga taong insecure. Pero iba pala 'pag ikaw na ang nasa posisyon. Totoo palang kaya kang lamunin ng selos, lalo na kung mahal mo ang taong maaaring maagaw ng iba.Isang linggo ang lumipas. Isang linggong katahimikan mula kay Jade. Walang tawag. Walang text. Walang paramdam.Hanggang kailan
Last Updated: 2025-05-06
Chapter: CHAPTER 9 - I MISS YOU, BABE
"Namimiss ba niya ako?" Iyan na lang ang tanong ko sa sarili ko habang nakaupo sa sofa sa loob ng opisina ni Jack.Halos hindi ko namalayan na tambak na pala ako ng trabaho dahil sa pagtitig ko sa cellphone ko, naghihintay ng tawag mula kay Jade."Hey... hey, Bhem. Kanina ka pa tulala riyan. Mukhang ang lalim ng iniisip mo ngayon, ah?""A-ah, s-sorry, h-hindi naman gaano kalalim," gulat kong sagot kay Jack. Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala siya. Kung hindi niya ako nilapitan at tinapik ang braso ko, baka buong araw na lang akong nakatulala.Buti na lang at bumalik ako sa realidad.Mag-aalas dose na ng tanghali nang makatanggap ako ng tawag mula kay Jade. Saktong tapos na ako mag-lunch at 1PM pa ang balik ko sa trabaho. May oras pa ako para maki-bebetime sa kanya."Hello, babe. Kumusta ka na riyan? Miss na miss na kita. Kumain ka na ba?" tanong niya habang ngumunguya ng salad."Opo, tapos na po ako. Ikaw na lang ang hindi pa tapos. Ubusin mo 'yan, babe. Halos mabulunan ka na.
Last Updated: 2025-05-05
Chapter: Chapter 8: LDR, Set-Up
"Congratulations, Babe!" masigla kong bati sa boyfriend kong si Jade habang nasa video call kami. Si Jade Lindo ang pangalan niya—isang IT Specialist sa Canada. Katatanggap lang niya ng promosyon bilang manager sa kompanya nila. Kaya naman kahit malayo siya, gusto kong maramdaman niya na proud ako sa kanya. "Thank you, Babe," ngumiti siya sa akin ng buong lambing. "Babe, kamusta ka na riyan sa Canada?" tanong ko sa kanya habang pinipilit itago ang lungkot sa likod ng ngiti ko. "Ito, Babe… namimiss ka. I want to hug you na po," malambing niyang sabi na agad nagpabula ng pisngi ko. "Namimiss din kita, kaso ang layo mo, eh. Hindi kita ma-hug," sagot ko habang tinititigan siya sa screen. Kita sa mga mata niya ang pananabik. "Sabi ko na sa 'yo, mapo-promote ka rin. Tiyaga lang." Ngumiti siya at tumango. "Tama ka, Babe. Kung hindi mo ako minotivate noon, baka sumuko na ako. Pero thankful ako kasi nariyan ka para sa 'kin. Hindi mo ako iniwan kahit malayo tayo sa isa’t isa," an
Last Updated: 2025-05-01
Chapter: Chapter 7 - Pananakot sa Likod ng Telepono, Huli Ka!
Matapos ang gabing puno ng saya, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Sa mukha ni Bhem ay mababakas ang lungkot, takot, at pag-aalala lahat ng ito ay nagsimula dahil lamang sa isang misteryosong tawag mula sa hindi kilalang numero. Isang tinig na hindi niya matukoy kung kanino, ngunit malinaw ang mensahe: may nagbabantang panganib.Kinabukasan, maaga na namang dumating si Bhem sa opisina ni Jack. Tulad ng nakagawian, siya pa rin ang unang dumarating, ngunit ngayon ay may halong kaba ang bawat hakbang niya. Hindi na niya tinangkang umupo sa upuan ng CEO gaya ng dati. Sa halip, pinili niyang sa sofa na lamang magtrabaho—mas malayo sa sentro, mas ligtas sa pakiramdam.Habang abala siya sa pag-aayos ng mga dokumento, may kumatok sa pintuan. Agad siyang napatayo. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Inakala niyang si Jack na ang dumating, ngunit pagbungad ng pintuan, isang delivery man lamang ang naroon."Good morning po, si Sir J po nariyan? May dala po kasi ako para sa kanya," magiliw na
Last Updated: 2025-05-01
You may also like
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status