
Babysitting The Ruthless Billionaire's Son
Mag-a-apply sana si Giselle bilang Domestic Helper sa Saudi Arabia. Pero pagdating niya sa Maynila, nadukutan siya, nawala ang mga papeles pati na rin ang perang inipon ng kanyang ama. Dahil insidenteng iyon, napadpad siya sa puder ni Raul Montoya—isang single dad na ubod ng gwapo, matipuno, at mayamang negosyante, ngunit ubod nga lang din ng sungit at palaging iritado. Magtatrabaho siya rito bilang nanny ng anak nito.
Unang araw pa lang niya sa trabaho, naranasan na niya ang hagupit ng sama ng ugali nito. Tila ang init ng dugo nito sa kanya at mas lumala pa ito sa mga sumunod pang mga araw hanggang sa natuto siyang lumaban dito, dahilan para mas lalo itong magalit sa kanya.
Ngunit hindi mapaalis-alis ni Raul si Giselle dahil napalapit na rito ang anak niya.
Nagpatuloy ang bangayan ng dalawa hanggang sa may nangyaring hindi inaasahan—isang makasalanang gabi ang nangyari sa kanilang dalawa. Isang gabing hindi nila malilimutan. Isang gabing nagparanas sa kanila ng kakaibang init at sarap.
Ito na kaya ang maging hudyat ng tuluyang pagbabago ng relasyon nilang dalawa?
Read
Chapter: Chapter 4Hindi ako mapakali habang tinatapos ko ang mga gawain ko. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Sir Raul. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong papuntahin sa kwarto niya nang gabi. Kung kakausapin niya lang ako, pwede namang ngayon na lalo na’t wala akong ibang ginagawa kundi ang magbantay sa anak niya.Napabuga na lang ako ng hangin bago napatitig sa mukha ni Seven.Iyong nakita ko kanina, sigurado akong hindi ‘yon ang nanay ni Seven. Masyado pang bata ang babaeng ‘yon. At sigurado naman akong hindi tatratuhin nang gano’n ni Sir Raul ang babaeng ‘yon kung ‘yon nga ang ina ni Seven.Maya-maya pa ay nagsimula nang gumalaw si Uno at ‘di nagtagal ay nagising na.“Seven, are you hungry?”Tumingin lang siya sa akin, sabay turo sa pinto.“Do you want to go out?”Mariin siyang umiling saka nangunot ang noo niya. Muli niyang tinuro ang pinto nang ilang beses, pagkatapos ay ako naman ang itinuro niya.“Gusto mo akong lumabas?” tanong ko at mabilis siyang tumango.“Pero w
Last Updated: 2025-05-11
Chapter: Chapter 3Diyos ko po!Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagsisimula na ring magpawis ang mga palad ko dahil sa labis na kabang nararamdaman ko. Palapit nang palapit sa akin si Sir Raul. Bawat hakbang niya ay naiisip ko na ang mga posibleng scenario sa oras na mahuli niya ako. Halos masakal ako sa kung anong bumara sa lalamunan ko. Pilit ko itong nilunok habang pinapakalma ko ang sarili ko. Sobrang lapit na ni Sir sa akin."Raul..." Pumulupot ang mga braso ng babae sa katawan ni Sir, dahilan para mapahinto siya sa paglapit sa cabinet. “You’re just hallucinating. There’s nothing in your cabinet but clothes,” dagdag niya. Gusto kong pasalamatan ang babae dahil hulog siya ng langit sa akin. Taimtim akong nanalangin na sana ay hindi ako mahuli. Unang araw ko pa lang sa trabaho at mukhang matatanggal na agad ako.“I know I saw something, Lanie,” matigas niyang sambit bago inalis ang kamay ng babae mula sa katawan niya. “Let’s stop here.”“What? We’re just getting started!” angal ng b
Last Updated: 2025-05-11
Chapter: Chapter 2"Sabihin mo nga ulit, Seven. Mommy... Mommy... Sabihin mo ulit yung sinabi mo." Nakangiti kong hinaplos ko ang mukha niya. Pero sa halip na magsalita ay tinabig niya ang kamay ko at umalis sa harapan ko.Kinuha niya ang ilang laruan na nasa likuran niya... at ibinato sa akin!"Seven, that's bad!" marahang suway ko sa kanya. Pero hindi talaga siya nakinig at kumuha pa ng iba para ibato sa akin.Mabuti na lang talaga at nagawa kong ilagan ang mga ‘yon."Why are you throwing your toys? Hindi mo ba sila gusto?"Hindi pa rin siya tumigil sa pagbato."What toy do you want?” mahinahong tanong ko sa kanya kahit na nagsisimula na akong mainis. “This one?” tanong ko at kinuha ang robot na laruan. “Can you point the toy that you want?” pakiusap ko sa kanya. Huminga ako nang malalim at kinontrol ang emosyon ko. “Please?”Tumingin lang siya sa akin. Walang bahid ng kahit na anong emosyon ang mga mata niya kaya hindi ko rin mahulaan kung ano ang iniisip niya.Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan
Last Updated: 2025-05-11
Chapter: Chapter 1Mugtong-mugto ang mga mata ko mula sa pag-iyak. Masakit na rin ang mga paa ko at nagugutom na ako.Kakaluwas ko lang dito sa Maynila kanina para sa flight ko sa isang araw papunta Saudi Arabia para magtrabaho roon bilang Domestic Helper. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadukutan ako. Itinakbo ng tatlong lalaki ang bag ko kung saan naroon ang pera na allowance ko, pati na rin ang mga papeles na ipapasa sa agency ko.Nang puntahan ko ang agency na magdadala sa akin sa Saudi ay hindi nila ako tinanggap dahil wala rin naman daw silang magagawa kung wala ang mga papeles ko. Kaya heto ako ngayon, hindi alam ang gagawin. Wala akong mapupuntahan.Wala ako sa sarili kaya hindi ko namalayan ang paparating na sasakyan. Sa sobrang gulat at takot ay bigla na lamang akong napaupo at muling napaiyak."Oh my god!" dinig kong bulalas ng driver at dali-daling lumabas ng sasakyan niya. "Miss, I'm sorry! I didn’t mean it!" Dinaluhan ako ng babae at hinawakan sa braso para itayo.Bahagya siyang na
Last Updated: 2025-05-11