Hindi ako mapakali habang tinatapos ko ang mga gawain ko. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Sir Raul. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong papuntahin sa kwarto niya nang gabi. Kung kakausapin niya lang ako, pwede namang ngayon na lalo na’t wala akong ibang ginagawa kundi ang magbantay sa anak niya.
Napabuga na lang ako ng hangin bago napatitig sa mukha ni Seven.
Iyong nakita ko kanina, sigurado akong hindi ‘yon ang nanay ni Seven. Masyado pang bata ang babaeng ‘yon. At sigurado naman akong hindi tatratuhin nang gano’n ni Sir Raul ang babaeng ‘yon kung ‘yon nga ang ina ni Seven.
Maya-maya pa ay nagsimula nang gumalaw si Uno at ‘di nagtagal ay nagising na.
“Seven, are you hungry?”
Tumingin lang siya sa akin, sabay turo sa pinto.
“Do you want to go out?”
Mariin siyang umiling saka nangunot ang noo niya. Muli niyang tinuro ang pinto nang ilang beses, pagkatapos ay ako naman ang itinuro niya.
“Gusto mo akong lumabas?” tanong ko at mabilis siyang tumango.
“Pero walang magbabantay sa ‘yo,” angal ko pero mas kumunot ang noo niya saka siya kumuha ng unan at ibinato sa akin.
Napangiwi ako at walang nagawa kundi ang umalis. Paglabas ko ay umupo na lang ako sa gilid ng pinto dahil hindi ko naman alam kung saan ako pupunta, at para mabantayan ko pa rin si Seven dahil baka kung ano ang gawin niya.
“Anong ginagawa mo riyan, Giselle? Nag-tantrums na naman ba si Seven?" biglang sulpot ni Ate Tessa.
Alanganin akong tumango bago sumilip sa kwarto ng bata. “Hindi pa siguro komportable sa akin,” tugon ko sa kanya. “Normal lang naman siguro na maging mailap siya sa akin.”
“Naku, kahit pa magtagal ka nang isang taon siguro dito, ‘di na magbabago ‘yang batang ‘yan,” aniya at nailing na lang. “Iyang ugali niyang ‘yan ang rason kung bakit walang nagtatagal sa kanya.”
Mahina akong tumango. “Gano’n ba?” tanging naisagot ko na lang dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin sa kanya.
Siguro kailangan ko lang talagang lawakan nang husto ang pang-unawa at pasensya ko. Malay natin, baka kapag naintindihan ko kung saan siya nanggagaling ay baka matutunan ko na rin kung paano siya pakisamahan.
“Nga pala, pwede mo nang dalhin si Uno sa dining dahil usually mga 6:00 PM siya kumakain ng dinner,” sambit nI Ate Tessa sa akin bago siya pumasok sa kwarto ng bata.
Tumango lang ako at pinuntahan ang bata. Matalim ang tingin nito sa akin pero hindi ako nakaramdam ng kahit na anong takot.
“Time to eat dinner," nakangiti kong sabi kay Seven.
“Seven, follow your nanny. Your daddy will get mad,” may pagbabantang sabi ni Ate Tessa habang inilalagay sa laundry basket ang mga maruruming damit ng bata.
Napansin ko ang mabilis na pagbabago sa ekspresyon ng bata. Mula sa matatalim niyang mga titig ay nanlambot ito at nabahiran ng takot. Ni hindi ko na siya kinailangang sabihan pa na bumaba dahil siya na mismo ang lumabas sa kwarto niya.
“Takutin mo lang ‘yang batang ‘yan. Gamitin mo ang pangalan ng daddy niya at susunod ‘yan sa ‘yo,” sabi sa akin ni Ate Tessa.
Tanging tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya bago ko sinundan ang bata. Hindi ko masabi sa kanya na hindi ako pabor sa ginawa niya. Hindi niya pinasunod ang bata. Tinakot niya ito. Kung gano’n nila tratuhin ang bata, marahil iyon din ang rason kung bakit tila mailap ito sa mga tao, lalong-lalo na sa mga kasambahay.
Pagkababa ko ay nadatnan ko si Seven na nakaupo na sa dining area at mukhang naghihintay na ng hapunan. Pero nang tingnan ko ang oras ay halos may isang oras pa bago mag-alas sais. At pansin ko ang pagtingin niya sa sala na para bang gusto niyang pumunta roon.
“Wanna go there?” tanong ko sa kanya. “Matagal pa naman bago ka mag-dinner. I will take you there if you want,” nakangiting dagdag ko.
Tumingin siya sa akin at mabagal na tumango. Napangiti ako sa tugon niya bago ko inilahad ang kamay ko.
“You wanna watch TV?” tanong ko habang naglalakad kami papunta sa sala.
Umasa akong magsasalita siya ulit, pero tanging tango lang ang tugon niya sa akin.
“Do you want to watch cartoons?” tanong ko sa kanya nang makaupo kami sa sofa.
Kita ko ang pagliwanag ng mga mata niya dahil sa sinabi ko, kaya naman ay agad ko nang binuksan ang TV.
Nang mahanap ko na ang channel na gusto niya ay hinayaan ko na lang siyang manood. Bahagya pang nakaawang ang maliit niyang bibig habang gumagalaw-galaw ang katawan niya na para bang sumasabay sa kantahan at sayawan ng cartoon characters.
“Hala, Giselle!”
Agad akong napatingin sa may hagdan nang marinig ko ang malakas na boses ni Ate Tessa. Dali-dali siyang lumapit sa akin at tinagaw ang remote sabay patay ng TV.
“Bakit mo pinanood ng TV si Seven?"
Nangunot ang aking noo. “Bakit, ‘di ko ba dapat ‘yon ginawa?” inosenteng tanong ko, bago binalingan ang bata na tila dismayadong nakatingin sa nakapatay nang TV.
“Hindi ka pa nga pala na-orient,” aniya at nailing na lang. “Bawal na kasing manood ng TV si Seven sa hapon. Umaga lang siya pwedeng manood.”
“Bakit?”
Ano namang masama kung papanoorin ko ang bata ng TV, wala naman siyang ibang ginagawa at mukhang gusto niya naman.
“Basta ‘yon ang sabi ni Sir Raul. Pero hayaan na, mukhang hindi naman niya alam siguro,” aniya bago nagpaalam dahil maglalaba pa siya.
“I’m sorry, Seven,” sabi ko na lang sa bata. “Don’t worry... tomorrow, I will try to wake up as early as possible so we can watch the TV earlier,” pangako ko sa kanya at kahit papaano ay napansin ko ang tuwa sa mga mata niya. Pero mas nangingibabaw pa rin ang pagkadismaya o kalungkutan.
Dinala ko na lang siya pabalik sa dining area at doon na lang hinintay ang paglipas ng oras.
Maya-maya pa ay may nakita akong matanda na nakasuot ng apron. Maamo ang kanyang mukha at tila palaging nakangiti ang kanyang mga mata. Tingin ko’y nasa fifties na siya. ‘Di ko tuloy maiwasang maalala sila mama at papa sa bahay.
“Magandang gabi po,” magalang na bati ko sa kanya. Siya na siguro ang sinasabi ni Ate Tessa na isa pa naming kasama.
“Magandang gabi rin, hija. Ikaw ba ang bagong nanny ni Seven?” Pati boses niya ay maamo at kalmado. Parang kaybait niyang tao.
“Yes po. Ako po si Giselle.” Mabilis akong tumayo at inilahad sa kanya ang kamay ko.
“Ako naman si Roda, ang cook ng bahay,” aniya at matamis na ngumiti sa akin.
“Nice meeting you po.”
Akala ko ay ako pa rin ang magbabantay kay Seven hanggang sa makatulog siya, pero hindi pala—si Nanay Roda pala. Sabi niya sa akin na ang trabaho ko ay hanggang sa makakain lang ng hapunan si Seven. Pagkatapos ay siya na raw ang magpapatulog dito.
Mag-a-alas siyete pa lang kaya minabuti kong ayusin muna ang mga gamit na dala ko dahil hanggang ngayon ay nasa maleta ko pa rin ang mga ito.
Matapos ituro sa akin ni Ate Tessa ang magiging kwarto ko ay dali-dali na akong pumunta roon.
Inilabas ko lang sa maleta ko ang mga damit at ibang gamit ko, pagkatapos ay dumiretso na ako sa banyo para maghugas ng katawan dahil ayoko namang harapin si Sir Raul na nanlalagkit ang katawan.
Matapos kong maghugas at magbihis ay dumiretso na ako sa kwarto niya. Balak ko pa sanang maghapunan, pero kukulangin na ako sa oras kaya mamaya na lang pagkatapos ko siyang puntahan.
Pagkarating ko sa tapat ng pinto niya ay sinigurado ko na munang alas-otso na bago ako kumatok. “S-Sir...? Si Giselle po ito, ang bagong nanny ni Seven,” malakas pero kinakabahan kong sabi bago muling kumatok.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at ang unang bumungad sa akin ay ang hubad na katawan ni Sir Raul kung saan may mga butil pa ng tubig na dahan-dahang tumutulo. Tanging puting tuwalya lang ang suot niya kung saan may kung anong bumubukol sa gitnang bahagi nito.
Agad akong napaiwas ng tingin. “Magandang gabi po, Sir,” bati ko sa kanya bago pasimpleng huminga nang malalim nang maramdaman ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.
“Come in,” sambit niya sa malalim na boses bago nilawakan ang awang ng pinto.
Tumango lang ako at hinintay siyang umalis sa may pinto pero ‘di siya gumalaw, kaya napilitan akong pumasok habang nakaharang siya. Buong ingat akong gumalaw para ‘di ako dumikit sa kanya. Amoy na amoy ko pa ang sabong ginamit niya sa pagligo nang makalagpas ako.
“You sit on the bed,” utos niya sa akin at ‘di ko rin alam kung bakit ko sinunod.
Nananatiling nasa sahig lang ang tingin ko. At nang makita ko ang mga paa niyang unti-unting lumalapit sa akin ay doon na nagsimulang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Ngayon ko lang napagtanto ang posibilidad na baka may gawin siya sa aking masama.
“Well then, let’s start,” aniya gamit ang malalim niyang boses bago siya mas lumapit sa akin.
“P-Po? S-Sir…”
Hindi ako mapakali habang tinatapos ko ang mga gawain ko. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Sir Raul. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong papuntahin sa kwarto niya nang gabi. Kung kakausapin niya lang ako, pwede namang ngayon na lalo na’t wala akong ibang ginagawa kundi ang magbantay sa anak niya.Napabuga na lang ako ng hangin bago napatitig sa mukha ni Seven.Iyong nakita ko kanina, sigurado akong hindi ‘yon ang nanay ni Seven. Masyado pang bata ang babaeng ‘yon. At sigurado naman akong hindi tatratuhin nang gano’n ni Sir Raul ang babaeng ‘yon kung ‘yon nga ang ina ni Seven.Maya-maya pa ay nagsimula nang gumalaw si Uno at ‘di nagtagal ay nagising na.“Seven, are you hungry?”Tumingin lang siya sa akin, sabay turo sa pinto.“Do you want to go out?”Mariin siyang umiling saka nangunot ang noo niya. Muli niyang tinuro ang pinto nang ilang beses, pagkatapos ay ako naman ang itinuro niya.“Gusto mo akong lumabas?” tanong ko at mabilis siyang tumango.“Pero w
Diyos ko po!Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagsisimula na ring magpawis ang mga palad ko dahil sa labis na kabang nararamdaman ko. Palapit nang palapit sa akin si Sir Raul. Bawat hakbang niya ay naiisip ko na ang mga posibleng scenario sa oras na mahuli niya ako. Halos masakal ako sa kung anong bumara sa lalamunan ko. Pilit ko itong nilunok habang pinapakalma ko ang sarili ko. Sobrang lapit na ni Sir sa akin."Raul..." Pumulupot ang mga braso ng babae sa katawan ni Sir, dahilan para mapahinto siya sa paglapit sa cabinet. “You’re just hallucinating. There’s nothing in your cabinet but clothes,” dagdag niya. Gusto kong pasalamatan ang babae dahil hulog siya ng langit sa akin. Taimtim akong nanalangin na sana ay hindi ako mahuli. Unang araw ko pa lang sa trabaho at mukhang matatanggal na agad ako.“I know I saw something, Lanie,” matigas niyang sambit bago inalis ang kamay ng babae mula sa katawan niya. “Let’s stop here.”“What? We’re just getting started!” angal ng b
"Sabihin mo nga ulit, Seven. Mommy... Mommy... Sabihin mo ulit yung sinabi mo." Nakangiti kong hinaplos ko ang mukha niya. Pero sa halip na magsalita ay tinabig niya ang kamay ko at umalis sa harapan ko.Kinuha niya ang ilang laruan na nasa likuran niya... at ibinato sa akin!"Seven, that's bad!" marahang suway ko sa kanya. Pero hindi talaga siya nakinig at kumuha pa ng iba para ibato sa akin.Mabuti na lang talaga at nagawa kong ilagan ang mga ‘yon."Why are you throwing your toys? Hindi mo ba sila gusto?"Hindi pa rin siya tumigil sa pagbato."What toy do you want?” mahinahong tanong ko sa kanya kahit na nagsisimula na akong mainis. “This one?” tanong ko at kinuha ang robot na laruan. “Can you point the toy that you want?” pakiusap ko sa kanya. Huminga ako nang malalim at kinontrol ang emosyon ko. “Please?”Tumingin lang siya sa akin. Walang bahid ng kahit na anong emosyon ang mga mata niya kaya hindi ko rin mahulaan kung ano ang iniisip niya.Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan
Mugtong-mugto ang mga mata ko mula sa pag-iyak. Masakit na rin ang mga paa ko at nagugutom na ako.Kakaluwas ko lang dito sa Maynila kanina para sa flight ko sa isang araw papunta Saudi Arabia para magtrabaho roon bilang Domestic Helper. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadukutan ako. Itinakbo ng tatlong lalaki ang bag ko kung saan naroon ang pera na allowance ko, pati na rin ang mga papeles na ipapasa sa agency ko.Nang puntahan ko ang agency na magdadala sa akin sa Saudi ay hindi nila ako tinanggap dahil wala rin naman daw silang magagawa kung wala ang mga papeles ko. Kaya heto ako ngayon, hindi alam ang gagawin. Wala akong mapupuntahan.Wala ako sa sarili kaya hindi ko namalayan ang paparating na sasakyan. Sa sobrang gulat at takot ay bigla na lamang akong napaupo at muling napaiyak."Oh my god!" dinig kong bulalas ng driver at dali-daling lumabas ng sasakyan niya. "Miss, I'm sorry! I didn’t mean it!" Dinaluhan ako ng babae at hinawakan sa braso para itayo.Bahagya siyang na